You are on page 1of 77

Gabay sa Magandang Asal

at Wastong Pag-uugali
Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran,
    at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.

Kawikaan 22:6

1
Unang Markahan
YUNIT 1: Ako ay Kaibig-ibig na Nilalang

ARALIN 1
Masipag akong Mag-aral

Ako ay kaibig-ibig na nilalang. Marami akong


mabubuting katangian na ipinagmamalaki. Ako ay
mataoat lalo na sa panahon ng eksaminasyon. Araw-
araw ay nag-aaral ako ng leksyon upang sa pagdating ng
pagsusulit ay hindi ako matukso na mandaya.

Ikaw ba ay kaibig-ibig din na nilalang?

BASAHIN NATIN:

Panahon ng Pagsusulit

Panahon ng pagsusulit. Lahat n nasa Ikaapat na Baitang sa pagtuturo ni


Miss Cristy Herrera ay tahimik na nakaupo sa kanilang mga upuan. Tahimik silang

2
nagbabalik-aral para sa unang Periodic Test. Lahat sila ay may pangamba at
ninenerbiyos maliban kay Anton.

Si Anton lamang ang makikitang hindi nagbabalik-aral. Relaks lamang siya,


at nang tumingin siya sa paligid, nakita niya na lahat ng kanyang klasmeyt ay
nagsisipag-aral. Tumawa siya nang malakas at nagsabing, “Mga klasmeyt, ano ang
inyong ginagawa? Bakit kailangan ninyong magrebyu? Madali lamang ang test. Ang
kailangan lamang nating gawin ay mandayal" Tumingin lamang sa kanya ang kanyang
mga klasmeyt at nagpatuloy sa pagrerebyu. Si John, ang pinakamatalino sa klase ay
nagsabi;

John: Anton, hindi mo ba alam na ang mandaya ay sang malaking kasalanan? Ito ay
pandaraya sa sarili, sa yong mga magulang, at sa ating guro.

Anton: Ano ang ibig mong sabihin?

John: Ang kahulugan nito' y nakakukuha ka ng mataas na marka na hindi naman


karapat-dapat.

Anton: Hindi kita maintindihan, John. Ako ay nandadaya na simula pa ng unang


baitang pa lamang ako at walang nagsasabi sa akin na mali ang ginagawa ko.

John: Dahil walang nakakaalam sa ginagawa mo. Kaya walang nagpapaliwanag sa iyo
na ito ay mali. Maaaring ipasa mo ang lahat ng iyong test ngunit wala kang
maipagmamalaki, wala kang madaramang katibayan ng iyong tagumpay sapagkat hindi
ka nag-ukol ng iyong panahon sa pagrerebyu. Bata ka pa at dapat na matuto kang
maging tapat sa lahat ng iyong mga ginagawa lalung-lalo na sa panahon ng pagsusulit.

Atubiling sumagot si Anton at sa bandang huli ay sinabi niya:

Anton: "John, nahihiya ako sa aking sarili. Ngayon, naunawaan ko ang aking
pagkakamali at nangangako ako na hindi ko na muling gagawin. Hindi na ako
mandaraya sa test. Gagawin ko ang lahat ng aking magagawa upang maibigay ko ang
aking kakayahan at magrerebyu na ako.

Hindi nagtagal ay dumating si Miss Cristy Herrera. Iniutos niya na ibaba ang
lahat ng mga aklat at gamit g kanyang mag-aaral sa kanilang harapan. Ibinigay niya
ang test papers at nagsimula ang pagsusulit.

Gaya ng pangako, hindi nandaya si Anton ngayon. Nagsikap siyang maging


tapat at sinagutan ang test ayon sa kanyang kaalaman at kakayahan.

3
GAWAIN:

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod at lagyan ang kahon ng A kung sang-
ayon ka at ng titik D kung hindi ka sang-ayon.

1. Aminin kung ikaw ang may kasalanan.

2. Sumigaw kung wala any titser.

3. Magpunta sa mall pagkatapos g klase.

4. Huwag sumunod sa trapik pag walang pulis.

5. Isauli ang mga napulot a nawawala.

6. Sabihin na may praktis ka kahit wala.

7. Ipakita ang iyong kard kahit na mababa ang marka.

8. Ipagtanggol ang kaklase mo na nagsisinungaling.

9. Sabihin ang tunay na halaga ng proyekto.

10. Itabi ang labis na sukli sa iyo.

PAGSASANAY:

PANUTO: Kulayan ang kahon na nagsasabi ng antas ng iyong katapatan.

Lagi = L Hindi= H Minsan= M

L H M

1. Nagsasabi ng tamang halaga ng proyekto at iba


pa.
2. Tinatanggap ang parusa sa pagkakamaling nagawa.

3. Nagdodonasyon sa klase.

4. Hindi nagsasauli ng labis na sukli.

5. Nagsasabi nang totoo sa lahat ng panahon.

4
6. Isinasauli agad ang hiniram.

7. Pinagtatakpan ang kaklase sa ginawang pagkakamali.

8. Sumasama ang loob pag pinagsasabihan sa

ating maling nagawa.

9. Nangangatwiran kapag may kasalanan.

10. Hindi sinasabi ang maling bilang ng mga iskor.

ARALIN 2
Akong Matulungin

Tunay na magandang tingnan na ang isang tao ay tumutulong sa


pangangailangan ng iba. Ang tumutulong ay nakararamdam ng
kasiyahan sa katotohanang nakatutulong siya sa iba at ang
tinulungan naman ay nakararamdam ng pagtanaw ng utang na loob
sa tumulong sa kanya.

Nakatulong ka na ba sa iba?

BASAHIN NATIN:

Sertipiko ng Pagiging Matulungin


May isang pangyayari na naganap, sang umaga na papasok sa paaralan ang
magkaibigang Joel at Vincent. Nakita nila ang isang matanda a nanghihina at hirap
na maglakad.

Walang isa man na pumapansin sa matanda. Halos lahat ay nagmamadali sa


kanilang patutunguhan. Nilalagpasan nila ang matanda at wala man lamang Tumulong
sa kaniya. Si Joel at Vincent lamang ang nakapansin sa matanda. Hiniling ni Joel kay

5
Vincent na tulungan siya nito sa paglapit sa matanda. Ngunit naging atubili si
Vincent.

Vincent: Joel, bakit ka mag-aaksaya ng panahon sa matandang iyan? Mahuhuli tayo


sa klase. Magagalit sa atin si Miss Angeles. Baka hindi na niya tayo
tanggapin at tawagin ang ating mga magulang.

Joel: Oo, nauunawaan kita, pero tingnan mo ang matanda. Kailangan niya ang tulong.
Nag-isa siya at nanginginig na sa gutom.

Vincent: Paano ang klase natin? Paano si Miss Angeles?

Joel: Magpapaliwanag tayo. Samantala, tulungan natin ang matanda.

Nilapitan ng dalawa ang matanda at tinulungang makalakad. Nagpunta sila sa


pinakamalapit na tindahan at pinakain nila ang matanda. Nang matapos kumain ang
matanda, nagpahinga siya sa kanyang kinauupuan at sinabi sa dalawa:

Matanda: Pagpalain kayo ng Diyos. Hindi ko insip na mayroon pang kabataang tulad
ninyo na may pusong matulungin.

Joel: Huwag po muna kayong magsasalita, may kahinaan pa kayo. Saan po ba kayo
pupunta?

Matanda: Papunta ako sa bahay g aking anak na baba. Hindi niya ako nabibisita may
isang taon na.

Vincent: Saan po nakatira ang inyong anak?

Matanda: Hindi ko alam. Ang sabi niya hintayin ko siya sa lugar kung saan ninyo ako
nakita.

Joel: Sasamahan namin kayo kung alam lamang natin ang address.

Vincent: Pero Joel, huli na tayo. Magagalit sa atin si Miss Angeles.

Joel: Alam ko, pero magpapaliwanag tayo.

Habang nag-uusap ang dalawa, isang mamahaling kotse ang tumigil sa harap
nila. Isang mukhang mayaman ang lumabas dito. “ Itay! Ano nangyari sa inyo?”, sabi
ng babae.

6
Matanda: Mga kaibigan ko, siya ang aking anak na sinasabi ko sa inyo kanina. Nellie,
sila ang tumulong sa akin nang ako' y mahilo kanina. Inalalayan nila ako at
pinakain.

Nellie: Salamat sa inyong dalawa. Salamat sa pagtulong ninyo sa aking ama.


Pagkasabi nito ay kinuha ang kanyang pitaka at akmang bibigyan ng pera ang
dalawa.

Joel at Vincent: Mam Nellie, tumulong lang po kami at hindi nagpapabayad.

Nellie: Salamat muli. Hulog kayo ng langit.

(At umalis na ang dalawa na kumakaway sa dalawang bata)

Nang dumating ng paaralan ang dalawa. Ipinaliwanag nila kay Miss Angeles ang
lahat. Hindi nagalit si Ms Angeles bagkus pinapurihan pa sila sa kanilang ginawa.
Nalaman ito ng prinsipal at binigyan sila ng “Sertipiko ng Pagiging Matulungin.

GAWAIN:

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang magkaklase sa kuwento?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Saan sila papunta?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ano ang kanilang nakita?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Ano ang kanilang ginawa?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

7
5. Saan papunta ang matanda?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY:

PANUTO: Sa ibaba ay mga gawain sa paaralan na kailangan ang tulong mo.


Alamin kung an ang mga ito. Ang unang titik ng sagot ay nakasulat na sa
unahan ng patlang.

1. Maraming bandila ng Pilipinas


A _ _ _ ng K _ _ _ _ _ _ _
ang makikita sa lansangan at

mga paaralan gayundin sa mga

bahay-kalakalan.

P____ 2. Bigayan ng aginaldo dahil

kaarawan ng Panginoon.
G________ 3. Pagtanggap ng diploma bilang

pagtatapos ng mag-aaral
F_________ ___ 4. Gawain bilang selebrasyon sa

pagkakatayo ng paaralan.

P_________ 5. Bago ito, nagre-rebyu ang mga

mag-aaral.

F____ ____ 6. Pagbisita sa iba't ibang lugar

na makasaysayan.
P______ _____ 7. May mga sayawan, awitan, at

8
talumpatian.
P_____-________ 8. Samahan ng mga magulang at
A__________ guro.

PAGSASANAY:

PANUTO: Kulayan ang kahon ng ASUL kung iyong ginagawa at kulay PULA kung
hindi.

1. Hindi ako kailanman nagtapon ng basura sa kanal o ilog.

2. Hindi ako nagtatapon sa labas ng sasakyan.

3. Hindi ako sumusulat sa mga pader lalo na ng sa paaralan.

4. Sinusunod ko ang mga patakaran ng paaralan.

5. Tumutulong ako sa kalinisan g aming silid-aralan.

6. May tiyak akong gawain sa bahay.

7. Tumutulong ako sa pagpulot ng mga kalat sa paligid.

8. Hindi ako sumisira ng halaman sa publiko o pribadong lote.

9. Tahimik ako kapag may programa.

10. Tumutulong ako sa pag-aalaga kay inay kung siya ay may sakit.

TAKDANG ARALIN:

PANUTO: Ang mga sumusunod ay mga batang matulungin. Sabihin kung ano ang
kanilang ginagawa at isulat sa ilalim ng kuwadro.

