You are on page 1of 5

BANGHAY - ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

Grade level: Grade 4 Teaching date : August 14, 2019

Learning Area : Araling Panlipunan Demo Teacher: Mardelyne S. Sanoy

Quarter : First Observer : Rolando B. Zarate


School Head

I. Layunin:

Pagkatapos ng 50- minutong talakayan ang mga mag-aaral sa ikaapat na


baitang ay inaasahang makamit ang 80 % na pagkatuto.

a. Naisa-isa at nailalarawan ang mga katangian ng mga pangunahing


anyong lupa sa bansa.

b. Natutukoy at naipaghahambing ang kaibahan ng mga pangunahing


anyong lupa.

c. Napapahalagahan at napapanatili ang kagandahan ng mga anyong lupa.

II. Paksang Aralin :

Mga Pangunahing Anyong Lupa sa Bansa

Kagamitan: Nakatarpapel nga mga larawan

Jumbled letters

Activity sheets

Sanggunian : Araling Panlipunan 4 pahina 53-56

III. Pamamaraan :
A. Paghahanda : Panalangin

Pagbati

Attendance

B. Balik-aral: Balik aral sa nakaraang aralin.


C. Pagganyak : Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat

Idikit ng guro sa pisara ang mga nagkahalo-halong letra at ipaayos ito


sa mga mga mag-aaral upang mabuo ang tamang salita na may kaugnayan sa paksang
aralin.

1. KPAAGATAN - KAPATAGAN

2. OBKUNU - BUNDOK

3. RLBUO - BUROL

4. TASMAPLA - TALAMPAS

D. Paglalahad :

Base sa mga nabuong tamang salita, ano kaya ang ating aralin sa
hapong ito? (Mga Pangunahing Anyong Lupa sa Bansa)

E. Lesson proper:

A. Gawain :

Bigyan ang bawat pangkat ng magkakaibang ginupit gupit na mga larawan


( picture puzzle ) ng mga pangunahing anyong lupa at bubuuin ito sa loob ng limang
minuto.

B. Analysis:

Base sa larawang nabuo, tatanungin ng guro ang bawat pangkat.

Ano ang larawang inyung nabuo? Paano ninyo mailalarawan ang kapatagan, bundok,
burol at talampas?

C. Abstraksyon :

Palawakin ng guro ang talakayan tungkol sa paksa sa pamamagitan ng


pagtatanong.

1. Ano-ano ang apat na pangunahing anyong lupa?

2. Ano ang ang kapatagan, bundok, burol at talampas?

3. Ano ang halimbawa ng kapatagan, bundok, burol at talampas?

4. Bakit angkop ang kapatagan sa pagtatanim ng mais, palay at gulay?

5. Paano maihahambing ang kapatagan sa talampas?


6. Paano maihahambing ang bundok sa burol?

At iba pa.

D. Aplication/ Paggamit

A. Pangkatang Gawain ( Differentiated activities)

1. Unang pangkat

Idikit sa tsart ang mga larawan ng tamang halimbawa ng mga pangunahing anyong
lupa.

MGA PANGUNAHING ANYONG LUPA SA BANSA


KAPATAGAN BUNDOK BUROL TALAMPAS

2.Ikalawang Pangkat ( Integration- Arts and ESP )

- Gumawa ng malaking poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga anyong


Lupa ( Poster Making )

3. Ikatlong Pangkat

Paglalarawan

Punan ang hinihinging Impormasyon.

Mga Pangunahing Anyong Lupa

ANYONG LUPA PAGLALARAWAN HALIMBAWA


Kapatagan
Bundok
Burol
Talampas

4. Ikaapat na Pangkat ( Integration – Music )

Mangtanghal ng maikling awitin na naglalaman ng kagandahan mga anyong sa ating


bansang Pilipinas.
Pangkatang Gawain

Pamanatayan Puntos
5 4 3 2 1

Nagpapakita ng kawilihan sa
gawain at buong galak na
nakikiisa.
Mahusay na nakisalamuha sa
kapangkat, may pagkakaisa at
respeto
Nagbahagi ng kani-kaniyang
ideya, pinakinggan at
nagkasundo.
Mahusay na naipakita/ naiulat/
naitanghal sa harap ng klase ang
awtput.
KABUUAN

IV. Ebalwasyon:
Panuto : Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.

___1. Anong anyong lupa ang patag, malawak at mababa?

a. bundok b. burol c. kapatagan

___2. Bakit angkop ang kapatagan sa pagtatanim ng palay,mais at gulay?

a. Dahil ito ay mataas.

b.Dahil ito ay mababa, patag at malawak

c. Dahil ito ay mabundok bundok.

___3. Ano ang pinakatanyag na halimbawa ng burol?

a. Mayon b. Apo c. Chocolate hills

___4. Alin sa mga sumusunod ang hindi anyong lupa?

a. dagat b. talampas c. buro

___5. Saan matatagpuan ang bundok Apo?

a. Silangang Cotabato

b. Timog Cotabato

c. Hilagang Cotabato

V. Kasunduan/ Takdang - Aralin


Iguhit ang apat na pangunahing anyong lupa na ating natalakay sa long
bondpaper at kulayan ( Integration- Arts )

You might also like