You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
Macabebe East District
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2022 – 2023

2nd QUARTERLY TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


TABLE OF SPECIFICATION

Learning Competencies/Objectives/Layunin Item Placement/ No. of Percentage/


Kinalalagyan ng Items/ Porsyento
Bilang Bilang

4.Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging 1-10 10 20%


responsable sa kapwa

4.1Naipakikita ang kahalagahan ng


pagiging responsable sa pangako o
pinagkasunduan
4.2 Naipakikita ang kahalagahan ng 11-20 10 20%
pagiging responsable sa pagpapanatili ng
mabuting pakikipagkaibigan

4.3 Naipakikita ang kahalagahan ng 21-40 20 40%


pagiging responsable sa pagiging matapat

5. Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya 41-50 10 20%


o suhestyon ng kapwa

Prepared by:

ANA LIZA H. SAMONTE


Teacher III
San Gabriel Elementary School

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


Address: San Gabriel, Macabebe, Pampanga
Telephone No.: 0925-896-7676
Email Address: r3pamp.106094@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
Macabebe East District
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2022 – 2023

Pangalan: _____________________________________________________Petsa: ___________________


Baitang at Pangkat: ___________________________________________Iskor: __________________

Basahin at intindihin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang

_______1. Ang pagdating sa oras ng pinag-usapan ay pagtupad sa pangako.


A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______2. Humiram ka ng aklat sa iyong kaklase na kapitbahay mo at sinabi na ibabalik mo


kinabukasan ngunit dinalaw ninyo ang iyong lolo at lola hindi mo naibalik sa takdang araw.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______3. Tinawagan si Alma ng kanyang guro dahil hindi siya nakapagpasa ng kanyang gawain.
Nangako siya na gagawa na siya sa susunod. Nakapagpasa na siya ng kanyang gawain sa mga
sumunod na araw.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______4. Dinalhan ni Joana ang kanyang kapatid ng tsokolate dahil sinabi niya na ibibili niya ito
ng pasalubong pagkauwi.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______5. Hindi nabayaran ni Ally si Aling Mabel sa nahiram niyang pera sa takdang araw na pinag-
usapan nila.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______6. Nakalimutan ni Susan ang araw na pinag-usapan na magkakaroon sila ng video call ng
kanyang mga ka grupo kaya hindi siya nakasama.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______7. Sinabi ni Fed na mag-aaral na siyang mabuti sa susunod markahan, kaya naman
nakakuha na siya ng mataas na marka.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______8. Nangako ka sa iyong nanay na isang oras ka na lamang maglalaro ng games sa iyong
cellphone, ngunit inabot ka na naman ng maghapon sa kakalaro.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______9. Ang pagtupad sa pangako ay tanda ng pagiging responsable.


A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______10. Ang mga bata ay kailangan matutunan ang pagtupad sa pangako.


A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______11. Si Mira ang nanghihikayat sa kaibigan upang makapag-usap nang mabuti


sa mga bagay na hindi nila napagkaka-unawaan.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______12. Tuwing magkasama sina Alvin at Ivan panay ang puri ni Ivan sa kaibigan,
ngunit sinisiraan naman niya ito kapag hindi sila magkasama.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______13. Hindi sinasang-ayunan ni Alexa ang gawang mali ng kaibigan kahit ito’y
magdamdam pa sa kanya.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

Address: San Gabriel, Macabebe, Pampanga


Telephone No.: 0925-896-7676
Email Address: r3pamp.106094@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
Macabebe East District
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2022 – 2023

_______14. Napansin ni Juana ang kanyang matalik na kaibigan na nahihirapan siya


sa paggawa ng proyekto sa asignaturang EsP. Nagdadalawang isip si
Juana na tulungan ang kaibigan dahil mayroon silang hindi
pagkakaunawaan, ngunit nilapitan pa rin niya ang matalik na kaibigan
upang mag-alok ng tulong.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______15. Madalas awayin ni Mariel ang kanyang kaibigan dahil naiinggit siya sa
natatamong tagumpay ng kanyang kaibigan.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______16. Sa Amerika na naninirahan ang pamilya ng kaibigan ni Albert. Nalungkot siya dahil
malayo na ang kanyang kaibigan at maaaring malimot na rin siya pag dating ng panahon? Ano ang
mabuting gawin ni Albert?
A. Gumawa ng parehong account sa messenger upang makapag usap at magpatuloy sa pagiging
magkaibigan
B. Hayaan na lamang ang kaibigan .
C. Makikibalita na lamang sa mga kamag anak ng kaibigan.
D. Kakalimutan na ang kaibigan.