9
1. _____________________ 2. _____________________
_____________________ _____________________

3. _____________________ 4. _____________________
_____________________ _____________________

5. _____________________ 6. _____________________
_____________________ _____________________

ARALIN 3
Ako ay Maagap

Ang maging nasa oras ay pagiging maagap. Ang pagkamaagap ay


isang kaugaliang dapat nating maalagaan sa ating mga sarili sa
pagpasok sa paaralan. Sa pagdalo sa mga miting, at mga lakad na
pang-edukasyon.
10
Ikaw ba ay maagap?

Pumapasok ka ba sa paaralan ng nasa oras?


BASAHIN NATIN:

Ang Batang Maagap

11
Si Marion
Rivera ay pambihirang bata. Siya ay isang batang maagap. Araw- araw ay laging siya
ang unang dumarating sa paaralan. Nang araw na yaon ay mayroon siyang test. Maaga
siyang gumising at naghanda patungo sa paaralan. Isinuot ang uniporme, inilagay an
ID, kinuha ang kanyang bag at tumuloy nang papunta sa paralan. Laging siya ang
nauuna sa paaralan.

Dahil maaga siyang dumarating, lagi siyang nakadadalo sa flag ceremony.


Pagkatapos ang lahat ng mga gawaing kaugnay nito, umakyat sa stage si Miss Cely
Patinio, ang Guidance Counselor, at nagbigay siya ng mga pahayag. Ipinahahayag din
niya kung sino ang gagawaran ng 'Most Punctual Award, "o ang gawad para sa
pinakamaagap, para sa buwang iyon.

Pigil ang hininga n mga mag-aaral, hinintay nila ang sasabihin ni Miss
Patinio. "Ipinagmamalaki kong ipahayag na ang " Most Punctual'" para sa buwang ito
ay ang dating awardee, si Marion Rivera. Gayon na lamang ang katuwaan ng kanyang
guro at mga kaklase sa ipinahayag ni Miss Patinio.

GAWAIN:

1. Sino si Marion Rivera? ______________________________________

12
_________________________________________________________

2. Bakit siya natatanging mag-aaral? ______________________________

_________________________________________________________

3. Sino ang nagpahayag ng Most Punctual na mag-aaral? ________________

_________________________________________________________

4. Sino ang Most Punctual a mag-aaral? ___________________________

_________________________________________________________

5. Ano ang naging reaksyon g kanyang guro at mga kaklase? _____________

_________________________________________________________

PAGSASANAY:

PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Lagyan ng bilog ang M kung
maagap ang tinutukoy at H kung hindi.

M H 1. Isinusumite niya ang kanyang seatwork sa oras.

M H 2. Hindi siya dumarating sa oras ng kanilang praktis.

M H 3. Mabilis siya sa pagtalima sa utos ng ina.

M H 4. Hindi niya sinasagot agad ang telepono.


M H 5. Tumatayo agad siya pag tinatawag
M H
6. Umuuwi agad siya paglabas ng klase
M H 7. Sinasagutan niya ang kanyang takdang aralin

pagdating ng bahay.

M H 8. Pagtunog ng bell, pipila agad siya.

M H 9. Lagi siyang nakagagalitan ng titser dahil lagi siyang

13
huli sa klase.

M H 10. Siya ang laging nauuna sa pagpasok sa paaralan.

TAKDANG ARALIN:

PANUTO: Kulayan ng PULA ang kahon kung may katwiran ang pagiging huli
sa klase at ITIM naman kung hindi.

1. May trapik dahil sa baha ang kalsada.

2. Hindi ako ginising nang maaga ng nanay ko.

3. May flat tire ang aming kotse.

4. May sakit ang nanay ko kaya walang maghanda ng almusal.

5. Sinundo namin sa airport ang aming kamag-anak.

6. Nanood kasi ako ng TV hanggang madaling-araw.

7. Hindi plantsado ang aking uniporme.

8. Hindi ko nagawa ang aking takdang aralin.

9. May family reunion kami.

10. Wala ang aming katulong.

ARALIN 4
Ang Kabaitan at Pagkakawanggawa

May isang popular na kasabihan na galing sa Bibliya, “ Higit na


14 kaysa sa tumatanggap.” Totoo anag
mapalad ang nagbibigay
mensahe ng pangungusap na ito. Hindi kayang ilarawan ang
pakiramdam ng isang nagkapaghandog ng tulong sa mga
nangangailangan. Sa pagkaalam mo na ikaw ay nakatulong sa iba,
BASAHIN NATIN:
Ang Alamat ng Lawa ng Sampalok
Maraming kuwento at mga alamat ang nagpapasalin-salin sa iba' t-
ibang henerasyon tungkol sa Lawa ng Sampalok. Ang Lawa ng Sampalok ay
matatagpuan sa San Pablo City sa Lalawigan ng Laguna. Kung bakit ito maalamat ay
sa dahilang kataka-taka an kabuuan nito bilang isang lawa.

Halos pabilog ang ayos nito na may ilang ektarya ang laki at ang malamig
na tubig na laman nito ay hindi matukoy kung saan nangagaling at hindi rin makita
kung saan dumadaloy palabas.

Ang popular na kuwento tungkol sa Lawa n Sampalok ay nagsasabi na


nuong unang panahon ay may nakatirang mag-asawa sa lugar na ito at may isang puno
ng sampalok sa harapan ng kanilang tahanan na hitik na hitik sa bunga.

Isang umaga, isang matandang babe ang napadaan at nakita niya ang
saganang bunga ng sampalok. Sang-ayon sa kuwento, ang matanda ay may
nararamdaman sa katawan at sa tingin niya, ang bunga ng sampalok ay mag- sisilbing
gamot sa kanya.

Nang makita niya ang mag-asawang nakadungaw sa bintana ay binati niya


at nagmagandang araw sabay pakiusap ng paghingi ng bunga ng sampalok.

Matandang Babae: Magandang araw po sa inyo.

Mag-asawa: Anong kailangan mo?

15
Matandang Babae: Manghihingi lang po ako ng ilang bunga ng sampalo. May sipon po
ako at magagamot ng sampalok ang sakit ko.

Lalake: Ah! sino ang may sabi na bibigyan kita ng sampalok? Hindi! Hindi
kami nagbibigay sa isang tulad mo na hindi namin kakilala.

Babae: Sige, umalis ka na, na-iistorbo mo kami.

Matandang Babae: Sige na po, pakiusap po. Matanda na po ako at walang


tumutulong sa akin. Maawa na po kayo.

Sa halip na bigyan ng ilang pirasong sampalok ang matandang babae ay


ipinagtabuyan ito at isinara ang kanilang bintana at natulog. Sa galit, sinumpa ng
matandang babae ang mag-asawa at binalaan na may masamang mangyayari so kanila,
Hindi nagtagal, sang biglang pagyanig ang naramdaman ng mag-asawa. Umuuga ang
kanilang bahay at ang mga haligi nito ay animo sumasayaw sa lakas ng pagyanig.
Nanginig sa takot ang mag-asawa at napaluhod sa pananalangin.

Bigla, isang malakas na ugong at buhos ng tubig galing kung saan ang
dumating. Binaha ang buong paligid hanggang isang lawa ang nabuo. Ang buong lugar,
ang bahay ng mag-asawa, at ang puno ng sampalok ay tinangay ng agos at nawala.

Sinasabi ng mga matatanda na ang puno ng sampalok ay nasa ilalim ng lawa.


Ito ang dahilan kaya ang itinawag sa lawa ay Lawa ng Sampalok. Walang sinunan ang
mangahas na maligo o lumangoy sa lawa dahil taon-taon ay may nagbubuwis ng buhay
dito.

PAGSASANAY:

Mga Katanungan

1. Saan matatagouan ang Lawa ng Sampalok?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ilarawan ang kabuuan ng Lawa?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

16
3. Sino ang may-ari ng puno ng sampalok?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Sino ang humingi ng bunga ng sampalok?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Anong klaseng tao ang mag-asawa? Ipiliwanag.

______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY:

PANUTO: Ang mga larawan ay nagsasaad ng kaugalian na kabaitan at pagiging


matulungin. Sabihin ang ginagawa sa larawan at ipaliwanag.

1. _____________________ 2. _____________________
_____________________ _____________________

17
3. _____________________ 4. _____________________
_____________________ _____________________

5. _____________________ 6. _____________________
_____________________ _____________________

ARALIN 5
Ikaw ba ay Mapamaraan?

Ang pagiging mapamaraan ay ang kakayahang magawang


pakinabangan pa ang mga bagay na itatapon na. Nangangahulugan
din ito ng kakayahang makamit ang ano mang bagay na gusto.

Ikaw ba ay mapamaraan?

BASAHIN NATIN:

Ang Pangarap na Bola


18
Si Manuel ay isang batang mahilig sa larong basketbol. Nasa Ikaapat na
Baitang pa lamang siya ngunit kinakikitaan na siya ng magandang hinaharap sa larong
ito, palibhasa ay nasa kanya ang taas, bilis ng kilos ng katawan at galing sa paghawak
ng bola. Pangarap ni Manuel ang magkaroon ng sariling bola ng basketbol. Lagi niya
itong sinasabi sa kanyang ama. Lagi namang nangangako ang kanyang ama na ibibili
siya. Subalit sa sobrang abala sa trabaho ng kanyang ama, hindi pa naisasakatuparan
ang pangakong ito.

Isang araw ng Pista ng kanilang Barangay, nagkaroon ng pahayag na may larong


palosebo na gagawin sa plasa. Ang gantimpala sa mananalo ay isang bola ng
basketbol. Laking tuwa ni Manuel nang marinig ito. Nagpasya siyang sumali sa palaro.
Alam niya ang paraan kung paano mananalo rito. Naaalala pa niya ang mga kuwento ng
kanyang lolo tungkol dito at ang mga dapat gawin sa pag-akyat sa palosebo.

Magdadapit-hapon na nang pasimulan ang palaro. Maraming tao sa paligid ng


palosebo. Marami rin ang kasali. Bawat isa ay handang akyatin ang palosebo. Bawat
isa ay naghahangad sa bola. Isa-isa, inakyat ng mga kasali ang madulas na palosebo.
Huminga siya ng malalim at nagsimulang akyatin ang palosebo.

Dahan-dahan, naaalaala niya ang tiro ng kanyang lolo kung paano hindi dudulas
pababa. Patuloy siyang umakyat, akyat-akyat, dahan-dahan hanggang sapitin niya ang
dulo ng palosebo. Nagpalakpakan ang mga tao at nagsigawan sila sa tuwa sa
tagumpay ni Manuel. Nanalo si Manuel. Nanalo siya sa palosebo. Dahan-dahan,
nagpadulas siya pababa hanggang sapitin niya ang ibaba. Itinaas ng Chairman ng
palaro ang kamay ni Manuel at ipinahayag na siya ang nanalo. Iniabot ng Chairman
ang premyong bola kay Manuel.

Hinawakan ito ni Manuel nang mahigpit at hinalikan. Napaiyak siya at


pinasalamatan ang Chairman. Naroon din ang kanyang mga magulang. Napaluha din
sila sa panalo ni Manuel. Mahigpit nilang niyakap ito.

