You are on page 1of 27

PANG- Paaralan: Baitang/Pangkat:

ARAW- Pangasinan State University Baitang 8


ARAW NA Guro: Asignatura:
TALA SA Sheila Mae Valdez Aguado Araling Panlipunan 8
PAGTUTURO Petsa/Oras: Markahan:
Unang Markahan
UNANG ARAW
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa
Pangnilalaman interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-
daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng
kasalukuyang henerasyon.

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang


Pagganap proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon
ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

C. Mga Kasanayan sa 1. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.


Pagkatuto (AP8HSK-Id-4)
(Isulat ang code ng Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
bawat kasanayan) makapagtatamo ng tagumpay sa mga sumusunod:
a. Nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa
katangiang pisikal ng daigdig; (Cognitive)
b. Nailalarawan ang daigdig base sa
nakapaloob sa teksto; (Cognitive)
c. Napahahalagahan ang mga biyayang bigay
ng kalikasan para sa mga tao; at (Affective)
d. Nakagagawa ng digital slogan at spoken
word poetry tungkol sa pangangalaga ng
daigdig (Psychomotor).

II. NILALAMAN Ang Tala na ito ay nakapokus sa pagtatalakay sa


Katangiang Pisikal ng Daigdig na nahahati sa mga
sumusunod na paksa:
a. Paksa 1 – Katuturan at Limang Tema ng
Heograpiya
b. Paksa 2 – Estruktura ng Daigdig

III. KAGAMITANG
PAMPAGKA-
TUTO
A. Sanggunian

1. Mga Pahina Kasaysayan ng Daigdig (Manwal ng Guro) III. 2012. Pp. 2-


sa Gabay ng Guro 10
2. Mga Pahina Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2000. pp. 3-
sa Kagamitang 15
Pang-Mag-aaral

3. Mga Pahina Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2012. Pp. 3-


sa Teksbuk 22

4. Karagdagang EASE III Modyul 1


Kagamitan Mula sa Araling Panlipunan Unang Markahan –
Portal ng Learning Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig
Resource

5. Iba pang Modyul:


Resources Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M.
Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher
H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo,
Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng
Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-
aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and
Department of Education-Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Online Resources:
Gonzales, N. (2014, June 16). Katangiang pisikal ng
Daigdig. Retrieved on January 7, 2022 from
www.slideshare.net:
https://www.slideshare.net/bladeleangle/katangiang
-pisikal-ng-daigdig
Jonathan. (2015, August 15). Ang katangiang pisikal ng
Daigdig. Retrieved on January 7, 2022 from
ap4hs.blogspot.com:
http://ap4hs.blogspot.com/2015/08/first-quarter-
aralin-1.html?m=1
Lumenlearning. (n.d.). The composition and structure of
Earth. Retrieved on January 7, 2022 from
courses.lumenlearning.com:
https://courses.lumenlearning.com/geophysical/cha
pter/the-composition-and-structure-of-earth/
Wordpress. (2013). Aralin 2: Ang katangiang pisikal ng
Daigdig. Retrieved on January 7, 2022 from
www.esepmeyer.wordpress.com:
https://www.esepmeyer.wordpress.com/2013/03/12/
aralin-2-ang-katangiang-pisikal-ng-daigdig/amp/

Bidyo (YouTube):
Earth 101 by National Geographic:
https://m.youtube.com/watch?v=HCDVN7DCzYE&feature
=share

B. Iba Pang • Laptop, Larawan, Bidyo, Tables, Graphic Organizers,


Kagamitang Software Application for lesson presentation, at iba pa
Pampagkatuto para sa birtwal na klase
• Modyul at aklat bilang “complimentary learning materials”
• Mga Online-based na laro, gawain at pagsusulit:
Gawain 1: Maalaala mo kaya?
https://www.proprofs.com/quiz-
school/story.php?title=continents-oceans_2
Gawain 2: Iikot mo, Sagot ko!
https://wheelofnames.com/
Gawain 5: Mahuli Taya!
https://ahaslides.com/FIELDSTUDY
Gawain 8: Pick a Titik!
https://forms.gle/iEd2VdbCpdJR2ru98

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa ELICIT Gawain 1: Maalaala mo


nakaraang aralin kaya?
at/o pagsisimula ng
bagong aralin Sa birtwal na klase,
sasariwain ng mga mag-
aaral ang mga mahalagang
natutuhan nila sa
nakaraang-aralin patungkol
sa mga Kontinente at
Karagatan ng Daigdig.

