You are on page 1of 3

UNIVERSITY OF THE VISAYAS

PARDO CAMPUS
PARDO, CEBU CITY

LEARNING PLAN
GRADE : 8
UNIT TOPIC : Ang Daigdig

UNIT STANDARDS
Content Standard:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na
nagbigay daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang
humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon.

LEARNING COMPETENCIES
1. Naipapaliwanag ang mga katangian ng heograpiya ng daigdig.
2. Naiisa-isa ang mga tema ng heograpiya ; at
3. Napahahalagahan ang kinalaman ng heograpiya sa paghubog sa kasaysayan ng daigdig.

LEARNING TARGETS
Inaasahang makabubuo ng isang maikling dokumentaryo tungkol sa topograpiya ng bansa.

EXPLORE
Activity 1: Pre-Assessment (Loop-A-Word)
Panuto: Mula sa kahon ay hanapin ang mga salita na sa iyong tingin ay mayroong kinalaman sa
heograpiya ng daigdig. Bilugan ang mga makikitang salita. Mula rito, bumuo ng isang
pangungusap na may kaugnayan sa paksa at itala sa kwaderno.

FIRM UP
Gawain 1: Unawain
A. Tama o Mali. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang isang
pahayag ay makatotohanan o hindi. Kung ang pahayag ay may katotohanan, isulat ang
TAMA. Kung hindi makatotohanan ang pahayag, iwasto ang salitang may salungguhit sa
patlang na nakalaan. (Basahin ang pahina 59 ng iyong aklat)
UNIVERSITY OF THE VISAYAS
PARDO CAMPUS
PARDO, CEBU CITY

B. Pagtapat-tapatin. Pagtapat-tapatin ang mga deskripsyon sa Hanay A sa kanilang tinutukoy sa


Hanay B. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan.

Gawain 2: Pagnilayan

Subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa mga inilaang patlang.
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang pisikal na katangian ng daigdig?
2. Paano nagkakaiba ang limang tema ng heograpiya?
3. Paano naging magkaugnay ang heograpiya at kasaysayan?

Gawain 3: Radial List

Magmasid sa paligid at ilarawan ang mga manipestasyon ng mga tema ng heograpiya. Gamit ang
halimbawang banghay sa ibaba, ipaliwanag ang kahalagahan nito sa pag-aaral ng kasaysayan ng
daigdig. Humanap ng kapareha at makipagpalitan ng diskurso. Isulat ang iyong mga sagot sa
inyong kwaderno.

Tema ng
Heograpiya

DEEPEN
Earth Travel Brochure
Bumuo ng pangkat na mayroong limang miyembro. Talakayin ang mga heograpiya ng daigdig.
Bawat pangkat ay inaasahang makagagawa ng isang travel brochure para sa mga hindi nakatira
sa ating planeta o daigdig. Nakapaloob sa travel brochure na ito ang mga katangian, topograpiya
at mga tanawing makikita sa daigdig. Dapat na maipakita ang ugnayan ng pisikal na heograpiya
ng daigdig sa heograpiyang pantao nito. Ang pangkat ay pipili ng kinatawan upang ibahagi ang
kanilang ginawa sa harap ng klase.
UNIVERSITY OF THE VISAYAS
PARDO CAMPUS
PARDO, CEBU CITY

Mga Gabay na Tanong:


1. Para kanino ang iyong ginawang travel brochure?
2. Ano-ano ang mga mahahalagang bahagi ng iyong travel brochure?
3. Maeenganyo kaya ang mga makakabasa ng iyong travel brochure? Sa paanong paraan?

TRANSFER
Dokumentaryo
Ang bawat pangkat ay inaasahang makabubuo ng isang maikling dokumentaryo tungkol sa
topograpiya ng bansa. Ang dokumentaryo ay hindi dapat lalagpas sa sampung (10) minuto.
Siguraduhing natatalakay rito ang mga tema ng heograpiya, maging ang mga anyong lupa,
anyong tubig at likas na yaman dito. Ang mga dokumentaryo ay panonoorin at tatalakayin ng
buong klase.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano-anong mga lugar ang ipinakita sa dokumentaryo?
2. Ano-ano ang inyong mga napagtanto mula sa inyong mga nalaman at nakita?
3. Sa paanong paraan mo mapangangalagaan ang mga likas na yaman ng ating bansa?

ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN

You might also like