You are on page 1of 10

FILIPINO 4

SANHI AT BUNGA
ANJANETH G. MUÑOZ
BALIK ARAL

Ano ang Sanhi?


Ano ang bunga?
Ano ang tawag sa salita na nag
uugnay sa dalawang pangyayari?
ACTIVITY 1

Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa


angkop na bunga sa kanan. Isulat
ang titik ng tamang bunga sa patlang
ng sanhi.
____ 1. Napakainit ng A .Gutom na gutom siya.
panahon. B .Pumunta siya sa dentista.
____ 2. May sirang ngipin si C .Kinansela ng DepEd ang
Tomas. mga klase.
____ 3. Hindi kumain ng D .Binuksan namin ang
tanghalian si Michael aircon.
____ 4. Hindi nag-aral si E .Mababa ang nakuha niyang
Danny. marka sa pagsusulit.
____ 5. Napakalakas ng
bagyo.
ACTIVITY 2

Panuto: Isulat sa patlang ang titik S


kung ang may salungguhit ay
tumutukoy ng sanhi. Isulat ang titik
B kung ito ay tumutukoy ng bunga.
_______1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme
dahil nawalan sila ng kuryente.
_______2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
_______3. Pagka’t malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang
mga damit sa sampayan.
_______4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D.,
bumalik siya sa bahay.
_______5. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay,
hindi nakapagsuklay si Carla.
ACTIVITY 3

Salungguhitan ang sanhi sa bawat


pangungusap.
1. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan
magmaneho pauwi.
2. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.
3. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang
tamang sagot sa tanong ng guro.
4. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng
bagong sapatos si Tatay.
5. Sapagka’t hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya
ang salbabida.
ACTIVITY 4

Salungguhitan ang BUNGA sa


bawat pangungusap.
1. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain.
2. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng
maraming tubig.
3. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito
tumatahol.
4. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka’t nahimatay siya sa
pagod.
5. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.

You might also like