Panuto: Kumpletuhin ang


mga Kontinente at mga
Karagatan sa Blankong
Mapa ng M.
• Website link ng laro:
https://www.proprofs.com/q
uiz-
school/story.php?title=conti
nents-oceans_2

B. Paghahabi sa ENGAGE Gawain 2: Iikot mo, Sagot


Layunin ng Aralin ko!
Kaugnay sa Balik-Aral,
magbibigay ang mga mag-
aaral ng kanilang ideya sa
mga salita may kaugnayan
sa aralin.
Panuto: Gamit ang roleta,
pipiliin ang mag-aaral na
magbibigay ng kanilang
ideya sa mga sumusunod
na salita.
• Website link ng Roleta:
https://wheelofnames.com/
Mga Salita:
• Asya
• Antarctica
• Bundok
• Ekwador
• Daigdig
• Globo
• Latitude
• Pacific Ocean
• Pilipinas
• Tropikal

Halimbawa: Ang Asya ang


pinakamalaking kontinente
sa daigdig.

C. Pag-uugnay ng mga Gawain 3: #AlamNaDis!


Halimbawa sa Bilang pagpapakilala sa
Bagong Aralin bagong aralin, sasagutan
ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod na
pamprosesong tanong:

A. Sa inyong opinyon, ano


ang kaugnayan ng mga
nabanggit na salita sa pag-
aaralan o tatalakayin natin
sa araw na ito?
B. Ano ang kaugnayan ng
ating nakaraang aralin sa
bagong aralin na ating
tatalakayin?
D. Pagtalakay ng EXPLORE Gawain 4: Lamang ang
Bagong Konsepto may Alam!
at Paglalahad ng Sa seksyong ito, tatalakayin
Bagong Kasanayan na ng guro at mga mag-aaral
#1 ang mga bagong konsepto
at kasanayan ukol sa
“Katangiang Pisikal ng
Daigdig”.

Paksa 1 – Katuturan at
Limang Tema ng
Heograpiya
• Ano ang Heograpiya?
Ito ay ukol sa siyentipikong
pag-aaral ng katangiang
pisikal ng mundo.
Nakapaloob dito ang mga
Anyong Lupa at Anyong
Tubig; Likas na Yaman;
Klima at Panahon; Flora
(Plant Life) at Fauna
(Animal Life); at
Distribusyon at Interaksiyon
ng tao at iba pang
organismo sa kapaligiran
nito.
• Ano ang mga Limang
Tema ng Heograpiya?
1. Lokasyon – Nagsasaad
sa mga lugar sa mundo. Ito
ay nahahati sa dalawa:
Relatibong Lokasyon na
ang basehan ay ang nasa
paligid nito; at Lokasyong
Absolute na ginagamit ang
mga imahinasyong guhit
tulad ng longitude at latitude
line na sumasaklaw sa grid.
2. Lugar – Nagsasaad ito ng
mga katangiang naaayon sa
isang pook.
3. Rehiyon – Nagsasaad ito
sa bahagi ng daigdig na
pinag-iisa ng magkapareho
na katangiang pisikal at
kultural.
4. Interaksiyon ng Tao at
Kapaligiran – Ito ay
nagsasaad sa kaugnayan
ng tao sa pisikal at
katangian na may angkin ng
kaniyang kinaroroonan.
5. Paggalaw – Nagsasaad
ito ng pag-alis ng tao mula
sa kinalakihang lugar
papunta sa ibang lugar;
kasama din dito ang
paglipat ng mga bagay at
likas na pangyayari, tulad
ng hangin at ulan. May
tatlong uri ng distansiya ang
isang lugar: Linear, Time at
Psychological.

