You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
SAN JOSE DEL MONTE CENTRAL SCHOOL
POBLACION, CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN
October 4, 2022

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4


I. Layunin

1. Napaghahambing ang iba’t-ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Bansa

Sanggunian: Batayang aklat sa Araling Panlipunan Baitang Apat pah. 53 - 66


Patubay ng Guro pah. 24 - 25

Kagamitan: Mga Larawan, Power point Presentation, Pandikit, Pentel Pen, Video Presentation

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Bilang pagbabalik-aral, muling pag usapan ang nakaraang aralin.
2. Magdaos ng ilang minutong pagbabalitaan hinggil sa mga huling kaganapan sa bansa.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Itanong ang mga sumusunod?

Saan natin karaniwang makikita ang mga tao tuwing summer o tag-araw?
Ano-ano ang mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig sa bansa?

2. Pagtatalakay
a. Ipapanood sa mga bata ang video lesson na may kaugnayan sa aralin.
b. Maaaring putulin kung may dagdag na impormasyon na nais isama ng guro.
c. Magkaroon ng maikling talakayan hinggil sa napanood na video.

3. Pangkatang Gawain
Gamit ang natutuhan sa video na napanood. Punan ng tamang sagot ang tsart sa ibaba
Mga Pangunahing Anyong Lupa

Anyong lupa Paglalarawan Halimbawa


Kapatagan
Bundok
Burol
Talampas

Mga Pangunahing Anyong Tubig

Anyong Tubig Paglalarawan Halimbawa


Dagat
Look
Golpo
Karagatan

4. Pag-uulat ng bawat pangkat

5. Paglalahat
Bigyan diin ang kaisipan sa bahagi ng Tandaan Mo sa LM pah. 65. Sabihin na kahit ang bansa ay
maraming maliliit na pulo, tayo naman ay biniyayaan ng iba’t-ibang anyong lupa na makikita sa
mga pulo at anyong tubig na nakapaligid naman sa bawat pulo ng ating bansa.
IV. Pagtataya
Sagutan ang bahagi ng Natutuhan Ko pah. 65 - 66 ng KM
Isulat ang Wasto kung tama ang paghahambing at Hindi Wasto kung mali.

V. Takdang Gawain
Sagutin ang tanong.

Ano-ano ang mga pangunahing likas yaman ng bansa? Magbigay ng ilang halimbawa. Isulat ang
sagot sa kwaderno.

You might also like