You are on page 1of 2

REMEDIAL ACTIVITY

(Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya)


Pangalan: __________________________________ Iskor: __________________
I. Panuto: tukuyin kung anong uri ng diyalogo (I THOU o I IT) ang mga sumusunod na mga pahayag.
_________ 1. Kailangan ni Daniel na maibenta ang kaniyang lumang kotse dahil nais niyang makabili ng
bago. nagtungo siya sa kaniyang kumpare upang kumbinsihin itong bilhin ang kaniyang
lumang kotse. Nakumbinse naman niya ito dahil sila'y nagkasundo sa halaga nito.
_________ 2. May suliranin si Jane sa kaniyang pamilya. Kailangan niya ng mapaghihingahan ng
kaniyang sama ng loob. Pumunta siya sa kanilang gurong tagapayo. Mahusay na
tagapakinig ang kanilang gurong tagapayo. Alam ni Jane na bibigyan siya nito ng panahon
at hindi siya nito huhusgahan. At hindi nga nabigo si Jane.
_________ 3. Maganda ang samahan nina John at kaniyang ama. pinakikinggan nito ang kaniyang mga
opinyon sa tuwing sila'y magkausap. Bagama't hindi siya nito laging pinagbibigyan sa
kaniyang mga gustong gawin, alam ni John na ito' y para sa kaniyang ikabubuti.
_________ 4. Malapit na ang semestral break. Niyaya si Josie ng kaniyang kaibigan na magbaksyon sa
isang kilalang resort. Nag-isip si Josie ng paraan upang makumbinsi ang kaniyang mga
magulang na siya'y payagan. Sa kanilang pag-uusap ay hindi rin niya napapayag ang mga
ito. Masamang-masama ang loob ni Josie sa kanila.
_________ 5. Madalas na nagkakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila pinakikinggan ang
sinasabi ng bawat isa. Kapuwa ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa.
_________ 6. Gandang-ganda si Juan kay Mila. Matagal na niya itong crush. Hindi siya maglalakas ng
loob na lapitan at kausapin ito. Nang minsang magkita sila at nagkausap, masayang
masaya si Juan. Wari ba'y si Mila at siya lang ang nasa silid, at pinakikinggang mabuti ang
sinasabi ng bawat isa.

II. Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay Diyalogo o Monologo.

_________ 7. Palaging pinagagalitan ni Aling Santa ang kaniyang anak, hindi man lamang niya
binibigyan ito ng pagakakataon na magpaliwanag at magsalita.
_________ 8. Nagkaroon ng pagpupulong ang samahang kabataan - Pambansang Samahan sa Edukasyon
sa Pagpapahalaga (K-PSEP) sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito, ay mahusay
na magsalita. Palagi itong kampeon sa pagtatalumpati sa kanilang paaralan. Nais ni Joan
na imungkahi sa samahan ang isang proyekto para sa nalalapit na "Boys and Girls Week,"
ngunit hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon. Si Wency ang laging nagsasalita at
nasususnod sa lahat ng proyekto.
_________ 9. Pinagagalitan ni Aling Juana si Milet sa ginawa nitong paag-alis nang walang paalam.
Walang magawa si Milet kundi ang umiyak. Lubos siyang nagsisi sa pagsuway sa kaniyang
ina.
_________ 10. Malapit na ang ika-13 kaarawan ni Jules. Kinausap siya ng kaniyang mga magulang sa
kung ano ang nais niya sa kaniyang kaarawan. Sinabi ni Jules na nais niya ang isang party
upang maimbita ang kaniyang mga kaibigan. Iminungkahi naman ng kaniyang mga
magulang na sila'y kumain na lamang sa labas at ang gagastusin sana sa party ay ibili na
lamang ng mga damit para sa mga bata sa ampunan. Sa huli'y pumayag si Jules sa
mungkahi ng magulang. Nais nitong maging mas makabuluhan ang kaniyang kaarawan.

1. Suriin ang iyong pamilya o mga kasama sa tahanan. Ano ang uri ng diyalogo ang umiiral sa inyo, I-Thou o I-
It? Ipaliwanag.

Sagot:

Paliwanag:
2. Para sa’yo. Maituturing mo bang bukas ang komunikasyon sa inyong pamilya at tahanan? ipaliwanag.

Sagot:

Paliwanag:

3. Bakit mahalaga ang bukas na komunikasyon sa pamilya?

Sagot:

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos Puntos na Nakuha
Lahat nabigyan maayos na pagpapaliwanag 15

Lahat ay maayos na nasagutan. 10

Kabuoan 25

You might also like