E. Pagtalakay ng Paksa 2 – Estruktura ng


Bagong Konsepto Daigdig
at Paglalahad ng • Ano ang Daigdig?
Bagong Kasanayan Ang daigdig ay pangatlo sa
#2 walong planeta na umiikot
sa araw. Ito ay binubuo ng
crust, mantle at core.
Crust — ang matigas at
mabatong parte ng daigdig
na ang kapal ay umaabot
mula 30-65 km palalim mula
sa mga kontinente. Subalit
sa mga karagatan, ito ay
may kapal lamang na 5-7
km.
Mantle — isang patong ng
mga batong napakainit kaya
malambot at natutunaw ang
ilang bahagi nito.
Core — ang kailalimang
parte ng daigdig na
sumasaklaw ng mga metal
tulad ng iron at nickel.
• Ano ang apat na hating-
globo ng mundo?
Ang mundo ay may apat na
hating-globo (Hemisphere):
Ang Northern Hemisphere
at Southern Hemisphere na
hinahati ng Equator, at ang
Eastern Hemisphere at
Western Hemisphere na
hinahati ng Prime Meridian.
• Pinakamataas na Bundok
sa Daigdig
1. Everest (Nepal/Tibet) –
8,848 m
2. K-2 (Pakistan) – 8,611 m
3. Kangchenjunga
(Nepal/India) – 8,586 m
4. Lhotse (Nepal) – 8,511 m
5. Makalu (Nepal/Tibet) –
8,461 m
6. Cho Oyu (Nepal/Tibet) –
8,201 m
7. Dhaulagiri (Nepal) –
8,167 m
8. Manashu (Nepal) – 8,163
m
9. Nanga Parbat (Pakistan)
– 8,125 m
10. Annapurna (Nepal) –
8,091 m
• Mga Karagatan sa Daigdig
1. Pacific Ocean –
155,557,000 km²
2. Atlantic Ocean –
76,762,000 km²
3. Indian Ocean –
68,556,000 km²
4. Southern Ocean –
20,327,000 km²
5. Arctic Ocean –
14,056,000, km²
• Ang Pitong Kontinente ng
Daigdig
1. Asya – 44,614,000 km²
2. Africa – 30,218,000 km²
3. North America –
24,230,000 km²
4. South America –
14,245,000 km²
5. Antarctica – 12,814,000
km²
6. Europe – 10,505,000 km²
7. Australia at Oceania –
8,503,000 km²

*Ito ay buod lamang, ang


kabuoan ng diskusyon ay
makikita sa mga huling
pahina.

F. Paglinang sa EXPLAIN Gawain 5: Mahuli Taya!


Kabihasaan (Tungo Upang pagyamanin ang
sa Formative kaalaman ng mga mag-
Assessment) aaral, magbibigay ang guro
ng isang online na laro.

Panuto: Sagutan ang 15 na


tanong mula sa mga
pagpipilian nito. Gamit ang
Leaderboard ng laro, ang
mahuhuli depende sa dami
ng maling sagot ay
magpipresenta sa susunod
na gawain.
Website link ng Laro:
https://ahaslides.com/FIELD
STUDY
QR Code ng Laro:

*Magsisimula lamang ang


laro kapag ito’y binuksan na
ng guro.

*Ang nilalaman ng laro ay


makikita sa mga huling
pahina.

G. Paglalapat ng ELABORATE Gawain 6: Tol, Dugtong!


Aralin Mula sa nakaraang gawain,
ilalapat na ng mga mag-
aaral ang kanilang
natutuhan sa gawain
hinanda ng guro.

