You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Arapan IV

Name of Teacher: John Vincent P. Arong Grade Level: Grade 4


1st
Learning Areas: Arapan 4 Quarter: October 28, 2021

I. Layunin: Pagkatapos ng aralin 85% ng mag-aaral ay inaasahan ;


A. Maiisa-isa ang mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig sa
bansa
B. Mailalarawan ang anyong lupa at anyong tubig sa bansa
C. Malalaman ang kahalagahan ng anyong lupa at anyong tubig sa
bansa
D. Masasagutan ang mga katanungan.
II. Paksang Aralin:
Paksa : Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa
Bansa
Kagamitan : Mga larawan , prc , LED tv, Power point presentation ,
manila paper ,pentelpen ,testpaper
Sangguniang : LM. 53-66
K-12 AAB-Ig-H-10
Pagsasanib.
ESP : Pagtulong sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran
Mapeh : Ibat ibang uri ng hugis
Science : Part of the Environments

III. Pamaraan:
A. Panimula
 Pagwasto ng takdang aralin
 Balik- aral
 Paghahabi sa layunin ng aralin
Kagubatan- ito y binubuo ang mga malalaking punong
kahoy at tirahan ng mga maiilap na hayop.
Bulkan- ito ay anyong lupa na sumasabug kagaya nang Mt.
Mayon sa Albay
Bundok- ito ang pinakamataas na uri ng anyong lupa.
Burol- ito ay mataas na lupa ngunit masmababa kaysa
bundok.
Kapatagan- ito ay malawak na lupain na patag at mababa.

Karagatan- ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na


anyong tubig.
Dagat-ito ay bahagi ng karagatan at ang tubig ay mas
mainit kaysa karagatan
Talon- ito ay tubig na umaagus mula sa mataas na lugar
tulad ng bundok.
Golpo- ito ay maliit na bahagi ng karagatan na naguugany
sa lupa.
Kipot-ito ay makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng
dalawang mga pulo.

Unang gawain: ( Pangkatan gawain)


Iguhit mo! Sasagutin ko!
Magkakaroon ng dalawang pangkat Unang pangkat at Ikalawang
pangkat.
Panuto:
1. Bawat pangkat ay magkakaroon ng isang
tagaguhit sa harapan.
2. Bibigyan nang 1 minuto upang maguhit ang
ipinapaguhit ng guro.
3. Ang matitirang myembro ang huhula ng
ginuhit sa harapan.
4. Ang unang makakuha ng tamang sagot ay
ang mananalo.

 Bulkan
 Bundok
 Talon
 Ilog

B. Paganyak
Ang aralin natin ngayong umaga ay tungkol sa
Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Bansa.

Ikalawang Gawain:
Gamit ang PRC, isulat ang AL kung ang larawan ay nagpapakita
ng Anyong Lupa o AT kung Anyong Tubig naman.(flash a
word with pictures)

Kagubatan Bundok

Karagatan Burol
Talon

C. Pagtatalakay
Magpapakita ng maikling video na nagpapakita nang anyong
lupa at anyong tubig.

Ibigay ang kahulugan nga anyong lupa at anyong tubig.

Anyong Lupa- dahil sa pagiging kapuluan ng bansa, ito ay


binubuo ng maraming pulo. Sa mga pulo sa bansa makikita
ang mga pangunahing angyong lupa. Kinabibilangan ito ng
kapatagan, bundok, burol, bulkan , kapatagan, at talampas.

Anyong Tubig- inaasahang napapaligiran ng mga pangunahing


angyong tubig ang bansa dahil sa pagiging kapuluan nito. Ang
mga pangunahing angyong tubig ay ang karagatan, dagat,
talon, golpo, tsanel at kipot.

Gamit ang mga larawan na makikita sa monitor, ipaliwanag

kung saan sila na angkop.

Anyong Lupa
Bulkan Kagubatan

Kapatagan Bundok
Talampas

Anyong Tubig
Karagatan Dagat

Golpo Tsanel

Kipot Talon
Ilog

Ikatlong Gawain ( Pangkatan Gawain)

Gamit ang manila paper, isulat sa tamang kolum sa

talahanayan. Ang mga salita makikita sa kahon. At pagkatapos

pumili nang taga pag-ulat sa harapan.

Bundok Dagat Talon Kapatagan Burol

Bulkan Ilog Kagubatan Golpo Tsanel

Angyong Lupa Angyong Tubig

D. Paglalahat

Ang Pilipinas ay nabiyayaan ng iba’t ibang angyong lupa at angyong


tubig. Ang kapatagan, talampas, bundok, at burol ang mga pangunahing
angyong lupa sa bansa. Ang ibang pang mga angyung lupa na makikita
sa mga pulo sa bansa ay ang bulkan at lambak. Napaliligiran ang mga
pulo ng bansa ng mga pangunahin angyong tubig tulad ng karagatan,
dagat, look, tsanel, golpo, at kipot. Ang iba pang mga angyong tubig sa
bansa ay ang ilog, lawa, talon, at bukal. Mapalad tayo at maraming
angyong lupa at angyong tubig sa atin bansa kaya naman atin itong
pangalagaan at mahalin upang ito ay maabutan ng mga bagong
kabataan.
IV. Pagtataya:
Panuto: Bilugan ang lilik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Ito ay ang maliit na bahagi ng karagatan na nag-uugany sa lupa.


A. Golpo B. Dagat C. Talon
2. Ito ay tubig na umaagus mula sa mataas na lugar tulad ng
bundok.
A. Dagat B. Ilog C. Talon
3. Ito ay ang pinakamataas na uri ng anyong lupa.
A. Bulkan B. Bundok C. Talampas
4. Ito ay ang malawak na lupain na patag at mababa.
A. Kapatagan B. Burol C. Bundok
5. Ito ay ang pinakamalaki at pinakamalawak na anyong tubig.
A. Ilog B. Karagatan C. Golpo

V. Takdang Aralin

Sagutan ang nasa pahina 63 Gawain A. Isulat ang sagot sa isang buong papil.

You might also like