You are on page 1of 4

Detailed Lesson Plan Araling Panlipunan Grade 3

I. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Nakikilala ang iba’t ibang anyong lupa ng bansa.


b. Malaman ang pagkakaiba ng mga anyong lupa sa pamamagitan ng mga
larawan.
c. Aktibong nakakalahok sa mga gawain.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Anyong Lupa


b. Sanggunian: Sibika at Kultura III
c. Kagamitan: Iba’t ibang larawan ng mga ayong lupa

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


1. Pang araw-araw

Magandang hapon sa inyong lahat. Magandang hapon din po.

Magsitayo ang lahat. ( Magsisitayo ang lahat upang magdasal )


Maari ko bang tawagin si Conchita upang
pangunahan ang ating pagdarasal.

2. Patalista

May liban ba sa aking klase? ( Sasabihin ng mga bawat grupo kung sino ang
liban sa kanila )

3. Pagtsitsek ng Kalinisan

Maari nyo bang pulutin ang mga kalat na ( Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga kalat at
inyong nakikita at ayusin nyo ang inyong mga aayusin ang kanilang upuan )
upuan.
Tapos na po

4. Review

Bago tayo lumipat sa ating bagong aralin, sino Ang ating tinalakay kahapon ay tungkol sa
sa inyo ang nakakaalala ng tinalakay natin anyong tubig.
kahapon.

Magaling! Maari ba kayong magbigay ng iba’t Ilog, dagat, lawa, kipot, sapa, look, golpo, lawa,
ibang anyong tubig. bukal, talon, at batis.

Magaling! Mahusay na mag aaral.

B. Pagganyak

Pag awit sa “ Mga Anyong Lupa” sa himig ng


“Leron-Leron Sinta”

Mga anyong lupa


Dito sa ‘ting bansa
Lambak, kapatagan ( Lahat ng mag-aaral ay aawit )
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kay gandang pagmasdaan
Burol, kabundukan ating alagaan.

C. Paglalahad ng aralin

Ano ang inyong napapansin sa kantang Ito po ay mayroong iba’t ibang anyong lupa.
inyong inawit?

Magaling!

Anu-anong anyong lupa ang nabanggit Lambak, kapatagan, talampas, bulkan, burol at
sa awitin? bulubundukin.

Sa inyong palagay, ano ang ating Ang tatalakayin po natin sa araw na ito ay ang
tatalakayin sa araw na ito? anyong lupa.

Mahusay na mga mag aaral.

D. Paglalahat

Ilahad at ipaliwanag ang ibat- ibang uri


ng mga anyong lupa.

Sa mga larawan, alin sa mga larawan dito ang ( Ituturo ng mag-aaral kung nasaan ang
kapatagan? kapatagan )

Magaling! Ano ang kapatagan? Ang kapatagan ay pantay at matabang lupa na


Pakibasa pinagtataniman ng palay at gulay.

Magaling! Ano naman ang bundok? Ang bundok ay isang pagtaas ng lupa
Pakibasa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak
na mas mataas kaysa sa burol.

Magaling! Ano naman ang nasa larawan na Bulkan po.


ito?
Magaling! Ano ang bulkan? Ang bulkan ay bundok na may hugis
puswelong butas na nilalabasan ng lava kapag
ito ay pumuputok.

Magaling! Meron tayong dalawang uri ng Tahimik at Aktibong Bulkan po


bulkan, Ano ang mga ito?
Ano ang tahimik at aktibong bulkan? Una ang tinatawag na tahimik na
Bulkan, kung saan matagal na hindi ito
sumasabog.
Pangalawa ay ang aktibong bulkan na kung
saan maaari
itong sumabog anumang oras.

Ano naman itong hawak kong larawan? Burol po.


Ano naman ang burol? Ang burol ay higit na mas mababa ito kaysa sa
bundok. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan
ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan
at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate

Lambak po.
Magaling! Ano naman itong larawan na hawak
ko? Ang lambak ay patag na lupa sa pagitan ng
Mahusay! Ano naman ang lambak? dalawang bundok.

Talampas po.
Magaling! Ano sa tingin nyo ang larawan na
ito? Ang talampas ay patag na anyong
Magaling! Ano ang talampas? lupa sa mataas na lugar.

Bulubundukin po.
Ano naman itong nakikita nyo sa larawang
hawak ko? Ang bulubundukin po ay matataas at matatarik
Magaling! Ano naman ang bulubundukin? na bundok na magkakadikit at sunud-sunod
Pulo po.
Ang pulo ay bahagi ng lupa na napapaligiran
Magaling! At ang huling larawan ay ..? ng tubig.
Tama ito ay pulo. At ang pulo ay …

E. Aplikasyon

( Ang mga mag aaral ay aayusin ang gulo


gulong letra upang makabuo ng salita)
Opo nais po naming maglaro.

Mga bata gusto nyo bang maglaro?

Hahatiin ko kayo sa grupo. Ang bawat grupo ay


bibigyan ko ng mga letra at bubuuin nyo ito.
Pag nabuo nyo na ang salita pupunta kayo dito
sa gitna para sabihin kung anong uri ng
anyong lupa ang inyong nabuo. Opo naintindihan po namin.
Naintindihan nyo ba?

Opo nagustuhan po namin.


Nagustuhan nyo ba ang ating laro?

F. Paglapat

Kumuha ng isang kapirasong papel mga bata.


Isulat at sagutin ang mga sumusunod.
Ilagay ang angkop na anyong lupa ang sa
patlang. 1. Pulo
1. Mga lupain na napalilibutan ng
tubig. 2. Burol
2. Higit na mas mababa ito kaysa
sa bundok. 3. Talampas
3. Patag na anyong lupa sa
mataas na lugar. 4. Kapatagan
4. Isang lugar kung saan walang
pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay
ang lupa rito. 5. Bulkan
5. Isang uri ng bundok sa daigdig
na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.

IV. Takdang Aralin


Paksa: Ang Heograpiya
Sanggunian: Sibika at Kultura III
pp. 64-70

You might also like