Panuto: Babasahin ng guro


ang mga parirala na siya
namang dudugtongan ng
mga mag-aaral na
matatawag. Ang “Taya” sa
nakaraang gawain ang
unang sasagot at
magtatawag siya ng
susunod hanggang sa
madugtungan na lahat ang
mga parirala.
Mga Parirala:
1. Natutuhan ko sa aralin na
ang heograpiya ay _____.
2. Mailalarawan ko ang
mundo bilang _____.
3. Ang pagkakaroon ng
sapat na anyong lupa at
tubig ay patunay na ang
daigdig ay _____.
4. Ang mga masasaganang
kontinente ay nakatutulong
sa ating upang _____.
5. Dahil ako ay nabubuhay
sa mundo, nararapat
lamang na _____.

H. Paglalahat ng Gawain 7: Digitalized


Aralin L ve
Bilang paglalahat, ang mga
mag-aaral ay gagawa ng
Digital Slogan at ang guro
ay magbibigay na rubrik sa
paggawa nito.

Panuto: Gumawa ng isang


digital slogan tungkol sa
maaari mong magawa
upang mapangalagaan ang
daigdig. Maaring gumamit
ng Canva, PicsArt, at iba.

*Ang rubrik sa paggawa ng


Digital Slogan ay makikita
sa mga huling pahina.

I. Pagtataya ng Aralin EVALUATE Gawain 8: Pick a Titik!


Bilang pagtataya, susuriin
ng guro pagkakatuto ng
mga mag-aaral gamit ang
inihandang online na
pagsusulit.

Panuto: Basahing mabuti


ang bawat pahayag. Piliin
ang letra ng tamang sagot.
Website link ng Pagsusulit:
https://forms.gle/iEd2VdbCp
dJR2ru98
*Ang resulta ay
awtomatikong makikita
pagkatapos mismo ng
pagsusulit.

*Ang nilalaman ng
pagsusulit ay makikita sa
mga huling pahina.

J. Karagdagang EXTEND Gawain 9: Juan Says!


Gawain Para sa Ang panghuli at
Takdang Aralin karagdagang gawain ay
ipamamalas sa
pamamagitan ng Spoken
Word Poetry (Video
Recorded)

Panuto: Mahahati ang klase


sa 8 na grupo na may 5
miyembro. Bawat grupo ay
susulat ng tula tungkol sa
wastong pangangalaga sa
ating daigdig, irerekord ang
spoken word poetry sa kani-
kanilang bahay at
pagdidikitin sa isang bidyo
(Maximum: 5 minuto).

*Ipapasa ito sa gmail ng


guro:sheilavaldezaguado@
gmail.com

*Ang rubrik sa presentasyon


ng Spoken Word Poetry ay
makikita sa mga huling
pahina.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakuha ng 80%
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa aking mga
estratehiya sa pagtuturo
ang nakatulong nang
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong mga suliranin
ang aking naranasan na
maaring masulusyunanan
sa tulong ng aking
punongguro o tagamisid?
G . Anong inobasyon o
kagamitang panglokal ang
aking nagamit/natuklasan
namaaari kong maibahagi
sa aking kapwa guro?

INIHANDA NI :
Sheila Mae Valdez Aguado
GURONG NAGSASANAY
KABUOAN NG DISKUSYON: Lamang ang may Alam!

Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya

Nanggaling ang terminong heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at


graphia o paglalarawan. Sa madaling salita, ang heograpiya ay tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng mundo.

Anyong Lupa at
Anyong Tubig

Klima at Likas na
Heograpiya
Panahon Yaman

Flora (Plant Life) Distribusyon at interaksiyon


Fauna (Animal Life) ng tao at iba pang organismo
sa kapaligiran nito

Noong 1984 binanghay ang limang magkakapareha na temang heograpikal na


pinangunahan ng National Council for Geographic Education (NCGE) at ng
Association of American Geographers (AAG). Intensiyon ng mga temang ito na
gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang pagkontrol ng
agham panlipunan. Dahil sa mga temang ito, mas madaling maintindihan ng tao ang
mundo na kaniyang tinitirhan. Suriin ang kasunod na dayagram.
Limang Tema ng Heograpiya

Nagsasaad sa mga lugar sa mundo.