PAGSASANAY:

1. Anong okasyon ang naganap sa kuwento?

19
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano ang gusto ni Manuel na siya ay magkaroon?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bakit hindi siya maibili ng kanyang ama ng bola?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Bakit gusto niyang sumali sa palosebo??

______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Nanalo ba si Manuel sa palosebo?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

6. llarawan mo si Manuel nang manalo.

______________________________________________________________
______________________________________________________________

7. Anong katangian ni Manuel ang nagpapanalo sa kanya?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

8. May pamamaraan ba siyang ginamit sa pag-akyat sa palosebo?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY:

PANUTO: Sagutan ang patlang ng OO kung ang pangungusap ay nagsasaad ng


pagiging mapamaraan at ng HINDI kung hindi.

20
________1. Lagi niyang pinupunit ang pahina ng kanyang notebook.

________2. Ginawa niya ang basket mula sa lumang direktoryo ng telepono.

________3. Maingat niyang binalot at itinabi ang mga Christmas light para sa isang
taon.

________4. Itinapon niya ang mga kutsara at tinidor na ginamit.

________5. Kalahati lamang ng baso ng gatas ang kanyang ininom at itinabi ang
kalahati.

________6. Niresiklo niya ang mga bote sa bahay.

________7. Itinago niya ang mg tirang pagkain sa refrigerator.

________8. Hindi niya sinusulatan ang likurang pahina ng notebook

________9. Nilinis niya ang mga bote at ginawang plorera.

________10. Humihingi siya ng bagong uniporme kahit ayos pa ang dati.

Memory Verse

21
Ikalawang Markahan
YUNIT 2: Ako at ang Pakikitungo ko sa Iba

ARALIN 1
Iisa lang ang ating Diyos

Bilang mga anak ng Diyos , binigyan niya tayo ng iba’t-ibang talento gayun
din ng mga pamamaraan kung paano tayo maging malapit sa kanya. Isang
paraan ay ang pagdarasal o pananalangin. Sa pamamagita ng pananalangin,
nakakausap natin ang Diyos at nagkakaroon tayo ng pagkakataong maging
malapit sa kanya.

Subalit sa paniniwala sa Diyos, niloob niya namakatawag ang tao sa kanya sa


iba’t-ibang kaparaanan. Ang mga Arabo, Hapon,Thai, Koreanano, mga Intsik,
mga Hindu ay may kani-kanilang paraan. Ngunit ang pagkakaiba-ibang ito ay
hindi dapat na maging dahilan upang magkawatak-watal ang mga tao na
nilikha ng Diyos.

Paano mo pinakikitunguhan ang mga taong may ibang relihiyon ay paniniwala?

22
BASAHIN NATIN:

Igalang Ang Relihiyon ng Iba

Si Hanani ay bagong lipat sa paaralan ni


Mutya. Siya ay isang Muslim na galing pa sa
Sulu.

Mutya: Hanani, bakit ka malungkot?

Hanani: Iniisip kong hindi ako magtatagal sa


paaralang ito. Lilipat na lang ako sa iba.

Mutya: Bakit, Hanani?

Hanani: Dahil ang mga klasmeyt natin ay ayaw yata sa akin. Lumalayo sila kapag
napapalapit ako sa kanila.

Mutya: Ganoon ba, Hanani?

Hanani: Oo, at hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Mutya: Alam ko ang dahilan. Ikaw ay isang Muslim at ang iyong relihiyon ay kaiba
sa amin.

Hanani: Oo, isa akong Muslim at ang aking relihiyon ay iba kaysa sa inyo. Pero tao
rin ako na tulad ninyo. may pakiramdam at damdamin.

Mutya: Nauunawaan kita, Hanani. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko sila.

23
Hanani: Okey lang. Gusto ko lang sabihin na lahat tayo ay naniniwala sa isang
makapangyarihan sa lahat. Kaya lang, tinatawag natin siya sa iba't bang
pangalan.

Mutya: Alam ko, Hanani, kaya pagsasabihan ko sila. Ang ibang klasmeyt nila ay
papalapit na sa kanila. Sila ay sina Kris, Julia, at Paulin.

Mutya: Kris, Julia, at Paulin, puwede bang mag-usap tayo sandali?

Kris, Julia, at Paulin: Oo, Mutya.

Mutya: Ang tingin ko, kayong tatlo ay mga katulad ng iba nating klasmeyt na hindi
tanggap si Hanani.

Kris, Julia, at Paulin: Tama ka, dahil siya ay iba ang relihiyon sa atin.

Mutya: Ngunit hindi ba ninyo alam na sa pangalan lamang tayo nagkakaiba-iba?


Tinatawag natin ang ating Diyos sa pangalang Jesus, sila naman ay Allah.

Hanani: Totoo, lahat tayo ay anak ng Diyos. Maaring iba ang aking tradisyon kaysa
sa inyo ngunit lahat tayo ay Pilipino.

Mutya: Kaya kailangang humingi kayo n paumanhin kay Hanani. Siya ay is ring Pilipino
tulad natin at kailangang maging kaibigan natin siya.

Kris, Julia, at Paulin: Patawad Hanani. Sorry! Mula ngayon, kaibigan kana namin.

Hanani: Salamat sa inyong lahat.

GAWAIN:

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino si Hanani?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano ang kanyang relihiyon?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bakit inisip niyang lumipat ng ibang paaralan?

24
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Sinu-sino ang mga klasmeyt na ayaw kay Hanani?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Ano ang sinabi ni Mutya sa tatlo nilang kaklase?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

6. Humingi ba sila ng paumanhin kay Hanani?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

7. Ano ang ipinapahiwatig na aral ng leksyon?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY:

PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang mga kahon na nagsasaad nang tamang asal sa
simbahan.

1. Tatakbo palabas ng simbahan.

2. Maghahandog ako ng bulaklak sa altar.

3. Makinig sa pari.

4. Kakain ako kapag nagutom.

5. Magbabasa ako ng magasin habang nagsesermon ang pari.

6. Magsusuot ng sombrero.

25
7. Magsasalita ako ng malakas.

8. Sasali ako sa Koro sa pagkanta.

9. Mataimtim akong mananalangin.

10. Matutulog ako.

TAKDANG ARALIN:
PANUTO: Magbigay ng limang (5) paraan kung paano maipakikita ang
paggalang sa mga pook-dasalan ng iba’t-ibang relihiyon.

1. _________________________________________________________
_________________________________________________________
2. _________________________________________________________
_________________________________________________________
3. _________________________________________________________
_________________________________________________________
4. _________________________________________________________
_________________________________________________________
5. _________________________________________________________
_________________________________________________________

ARALIN 2
Ang Pagiging Magalang

Maari kang maging magalang sa salita at sa iyong mga kilos.

Ikaw ba ay magalang?

Paano mo ipapakita na ikaw ay magalang?

BASAHIN NATIN:

26
Isang Sitwasyon ng Pagiging Magalang
Minsan ay inanyayahan ni Sally ang kaibigang si Nery sa kanilang tahanan.

27
GAWAIN:

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino an dalawang magkaibigan? _______________________________


________________________________________________________
2. Anong mga katangian mayroon sila? ____________________________
________________________________________________________
3. Bakit atubili si Nery na magtagal sa bahay ni Sally? ________________
________________________________________________________
4. Anong mg magagalang na pangungusap ang ginamit sa dayalogo?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Anu-ano pang mga magagalang na pangungusap ang iyong alam?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY:

PANUTO: Pilin ang magagalang na pangungusap sa mga sumusunod na sitwasyon.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_______1. Nakita mo ang iyong kapitbahay na si Mr. Romero isang umaga.


Paano mo siya babatiin?

28
A. Magandang hapon po, Mr. Romero.

B. Magandang araw po, Mr. Romero.

C. Magandang umaga po, Mr. Romero.

_______2. Ang iyong kapatid ay liban sa klase. Dala mo ang sulat na ibibigay
sa kanyang guro. Nang dumating ka sa klase, wala pa ang kanyang guro. Gusto
mong ibigay sa kaklase ng kapatid mo ang sulat. Ano ang iyong sasabihin?

A. Ibigay ito sa inyong tagapayo.

B. Absent ang kapatid ko. Narito ang sulat.

C. Pakibigay nga ito sa inyong tagapayo.

_______3. Gusto mong dumaan sa pagitan ng dalawang nag-uusap. Ano ang


iyong sasabihin?

A. Huwag kayo mag-usap dito. Humanap kayo ng ibang lugar.

B. Makikiraan na nga po.

C. Tumigil muna kayo sandali.

_______4. May nagdial ng maling numero. Paano mo ito sasagutin?

A. Sa uulitin, mag-ingat ka sa pag-dial.

B. Hindi ka ba marunong mag-dia?

C. Sorry, wrong number po ang na-dial niyo.

_______5. Ipinakilala ka ng iyong kaibigan sa kanyang ina. Ano ang sasabihin


mo?

A. Siya pala ang nanay mo.

B. Saan ko ba kayo nakita na?

C. Kumusta po kayo, ma'am?

_______6. Nagring ang telepono. Para sa iyong ama ang tawag. Wala pa siya.
Ano ang tamang sagot?

A. Tawag ka mamaya.

29
B. Wala siya.

C. Tumawag na lamang po kayo uli, wala pa po si Tatay. Maari po bang malaman


kung sino sila?

_______7. Malayo sa iyo ang nakahaing ulam. Gusto mong kumuha. Ano ang
sasabihin mo?

A. Maaari po bang pakiabot dito ang ulam?

B. Hoy! Malayo sa akin ang ulam.

C. Gusto kong tikman ang ulam.

_______8. Itinanong sayo ng kaibigan mo, "Kumusta ka?" Ano ang tamang
sagot?

A. Pakialam mo

B. Bakit mo itinatanong?

C. Mabuti naman, salamat. Ikaw?

ARALIN 3
Ako ay Masunurin

Ang maging masunurin ay ang buong pusong pagsunod sa mga ipinag-uutos


ng mga magulang at mga guro. Ito ay pagsunod din sa mga alituntunin at
batas. Ang mga bagay naipinagagawa nila sa iyo ay para sa iyong kabutihan
at kapakanan. Walang magulang ang mag-iisip nang masama sa kanilang
mga anak gayundin ang mga guro. Ang mga alituntunin at batas ay ipinaiiral
din para maiwasan ang kaguluhan at magkakaroon ng kapayapaan.

Ikaw ba ay masunurin?

30
BASAHIN NATIN:

Bunga ng Pagsuway

Si Pedro ay nasa Ikaapat na Baitang na at ang kanyang kinaginang tahanan


ay nakatirik sa tabing ilog. Bagaman hindi kalakihan ang ilog, tuwing bumabagyo at
lumalakas ang buhos ng ulan, ito ay lumalaki at nangangalit ang bilis ng agos ng tubig.
Kabilin-bilinan kay Pedro ng kanyang mga magulang ay huwag na huwag itong
mangangahas na maligo at lumangoy sa ilog dahil hindi naman ito marunong lumangoy.

