You are on page 1of 2

Schools Division Office

BAGONG DIWA ELEMENTARY SCHOOL


2244 Linceo St., Pandacan, Manila

ESP 6
SECOND QUARTER – SUMMATIVE TEST NO. 2
Panuto: Isulat ang T kung TAMA ang pahayag at M kung MALI.
______ 1. Si Sheila ay nangako na tutulong sa kanyang kaibigan ngunit kinalimutan niya ito.
______ 2. Si Luis ay humiram ng pera sa kanyang kaibigan at nangakong babayaran kinabukasan ngunit
ipinagsawalang-bahala niya ito.
______ 3. Dinamayan ni Carlo ang kanyang kaibigan na namatayan ng ama sa oras ng pagdadalamhati ng pamilya
nito.
______ 4. Maayos ang pakikipag-usap ni Sonia sa kanyang kaibigan na si Brenda ngunit kanya itong sinisiraan pag hindi
siya pinapakopya ng takdang-aralin.
______ 5. Isang umaga, may nasagap kang balita na nadisgrasya ang kapatid ng iyong kaibigan, agad-agad mo siyang
pinuntahan at dinamayan.
______ 6. Si Kristina ay tumakbo bilang pangulo ng Supreme Pupil Government at nagkataong ang kanyang
matalik na kaibigan na si Celia ang kanyang katunggali. Nanalo si Celia at agad itong kinamayan ni Kristina.
______ 7. May usapan kayo ng mga kaibigan mo na manood ng firework display sa plasa. Nakatakda kayong
magkita-kita ng ika-5 ng hapon ngunit hindi sila sumipot sa takdang oras na napag-usapan nyo.
______ 8.Hiniram ng matalik mo na kaibigan na si Lanie ang aklat mo sa Matematika. Ipinangako niyang isasauli
pagkaraan ng dalawang oras. Tinupad niya ang kanyang pangako na isasauli ang iyong aklat sa takdang oras.
______ 9. Nagkasakit ang kaibigan mo at hindi makapasok ng paaralan. Tinuruan mo siyang sagutin ang inyong
takdang-aralin.
_____ 10. Magsusuot kayo ng Filipiniana sa inyong palatuntunan sa Buwan ng Wika. Walang maisusuot ang iyong
kaibigan at nagkataong may dalawa kang kasuotan kaya’t pinahiram mo sa kanya ang isa.
Panuto: Isulat kung SANG-AYON o DI SANG-AYON sa pahayag.

11. Sinabi ni Mark sa kaniyang guro na siya ang nakabasag ng plorera.


12. Kumuha si John ng pera sa pitaka ng kaniyang Tatay ng hindi nagpaalam.
13. Nagpaalam si Grace sa kaniyang Nanay na pupunta siya sa parke subalit sa bahay ng kaniyang kaklase siya nagpunta.
14. Nakapulot si Joy ng payong. Nagkataon na ang pangalan ng kaniyang kaklase ang nakalagay kaya ibinalik niya ito.
15. Sobra ang sukli ng tindero kay Allan at hindi niya ito isinauli.
16. Dapat isauli ang mga bagay na hiniram mo.
17. Dapat aminin ang pagkakamali kahit alam mo na pagtatawanan ka ng ibang tao.
18. Dapat isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo.
19. Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang isang mahalagang bagay na napulot mo.
20. Tama lang na angkinin ang papuri para sa isang proyektong mahusay na ginawa ng iba.

Panuto: Isulat ang T kung TAMA ang pahayag at M kung MALI


21. Pinakokopya ni Rodney sina Ilcon at Julianne tuwing may pagsusulit.
22. Tinuturuan ni Edwin ang kaklase na si Grace sa pagaaral.
23. Pinagtatanggol ni Cyril ang kaibigan na si Janny kahit ito ay may masamang nagawa.
24. Walang kai-kaibigan sa maling gawain kaya pinagsasabihan ni Argie ang kaniyang kaibigan.
25. Pinapasunod ni Javen ang kaniyang kaibigan sa kaniyang maling ginagawa.
26. Hinahayaan ni Chad ang kaniyang mga kalaro na magbulakbol sa kanilang klase upang maglaro ng basketbol.
27. Si Renelle ay tumutulong sa kaniyang mga kapitbahay sa mabibigat na mga gawain.
28. Isinasama ni Rommel ang mga kaklase sa kanilang bahay tuwing may handaan.
29. Kapag may hindi gusto si Othelo sa kaniyang mga kaibigan, agad itong nagagalit.
30. Sina Marlon at Cyros ay tumutulong sa mga kaklase na babae sa paglilinis ng silid-aralan.
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin ang uri ng pananagutan na ipinapakita.
A. Pananagutan sa sarili
B. Pananagutan sa tahanan
C. Pananagutan sa paaralan
D. Pananagutan sa pamayanan

31. Paglilinis ng silid-aralan


32. Pagsunod sa gawaing-bahay
33. Pakikilahok sa pagpupulong ukol sa programang “Clean and Green.”
34. Pagkain ng masustansiyang pagkain
35. Pakikinig at pagsunod sa mga gawaing iniatang ng guro.

You might also like