You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang;

1. Nalalaman ang mga anyong lupa at anyong tubig


2. Napaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa.

II. PAKSANG ARALIN

Mga pangunahing anyong Lupa at anyong Tubig sa Bansa.


Sanggunian: Learner’s Material, pp.53-66
Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang kayamanan sa ating bansa.

III.PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pamukaw Sigla
3. Pagbabalik Aral
4. Pagganyak
- Kwento sa mga mga bata tungkol kay “Noah” kung saan nagkaroon ng bagyo at
baha.
B. Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
- Patingnan sa mga bata ang lupa sa labas ng silid aralan.
- Itanong sa kanila ano ang anyo ng anyo na nakakita sila.
2. Pagtalakay sa Paksa
- Talakayin ang paksang anyong lupa at tubig .
 Mga pangunahing anyong lupa
Kapatagan,Bundok, Burol at Talampas
 Iba pang anyong lupa
Bulkan at lambak.
 Mga Pangunahing anyong Tubig
Karagatan, Dagat, Look, Golpo, Tsanel, Kipot
 Iba pang anyong Tubig
Ilog, lawa, Talon, Bukal

3. Pagsusuri
- Ano-ano ang mga anyong lupa at tubig?
4. Pagbuo sa Paksa
- Mga anyong Lupa: Kapatagan, Bundok, Burol, Talampas, Bulkan at Lambak.
- Mga anyong Tubig: Karagatan Dagat, Look, Golpo, Tsanel, Kipot, Ilog, Lawa,
Talon, at Bukal.
5. Pangkatang Gawain
- Pangkatin ang mga bata sa tatlo.
Bawat pangkat ay may leader. Ibigay ang Gawain ng bawat grupo na sa
crossword puzzle.
Ilahad ang panuto.
Hanapin sa loob ng kahon ang mga letra na bumubuo ngg salita ng mga anyong
lupa at tubig na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang nabuong sagot sa ilalim
ng kahon.

IV. PAGTATAYA
Gawain A
Isulat ang Tama sa patlang kung wasto ang paghahambing
sa mga anyong lupa at anyong tubig. Isulat ang Mali Kung hindi
wasto ang paghahambing.
Isulat sa inyong sagotang papel.
1. Ang burol ay mataas na anyong lupa rin ngunit mas mababa kaysa bundok.
2. Tulad ng ng kapatagan, may patag at malawak din ang talampas kahit ito ay
mataas na bahaging lupa.
3. Ang bundok ay tulak ng bulkan ; ang pagkakaiba lamang ay ang bunganga ng
tuktok nito.
4. Ang lambak ay tulad din ng kapatagan na may patag at malawak na lupain nasa
pagitan ng bundok ang lambak.
5. Ang golpo ay tulad din ng look na halos naliligid ng lupa.

Gawain B
Ano ang pagkakaiba ng Karagatn sa dagat?

V. TAKDANG ARALIN
Maghanap ng mga larawan ng anyong lupa at anyong tubig. Gupitin at idikit sa bond
paper.

Inihanda ni :

Cecille Grace O. De Ramos


Substitute Teacher

You might also like