You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 3

I. Layunin

Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nailalarawan ang ibat-ibang anyong lupa.


B. Natutokoy ang ibat-ibang anyong lupa..
C. Pagpapahalaga: Pangangalaga at pag-iingat ng mga anyong lupa.

II. Paksa at Aralin:

A: Paksa: Anyong Lupa

B. Sanggunian: http://free.easypdfcombine.com/index.jhtml?
partner=^BSB^xdm011&gclid=CKaupceL3M4CFQojvQodqvsMqg
http://www.slideshare.net/manuelii/anyong-lupa-51449192

C Kagamitan: Visual Aids at Pentel Pen

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtetsek ng liban at hindi liban..
c. Pagbati.
d. Pamantayan sa silid-aralan

B. Balik-Aral:

C. Pagganyak:

Pag-awit ng mga “Anyong Lupa” sa himig ng Leron-Leron Sinta

Mga Anyong Lupa


Dito sa ‘ting bansa
Lambak, kapatagan
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kaygandang pagmasdan
Burol, kabundukan
Ating alagaan

Inihanda ni Mary Jean M. Dacallos Page 1


D. Paglalahad

Anu-ano ang ibat-ibang uri ng anyong lupa?

E. Paglalahat:

Mga Uri ng Anyong Lupa

-Talampas- patag na lupa sa ibabaw ng bundok


-Lambak-patag at mababang lupain sa pagitan ng dalawang bundok
-Tangos- matulis at mataas na bahagi ng lupa sa baybaying dagat, napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok
-Tangway-mas mallit kaysa tangos
-Burol- mataas na bahagi ng lupa at mas mababa sa bundok.
-Kapatagan-patag at pantay na lupa
-Bulkan-anyo at hugis ng bundok na may bungagnga sa tuktok ngunit maaring sumabog ano mang oras.
di-aktibong bulkan ay tinatawag na dormant
-Bundok-mataas na lupa, matarik na bahagi at mas mataas kaysa burol

IV. Ebalwasyon:
Panuto: Ayusin ang mga pagkakasunod-sunod ng mga titik upang mabuo ang pangalan ng anyong lupa nilalarawan. Isulat
ang sagot sa patlang:

ubrlo___ __1.mataas na bahagi ng lupa at mas mababa sa bundok.


gapataank_2. patag at pantay na lupa
nublka____3.anyo at hugis ng bundok na may bungagnga sa tuktok ngunit maaring sumabog ano mang oras.
aamtpasl__4.patag na lupa sa ibabaw ng bundok
mbakla___5.patag at mababang lupain sa pagitan ng dalawang bundok

V. Pagsasanay:
Panuto: Tukuyin ang mga mga pangalan ng mga anyong lupa at isulat sa loob ng kahon .

Inihanda ni Mary Jean M. Dacallos Page 2


VI. Pagpapahalaga:
Magbigay ng paraan ng pangangalaga ng mga anyong ating mga anyong lupa.

VI. Takdang Aralin:


Magdikit sa kwaderno ng larawan ng mga anyong lupa.

Inihanda ni Mary Jean M. Dacallos Page 3

You might also like