_______17. Si Flor ay laging humihingi ng payo sa kanyang kaibigan upang mapabuti ang kanyang
pag aaral, ngunit isa man dito ay wala siyang sinusunod. Ano ang gagawin mo?

A. Hindi na papayuhan at pabayaan nalang.


B. Papayuhan pa rin hanggang sa matauhan.
C. Aawayin at hindi na kakusapin.
D. Hindi na siya papansinin.

_______18. Noong nag-aaply sa trabaho si Rima,tanging ang kaibigang si Jona lamang ang kanyang
nakakatulong sa pag-aayos ng mga dokumento nito. Di nagtagal ay natanggap si Rima sa isang
malaking kumpanya at naging maganda ang buhay nila. Lumapit si Jona sa kaibigan upang siya
naman ito ang kanyang tulungan ngunit pinagtabuyan niya ito. Kung ikaw si Jona, ano ang
gagawin mo?
A. Susumbatan si Rima.
B. Sisiraan si Rima sa kumpanya.
C. Iintindihin ko na lamang si Rima at hindi magkikimkim ng sama ng loob.
D. Lalayo kay Rima at maghihiganti kapag siya ay nangailangan ng tulong.

_______19. Madalas mo nakikita ang iyong kaibigan na nakaupo sa isang sulok at umiiyak. Ano ang
iyong gagawin?
A. Di ko siya lalapitan at hahayaan na lamang siya sa isang sulok.
B. Pagtatawanan ko siya at sasabihin buti nga sa kanya.
C. Magbubulag-bulagan ako kunwari di ko siya nakita.
D. Lalapitan ko siya at itatanong kung may maitutulong ba ako sa kanya.

_______20. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkaibigang Janice at Irish kung sino ang
dapat suportahan sa pagka presidente ng SPG sa kanilang paaralan. Sa bandang huli, napagtanto
nila na hindi sila dapat magkasiraan ng pagkakaibigan, bagkus ay magkaisa na lamang sa suporta
sa mga programa ng kung sino man ang maihalal para sa ikauunlad ng mga mag aral at paaralan.
Tama ba ang naging desisyon nina Janice at irish?
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______21. Humingi ng pera si Abby sa kanyang nanay upang bumili ng pagkain, ngunit sa halip na
pagkain ang kanyang bibilhin mas inuna pa niyang bilhin ang laruan na kanyang nakita.
a. Matapat b. hindi matapat

Address: San Gabriel, Macabebe, Pampanga


Telephone No.: 0925-896-7676
Email Address: r3pamp.106094@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
Macabebe East District
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2022 – 2023

_______22. Mayroong proyekto na gagawin sina Lyn at nagpaalam siya sa kanyang tatay na sila ay
mag eensayo sa bahay nina Cita pagkatapos nila ay umuwi siya kaagad.
a. Matapat b. hindi matapat

_______23. Sinabihan ng guro ang kanyang mga estudyante na huwag magkokopyahan sa kanilang
pagsusulit ngunit marami pa rin ang lumabag sa sinabi ng guro.
a. Matapat b. hindi matapat

_______24. Naglalakad papunta sa parke si Joshua at napansin niya na nahulog ang pitaka ng
kanyang mama. Dali-dali niya itong pinulot at isinuksok sa kanyang bulsa.
a. Matapat b. hindi matapat

_______25. Maagang nagpaalam si Alfred sa kanyang nanay na papasok sa paaralan ngunit


nakasalubong niya sa daan ang kanyang mga kamag-aral at niyayaya siya na huwag ng pumasok
sa araw na iyon, ngunit hindi siya pumayag at nagpatuloy na naglakad papunta sa paaralan.
a. Matapat b. hindi matapat

_______26. Mayroong ibinigay na proyekto ang guro nina Sabel at ipinagawa niya ito sa kanyang
kuya pagkauwi niya sa bahay.
a. Matapat b. hindi matapat