Lokasyon
May dalawang paraan upang malaman ang
tamang kinalagyan ng isang lugar sa mundo.

Relatibong Lokasyon na ang basehan ay


ang nasa paligid nito. Katulad halimbawa ng
mga anyong lupa, anyong tubig at mga
estrukturang gawa ng tao.
Lokasyong Absolute na ginagamit ang mga
imahinasyong guhittulad ng longitude at
latitude line na sumasaklaw sa grid.

Nagsasaad ito ng mga katangiang naaayon


sa isang pook.
Lugar
Katangian ng mga
Katangian ng taong nananahan
kinalalagyan tulad tulad ng wika,
ng klima, anyong relihiyon, densidad
lupa, anyong tubig, o dami ng tao,
at likas na yaman. kultura, at mga
sistemang politikal.

Nagsasaad ito sa bahagi ng daigdig na


Rehiyon pinag-iisa na magkapareho na katangiang
pisikal at kultural.
Ito ay nagsasaad sa kaugnayan ng tao sa
Interaksiyon ng Tao at pisikal at katangian na may angkin ng
Kapaligiran kaniyang kinaroroonan.

Ang kapaligiran ang siyang pinagkukunan


ng pangangailangan ng tao gayon din ang
pakikibagay ng tao sa mga pagbabagong
nangyayari sa kaniyang ginagalawan.

Nagsasaad ito ng pag alis ng tao mula sa


Paggalaw kinalakihang lugar papunta sa ibang lugar;
kasama din dito ang paglipat ng mga
bagay at likas na pangyayari, tulad ng
hangin at ulan.

May tatlong uri ng distansiya ang


isang lugar.

Linear Time Psycholo-


– gaano – gaano gical
kalayo katagal – gaano
ang isang ang tinatanaw
lugar paglalakb ang layo
ay ng lugar
Estruktura ng Daigdig

Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin, ang
araw. Sumasaklaw sa katawagan na solar system ang mga ito. Ang lahat ng may
buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw.
Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing sanhi ng eksaktong posisyon
nito sa solar system, na siyang basehan ng pag-ikot nito sa sariling aksis at ng
paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
Ang mundo ay binubuo ng crust, mantle at core.

Crust - ang matigas at mabatong


parte ng daigdig na ang kapal ay
umaabot mula 30-65 kilometro
(km) palalim mula sa mga
kontinente. Subalit sa mga
karagatan, ito ay may kapal
lamang na 5-7 km.

Mantle - isang patong ng mga


batong napakainit kaya malambot
at natutunaw ang ilang bahagi nito.

Core - ang kailalimang parte ng


daigdig na sumasaklaw ng mga
metal tulad ng iron at nickel.

Ang daigidig ay may apat na hating-globo (Hemisphere): Ang Northern


Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator, at ang Eastern
Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.
Northern Hemisphere

Prime Meridian

Eastern Hemisphere Western Hemisphere

Equator

Southern Hemisphere

Napakahina ng paggalaw ng mga plate na ito at umaabot lamang sa 5


sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-
uumpugan ng mga ito ay napakalakas at naging sanhi ng mga paglindol, pagputok ng
mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang
makapagsasabi kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga
kontinente sa daigdig ay nag-iiba-iba sa paglipas ng panahon.