Tuwing lumalaki ang ilog, gayun na lamang ang pangaral ng mga


matatandang nainirahan sa pampang nito sa mga kabataan na iwasan ang maglaro
dito at huwag mangangahas na maligo o lumalangoy. May kasabihan kasi sila na taun-
taon ay humihingi ang ilog ng buwis ng buhay.

Isang umaga ng Sabado, walang pasok. Masaya ang mga batang tulad ni
Pedro na nagsisipaglaro. Palibhasa' y maganda ang panahon, hindi nasiyahan ang mga
bata kung hindi magsisipunta sa ilog. Kaya't nagsipaglanguyan sila at sa katuwaan ay
hindi nila napapansin na unti-unti ay nagbabago ang panahon. Unti- unting lumukob
ang dilim, makapal, at nang di na nito makayanan ang dala-dalang tubig, biglang buhos
ng isang malakas na ulan na naging dahilan upang bigla rin ang paglaki ng ilog at
bumaha nang tuluyan.

Inabot ang mga bata sa kalagitnaan ng ilog at isa rito sa Pedro. Nagsikap
silang lumangoy patungo sa pampang. Ang iba ay ligtas na nakasapit sa pampang
ngunit si Pedro ay nawawala. Hinanap ng mga kalalakihan si Pedro ngunit huli na nang
makita nila ito. Gayun na lamang ang kalungkutang idinulot ng pagkamatay ni Pedro sa
kanyang pamilya. "Kung nakinig ka lamang sa amin, " sabi ng kanyang ina. "Hindi mo
sana sinapit ito.”

GAWAIN:

31
PANUTO: Ang mga sumusunod ay mga gawain at sitwasyon na kailangan ang
iyong pagiging masunurin. Ayusin ang mga titik upang mabuo ito at isulat sa
patlang.

____________1. Dapat maging masunurin ako sa aking mga g a l n m a u g.

____________2. Sundin natin ang t o s u ng mga nakatatanda.

____________3. Manood ng palabas na d e k a u s y o n a l sa TV .

____________4. Sabihin sa magulang ang tamang a h a g a l ng iyong

proyekto.

____________5. Maging t h m k a i i kung wala ang guro.

____________6. Perang napulot dapat i s l a u i.

____________7. Pagkatapos ng klase dapat umuwi agad ng b a y a h

____________8. Laging sinasabi ng guro na mag-aral ng y o n l e k s

____________9. Kumain ng l g u a y upang maging malakas.

____________10. Upang magising nang maaga, l t u m o g a ng maaga.

PAGSASANAY:

PANUTO: Lagyan mo ng tsek (/) ang antas sa kahon.

Sinasabi ng Guro LAGI MINSAN HINDI

1. tunay na iskor mo sa test

2. wala kang takdang aralin

3. nakapulot ka ng pitaka

4. kung sino ang maingay

32
5. kung sino ang nangongopya

Sinasabi mo sa iyong Ina LAGI MINSAN HINDI


1. ang iyong mga pinupuntahan

2. na nahuli ka sa klase

3. na bumibili ka ng hindi kailangan

4. na may bagsak kang marka

5. na bagsak ka sa test

TAKDANG-ARALIN:

PANUTO: Iguhit ang iyong larawan bilang isang batang masunurin


sa mga guro at magulang, at bilang isang batang hindi masunurin.

ARALIN 4
Ang Katapatan

Ang aklat ng kasaysayan ay punong-puno ng mga pangyayaring


nagsasaad ng katapangan at tatag ng loob upang mapaglabanan ang
takot at pangamba.

Ang sumusunod na kuwento ng isang batang tulad mo ay may mga


tanda ng katapangan na lubhang kailangan ng isang nilalang sa
pagharap sa buhay.
33
BASAHIN NATIN:

Ang Medalya ng Katapangan


Kamakailan lamang may isang malakas a bagyo ang tumama sa Silangang
Quezon lalung-lalo na sa bayan ng Infanta at Real. Sa Real ay may isang daang katao
halos ang nalibing ng buhay, sa isang gusali na pinagkanlungan ng mga tao ay
natabunan ng gumuhong kabundukan. Marami ang nalibing dito. Pagkahupa ng bagyo
ay nagsimula ang paghahanap sa mga nangawalang pamilya. Hinukay ang gumuhong
gusali at inalis ang putik at mga batong tumabon dito. Sa tindi ng pinsala, walang
mag-aakalang may matitira pang buhay sa mga natabunan.

Sampung araw, pagkalipas ng bagyo at sa patuloy na paghuhukay, isang


sampung taong gulang na batang lalaki, si Rene Bong-galing, ang nakarinig ng daing at
panawagan sa ilalim ng natabunang gusali. Bagaman may takot at pangamba, hindi
siya nasiraan ng loob. Inalis ang takot at lakas-loob na naghukay siya unti-unti. Isa-
isa niyang inalis ang mga bato hanggang sa tumambad sa kanyang paningin ang isang
batang babae at matandang babae na gumagalaw ngunit hindi makatayo dahil sa
malalaking batong nakadagan sa ibabaw nila na nahadlangan ng mga kahoy upang higit
na lalong maipit.

Umahon si Rene mula sa balon na kanyang hinukay at mabilis na tumawag


ng mga kalalakihan upang sabihing may mga buhay na tao sa ilalim ng gusali. Madaling
nagtakbuhan ang mga tao patungo sa natabunang gusali at tulong- tulong na binaklas
ang malalaking bato na nakadagan sa sala-salabat na kahoy na nagsilbing proteksyon
ng maglola sa ilalim ng lupa.

Sampung araw na nalibing sa ilalim ng lupa, natabunan, walang pagkain,


walang tubig na maiinom ngunit nabuhay ang maglola. Kung hindi dahil sa lakas ng
loob at tapang ng kalooban ng isang sampung taong gulang na bata, si Rene Boong-
galing, marahil nahuli ang lahat sa pagliligtas sa maglola.

Kumalat ang balita, inilabas sa TV at naisulat sa mga pahayagan. Tinawag


sa Malakanyang ang bata at ang mga nakaligtas sa pagkakalibing nang buhay ng
maglola. Sinabitan ng Pangulo ng Medalya ng Katapangan ang batang nagligtas sa
maglola.

34
GAWAIN: Ang mga sumusunod ay mga sitwasyon na nagsasaad ng
katapangan. Kilalanin ang mga sitwasyon at isulat sa ilalim sa kuwaderno.

1. _________________ 2. ___________________

3. __________________ 4. __________________

5. __________________ 6. __________________

35
7. ___________________ 8. __________________

GAWAIN:

PANUTO: Ang mga inilalarawan ng mga pangungusap ay mga taong may tapang at
lakas ng loob upang ang buhay natin ay maging payapa at maligaya.
Tingnan natin kung sino sila. Isulat sa patlang ang sagot.

____________1. Mahal nila tayo at inaalagaan.

____________2. Pinapatay nila ang sunog.

____________3. Tinuturuan nila tayo ng leksyon.

____________4. Sila ang gumagawa ng disenyo ng mga bahay.

____________5. Sila ang nagtatayo ng mga bahay at gusali.

____________6. Ginagamot nila ang mga masakit na ngipin.

____________7. Namamahala ng trapiko.

____________8. Ginagamot ang ating mga karamdaman.

____________9. Nililinis ang mga lansangan.

____________10. Nagtatanim ng mga halaman, prutas, at mga gulay.

PAGSASANAY:
PANUTO: Lagyan ng mukhang masaya pangungusap at ng

36
malungkot na mukha kung nagsasabi ng katapangan ang kung hindi.

_______1. Napakalakas ng ulan. Sinundo mo ang iyong kapatid.

_______2. Takot ka sa madidilim na lugar.

_______3. Mahusay mong nagampanan ang pagsasalita sa harap ng maraming tao.

_______4. Hindi mo ininom ang mapait mong gamot.

_______5. Tinanggap mo ang maging lider sa paggawa ng report sa “Ang Tamang


pagtatapon ng Basura.”

_______6. Hindi mo ini-report ang smoke belching na sasakyan dahil sa takot ka.

_______7. Umawat ka sa nag-aaway mong mga klasmeyt kahit na maaari kang


masaktan.

_______8. Nagdonasyon ang paaralan sa mga biktima ng baha. Hindi ka sumama.

_______9. Nasusunog ang bahay ng iyong kapitbahay. Tinawagan mo ang tanggapan


ng pamatay-sunog.

_______10. Hindi mo itinaas ang iyong kamay nang magtanong ang guro kung sino
ang hindi gumawa ng assignment.

ARALIN 5
Maging Isports sa Laro

Bahagi ng buhay ang mga suliranin. Hindi mo matatakasan ang mga


suliranin.

May suliranin na malalaki at mayroon din namang maliliit.

Paano mo hinaharap ang mga suliranin na dumarating sa buhay mo?

Ipinalalagay mo ba ang mga ito ay hindi mo kayang lutasin?

37
BASAHIN NATIN:

Intramurals
Ang Sto. Nino Elementary School ay nagdaos ng Sports Festival o
Intramurals. Si Mr. Don Adornado, ang Chairman, ay naghanda ng maraming laro at
isa na rito ang basketball. Dalawang team ang maglalaro-ang Red Team at ang Blue
Team. Si Mr. Gerry ang ang Coach ng Red Team at si Mr. Allan Kadigdig naman sa
Blue Team. Ang Team Captain ng Red Team ay si Francis Estubero samantala sa Blue
Team naman ay si Bogs Adorno. Ang dalawang team ay nagpapraktis tuwing tapos na
ang klase.

Francis: Gawin natin ang ating makakaya upang manalo sa labanang ito. Maglaro tayo
ng malinis.

Mr. Gerry Ang: Natutuwa akong marinig ang sinabi mo, Francis. Hindi mo
nalilimutan ang payo ko sa team.

Francis: Hinding-hindi ko po malilimutan, Mr. Ang. Lagi po kaming magpapraktis at


hindi kami gagawa nang pandaraya upang manalo lamang.

Sa kabilang dako, si Bogs Adorno, ang team Captain ng Blue Team, ay lagi niyang
sinasabi sa kanyang team:

Bogs: Tandaan ninyo, kapag may pagkakataon, patirin ninyo ang kalaban upang
madapa.

Allan Kadigdig: Tama ka Bogs, gawin ninyo ang lahat upang manalo. Tandaan, ang
layunin natin ay manalo sa paano mang paraan, kahit masaktan ang kalaban.

At nagsimula ang labanan. Gaya ng plano, malinis na naglaro ang Red Team.
Lahat ng manlalaro ay nag sikap na hindi makagawa ng foul. Ang Blue team naman ay
maruming naglaro. Nakagawa sila n maraming foul.

Nang matapos ang laro, nanalo ang Red Team. Nagsigawan ang mga
manlalaro sa tuwa. Pinasan nila sa balikat ang kanilang Kapitan. Tinangka nilang
lapitan ang Blue Team upang kamayan ngunit tumalikod at lumayo ang mga ito
Sumigaw pa man din ang Kapitan nito at nagbabanta.

Nagpakita an Blue Team ng kawalan ng sportsmanship.

38
GAWAIN:

PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang kahon na nagsasabi ng sportsmanship at ng


ekis (X) kung hindi nagsasabi.

1. Ang layunin ng laro ay ang magkaroon ka ng karanasan at hindi lamang

ang manalo.

