You are on page 1of 4

Mekhael S.

Jammang & Rumina Kiram Prof Ed Student

Lesson Plan in Aralin Panlipunan 7

I. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Nakikilala ang iba’t ibang anyong lupa ng bansa.


b. Malaman ang pagkakaiba ng mga anyong lupa sa pamamagitan ng mga larawan.
c. Aktibong nakakalahok sa mga gawain.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Anyong Lupa


b. Sanggunian: ARALIN PANLIPUNAN 7
c. Kagamitan: Iba’t ibang larawan ng mga ayong lupa, Cartolina,

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


2. Pang araw-araw

Magandang umaga sa inyong lahat ako nga pala si Magandang Umaga rin po sa inyo ginoong khael at
ginoong khael at ang kasama ko ay si ginang kiram ginang kiram
kami ang inyong guro para sa asignaturang ito,

Magsitayo ang lahat.


( Magsisitayo ang lahat upang magdasal )
Maari ko bang tawagin si Monkey D. Luffy upang
pangunahan ang ating pagdarasal.

3. Pagtsitsek ng Kalinisan

Maari nyo bang pulutin ang mga kalat na inyong ( Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga kalat at aayusin
nakikita at ayusin nyo ang inyong mga upuan. ang kanilang upuan )

Mag si upo na kayo mag-aaral. Tapos na po

2. Patalista
( Sasabihin ng mga bawat grupo kung sino ang liban sa
kanila )
May liban ba sa aking klase?
3. Review Ang ating tinalakay kahapon ay tungkol sa anyong
tubig.
Bago tayo lumipat sa ating bagong aralin, sino sa inyo
ang nakakaalala ng tinalakay natin kahapon.
Ilog, dagat, lawa, kipot, sapa, look, golpo, lawa, bukal,
Magaling! Maari ba kayong magbigay ng iba’t ibang talon, at batis.
anyong tubig.

Magaling! Mahusay na mag aaral.

B. Pagganyak

Pag awit sa “ Mga Anyong Lupa” sa himig ng “

Mga anyong lupa


Dito sa ‘ting bansa
Lambak, kapatagan ( Lahat ng mag-aaral ay aawit )
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kay gandang pagmasdaan
Burol, kabundukan ating alagaan.

C. Paglalahad ng aralin

Ano ang inyong napapansin sa kantang inyong Ito po ay mayroong iba’t ibang anyong lupa.
inawit?

Magaling!

Anu-anong anyong lupa ang nabanggit sa Lambak, kapatagan, talampas, bulkan, burol at
awitin? bulubundukin.

Sa inyong palagay, ano ang ating tatalakayin sa


araw na ito? Ang tatalakayin po natin sa araw na ito ay ang anyong
lupa.
Mahusay na mga mag aaral.

D. Paglalahat

Ilahad at ipaliwanag ang ibat- ibang uri ng mga


anyong lupa. ( Ituturo ng mag-aaral kung nasaan ang kapatagan )

Sa mga larawan, alin sa mga larawan dito ang


kapatagan?

Magaling! Ano ang kapatagan?


Pakibasa Ang kapatagan ay pantay at matabang lupa na
pinagtataniman ng palay at gulay.

Magaling! Ano naman ang bundok?


Pakibasa Ang bundok ay isang pagtaas ng lupa
sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas
mataas kaysa sa burol.

Magaling! Ano naman ang nasa larawan na ito?


Magaling! Ano ang bulkan? Bulkan po.

Ang bulkan ay bundok na may hugis puswelong butas


na nilalabasan ng lava kapag ito ay pumuputok.

Magaling! Meron tayong dalawang uri ng bulkan, Ano


ang mga ito? Tahimik at Aktibong Bulkan po
Ano ang tahimik at aktibong bulkan?
Una ang tinatawag na tahimik na
Bulkan, kung saan matagal na hindi ito sumasabog.
Pangalawa ay ang aktibong bulkan na kung saan maaari
itong sumabog anumang oras.

Ano naman itong hawak kong larawan? Burol po.


Ano naman ang burol? Ang burol ay higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.
Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang
damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay
nagiging kulay tsokolate

Magaling! Ano naman itong larawan na hawak ko? Lambak po.


Mahusay! Ano naman ang lambak?
Ang lambak ay patag na lupa sa pagitan ng dalawang
bundok.
Magaling! Ano sa tingin nyo ang larawan na ito?
Magaling! Ano ang talampas? Talampas po.

Ang talampas ay patag na anyong


Ano naman itong nakikita nyo sa larawang hawak ko? lupa sa mataas na lugar.
Magaling! Ano naman ang bulubundukin?
Bulubundukin po.

Magaling! At ang huling larawan ay ..? Ang bulubundukin po ay matataas at matatarik na


Tama ito ay pulo. At ang pulo ay … bundok na magkakadikit at sunud-sunod
Pulo po.
Ang pulo ay bahagi ng lupa na napapaligiran ng tubig.
IV. Takdang Aralin
Paksa: Ang Heograpiya
Sanggunian: Aralin Panlipunan 7
pp. 64-70

You might also like