Talahanayan 1.1: Pinakamataas na Bundok sa Daigdig

Bundok Taas (sa metro) Lokasyon


Annapurna 8 091 Nepal
Nanga Parbat 8 125 Pakistan
Manashu 8 163 Nepal
Dhaulagiri 8 167 Nepal
Cho Oyu 8 201 Nepal/Tibet
Makalu 8 461 Nepal/ Tibet
Lhotse 8 511 Nepal
Kangchenjunga 8 586 Nepal/India
K-2 8 611 Pakistan
Everest 8 848 Nepal/Tibet
Talahanayan 1.2: Mga Karagatan sa Daigdig

Lawak (sa Average na Pinakamalalim na


Karagatan kilometro lalim (sa bahagi
kwadrado) talampakan)
Arctic Ocean 14 056 000 3 407 Eurasia Basin
Atlantic Ocean 76 762 000 11 730 Puerto Rico Trench
Indian Ocean 68 556 000 12 596 Java Trench
Pacific Ocean 155 557 000 12 926 Marianas Trench
Southern Ocean 20 327 000 13 100 South Sandwich Trench

Talahanayan 1.3: Ang Pitong Kontinente ng Daigdig

Kontinente Lawak (kilometro Kwadrado)


Australia at Oceania 8 503 000
Europe 10 505 000
Antarctica 12 814 000
South America 14 245 000
North America 24 230 000
Africa 30 218 000
Asya 44 614 000
GAWAIN 5: MAHULI TAYA!

Unang Parte:
1. Oceania
A. Anyong Lupa
B. Anyong Tubig
C. Kontinente
2. South Sandwich Trench
A. Anyong Lupa
B. Anyong Tubig
C. Kontinente
3. Lhotse
A. Anyong Lupa
B. Anyong Tubig
C. Kontinente
4. Indian
A. Anyong Lupa
B. Anyong Tubig
C. Kontinente
5. Kangchenjunga
A. Anyong Lupa
B. Anyong Tubig
C. Kontinente

Ikalawang Parte:
6. Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna?
A. 8,091 m
B. 8,092 m
C. 8,093 m
D. 8,094 m
7. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig?
A. Annapurna
B. Everest
C. Lhotse
D. Makalu
8. Sa anong bansa matatagpuan ang ikalawa sa pinakamataas na bundok sa
dagidig?
A. Pakistan
B. Nepal
C. India
D. Tibet
9. Anong bahagi ng Atlantic Ocean ang pinakamalalim na may 11,730 na
average na lalim?
A. Java Trench
B. South Sandwich Trench
C. Eurasia Basin
D. Puerto Rico Trench
10. Kung Pacific Ocean ang pinakamalaking karagatan, ano naman ang
pinakamaliit?
A. Southern Ocean
B. Arctic Ocean
C. Indian Ocean
D. Atlantic Ocean

Ikatlong Parte:
11. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil
napalilibutan ng dagat ang bansa.
A. Lokasyon
B. Lugar
C. Rehiyon
D. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
12. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming
nars na Pilipino na doon magtrabaho.
A. Lugar
B. Rehiyon
C. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
D. Paggalaw
13. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India.
A. Lokasyon
B. Lugar
C. Rehiyon
D. Paggalaw
14. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa
mga bansang may magagandang pasyalan.
A. Lokasyon
B. Rehiyon
C. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
D. Paggalaw
15. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi
Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
A. Lokasyon
B. Lugar
C. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
D. Paggalaw
GAWAIN 7: DIGITALIZED L VE

Rubrik Para sa Paggawa ng Digital Slogan

Pamantayan Mahusay Katamtaman Nangangailangan Puntos


(5 puntos) (3 puntos) ng Pagsasanay
(2 puntos)
Nilalaman Napakabisang Mas mabisang Mabisang
naipakita ang naipakita ang naipakita ang
mensahe mensahe mensahe
Pagkamalikhain Napakaganda Mas maganda Maganda at
at napakalinaw at malinaw ang malinaw ang mga
ng mga titik at mga titik at titik at desinyo
desinyo desinyo
Kaugnayan Napakalaki ng Mas malaking Malaking
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa
Orihinalidad Napakabukod Mas bukod Bukod tangi ang
tangi ng mga tangi ang mga mga salita at
salita at ideya salita at ideya ideya
Kalidad ng Gawa Nakapukaw ng Mas Nakapukaw ng
interes at nakapukaw ng interes
tumatak sa interes
isipan
TOTAL
GAWAIN 8: PICK A TITIK!

