You are on page 1of 5

Kristina Cassandra L.

Hernandez 2-A2

Lesson Plan in Sibika at Kultura III

I. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Nakikilala ang iba’t ibang anyong lupa ng bansa.


b. Malaman ang pagkakaiba ng mga anyong lupa sa pamamagitan ng mga
larawan.
c. Aktibong nakakalahok sa mga gawain.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Anyong Lupa


b. Sanggunian: Sibika at Kultura III
c. Kagamitan: Iba’t ibang larawan ng mga ayong lupa

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


1. Pang araw-araw

Magandang hapon sa inyong lahat. Magandang hapon din po.

Magsitayo ang lahat. ( Magsisitayo ang lahat upang magdasal )


Maari ko bang tawagin si Conchita upang
pangunahan ang ating pagdarasal.

2. Patalista

May liban ba sa aking klase? ( Sasabihin ng mga bawat grupo kung sino ang
liban sa kanila )

3. Pagtsitsek ng Kalinisan

Maari nyo bang pulutin ang mga kalat na ( Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga
inyong nakikita at ayusin nyo ang inyong kalat at aayusin ang kanilang upuan )
mga upuan.
Tapos na po
4. Review

Bago tayo lumipat sa ating bagong aralin, Ang ating tinalakay kahapon ay tungkol sa
sino sa inyo ang nakakaalala ng tinalakay anyong tubig.
natin kahapon.

Magaling! Maari ba kayong magbigay ng Ilog, dagat, lawa, kipot, sapa, look, golpo, lawa,
iba’t ibang anyong tubig. bukal, talon, at batis.

Magaling! Mahusay na mag aaral.

B. Pagganyak

Pag awit sa “ Mga Anyong Lupa” sa himig ng


“Leron-Leron Sinta”

Mga anyong lupa


Dito sa ‘ting bansa
Lambak, kapatagan ( Lahat ng mag-aaral ay aawit )
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kay gandang pagmasdaan Burol,
kabundukan ating alagaan.

C. Paglalahad ng aralin

Ano ang inyong napapansin sa Ito po ay mayroong iba’t ibang anyong lupa.
kantang inyong inawit?

Magaling!

Anu-anong anyong lupa ang Lambak, kapatagan, talampas, bulkan,


nabanggit sa awitin? burol at bulubundukin.

Sa inyong palagay, ano ang ating Ang tatalakayin po natin sa araw na ito ay ang
tatalakayin sa araw na ito? anyong lupa.

Mahusay na mga mag aaral.

D. Paglalahat

Ilahad at ipaliwanag ang ibat-


ibang uri ng mga anyong lupa.

Sa mga larawan, alin sa mga larawan dito ang ( Ituturo ng mag-aaral kung nasaan ang
kapatagan? kapatagan )

Magaling! Ano ang kapatagan? Ang kapatagan ay pantay at matabang lupa


Pakibasa na pinagtataniman ng palay at gulay.

Magaling! Ano naman ang bundok? Ang bundok ay isang pagtaas ng lupa sa
Pakibasa daigdig, may matatarik na bahagi at
hamak na mas mataas kaysa sa burol.

Magaling! Ano naman ang nasa larawan na ito? Bulkan po.


Magaling! Ano ang bulkan?
Ang bulkan ay bundok na may hugis
puswelong butas na nilalabasan ng lava
kapag ito ay pumuputok.

Magaling! Meron tayong dalawang uri ng


bulkan, Ano ang mga ito? Tahimik at Aktibong Bulkan po
Ano ang tahimik at aktibong bulkan?
Una ang tinatawag na tahimik na
Bulkan, kung saan matagal na hindi ito
sumasabog.
Pangalawa ay ang aktibong bulkan na kung
saan maaari
itong sumabog anumang oras.
Ano naman itong hawak kong larawan?
Ano naman ang burol? Burol po.
Ang burol ay higit na mas mababa ito kaysa sa
bundok. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng
mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at
kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate

Magaling! Ano naman itong larawan na Lambak po.


hawak ko?
Mahusay! Ano naman ang lambak? Ang lambak ay patag na lupa sa pagitan ng
dalawang bundok.

Magaling! Ano sa tingin nyo ang larawan na Talampas po.


ito?
Magaling! Ano ang talampas? Ang talampas ay patag na anyong
lupa sa mataas na lugar.

Ano naman itong nakikita nyo sa larawang Bulubundukin po.


hawak ko?
Magaling! Ano naman ang bulubundukin? Ang bulubundukin po ay matataas at
matatarik na bundok na magkakadikit at
sunud-sunod
Magaling! At ang huling larawan ay ..? Pulo po.
Tama ito ay pulo. At ang pulo ay … Ang pulo ay bahagi ng lupa na napapaligiran
ng tubig.

E. Aplikasyon

( Ang mga mag aaral ay aayusin ang gulo


gulong letra upang makabuo ng salita)

Mga bata gusto nyo bang maglaro? Opo nais po naming maglaro.

Hahatiin ko kayo sa grupo. Ang bawat grupo ay


bibigyan ko ng mga letra at bubuuin nyo ito.
Pag nabuo nyo na ang salita pupunta kayo dito
sa gitna para sabihin kung anong uri ng anyong
lupa ang inyong nabuo.
Naintindihan nyo ba?
Opo naintindihan po namin.

Nagustuhan nyo ba ang ating laro?


Opo nagustuhan po namin.
F. Paglapat

Kumuha ng isang kapirasong papel mga bata.


Isulat at sagutin ang mga sumusunod. Ilagay ang
angkop na anyong lupa ang sa patlang.
1. Mga lupain na napalilibutan
ng tubig.
2. Higit na mas mababa ito 1. Pulo
kaysa sa bundok.
3. Patag na anyong lupa sa 2. Burol
mataas na lugar.
4. Isang lugar kung saan walang 3. Talampas
pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay
ang lupa rito. 4. Kapatagan
5. Isang uri ng bundok sa daigdig
na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. 5. Bulkan
IV.Takdang Aralin Paksa:
Ang Heograpiya
Sanggunian: Sibika at Kultura III
pp. 64-70

You might also like