_______27. Nabasag ni Vic ang paboritong baso ng kanyang nanay at nakita niya ito na nagka pira-
piraso. Nang tanungin siya ng kanyang nanay kung sino ang nakabasag sinabi niya ang totoo at
humingi siya ng paumanhin.
a. Matapat b. hindi matapat

_______28. Nag-away kayo ng iyong kaklase habang wala ang inyong guro, pagdating nito
nagsumbong ang inyong isang kaklase at tinanong ka ng inyong guro kung bakit kayo nag-away
ngunit nagsinungaling ka hindi mo sinabi ang totoong nangyari.
a. Matapat b. hindi matapat

_______29. Nagbigay ng pagsusulit ang inyong guro at habang hindi siya nakatingin kinuha mo at
binuksan ang iyong kwaderno upang kopyahin ang mga sagot.
a. Matapat b. hindi matapat

_______30. Ibinigay kay Joy ang baon nilang magkakapatid dahil nagmamadaling pumasok sa
trabaho ang kanilang nanay at hinati niya ito ng tama at ibinigay sa mga kapatid.
a. Matapat b. hindi matapat

_______31. Ang pagsasabi ng hindi totoo ay isang katangian ng pagiging matapat.


A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______32. Ibinalik ko sa tindera ng tindahan ang sobrang sukli na kanyang ibinigay sa akin.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______33. Iniwan kong nakabukas ang telebisyon sa sala at nakita ito ni nanay, tinanong niya ako
kung sino ang huling nanood ng TV ngunit itinanggi ko na ako ang huling nanood at nakaiwan.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______34. Nagtanong ang aming guro kung maliwanag na ba sa amin ang aralin na kanyang
itinuro nagtaas ako ng kamay at sinabi na hindi ko pa masyadong naiintindihan.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______35. Madalas mangopya sa katabi si Janet kaya nakakapasa siya sa kanyang pagsusulit at
ipinagmamalaki niya sa kanyang kamag-aral na siya ay masipag mag-aral ng leksyon.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

Address: San Gabriel, Macabebe, Pampanga


Telephone No.: 0925-896-7676
Email Address: r3pamp.106094@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
Macabebe East District
SAN GABRIEL ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2022 – 2023

_______36. Palagi kong sinusunod ang mga bilin at utos ng aking mga magulang sa akin.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______37. Ang pagloloko sa kapwa at pagsisinungaling ay simbolo ng pagiging matapat.


A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______38. Hinahangaan ko ang aking Ate dahil sa pagsasabi niya ng tunay at tapat kahit kanino
pa man.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

_______39. May usapan kami ng aking kaibigan na magkikita kami ng alas 3:00 sa mall ngunit alas
2:30 na nasa bahay pa ako. Nung ako ay kanyang tinawagan kung nasaan na ako sinabi ko on the
way na ako.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______40. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon ay nagpapakita ng pagiging matapat.


A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______41. Hindi nagustuhan ni Myra ang ideya ng kanyang kagrupo ngunit mahinahon pa rin itong
pinakinggan.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______42. Sinuring mabuti ni Kelly ang suhestiyon ni Bella.


A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______43. Nakipagtalo ng ideya si Cedrick sa kanyang kausap.


A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______44. Hindi sinunod ni Nick ang ideyang napagkasunduan nila.


A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______45. Pinapanatili ni Joy ang pag-unawa sa suhestiyon ng kanyang kasama kahit na magulo ito
at paulit-ulit.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______46. Pinapakinggan ko ang mga ideya ng aking mga kagrupo sa tuwing may pangkatang
Gawain kami at ibinibigay ko nang maayos ang ideya na sa palagay ko ay dapat naming piliin.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______47. Binabalewala ko ang ideya ng iba dahil mayroon naman akong sariling ideya.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______48. Tinataguan ko ang kapitbahay naming nais humingi ng suhestiyon tungkol sa kaniyang
proyekto.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______49. Sinisikap ko na hindi sumama ang loob ng aking kausap kahit magkaiba ang aming
ideya.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

______50. Bukas ang aking isip sa iba’t-ibang ideya at opinyon ng aking kapwa dahil alam ko na sa
aking sarili na bawat tao ay amay karapatang magpahayag.
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Ewan

Address: San Gabriel, Macabebe, Pampanga


Telephone No.: 0925-896-7676
Email Address: r3pamp.106094@deped.gov.ph

You might also like