EBALWASYON:

1. Ano ang tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong
na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito?
A. Core
B. Crust
C. Cover
D. Mantle
2. Ano ang pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar
at bagay na nasa paligid nito?
A. Latitude Line
B. Lokasyong Absolute
C. Longitude Line
D. Relatibong Lokasyon
3. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga
bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa
anong tema ng heograpiya?
A. Interaksiyon
B. Paggalaw
C. Lokasyon
D. Rehiyon
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong
lokasyon?
A. Anyong Lupa
B. Anyong Tubig
C. Imahinasyong Guhit
D. Estrukturang Gawa ng Tao
5. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman
at hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?
A. Ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig.
B. Ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan.
C. Napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran.
D. Sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig.
6. Kung ang interaksiyon ay nagsasaad sa kaugnayan ng tao sa pisikal at
katangian na may angkin ng kaniyang kinaroroonan. Alin sa mga sitwasyon ang
maaring maging halimbawa nito?
A. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi
Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
B. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil
napalilibutan ng dagat ang bansa.
C. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming
nars na Pilipino na doon magtrabaho.
D. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa
mga bansang may magagandang pasyalan.
7. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?
A. Antropolohiya
B. Ekonomiks
C. Heograpiya
D. Kasaysayan
8. Alin sa mga sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng
tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?
A. Lokasyon
B. Lugar
C. Paggalaw
D. Rehiyon
9. Sa anong tema ng heograpiya nakapaloob ang sitwasyon na “Ang Singapore
ay nasa 1º20ʹ hilagang latitud at 103º50ʹ silangang longhitud”?
A. Rehiyon
B. Lokasyon
C. Paggalaw
D. Interaksiyon
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon
bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.
B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
11. Sa mga anyong lupa naninirahan ang mga tao, ngunit malaki pa rin ang
gampanin ng tubig sa buhay ng lahat. Alin sa mga sumusunod ang tamamg
grupo ng mga anyong tubig?
A. Pacific, Arctic, Oceania, Atlantic, Southern Ocean
B. Lhotse, Arctic, Pacific, Atlantic, Ocenia, Indian
C. Atlantic, Pacific, Arctic, Indian, Southern Ocean
D. K-2, Lhotse, Ocenia, Pacific, Indian
12. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region (NCR) sa Pilipinas ang
nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng
sistema ng transportasyon at ng pabahay sa lungsod. Paano naging
“Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran” ang sitwasyon sa itaas?
A. Dahil matatagpuan ang NCR sa Pilipinas
B. Dahil mataas ang populasyon ng Pilipinas
C. Dahil naapektuhan ng tao ang paligid niya
D. Dahil pinapaunlad ng tao ang kanyang bansa
13. Ano ang average sa lalim ng talampakan mayroon ang Arctic Ocean?
A. 3,405
B. 3,406
C. 3,407
D. 3,408
14. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong
guhit ang humahati sa northern at southern hemisphere?
A. Equator
B. Latitude
C. Longitude
D. Prime Meridian
15. Sa anong tema ng heograpiya nakapaloob ang sitwasyon na “Portuges ang
wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Brazil”?
A. Lokasyon
B. Rehiyon
C. Interaksiyon
D. Lugar
16. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema
ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko.
D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.
17. Ang kontinente ay ang pinakamalaking masa ng lupa na kinaroroonan ng mga
bansa at pinaghihiwalay ng mga karagatan sa daigdig. Ano ang tamang
pagkakasunod nito mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit?
A. Asya, Africa, North America, South America, Antarctica, Europe,
Australia
B. Asya, North America, Africa, Europe, South America, Australia, Antarctica
C. Asya, North America, Africa, Antartica, Europe, Australia, South America
D. Asya, Africa, South America, North America, Antarctica, Australia, Europe
18. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may
pinakamaliit na sukat kilometro kuwadrado?
A. Antarctica
B. Australia at Oceania
C. Europe
D. South America
19. Ayon sa datos ng mahahalagang kaalaman tungkol sa daigdig, ilang porsiyento
mayroon ang tabang na tubig?
A. 1%
B. 2%
C. 3%
D. 4%
20. Bilang miyembro ng lipunan sa makabagong panahon, ano ang pinakamainam
na paraan upang makatulong ka sa kalikasan bilang isang mag-aaral?
A. Mahalin mo ang mundo sa paraan ng pagsi-share sa social media.
B. Ipaalam sa gobyerno ang mga lumalalang problema ng kalikasan.
C. Maging disiplinadong mag-aaral at pangalagaan ang iyong paligid.
D. Hikayatin ang kapwa na makipag-rally at magreklamo sa Presidente.
GAWAIN 9: JUAN SAYS!

