You are on page 1of 3

FILIPINO 2

Written Work No. 1 Quarter 1

Pangalan: ______________________________Iskor: _______

I.Piliin ang tamang letra ng salitang nakakahon na tumutukoy sa mga pangungusap


sa ibaba.
A. bahay B. aklat C. payong
D. suklay E. sepilyo

____1. Umuulan man o umaaraw ay lagi ko itong bitbit. Ginagamit ko ito upang
di ako magkasakit. Sa munti kong braso aking sinasabit.
____2. Sa paaralan o tahanan ako’y iyong kaibigan. Kuwentong kay ganda,
mayroon ako niyan, marami ding aralin, saki’y matututunan.
____3. Paboritong lugar ng aking pamilya, narito si Inay, gayundin si Itay, Sina
Ate at Kuya lagi ko ditong karamay.
____4. Kaibigan ng ngipin kung ako’y ituring, kahit maliliit na singit aking
lilinisin, upang magandang ngiti mo’y laging mapansin.
____5. Gamit ako para buhok mo’y gumanda, umunat, umayos at kumikintab pa
para naman araw mo ay laging masaya.

II.Piliin ang angkop na magagalang na pananalita sa para bawat sitwasyon. Bilugan


ang letra ng tamang sagot.
1. Isang hapon, nasalubong mo ang nanay ng iyong matalik na kaibigan. Ano ang
iyong sasabihin?
A.Magandang hapon po.
B. Salamat po.
C. Paalam po.
D. Pasensiya na po, hindi ko po sinasadya.
2. Habang gumagawa kayo ng proyekto ay biglang natapakan mo ang isa sa mga
gamit ninyo. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kagrupo?
A.Magandang umaga.
B. Salamat.
C. Aalis muna ako.
D. Pasensiya na, hindi ko sinasadya.
3. Mataas ang nakuha mong marka. Bilang regalo, binigyan ka ng bagong damit
ng iyong ama at ina. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
A.Magandang umaga po.
B. Maraming salamat po.
C. Aalis na po kami, paalam po.
D. Pasensiya na po.
4. Isang umaga, nakita mo sa pamilihan ang kapitan ng inyong barangay. Ano
ang sasabihin mo?
A.Magandang umaga po.
B. Salamat po.
C. Paalam po.
D. Pasensiya na po.
5. Sa simbahan, napulot mo ang nalaglag na panyo ng isang ale. Iniabot mo ito sa
kanya at siya ay nagpasalamat sa iyo. Ano ang iyong itutugon?
A.Magandang umaga.
B. salamat
C.paalam
D. Walang anuman po.

III.Piliin sa loob ng kahon ang angkop na mensaheng nais iparating ng


sumusunod na sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot.

a. maging matapat
b. pangalagaan ang mga halaman
c. matutong maghiwalay ng basura
d. panatilihin ang kalinisan
e. umuwi ng maaga sa bahay

___1. Nakita ni Nikka ang magandang bulaklak sa parke. Gusto niya itong
pitasin ngunit nabasa niya sa karatula ang “Bawal pitasin ang mga bulaklak”
kaya masaya na lang niya itong pinagmasdan.
___2. Nagpapatupad ng kalinisan sa parke. Nabasa mo ang “Bawal magkalat.”
___3. Nakagawian mo na ang pagpunta sa bahay ng iyong kaklase tuwing uwian
para makipaglaro. Habang ikaw ay naglalakad sa daan ay nakita mo ang paalala,
“Curfew ng mga kabataan: Ikapito ng gabi.”
___4. Unang araw ng klase may napulat kang pera sa inyong silid-aralan at
inilagay mo iyon sa “Lost and Found.”
___5. Isa sa ordinansa ng barangay ang paghihiwalay ng mga basura na
nabubulok at di-nabubulok. Inilagay ni Roy ang balat ng mga prutas sa
nabubulok.

_____________________________
Parent's Signature

___________________________
Petsa

You might also like