You are on page 1of 2

Gawain sa Pagkatuto

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Unang Markahan – Unang Linggo

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: _________


Seksiyon: ________________

Blg. ng MELC:EsP6PKP-la-i-37

MELC: Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at


pangyayari.

Pamagat ng Aralin: Pagsusuri sa Sarili at Pangyayari

Gawain 1

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pangyayari o sitwasyon ay
nagsasaad ng pagsusuri sa sarili at MALI kung hindi ito nagsasaad ng pagsusuri
sa sarili.

_________1. Madalas kayong magtalo ng iyong kapatid tungkol sa pagdidilig


sa inyong hardin sa bahay. Kinausap mo siya at kayo’y nagkasundo
sa iskedyul ng araw ng inyong pagdidilig.

_________2. Lagi kang late sa pagpasok sa paaralan tuwing Lunes hanggang


Biyernes. Ito’y dahil sa iyong pagpupuyat sa online games na iyong
kinawiwilihan. Ipinagpatuloy mo ang ganitong gawain at hindi mo
sinunod ang payo ng iyong guro.

_________3. Ang iyong ina lang ang naghahanapbuhay sa inyong pamilya. Siya
ay nagtitinda ng kakanin sa harapan ng inyong bahay. Nagdesisyon
ka na siya ay tulungan pagkatapos ng iyong klase.

_________4. Iniipon mo sa iyong alkansiya ang perang ibinibigay sa iyo ng iyong


mga magulang. Ginagawa mo ito dahil gusto mong makaipon ng
pambili ng ice blender upang may magamit ka sa iyong pinaplanong
pagtitinda ng milk shake tuwing Sabado at Linggo.

_________5. Nagpadala ng mensahe sa messenger ang iyong kaibigan. Sinabi niya


na ipinagkakalat ng iyong pinsan na ikaw ay mahilig mangutang.
Agad mong tinawagan ang iyong pinsan at siya ay pinagsalitaan ng
mga di kaaya-ayang salita.
Page 2 of 2

Gawain 2

Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa bawat bilang. Hanapin sa kahon sa ibaba
kung ano ang nararapat na kasunod na pangyayari. Isulat ang titik ng inyong
sagot.

_________6. Nabalitaan mo na magkakaroon ng gift-giving ang Sangguniang

Kabataan sa inyong lugar. Kinausap mo ang SK Chairman at sinabing


ikaw ay magkakaloob ng karagdagang regalo para sa gawain….
_________7. Napansin mong unti-unting nawawala ang inyong mga alagang manok.
Wala kang ideya kung sino ang kumukuha kaya ….
_________8. Hindi mo sinusunod ang bilin ng iyong mga magulang kaya ….
_________9. Napansin mong lumalabo ang iyong paningin dahil sa sobrang
paggamit ng cellular phone sa paglalaro ng mobile legend….
________10. Pinahahalagahan mo ang mga pangaral ng iyong mga magulang
dahil…

a. palagi ka nilang napagagalitan.

b. naniniwala kang sila ang iyong katuwang sa pagtupad ng


iyong mga pangarap sa buhay.

c. Kinausap mo ang SK Chairman at sinabing ikaw ay magkakaloob ng


karagdagang regalo para sa gawain.

d. Gumawa ka ng imbestigasyon upang malaman ang dahilan.

e. Iniwasan mo na ang larong ito.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

RONALD T. SIA MARILYN R. TULAY

You might also like