2. Kailangan ang manalo sa anumang paraan.

3. Lagi mong isipin na hindi mananalo ang kalaban mo sa iyo.

4. Masaya ka para sa mga nanalo kahit na kalaban sila.

5. Hindi mo kinamayan ang nanalo o binati man lamang.

6. Masaya ka na nanalo o natalo.

7. Kailanman, hindi ka maruming maglaro.

8. Hindi mo binabati ang nanalo.

9. Paniwala mo, dinaya ka kaya ka natalo.

10. Nagpraktis kang mabuti pang manalo.

PAGSASANAY:
PANUTO: Isulat ang Oo kung tama ang pangungusap at Hindi kung mali.

_______1. Dapat a mapagpakumbaba tayo sa ating tagumpay.

_______2. Ang tutulan ang desisyon ng hurado ay hindi tama.

_______3. Kailangan kong kontrolin ang aking sarili sa panahon ng laro.

_______4. Kailangang alam ko ang aking mga kakayahan.

_______5. Hindi ka dapat lumaban sa mahihina.

39
_______6. Dapat na kamayan din ang mga natalo.

_______7. Dapat masaya ka, manalo o matalo.

_______8. Sa alin mang laro, hindi nawawala ang pandaraya.

_______9. Hindi ko kailangang magpraktis kung ako ay magaling.

_______10. Pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagsali sa mga paligsahan.

Memory Verse

Sapagka't ang buong kautusan ay


natutupad sa isang salita, sa
makatuwid ay dito. Iibigin mo ang
inyong kapuwa na gaya ng inyong
sarili.

Mga Taga-Galacia 5:14

TANDAAN MASTERIANS!

40
Ikatlong Markahan
YUNIT 3: Pagpapanatili na Malinis
at Maganda ang Kapaligiran

ARALIN 1
Ang Aking Paaralan,
Pangalawang Tahanan

Ang aking paaralan ang aking pangalawang tahanan. Halos siyam na


oras na naririto ako sa mga araw na may pasok. Dahil pangalawang
tahanan ko ito, dapat na mapanatiling malinis ito. Maging ang ibang
mga gusaling pampubliko, palaruan, at mga parke ay dapat na
palaging malinis at mapapangalagaan ang kaayusan.

BASAHIN NATIN:
Ang Kawalan ng Disiplina

Punuan ang mga


sasakyan. Lahat ay
nagmamadali upang
makaabot sa oras ng
trabaho at ang mga mag-aaral naman sa kanilang unang klase. Ngunit ang mga
sasakyang pampubliko ay dapat na maging isang lugar na ang disiplina ay maliwanag
na masasaksihan. Kung ang mga pasahero tulad ng mga kabataan ay maiingay at
malakas na nagtatawanan at tapon nang tapon ng mga pinagkainan, ang paggalang sa

41
karapatan ng iba ay nayuyurakan at ang kawalan ng disiplina sa sarili ang
masasaksihan.

Ganito ang pangyayari isang umaga. Sakay si Mr. Maturan ng jeep


patungong paaralan nang makasakay niya ang ilang mga mag-aaral. Hindi napansin ng
mga bata si Mr. Maturan dahil abala sila sa kanilang kinakain. At sa
pagkukuwentuhan, isang mag-aaral ang nagtapon ng balat ng kendi sa labas ng jeep.
Ang isa naman ay ang balutan ng sandwich na kanyang kinakain. At ang iba ay
gayundin.

Hindi nalingid kay Mr. Maturan ang laging gawi ng mga batang mag-aaral.
Nasaksihan niya ang lahat ng kanilang mg ginawa. Ang pagwawalang-bahala ng mga
kabataan sa ibang pasahero sa pamamagitan ng pag-iingay, ang kanilang kawalan ng
disiplina sa pagtatapon ng mga pinagkainan sa labas ng sasakyan, ang lahat ng mga
ito ay mga katunayan ng kawalan ng disiplina.

Naitanong ni Mr. Maturan sa sarili kung ganito rin kaya ang mga batang
ito sa loob ng paaralan. Hindi nagtagal, bumaba ang mga bata at si Mr. Maturan sa
tapat ng paaralan. Patuloy pa rin sa pag-iingay ang mga bata at hindi pa rin tapos sa
pagkain ang ilan sa kanila. Tumunog ang bell hudyat ng paglinya ng mga bata. Dali-
daling humanay ang mga bata at ang mga hindi pa tapos sa kanilang ginagawa ay
inihagis na lamang basta ang balat ng sandwich at mga balutan ng kendi. Hindi na nila
nakuhang dalhin ang mga ito sa basurahan dahil may kalayuan ito at mawawala sila sa
linya. Pagkatapos ng flag ceremony, isa-isang ipinaiwan ni Mr. Maturan ang mga
maiingay at mga nagsipagtapon ng basura.

Mr. Maturan: Okey, mga bata, pulutin ang mga basurang itinapon ninyo at dalhin sa
basurahan.

Mga bata: Opo, sir.

Mr. Maturan: Mula ngayon, hindi ko na gustong makita kayo na nagkakalat. Ang
paaralan ay inyong pangalawang tahanan at walang may gusto na ang kanyang
tirahan ay tapunan n basura at marumi. Gusto ba ninyo na ang inyong tahanan
ay marumi?

Mga bata: Hindi na po mauulit, sir. Tutulong po kami sa kalinisan ng aming


pangalawang tahanan.

42
Naging Simula ang pangyayaring iyon upang maglunsad ng isang malawakang
nito. Clean and Green Everywhere Campaign sa loob ng paaralan at sa buong paligid
nito.

GAWAIN:

PANUTO: Ang mga nasa kuwadro ay mga gawaing kailangan mong gawin sa loob
ng paaralan upang maging laging malinis ito.

Tukuyin ang gawain at isulat sa ilalim ng kuwaderno. Bigyan ng Paliwanag.

1. ____________________ 2. ____________________

____________________ ____________________

____________________ ____________________

3. ____________________ 4. ____________________

____________________ ____________________

____________________ ____________________

43
5.____________________ 6. ____________________

____________________ ____________________

____________________ ____________________

7.____________________ 8. ____________________

____________________ ____________________

____________________ ____________________

PAGSASANAY:

PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung nagsasabi ng tungkol sa kalinisan
ng mga gusali at pampublikong lugar at ekis naman kung hindi.

1. Pinapayagan ko ang aking aso na umihi kahit saan.

2. Itinatapon ko ang basura sa bakanteng lote malapit sa amin.

3. Inirereport ko ang mg basurang hindi nakokolekta sa aming lugar.

44
4. Nakatutulong ako sa pagpapanatili ng mga puno sa aming lugar sa
pamamagitan ng hindi pagputol sa mga ito.

5. Hindi ko pansin an mga tumatagas na tubig sa mga sirang linya.

6. Hindi ako kailanman nagdidikit ng anuman sa gate ng paaralan.

7. Nagwawalis ako ng aming bakuran tuwing umaga.

8. Nagtatapon ako ng basura sa kanal.

9. Kailanman ay hindi ako nagtapon ng balat ng kendi sa kalsada.

10. Inirereport ko an mga kalsada na kailangang makumpuni.

ARALIN 2
Ang Pangangalaga sa Kapaligiran

Ang mga lugar sa palibot ng ating tahanan at paaralan ay ang tinatawag


na kapaligiran. Ang mga mag-aaral na may disiplina ay nakakatulong sa
pagkakaroon ng isang malinis na kapaligiran. Ang malinis na kapaligiran
ay isang lugar na napakinam na tirahan.

BASAHIN NATIN:

Ang Ating Kapaligiran


Tayong lahat ay may pananagutan na panatilihin ang kalinisan ng ating
kapaligiran. Ang ating kapiligiran ay tumutukoy sa mga lugar sa kabuuan ng ating
paligid gaya ng lupa, mga punongkahoy, ang hangin, ang mga ilog at ang mga
kabundukan. Sinasabi ng mga matatanda na ang hangin nuong unang panahon ay
napakalinis. Nakapagpapalakas ang hangin, at makakahinga ka nang malalim.

45
Ang hangin noon ay walang polusyon na di tulad ngayon. Ang mga ilog ay
malilinaw at ang mga isda ay malaya at masayang naglalanguyan. Isa rin itong
maluwag na daan ng mga transportasyon. Ang mga bangka ay nakapaglalakbay ng
walang abala. Ang mga pasahero ay nakakalanghap ng sariwang hangin at namamalas
nila ang magagandang tanawin.

Ang mga lansangan ay nahahanayan ng maraming punongkahoy. Tahanan ang


mga puno ng maraming ibon at ang lilim na dulot ng mga dahon at sanga nito ay
nagdudulot ng ginhawa sa damdamin ng taong may mga suliranin sa buhay.

Ang mga tao noon ay walang suliranin sa polusyon. Ngayon, ang polusyon ay
laganap. Polusyon sa lansangan, polusyon sa ilog, polusyon sa ating kapaligiran.
Mayroon pa bang pag-asa upang ang kapaligiran ay maging malinis sa polusyon? Ang
sagot ay - Oo.

Kung maibabahagi lamang natin ang ating mg sarili, maibabalik natin ang
magandang kahapon. Magagawa nating malaya sa polusyon ang ating kapaligiran.
Disiplinahin natin ang ating mga sarili. Huwag magputol ng mga punongkahoy, huwag
magtapon ng basura sa ilog, at huwag dumihan ang hangin na ating nilalanghap sa
pamamagitan ng usok na lumalabas sa mga sasakyan.

GAWAIN:

PANUTO: Ang nasa larawan ay mga gawain na hindi natin dapat ugaliin.
Anu-ano ang mga ito? Isulat sa ilalim ng kahon ang sagot.

1. _______________ 2. _________________

46
3. ____________________ 4. ____________________

5. _____________________ 6. ___________________

7. ___________________ 8. ___________________

47
PAGSASANAY:

PANUTO: Gumawa ng drowing ng pangarap mong kapaligiran.

48
ARALIN 3
Ang Tamang Paraan ng
Pagtatapon ng Basura

Araw-araw, bawat isa sa atin ay may basura na itinatapon. Ang mga


basura ay mula sa papel, bote, mga tirang pagkain, balat ng mga prutas,
at marami pang iba. Ang basura ay suliranin ng komunidad. Bawat isa sa
atin ay may magagawa upang malutas ang suliranin sa basura.

BASAHIN NATIN:

May Pera sa Basura


Isang araw ng Sabado, si Aling Auring at ang kanyang anak na si Michael
ay maagang bumangon. Napansin ni Michael ang maraming basyong bote na nakalagay
sa isang sulok sa kusina.

Michael: Inay, bakit narito ang mga boteng ito?

Aling Auring: Mga bote ng catsup, toyo, at suka. Balak kong linisin at ipagbili.

Michael: Inay, marumi na ang mga iyan, itapon na lang natin

Aling Auring: Michael, hindi mo ba alam na may pera diyan? Ang mga bote na hindi
mabibili, maaaring pakinabangan pa at ang mga hindi na pakikinabangan,
ilalagay natin sa basurahan. Sige, lilinisin na natin para pagdaan ng mga
namimili ay maipagbili natin.

