You are on page 1of 4

Mala-Susing Banghay Aralin

Sa
Baitang – III Araling Panlipunan

I. Pamantayan sa pagkatuto:

Sa pagkatapos ng kahalating oras (30) minute na sesyon ng pag-aaral,


hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ang inaasahang:

A. Maisa-isa ang mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa.


B. Maipaliwanag kung ano ang katangian ng anyong lupa at anyong tubig.
C. Maiilarawan at matukoy kung ano ano ang halimbawa ng anyong lupa at
anyong tubig.

II. Nilalaman

A. Paksa: Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig ng Bansa


B. Sanggunian: Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral) lV, Pahina 53-66
C. Kagamitan: Mga Larawan (Anyong Lupa at Anyong Tubig), Biswal eyd
(tarpapel), Video Presentation (Anyong lupa at Anyong tubig), Word Wall at
Quizez (Educational Software)

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
a. Pambungad na panalangin
b. Pamamahala sa silid-aralan/ Pagsuri ng attendance
c. Alalahanin ang nakaraang paksa
1. Balikan ang nakaraang paksa sa mga mag-aaral.
2. Tanungin sila kung lubos nilang naiintindihan ang nakaraang paksa.
d. Paganyak
Mga Anyong Tubig at Lupa
I-play ang isang video ng Mga Anyong Tubig at Tubig at itanong sa mga
mag-aaral ang mga sumusunod na tanong:
• Ano ang nakita nyo sa video?
• Tungkol saan ang video?

e. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Mga


Anyong Tubig At Lupa sa ating rehiyon.
B. Paglinang ng Aralin

a. Talakayan
1. Ipakilala ang bagong paksa at hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang
mga ideya.
2. Magbigay ng halimbawa ng anyong tubig at anyong lupa.
3. Ano-ano ang katangian ng anyong lupa at tubig
4. Ipaliwanag ang iba’t-ibang katangian ng anyong lupa at tubig
5. Linawin ang ilang mga paksang hindi naintindihan

b. Gawain 1 (word wall)


1. Gagamitin ng guro ang “word wall’ upang ipakita ang larong pang-edukasyon.
2. Magprepresenta ang guro ng iba’t ibang larawan tungkol sa tinalakay na aralin.
3. Aalamin ng mag-aaral kung anong uri at anyo ang nasa larawan.
4. Inaasahang lalahok ang bawat mag-aaral sa aktibidad.

Gawain 2 (pasalitang diskurso)


1. Ang guro ay maghahanda ng isang tanong at sasagutin ng mga mag-aaral.
2. Bibigyan ng 30 segundo ang bawat estudyante na sumagot.
3. Ang estudyante ay sasagot lamang kapag tatawagin na sila ng guro.

IV. Ibalwasyon
Panuto: Piliin ang pinakamahusay na sagot para sa katanungan.
Mayroong apat na pagpipilian lamang. Inaaanyayaan ang mga mag-aaral na
pindutin ang link at mag sign up upang makalahok sa ibalwasyon na gamit ang
“quizzes”.

1. Burol ay halimbawa ng anong anyo?

a. Anyong tubig
b. Anyong lupa
c. Bundok
d. Bulkan

2. Ang Golfu ay halimbawa ng anong anyo?

a. Anyong tubig
b. Anyong lupa
c. Lawa
d. Karagatan
3. Ito ay malawak na lupaing patag na maaaring sakahan at taniman.

a. Talampas
b. Bundok
c. Bulkan
d. Kapatagan

4. Ito ay may anyo at hugis na tulad ng bundok ngunit maaari itong sumabog ano mang oras.

a. Bundok
b. Kapatagan
c. Bulkan
d. Burol

5. Ito ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig. Maalat ang tubig nito.

a. Dagat
b. Lo-ok
c. Ilog
d. Karagatan

6. Ito ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

a. Ilog
b. Baybayin
c. Lawa
d. Bukal

7. Saan nagmumula ang anyong tubig na bukal?

a. Sa ilalim ng lupa
b. Sa ilalim ng tubig
c. Sa ilalim ng unan
d. Sa ilalim ng bato

8. Anong klima sa disyerto?

a. Malamig
b. Mahangin
c. Mainit
d. Maulan
9. Ano ang pinakamataas na anyong lupa?

a. Burol
b. Bundok
c. Talampas
d. Lambak

10. Anong uri ng anyong tubig ang matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa?

a. Bukal
b. Talon
c. Sapa
d. Lawa

V. Takdang Aralin
Gumuhit ng tigtatatlong halimbawa ng anyong lupa at anyong tubig. Kulayan ito at ipasa sa
klaswork doon sa “google classroom” na ginawa ng iyong guro.

Inihanda ni:

MAY ANN REYES


BEED-2A

Itinama ni:

LUCILLE TANGUIHAN
Facilitator

You might also like