Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang
salitang Mabuti kung ito ay nagpapakita ng pagpili sa tama at isulat naman ang salitang Masama kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Binigyan mo at ng Nanay Lorena mo ng bigas ang kapitbahay na nawalan
ng trabaho dahil sa Enhanced Community Quarantine. _____2. Nilagpasan ni Lino ang maruming matanda na humihingi sa kaniya ng tulong. _____3. Ibinalik ni Oscar ang pitaka at cellphone na naiwan ng kaniyang pasahero. _____4. Dinadaya ni Mang Tony ang timbangan na ginagamit niya sa pagtitinda ng isda sa palengke. _____5. Binabawasan ni Gary ang mga de-lata na ipamimigay sa kanilang kabaranggay. _____6. Tinutulungan pa rin ni Kisha ang kaniyang kaklase sa mga aralin kahit na sinisiraan siya nito. _____7. Sinasamantala ng mga bata na maglaro sa labas ng bahay kapag walang nakabantay kahit may banta ng COVID-19. _____8. Sinisikap na makapag-aral ni Belinda kahit na may kakulangan sa mga gamit sa esk’wela. _____9. Iniuuwi ng Tatay Freddie mo ang mga bond paper mula sa kanilang opisina. Masayang-masaya ka dahil dito. _____10. Sa tuwing wala ang nanay ni Rose ay sinasaktan niya ang nakababatang kapatid. _____11. Tinutulungan pa rin ni Kisha ang kaniyang kaklase sa mga aralin kahit na sinisiraan siya nito. _____12. Sinasamantala ng mga bata na maglaro sa labas ng bahay kapag walang nakabantay kahit may banta ng COVID-19. _____13. Sinisikap na makapag-aral ni Belinda kahit na may kakulangan sa mga gamit sa esk’wela. _____14. Iniuuwi ng Tatay Freddie mo ang mga bond paper mula sa kanilang opisina. Masayang-masaya ka dahil dito. _____15. Sa tuwing wala ang nanay ni Rose ay sinasaktan niya ang nakababatang kapatid. _____16. Hindi lumalabas ng bahay si Rolan ng walang suot na facemask. _____17. Bumabawas si Nena sa kaha ng pera sa tuwing umaalis ang amo nya. _____18. Inuuna ni Marco ang mga gawain sa pag aaral, bago gumamit ng gadgets at social media. _____19. Tinitiyak ng pamilya ni Aleng Lina na malinis ang kanilang mga kamay bago at pagkatapos kumain. _____20. Pinipilit parin ni Rose na unang makipag bati kahit na hindi sya ang may kasalanan.