Michael: Opo, Inay. Itinuro sa amin sa paaralan na ang mga bagay na tulad ng mga
bote at takip nito ay maaaring pakinabangan pa. Maaaring gawing doormat ang
mga tapon at plorera naman ang mga bote o kaya ay pencil o ballpen holder.

Aling Auring: Natutuwa akong marinig iyan. Halika na at maglinis na tayo. Darating
na ang bumibili ng bote.

49
(At nagtulong sa paglilinis ng mga bote ang mag-ina. Hindi nagtagal dumating ang
magbobote.)

Michael: Inay, narito na po ang magbobote.

Magbobote: Aling Auring, maaari ko na po bang bilhin ngayon ang mga bote ninyo?

Aling Auring: Oo, narito. Katatapos lang naming linisin ni Michael.

Binilang ng magbobote at binayaran si Aling Auring ng P50.00. Masaya si Aling


Auring na ibinukod ang P10.00 at iniaabot kay Michael, ngunit hindi ito
tinanggap ni Michael.

Michael: Hindi Inay, idagdag ninyo iyan sa panggastos ninyo. Alam kong marami
kayong gastusin ngayon. Sa uulitin, itatabi natin ang mga bote at mga papel na
maaaring ipagbili.

Aling Auring: Salamat, Michael. Talagang malaki ang tulong mo sa akin.

(At niyakap ni Aling Auring ang anak.)

GAWAIN: Kulayan ang mga kahon na nagsasaad ng tamang


pagtatapon ng basura.

1. Pinaaalalahanan ko ang aking mga kasambahay sa tamang pagtatapon

ng basura.

2. Hindi ako nababahala sa ginagawang pagtatapon n basura sailog

3. Sa basurahan lamang ako nagtatapon ng aking mga basura.

4. Sinusunog ko ang mga basura kung marami na.

5. Itinatapon ko kahit saan ang mga balat ng aking mga kendi.

6. Lagi akong may maliit na plastic bag para sa mga balat ng aking kendi.

7. Hindi ko tinatakpan kahit kailan ang aming lalagyan ng basura.

8. Hindi ako nababahala sa dami ng mga langaw sa ibabaw ng walang

takip na basurahan.

9. Sa lalagyan n mga tuyong basura ko itinatapon ang mga papel kong gamit na.

50
10. Sa basurahan ng mga basang bagay ko itinatapon ang mga tirang pagkain.

ARALIN 4
Buhayin ang mga Ilog

Nakalulungkot masdan ang maraming ilog natin. Ang iba ay patay na,
ang iba ay may tubig pa ngunit mistulang punong-puno ng mga plastik
at iba’t-ibang mga bagay na itinapon dito.

Iilan lamang ang may buhay na gumagalaw sa mga ilog natin. Ang
dating ilog na pinangingisdaan noon ay bahagi na lamang ng
kasaysayan. Halos wala nang buhay na gumagalaw sa mga ilog.

BASAHIN NATIN:

Isang Simpleng Sitwasyon ng Pagtatalo


Isang hapon ng araw ng Biyernes, pauwi na ang magkaklaseng sina Rita at
Wendy mula sa paaralan. Katatapos lamang ng kanilang praktis ng dula-dulaan na may
kinalaman sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kalikasan at kapaligiran. Nang
sila ay nasa tulay na nag-uugnay sa kanilang Barangay at ng Poblacion, itinapon ni
Wendy sa ilog ang balat ng kendi na kanyang hawak.

Rita: Bakit mo ginawa iyon?

Wendy: Ang alin?

Rita: Ang balat ng kendi, bakit mo itinapon sa ilog?

Wendy: Bakit? Anong masama roon? Maliit lamang naman yong balutan ng kendi.

Rita: Nalimutan mo na ba ang ating dula-dulaan? Di ba sabi doon ay panatilihing


malinis ang mga ilog?

Wendy: Ah! Ngayon naiintidihan ko na kung bakit ka nagagalit. Dula-dulaan lang iyon
at hindi totoo. Malayo ang dula-dulaan natin sa katotohanan.

51
Rita: Mali ka. lyan ang dahilan kung bakit ipalalabas natin ang dula-dulaan. Maraming
tao na ang hindi nagbibigay pansin sa ating mga ilog. Halos lahat na lang ay
itinatapon nila sa ilog. lyan ang dahilan kung bakit patay na ang maraming ilog sa atin.

Wendy: Ano ang ibig mong sabihin na patay na ang ilog?

Rita: Wala na ang mga isda sa ilog, mga tulya, at mga halaman na nabubuhay dito.
Labis na ang dumi sa ilog na siyang dahilan ng kamatayan ng mga may buhay dito.

Wendy: Ganun? Hindi ko alam iyan.

Rita: Ngayong alam mo na, kung maaari, huwag ka nang magtatapon ng kahit ano sa
ilog. At kahit hindi sa ilog, sa tamang tapunan mo ilagay ang iyong mga pinagkainan
kahit balutan ng maliliit na kendi. Maaari ba?

Wendy: Maraming salamat, Rita, sa mga ipinaliwanag mo. Ipinangangako ko na mula


ngayon, hinding-hindi na ako magtatapon ng kahit ano sa ilog at saan man.

Rita: Salamat Wendy, sa pakikinig sa payo ko.

(At masayang nagpatuloy sa pag-uwi ang magkaibigan.)

GAWAIN:

Sagutin ang mga katanungan.

1. Sino sa kuwento ang magkaklase? ______________________________

_________________________________________________________

2. Ano ang kanilang pinapraktis sa paaralan? ________________________

_________________________________________________________

3. Ano ang ginawa ni Wendy na ikinagalit ni Rita? _____________________

_________________________________________________________

4. Ano ang paliwanag ni Rita tungkol sa patay na ilog? Anong payo ang sinabi ni Rita
kay Wendy?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

52
5. Tinanggap ba ni Wendy ang payo ni Rita? _________________________

_________________________________________________________

6. Anong suliraning pangkapaligiran ang ipinaliwanang sa dayalogo?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

PAGSASANAY:

PANUTO: Lagyan ng OO ang bilog kung nagsasabi ng pangangalaga sa mga ilog


at HINDI kung hindi.

1. Gumagamit ng dinamita sa pangingisda.

2. Huwag magtapon ng balat ng saging at mga wrappers.

3. Sirain ang mga coral reefs.

4. Pagtatapon na ginagawa ng mga pabrika sa ilog.

5. Paglalagay n mga halamang pantubig.

6. Huwag magtapon n basura sa ilog.

7. Huwag magtapon n mga detergent at sabon sa ilog.

8. Mga pesticides, itinatapon sa ilog.

9. Huwag hulihin ang maliliit na isda.

10. Langis ng mga sasakyan, itinatapon sa ilog.

TAKDANG ARALIN:

PANUTO: Gumuhit ng larawan ng isang malinis na ilog na puno ng mga


nabubuhay na nilikha sa tunog gaya ng mga isda at nga halaman.

53
ARALIN 5
Mga Batas Trapiko

Ang mga ilaw-trapiko ay nakalagay sa mga sulok ng lansangan. Marami


ang hindi sumusunod dito. Maraming aksidente ang nangyayari at
nagiging dahilan ng malaking trapik sa lansangan dahil sa pagsunod sa
sinasabi ng mga ilaw-trapiko.

Sumusunod ka ba sa ilaw-trapiko at mga batas trapiko?

BASAHIN NATIN:

Sa Pagtawid sa Mga Lansangan

Isang hapon ng Biyernes, pauwi na ang magkaibigang si Nestor at Manny


nang magpasyang bumili ng gamit sa kanilang proyekto sa GMRC. Kailangang tumawid
sila ng lansangan dahil ang tindahan na kanilang bibilhan ay nasa kabila ng lansangan.

Manny: Tumawid na tayo.

Nestor: Hindi mo ba nakikita, pula pa ang ilaw. Ang big sabihin, hindi pa tayo
puwedeng tumawid.

Manny: Ang tagal na nating nakatayo rito. Gagabihin tayo.

Nestor: Okey lang, hindi naman tayo nagmamadali.

Manny: Oo, pero kailan titigil ang mga sasakyang iyan? Tumakbo na lamang tayo.

Nestor: Hindi tama yon. Hindi ba laging leksyon natin sa GMRC na hintayin natin ang
kulay green bago tayo tumawid?

Manny: Sige na nga, nanalo ka.

54
Nestor: O, halika na. Green na ang ilaw, tumawid na tayo.

Tumawid si Nestor at Manny n kalsada at madaling nagpunta sa tindahan.


Pagkatapos na magbayad, madali silang tumawid muli ng lansangan. Hindi na
nakipagtalo pa si Manny kay Nestor dahil hinintay na nilang maging kulay green ang
ilaw.

Nestor: Salamat, Manny, sa pagiging matiyaga mo. Salamat sa iyo sa pag- hihintay
ng ilaw na maging green.

Manny: Salamat din, Nestor, sa mga paalaala mo tungkol sa batas trapiko. Sasabihin
ko ito sa ating guro sa GMRC at natitiyak ko na magiging masaya siya
sapagkat may mag-aaral siya na sinusunod ang kanyang mga itinuturo tungkol
sa batas trapiko.

GAWAIN:

PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na sinusunod mo at ekis (X) kung
hindi.

_______1. Hindi ako tumatawid ng kalsada kung Green Light para sa sasakyan.

_______2. Tumatawid ako ng kalsada sa inilaan para sa tao.

_______3. Hindi ako sumasakay sa lugar na may "No Loading" sign.

_______4. Sinasabihan ko ang drayber na hinaan ang stereo niya.

_______5. Inirereport ko ang mg smoke-belching na sasakyan.

_______6. Lagi kong pinaaalalahanan ang aming drayber na sundin ang No U-turn
sign.

_______7. Hindi ako bumababa sa "No Unloading" sign.

_______8. Pinakikinggan ko ang tunog ng dumarating na behikulo kahit wala akong


nakikita.

_______9. Tumitingin ako sa kaliwa at kanan bago tumawid ng kalsada.

_______10. Tumatawid ako kapag green ang ilaw

55
PAGSASANAY:

PANUTO: Iguhit ang traffic sign na sinasabi sa bilog.

1. Madulas 2. No Parking

3. No U-Turn 4. One Way

5. Tawiran 6. Railroad Crossing

56
7. Bus Stop 8. No left turn

TAKDANG ARALIN:

PANUTO: Magtala ng mga trapik sign na nakikita mo.

1. _____________________________________________________

2. _____________________________________________________

3. _____________________________________________________

4. _____________________________________________________

5. _____________________________________________________

57
Memory Verse

Ang tong mapagbiggy ay


magtatagumpay sa buhay; ang taong
tumutulong ay tiyak na tutulungan.

Kawikaan 11:25

Ika-apat na Markahan
TANDAAN MASTERIANS!

“May magandang kinabukasan


ang taong may pinag–aralan.”

58
YUNIT 4: Ako ay Pilipino

ARALIN 1
Maganda ang Aking Bayan

Ang ating bansa, ang bayang Pilipinas, ay isang magandang bayan. Taon-
taon, maraming turista ang dumarating sa ating bansa dahilan sa
magagandang lugar na mayroon ito. Anong magandang lugar sa ating bansa
ang iyo nang narating?

Nasiyahan ka ba sa kagandagang taglay nito?

