You are on page 1of 5

Semi Detailed Lesson Plan

In

Araling Panlipunan III

I. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. makikilala ang iba’t ibang anyong lupa ng bansa;


b. malaman ang pagkakaiba ng mga anyong lupa sa pamamagitan ng mga
larawan;
c. aktibong nakakalahok sa mga gawain at;
d. mapagtanto ang kahalagahan ng pag-iingat sa mga anyong lupa.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Anyong Lupa
b. Sanggunian: Araling Panlipunan III

III. Kagamitan
 PowerPoint presentation at larawan sa pagtatalakay ng paksa
 Quizizz sa pagsasagawa ng Ebalwasyon

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Pambungad na Panalangin
 Pagtala ng liban sa klase
 Paglalahad ng mga alituntunin sa klase
 Pagbabalik-aral

B. Pagganyak
Ang mga mag-aaral ay naatasang umawit ng isang kantang may
pamagat na “Mga Anyong Lupa” sa himig ng “Leron-Leron Sinta”. Pagkatapos ay
sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:
 Ano ang napapansin sa kantang inawit?
 Anu-anong anyong lupa ang nabanggit sa awitin?
 Sa inyong palagay, ano ang ating tatalakayin sa araw na ito?

C. Pagtatalakay
Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng
mga anyong lupa gamit ang PowerPoint presentation at pagkatapos ay
ipaliwanag ito isa-isa sa klase.

TALAMPAS- patag na lupa sa ibabaw ng bundok


LAMBAK- patag at mababang lupain sa pagitan ng dalawang bundok
BUROL- mataas na bahagi ng lupa at mas mababa sa bundok
KAPATAGAN- patag at pantay na lupa
BULKAN- bundok na may hugis puswelong butas na may lumalabas na lava
kapag ito ay kapag ito ay pumuputok.
AKTIBONG BULKAN- Ito ay maaring sumabog anumang oras.
TAHIMIK NA BULKAN- Ito ay matagal nang hindi sumasabog.
BUNDOK- mataas na lupa, matarik na bahagi at mas mataas kaysa burol
PULO- bahagi ng lupa nanapapaligiran ng tubig
BULUBUNDUKIN - matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-
sunod

D. Aplikasyon

Gawain 1: “Buuin ako”

 Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng gawain na tinatawag na “Buuin


Ako”, sa gawaing ito ay aayusin ng mga mag-aaral ang gulo-gulong letra
upang makabuo ng isang salita na tumpak sa ipinakitang larawan sa
itaas.

UNOBDK LATAPMAS ALMAKB


PATAKAANG UKLABN OPUL

UBOLR ULBUDUBNKINU

Gawain 2: “Ibahagi mo!”

 Bawat mag-aaral ay inaasahang magbahagi ng isang anyong lupa na


makikita sa kanilang lugar at ilarawan ito.

E. Paglalahat
Magkakaroon ng pagbabalik tanaw upang mas maintindihan at
matandaan ng mga mag-aaral ang tinalakay na leksyon. Ang mga sumusunod ay
mga posibleng katanungan para sa mga mag-aaral:
 Ano-ano ang mga anyong lupa?
 Ano ang talampas?
 Ano ang bundok?
 Ano ang burol?
 Ano ang lambak?
 Ano ang pulo?

F. Ebalwasyon
Piliin ang angkop na anyong lupa. Ito ay sa pamamagitan ng Quizizz app
at bawat tamang sagot ay magkakaroon ng isang puntos.

1. Mga lupain na napalilibutan ng tubig.


A. Pulo B. Burol C. Kapatagan
2. Higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.
A. Burol B. Kapatagan C. Talampas

3. Patag na anyong Lupa sa mataas na lugar.


A. Bundok B. Talampas C. Kapatagan

4. Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay
ang lupa rito.
A. Kapatagan B. Talampas C. Lambak

5. Isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaring
lumalabas dito mula sa kailaliman ng lupa.
A. Bundok B. Bulkan C. Burol

6. Ito ay patag at mababang lupain sa pagitan ng dalawang bundok.


A. Lambak B. Bundok C. Kapatagan

7. Ito ay matatas ato matatarik na budok na magkakadikit at sunod-sunod.


A. Talampas B. Burol C. Bulubundukin

8. Ito ay mataas na lupa, matarik na bahagi at mas mataas kaysa burol.


A. Bundok B. Burol C.Talampas

9. Ito ay uri ng Bulkan na maaring sumabog kahit anong oras.


A. Aktibong Bulkan B.Aktibong Bolkan C. Tahimik na Bulkan

10. Ito ay isang buong heograpikal na yunit na kadalasang nakikita sa taas ng


isang lokasyon o tanawin.
A. Anyong lupa B. Tahimik na Bulkan C. Bundok

G. Takdang Aralin

Sa isang long bond paper, gumuhit ng isang anyong lupa na makikita sa


kanilang lugar at kulayan ito.

Inihanda ni:

JOBEL ARISNIÑA P. NOTE


BEED 2A

Binigyang Pansin ni:


LUCILLE TANGUIHAN
Facilitator

You might also like