You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION Region


VIII
Division of Northern Samar
Catarman II District

TINOWARAN ELEMENTARY
SCHOOL

SUMMATIVE TEST 1
GRADE VI - ESP

I. Panuto: Isulat ang T kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pagtupad


sa pangako at M kung hindi sa patlang.

_______1. Dahil sa sobrang abala ko sa aking trabaho hindi na ako


pumunta sa kaarawan ng kaibigan ko na pinangakuan ko na
ako’y dadalo.
_______2. Nangako si Rita sa kanyang kaibigan na si Mila na magkikita
sila sa harap ng plasa sa ganap na ika-4 ng hapon para manood
ng palabas. Tinupad ni Rita ang kanyang pangako sa kaibigan.
_______3. Nangako ka na sasamahan mo ang kaibigan mo sa
kanyang pagbakasyon sa inyong lugar. Nakabalik na lamang
siya ng Maynila na hindi mo nakikita dahil tinatamad kang
mamasyal.
_______4. Sinabi mo sa inyong guro ang totoong pangyayari dahil
nangako ka na hinding- hindi ka na magsisinungaling.
_______5. Tinupad ni Jose ang kanyang pangako sa kanyang mga
magulang na maging isang doktor.
_______6. Inayos mo ang sirang laruan ng iyong kapatid na pinangako
mo sa kaniya na aayusin.
_______7. Kahit pagod ka galing sa pag-aaral ay tinulungan mo parin
ang kaibigan mo sa paghahanap ng kaniyang aso dahil sa
binitiwan mong pangako sa kaniya.
_______8. Himbing kang natulog sa araw ng lingo kahit nangako ka
na magsisimba kayo ng mga kaibigan mo.
_______9. Maaga kang gumising upang matapos agad ang gawaing
bahay dahil nangako kang tutulong ka sa paglilinis ng inyong
paaralan.
_______10. Hindi ka bumibitaw ng pangako na hindi mo kayang
tuparin.
II. Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pahayag ay nagsasaad
ng pagtupad sa napagkasunduan at kung hindi.

_______1. Maagang naligo si Allan dahil napagkasunduan nila ng


kaniyang nanay na madaling araw pa sila mamamalengke.
_______2. Hindi pumunta si Jessa sa napagkasunduan nilang lugar ng
kanyang matalik na kaibigan.
_______3. Sasali sa isang paligsahan ang grupo nina Alex dahil ito ang
kanilang napagkasunduan.
_______4. Matiyagang naghintay si Aling Marta sa mall kung saan
magkikita sila ng kanyang kumareng si Aling Susing na siyang
kanilang napagkasunduan.
_______5. Hindi natupad ang pinag-usapan ng barkada ni Joey na
maliligo sila sa ilog noong nakaraang Sabado dahil may ibang
pinagkaabalahan ang mga ito.
_______6. Usapan ng buong klase na babalik sa araw ng Sabado sa
paaralan para sa pagsasanay ng sayaw na itatanghal sa Lunes.
Lahat ay tumupad sa napag-usapan upang mapaganda ang
kalalabasan ng nasabing aktibidades.
_______7. Nagkasundo kayong magkakaibigan na pupunta sa plaza
upang panoorin ang mga palabas na gaganapin. Maaga kang
naghanda upang makarating sa lugar na napagkasunduan.
_______8. Napag-usapan nina Rico, Cris at Jhecor na magsasanay ng
larong chess para sa Palarong Pambansa sa araw ng Sabado
ngunit hindi nakapunta ang dalawa sa mga ito dahil may
piyestang dinaluhan.
_______9. Nakiusap at nakipagkasundo si Cindy sa kanyang guro na
ihahabol ang mga gawaing hindi niya naibigay dahil sa
karamdaman. Binigyan siya ng pagkakataon na ipasa ang mga
gawain sa susunod na linggo at agad niya itong natapos.
_______10. Nag-usap sina Jessiel at Joenel na aayusin at lilinisin nila
ang silid-aralan, ngunit nagulat ang buong klase nang makita na
marumi pa rin ito.
PREPARED BY:

ERMA ROSE C. HERNANDEZ


Adviser

You might also like