BASAHIN NATIN:
Ang Matulaing Talon ng Magdapio

Si Mar, na kasalukuyang nakatira sa Lungsod ng Quezon, ay handa nang umalis


kasama ng kanyang pinsan. Patungo sila sa bayan g kanyang lolo, ang bayan ng
Pagsanjan. Dito sila magsisimula na mamangka patungo sa Talon ng Magdapio, ang
talon na along kilala sa tawag na Pagsanjan Falls. Nakita sila ng kapitbahay na si
Ramon.

Ramon: Mar, aalis ba kayo?

Mar: Oo, darating ang aking mga pinsan at dadaanan nila ako upang pumunta kami sa
bayan ng lolo ko. Pupunta kami sa Magdapio o Talon n Pagsanjan.

Ramon: Saan iyon?

Mar: Sa Lalawigan ng Laguna.

Ramon: Paano kayo pupunta doon?

Mar: Mula dito sa atin ay sasakay ng bus papuntang Laguna at pagdating Sa Calamba
ay bus uli patungong Pagsanjan. Mahabang lakbayin. Mga tatlo hanggang apat
na oras na biyahe.

59
Ramon: Dadaan pala ng calamba, hindi ba doon ipinanganak si Dr. Jose Rizal, ang
pambansang bayani?

Mar: Oo, mula Calamba ay sasakay naman patungong Pagsanjan no dadaan sa Los
Banos at Sta. Cruz a siyang kapitolyo ng lalawigan.

Ramon: Doon ba sa Pagsanjan naroon ang talon ng Magdapio?

Mar: Oo. Pagpunta doon, sasakay sa bangka at magshe-shooting the rapids.


Magandang tanawin at magandang karanasan din ang shooting the rapids sa
pamamagitan ng bangka.

Ramon: Mar, puede bang sumama ako sa inyo?

Mar: Aba, Oo. Marami ding iba't ibang prutas doon at saka buko ng niyog na
napakatamis ang sabaw.

Ramon: Talagang sasama ako sa inyo.

(Hindi nagtagal, dumating ang pinsan ni Mar na si Gerry.)

Gerry: Mar, hindi ka pa ba gayak lumakad?

Mar: Handa na ako! Sa totoo lang, isang oras na akong naghihintay sa inyo.

Gerry: Ganoon ba? Sige tayo na.

Mar: Okey, magpapaalam muna ako kay Inay.

Gerry: Oo, nasaan ba si Tita Carmela?

Tita Carmela: Nandito ako. Halikayo at mag-almusal muna.

Gerry: Salamat po, Tita. Aalis na po kami.

Tita Carmela: Sige, mag-iingat kayo.

Mar: Teka muna, hintayin natin si Ramon. Sasama siya sa atin.

Tita Carmela: Hayan na siya.

Ramon: Salamat po. Okey, tayo na.

Ramon, Gerry and Mar: Paalam po. Aalis na kami.

60
GAWAIN:

Sagutin ang mga tanong.

1. Saan pupunta sina Mar at ang kanyang pinsan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sino ang nakakita sa kanya?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Sino ang hinihintay ni Mar?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. llarawan ang pupuntahan nilang Talon. Bakit sumama si Ramon?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Nahikayat ba siyang sumama dahil sa magandang lugar na kanilang pupuntahan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

6. Ano ang sinasabi ng kuwento tungkol sa ating bansa?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

7. Anu-anong magagandang lugar sa ating bansa ang napuntahan mo na?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY:

61
PANUTO: Maraming magagandang lugar sa bansa. Tingnan natin kung alin-alin
ang mga ito sa pagsasaayos ng mga salita sa ibaba.

1. P E U R O T G E A L R A

2. E R C I T R E R C E A S

3. Y O M N A V L N C O A O

4. L R I A Z A P R K

5. H D D I E N V L L A E Y

ARALIN 2
Ang Mga Pambansang Simbolo

Ang mga Pilipino ay may sariling simbolo o sagisag na


mapagkakakilanlan kung ihahambing sa iba. Ang mga simbolong ito
ay nagsasabi ng mga katangian ng mga pilipino. Anu-ano ang mga
simbolong ito?

BASAHIN NATIN:

62
Si Malakas at Maganda
Isa sa ating mga simbolo ay ang mga alamat. Ang mga alamat ay nagpapaliwang
ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ang mga Pilipino ay may alamat tungkol sa
pagkalalang ng unang lalaki at baba. Ito ang kuwento tungkol kay Malakas at
Maganda.

Sa simula, ang daigdig ay napakalaki ngunit walang laman. Wala kahit anuman
maliban sa ito ay isang malawak na lugar. Ito ang tahanan ng Diyos. Siya ay nag-iisa
at malungkot.

Itinaas ng Diyos ang kanyang mga kamay at ikinumpas sa malawak na lugar.


Hindi nagtagal, nagkaroon ng araw. Ang kaitaasan ay nagsimulang magkaroon ng mga
ulap. Nagkaroon din ng buwan at sa paligid nito ay ang maraming nagniningning na
bituin.

Muling itinaas ng Diyos ang kanyang kamay at nakaturo naman ngayon sa


ibaba. At nabuo ang mundo. Tumubo ang mga punongkahoy, malalaki at matataas.
Nagkaroon ng mga damo at mga bulaklak at maging mga ibon ay nagliparan. Lumitaw
ang karagatan, mga ilog at mga bukal.

Sa hindi kalayuan, isang puno ng kawayan ang hinahampas ng hangin at


iwinawagayway na tulad ng isang bandila ang katawan nito. Isang malaking ibon ang
dumapo dito at nagpahinga.

Sinimulan ng ibon na tukain ang puno ng kawayan. At nabiyak ang kawayan at


bumuka. Isang matikas na lalaki ang lumabas mula sa nakabukas na kawayan. Isa pang
kawayan ang nakita ng ibon. Nakarinig siya ng tunog sa loob. Sinimulan niyang biyakin
ang kawayan at nabuksan ito. Lumabas ang isang magandang babae mula rito.

Nagpakilala ang matikas na lalaki na siya ay si Malakas at sinabi naman ng


babae na siya ay si Maganda. Pinasalamatan ng dalawa ang ibon at sinabi, "Salamat
at pinalaya mo kami. Manirahan ka sa amin "Hindi, isa akong ibon at may sariling
tahanan."

Si Malakas ang unang lalaki at si Maganda ang unang babae. At nabuhay


silang maligaya ng maraming mga araw at sa kanila nagsimula ang lahi ng
sangkatauhan.

63
Ito ang alamat ng unang lalaki at babae sa mundo.

GAWAIN:

PANUTO: Ang alamat ay halimbawa ng ating pambansang simbolo. May mga


simbolo pa na kailangan nating malaman. Ayusin ang mga titik at alamin kung
ano ang mga ito.

________1. PRAK UNTALE (Ang Unang Pambansang Parke)

________2. KLBAWAA (Pambansang Hayop)

________3. WAHAAN (Pambansang Dahon)

________4. ALIAG (Pambansang Ibon)

________5. ARRNA (Pambansang Puno)

________6. MSAPAIGUTA (Pambansang Bulaklak)

________7. YABAH KOUB (Pambansang Bahay)

________8. G G M A N A (Pambansang Prutas)

________9. B N A G S U (Pambansang Isda)

________10. PASI (Pambansang laro)

PAGSASANAY:
PANUTO: Piliin ang tama at isulat ang titik ng iyong sagot sa bahay.

_____1. Pinaghalo-halong saba, kamote, at gabi na nilagyan ng gata ng niyog.

A. ginatatang halo-halo B. ginatang saging C. bibingka

_____2. Manok na may papaya, dahon ng sili at luya.

A. nilaga B. tinola C. gisado

_____3. Tuyong Isda na kinakain na may kamatis.

A. Daing B. laing C. kakanin

_____4. Noodles na may karne o hipon, carrots, repolyo at popular sa mga birthday.

64
A. Molo B. pansit C. pansit malabon
_____5. Inuming galing sa katas ng luya.

A. Salabat B. kape C. tsokolate

ARALIN 3
Pagpapahalaga sa ating Kultura

Tayong mga Pilipino ay may mayamang kultura. Ang ating kultura ay


nagpapahayag ng ating mga paniniwala at mga adhikain. Ang mga
paniniwala at adhikaing ito ay nakapaloob sa ating mga kaugalian at
mga tradisyon.

BASAHIN NATIN:

Pista ng Pahiyas sa Lucban


Tuwing buwan ng Mayo, ang pistang
pahiyas ay bahagi na ng kasaysayan at
ipinagdiriwang ng mga taga Lucan, Quezon. Ang
Pahiyas ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo,
ang kapistahan ni San Isidro. Namumukod-tangi
ang mga kiping na nagpatanyag sa pista ng Pahiyas.
Mayroon ding mga gayak ang bawat tahanan ng
iba't bang mga produktong pananim gaya ng
saging, kalabasa, upo, patola, palay, kasama na ang
iba't ibang prutas na inaani. Ginagawa nila ito sa
paniniwalang ibayong pagpapala ang kanilang
makakamit sa Diyos dahil sa kanilang
pagpapasalamat sa Kanya.

65
Maaga pa ay abala na sa paghahanda ang pamilya Salumbides na aming kapit-
bahay upang umuwi sa Lucban. Ako ay naghahanda na rin sapagkat sasama ako sa
kanila. Nais kong masaksihan ang Pista ng Pahiyas. Marami na akong panahong
nagbalak na sumama ngunit ngayon lamang matutuloy.

Sa pamilya Salumbides, ang kanilang pag-uwi ay hindi lamang dahil sa


Pahiyas. Ito rin kasi ang araw na ginagawa ang reunion ng Pamilya Salumbides-isang
pagkakataon na lahat ng Salumbides ay nagkikita at nagsasama-sama.

Ang kiping na siyang palamuti sa halos lahat ng bahay ay gawa sa giniling na


bigas at pinatuyo sa mga dahon na may iba't ibang laki at hugis gayundin ng iba't
ibang kulay. Kapag tapos na ang piyesta ay puwede nang kainin ang kiping na
karaniwang ipiniprito upang maging isang malutong na meryenda.

Anong gandang pagmasdan ang bawat tahanan sa Lucban sa araw ng


kapistahan? Sa palagay ko ay walang kapantay ang pagdiriwang na ito saanman sa
buong kapuluan.

GAWAIN:

Sagutin ang mga tanong.

1. Anong buwan ang Piesta ng Pahiyas sa Lucan, Quezon?

_____________________________________________________________________________________

2. Ano ang natatanging ginagawang pahiyas sa araw ng kapistahan?

_____________________________________________________________________________________

3. Bukod sa Pahiyas, sinong patron ang ipinagdiriwang ang kapistahan sa araw na ito?

_____________________________________________________________________________________

4. Ang kiping ba ay nakakain?

66
_____________________________________________________________________________________

5. Bukod sa kiping, ano pa ang mga gayak ng bawat tahanan?

_____________________________________________________________________________________

6. Anong pamilya ang uuwi ng Lucban?

_____________________________________________________________________________________

7. Bakit sila uuwi? Dahil lamang ba sa Pahiyas?

_____________________________________________________________________________________

8. Bakit sasama an sumulat sa Pamilya Salumbides?

_____________________________________________________________________________________

9. Ano ang big sabihin ng "family reunion"?

_____________________________________________________________________________________

10. Kayo, mayroon din bang family reunion? Kailan ninyo ito isinasagawa?

_____________________________________________________________________________________

PAGSASANAY:

Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasabi ng kaugalian at


tradisyong Pilipino. Anu-ano ang mga ito? Isulat sa patlang ang sagot. Pumili sa
kahon ng kasagutan.

