You are on page 1of 2

St. Michael Kinder & Elementary School, Inc.

Test in Filipino 2
Name: ____________________________________ Grade: _______________

I. Tukuyin ang uri ng pangungusap. Isulat ang P kung pasalaysay, PT kung


patanong, PU kung pautos, PD kung padamdam.

______ 1. Pakikuha mo nga damit sa sampayan.


______ 2. Hala! Nakakagulat ka naman!
______ 3. Saan ka nakatira?
______ 4. Ang bango ng mga bulaklak.
______ 5. Ano ang dala mong pagkain?

II. Ilagay ang tamang bantas.

1. Magandang umaga nanay Rosa __


2. Kunin mo ang libro mo __
3. Umuulan ba sa inyo kahapon __
4. Aray __
5. Ang bango mo naman __

III. Tukuyin ang bahagi ng pangungusap na naka salungguhit. Isulat ang S kung
simuno at P kung panaguri.

______ 1. Si Neil ay naglalaba.


______ 2. Si Rolando ay umiinom ng tubig.
______ 3. Si Minie ay naglalakad sa labas ng bahay
______ 4. Si Kris ay kumakain ng puto.
______ 5. Si John ay tumatalon sa kanilang bakuran.
IV. Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

Ang magkapatid na Araw at Buwan


Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang
kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi
tapat. Isang gabi, bumaba sa lupa ang Diyos mula sa langit pang magbigay ng brilyante
kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi niya nagustuhan
ang ugali nito.

1. Sino ang dalawang magkapatid na babae?


a. Buwan at Araw
b. Bituin at Buwan
2. Sino ang ang mas matanda sa magkapatid?
a. Araw
b. Buwan
3. Sino ang malupit at hindi tapat na kapatid?
a. Araw
b. Buwan
4. Sino ang bumaba sa langit?
a. Diyos
b. Anghel
5. Bakit hindi nabigyan ng brilyante si Buwan?
a. Dahil hindi maganda ang ugali niya.
b. Dahil mabait siya.

You might also like