Rubrik para sa Presentasyon ng Spoken Word Poetry

Pamantayan Mahusay Katamtaman Nangangailangan Puntos


(5 puntos) (3 puntos) ng Pagsasanay
(2 puntos)
Tema Ang buong tula Ang buong tula Ang buong tula ay
ay nagpapakita ay nagpapakita pangkaraniwan at
ng matinding ng ekspresyon nagpapakita ng
ekspresyon patungkol sa konting
patungkol sa tema. May repleksyon sa
tema. Ang mga ugnay ang mga tema. Hindi
ideya ay ideya sa gaanong
magkakaugnay tula.Naipamalas naipamalas ang
at ito’y orihinal ang damdamin damdamin sa
na ginawa. sa pagbigkas pagsabi ng tula.
Naipamalas ng ng tula.
mahusay ang
damdamin sa
pagbigkas tula.

Pagpapahayag May epektibong Naipapahayag Medyo malikot


pagpapahayag ang tula sa ang mata, hindi
ng tula sa pamamagitan klaro ang boses,
pamamagitang ng pagtingin sa may bahagyang
ng pagtingin sa mata, malinaw pagambala
mata, na pagbigkas pagdating sa
magandang ng mga salita at ibang linya.
tindig, malinaw may tono.
ang
ekspresyon,
malinaw ang
pagbigkas sa
bawat salita at
may tono.

Galaw ng Ang Ang ekspresyon Ang ekspresyon


Katawan ekspresyon ng ng mukha, ng mukha, ideya
mukha, ideya at ideya at galaw at galaw ng
galaw ng ng katawan ay katawan ay hindi
katawan ay kumukuha ng gaanong
kumukuha ng interes at kumukuha ng
malaking pagkasabik interes at
interes/ patungkol sa pagkasabik
pagkasabik tema. patungkol sa
patungkol sa tema.
tema. Malikhain
ang
presentasyon.
Estruktura ng Lahat ng mga Halos lahat ng Halos ang mga
Tula linya ay mga linya ay linya ay hindi
maayos na maayos na pinili magkakatugma,
pinili at may at may hindi organisado
pagkakatugma. pagkakatugma. ang
Organisado ang Organisado ang pagkakagawa.
pagkakagawa pagkakagawa.
at nakakadala
sa damdamin.

Boses Mahusay ang Maayos ang Di gaanong


pagbibigay diin pagbibigay din maayos ang
sa mga salita, sa mga salita, pagbibigay diin sa
sa pagtataas at sa pagtataas at mga salita, sa
pagbaba ng pagbaba ng pagtataas at
tono. Malakas tono. Medyo pagbaba ng tono.
at malinaw ang malakas ang Mahina ang
boses. boses. boses.
Mahusay ang
pagbigkas at
pagdedeliber.

TOTAL

You might also like