67
_______1. Ang paghingi ng lalaki sa kamay ng babae upang maging asawa.

_______2. Dulang nagsasalaysay ng hirap at pasakit ni Hesukristo, hanggang sa


Kanyang kamatayan at muling Pagkabuhay.

_______3. Gayak ng mga inaning produkto.

_______4. Pag-aalay ng bulakalak para kay Birheng Maria tuwing buwan ng Mayo.

_______5. Ang pag-awit sa harapan ng bintana ng isang dalagang napupusuan.

_______6. Pagdiriwang para sa karangalan ng patron.

_______7. Mga laruang nakabitin upang lundagin ng mga bata.

_______8. Paawit na paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose.

_______9. Giniling na bigas.

_______10. Palabas tungkol sa pag-aaway ng Muslim at Kristiyano

A. Pista D. Flores De Mayo H. Pamamanhikan

B. Senakulo E. Pabitin I. Harana

C. Pahiyas F. Moro-Moro J. Galapong

G. Panunuluyan

68
ARALIN 4
Ang Musikang Pilipino

Ang musika ay itinuturing na wikang panglahatan o yunibersal. Ito ay


nangangahulugan na anumang lahi ang iyong kinabibilangan ay
matatanggap mo ang musika kahit anumang wika ito nakasulat.

BASAHIN NATIN:

Ang Awiting Bayan

Tayong mga Pilipino ay sinasabing lovers of music maibigin sa musika. Ang


musika ay bahagi ng ating kultura. Isang paraan ito ng ating pakikipagtalastasan
tungkol sa ating mga kagalakan, pagpapa- kasakit at mga adhikain sa buhay. Marami
tayong iba't bang uri ng mg awiting nagpapahayag ng ating mga karanasan at
damdamin. Ang marami sa ating mga sinaunang awitin ay nagsasaad ng buhay ng mga

69
Pilipino at pagmamahal n magulang sa mga anak. Ang mga awiting ito ay tinatawag na
"folk songs" o awiting bayan.

Ang mga Awiting Bayan ay isinasalin sa sumusunod na mga salinlahi o


henerasyon sa pamamagitan ng pag-awit. May mga awiting bayan na walang tiyak na
pinagmulan ngunit nananatili pa rin ng Awiting Bayan, dahil sa pagsasalin-salin mula
pa sa ating mga ninuno. Narito ang isang halimbawa "Sa Ugoy ng Duyan." 'na kinatha
ni Lucio San Pedro.

Ugoy Ng Duyan
1. Sana'y di magmaliw

2. Ang dati kong araw

3. Nang munti pang bata

4. Sa piling ni Nanay

5. Nais kong maulit

6. Ang awit ni Inang mahal

7. Awit ng pag-ibig

8. Habang ako' y nasa duyan

9. Sa aking pagtulog

10. Na labis ang himbing

11. Ang bantay ko'y tala

12. Ang tanod ko'y bituin

13. Sa piling ni Nanay

14. Langit ay mabuhay

15. Puso ko'y may dusa

16. Sabik sa goy ng duyan

70
GAWAIN:

Sagutin ang mga katanungan.

1. Tayo bang mga Pilipino ay "lovers of music" ?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bahagi ba ng ating kultura ang musika?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ano ang paksa ng mga "folk songs" o awiting bayan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Paano naisasalin sa bawat henerasyon ang mga awiting bayan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Anong awiting bayan ang alam mo at ikaw ay pamilyar?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY:

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

______1. Sa English, ano ang ibig sabihin ng "Ugoy"?

A. to stoop B. to sway C. to look at

______2. Ano ang duyan?

A. upuan B. swing C. cradle

_____3. Sa ika-5 at ika-6 na linya, ano ang nais ng sumulat?

71
A. makasama ng kanyang ina

B. magbalik ang dating kahapon

C. ang matulog kasama ang ina

_____4. Anong uri ng awit ang gusto niyang maulit?

A. awit tungkol sa pag-ibig ng ina sa anak

B. awit ng pag-ibig

C. awit ng pag-ibig ng ina sa kanyang bayan

_____5. Ayon sa bata, ano ang nagsisilbing bantay niya?

A. mga bituin B. magulang C. mga aso

_____6. Aling linya ang nagsasabi na ang buhay na kapiling ang ina ay langit?

A. linya 13 B. linya 14 C. linya 15

_____7. Ano ang kahulugan ng linya bilang 16?

A. sabik ang bata sa ugoy ng duyan

B. galit ang bata sa ugoy ng duyan

C. hindi alam ng bata kung ano ang gagawin

_____8. Alin linya ang nagtataglay ng mensahe ng awit?

A. linya 1-4 B. linya 5-8 C. Ang linya 9-12

_____9. "Sa Ugoy ng Duyan" ay simbolo para sa:

A. alaala ng kamusmusan

B. pagmamahal ng ina sa anak

C. tulugan

____10. May matibay na bigkis, ayon sa awit.

A. sa pagitan ng magulang at anak

B. sa pagitan ng duan at ng bata

C. sa pagitan ng kabataan at ng bata.

72
ARALIN 5
Katulong sa Pagbuo ng Bansa

Ang buhay ay hindi nalalatagan ng mga rosas, ayon sa isang


kasabihan. Kaya’t dapat lamang na hanapin ang mga pamamaraan kung
paano magiging masaya at kapaki-pakinabang ang buhay.

BASAHIN NATIN:

Ako at ang Pamahalaan


Ang pamahalaan ay isa sa mga institusyon na nagsasagawa ng mga paraan
kung paanong ang bawat Pilipino ay magkaroon ng magandang buhay. Ang mga toang
may katungkulan sa pamahalaan ang siyang may pananagutan upang maisagawa ng
pamahalaan ang mga layunin nito.

Bagama't responsibilidad ng pamahalaan na maging maunlad ang buhay ng


mga Pilipino, hindi ito nangangahulugan na tayong mga mamamayan ay uupo na lamang
at magrerelaks. Dapat na gumawa rin tayo upang mapaunlad natin ang ating mga
sariling buhay. Ang ating tagumpay ay nakasalalay sa ating mga sarili.

Maraming paraan kung pano tayo makatutulong sa pamahalaan. Puwede


tayong magsimula sa ating sarili. Paano?

Sa pamamagitan ng pangangalaga sa ating sarili, ng ating mga


pangangatawan, ang paglago ng ating ispirituwal na buhay at kabuhayan. Magagawa
natin ito sa pamamagitan ng:

1. Pagkain ng gulay at mga prutas

2. Pagsasagawa ng mga ehersisyong pisikal tulad ng pagbibisikleta, paglalangoy,


pagdyaging at iba pang ehersisyo.

3. Positibong pananaw sa buhay

4. Pagkain ng mga mayayaman sa bitamina at protina

73
Isa pang paraan ay ang pangangalaga sa ating mga likas na yaman. Ang ating
mga likas na yaman ay bigay ng Diyos. Kung hindi natin ito pagyayamanin, darating
ang panahon na mawawala ang mga ito sa atin.

Anu-ano ang mga likas na yaman na dapat nating pangalagaan? Ito ang mga
punongkahoy, ang mga hayop, tubig, lupa, langis, at ang hangin.

Isa pang paraan ay ang pagtangkilik natin sa sariling produkto. Ang ibig
sabihin, bilhin natin ang sariling atin. Sa paraang ito, nakatutulong tayo sa
pagpapalakas ng kinikita ng ating mga kababayan at nangangahulugan ito ng dagdag
na buwis sa pamahalaan na kailangan upang maisagawa ang mga layunin nito para sa
ating mga mamamayan.

Ang pinakamahalagang magagawa ng isang mag-aaral na tulad mo upang


makatulong sa pamahalaan ay ang mag-aral ng mabuti sapagkat ang edukasyon ang
susi sa kaunlaran ng bawat isa.

GAWAIN:
Sagutin ang mga tanong.
1. Anong institusyon ang nabanggit na may pananagutan upang magkaroon ng
mabuting buhay ang mga Pilipino?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sino ang nagsasagawa ng mga layunin ng pamahalaan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bilang bahagi ng pagtulong natin sa pamahalaan, ano ang dapat nating


pangalagaan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Magbigay ng apat na paraan kung paano natin mapangangalagaan ang ating mga
sarili.

______________________________________________________________
______________________________________________________________

74
5. Magbigay pa ng tatlong paraan kung paano natin matutulungan ang pamahalaan.

______________________________________________________________
______________________________________________________________

6. Anu-ano ang ating mga likas na yaman?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

7. Bakit kailangang tangkilikin ang ating mga sariling produkto?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

8. Ano ang pikamabuting paraan upang makatulong sa pamahalaan ang isang batang
tulad mo?

______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAGSASANAY:

PANUTO: Isulat sa patlang ang A kung sang-ayon ka at D kung hindi.

_____1. Hindi makatutulong at walang magagawa ang mga batang tulad mo sa


pamahalaan sa kampanya nito sa kalinisan.

_____2. Ang mga punongkahoy ay bahagi ng likas na yaman.

_____3. Puwedeng putulin natin ang puno kung ating papalitan.

_____4. Hindi mauubos ang ating likas na yaman.

_____5. Ang may positibong pananaw ay laging masaya.

_____6. Ang edukasyon ang susi ko sa tagumpay.

_____7. Mahina ang kalidad ng mga produktong Pilipino.

_____8. Wala akong magagawa pang ako'y umunlad.

_____9. Ang pamahalaan lamang ang maaaring magpaunlad nang ating buhay.

_____10. Ang pagkain ng gulay ay para lamang sa matatanda.

75
PAGSASANAY:

PANUTO: Lagyan ng PA ang patlang kung ang sinasabi ay pisikal na gawain at


MA naman kung mental o pangkaisipan na gawain ang sinasabi.

_____1. Paglalangoy

_____2. Pagsagot sa mga palaisipan

_____3. Pagsulat ng sang paksa

_____4. Pagtatanim ng punongkahoy

_____5. Pagsasagawa ng iyong proyekto

_____6. Pagsagot sa klase

_____7. Pagsayaw sa tanghalan sa palatuntunan

_____8. Pagbigkas ng tula

_____9. Paglalaro ng iskrabol

_____10. Paglalakad sa buhanginan

_____11. Pagsasaulo ng talumpati

_____12. Pagbibisekleta sa parke

_____13. Paglalaro ng chess.

_____14. Pagsagot sa takdang aralin

_____15. Paglalaro ng bowling

76
Memory Verse

Ipahayag ninyo ang kaniyang


kaluwalhatian sa mga bansa ang
kagilagilalas niyang mga gawa sa
lahat ng mga bayan.

Awit 96:3

TANDAAN MASTERIANS!

“May magandang kinabukasan


ang taong may pinag–aralan.”

77

You might also like