You are on page 1of 6

Department of Education

Region X
Division of Misamis Occidental
Sapandalaga District
BITIBUT INTEGRATED SCHOOL
S.Y. 2022-2023

IKATLONG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Filipino 7 – Modyul 7
March 29-Apri 4, 2023
I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Luzon.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news
casting) tungkol sa kanilang sariling lugar.
C. Kasanayang Pampagkatuto at Code: Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na
konteksto ng napanood na dulang pantelebisyon. (F7PD-IIIf-g-15)
D. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay mahahasa sa mga sumusunod na
kakayahan:
a. Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood na dulang
pantelebisyon. (F7PD-IIIf-g-15)
b. Natutukoy ang elemento ng dulang pantelebisyong napanood batay sa pagsusuri ng sanaysay
c. Nailalahad ang sosyo-historikal na konteksto ng dulang pantelebisyong napanood.
d. Napahahalagahan ang pagsusuri ng sanaysay o dulang pantelebisyon.
II. Paksang Aralin: Pagsusuri sa Elemento at Sosyo-Historikal ng Sanaysay at Dulang Pantelebisyon
A. Aklat: Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino/Deped TV
B. Kagamitan: Laptop, PowerPoint, Mga Larawan at Elektronikong Kagamitan
I. Pamamaraan: Expositroy
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.Paghahanda
a-1 Panalangin
• Magsitayo ang lahat para sa panalangin.
a-2 Pagbati
• Magandang hapon sa lahat. Magandang hapon po, Bb. Arlyn.
• Maaari na kayong umupo.
a-3 Pagtsek ng atendans
• May lumiban ba sa klase ngayon? Wala po.
• Mahusay kung gonoon.
a-4 Balik-aral (Ginawa ng mga mag-aaral.)
• Ano ba ang tinalakay natin noong nakaraang
tagpo? Ang tinalakay po natin ay ang Alamat ng
Mindanao.
a-5 Nagpapahayag ng Layunin
May mga takdang-aralin ba kayong ipapasa?
Wala po ma’am.
B.Pagganyak
Pagpapakita ng video.
“Ang Ningning at Ang Liwanag”
isinulat ni: Dimas-Ilaw (Emilio Jacinto)

1. Ano ang teman bidyung inyong napanood?


2. Mula sa teksto, ano ang mga katangian ang
masasalaminan atin sa ating pag-uugali
3. Anong uri ng panitikan ang inyong napanood?

Alam ba ninyo kung ano ang sanaysay at ung paano


magsuri?
Ang lahat ay nakilahok at nakinig.
C. Pagtatalakay sa bagong konsepto

Sanaysay ay isang komposisyon na karaniwang


pumapaksa ng personal na pananaw o opinyon,
kaisipan at nararamdaman ng may-akda. Isinusulat ito
nang maikli lamang. Makikita sa salitang “sanaysay’
ang mga salitang “sanay” at “salaysay.” Kung
pagdurugtungin ang dalawa ay puwedeng sabihin ang
“sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang
“sanay” o eksperto sa isang paksa.

Halimbawa rito ay ang


It’s A Mens World ni Bebang Siy, Anim na Sabado ng
Beyblade ni Ferdinand Jarin, at
Personal ni Rene Villanueva at iba pa. Ang lahat ay nakilahok at nakinig.

Dalawang anyo ang sanaysay:

1. Pormal o maanyong sanaysay ay nagtataglay ng


makatotohanang
impormasyon, piling mga salita, at pahayag na
maingat na tinatalakay kaya’t
masasabing mabisa. Ito ay may maayos na balangkas
na nakatutulong sa lohikal na
paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong uri ng sanaysay
ay karaniwang umaakay sa mga mambabasang mag-
isip nang malalim at paglakbayin ang guniguni.

Halimbawa
“Tamang Pangangalaga ng Kabayo” ni Bernadette
Biko.

Pamilyar o di pormal o tinatawag ding palagayang


sanaysay ay mapangaliw, mapagbiro, at nagbibigay-
lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
karaniwan, pang-araw-araw, at personal na paksa.
Binibigyang-diin nito ang karanasan at mga isyung
bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda
ay
maaaring naranasan din ng mga mambabasa.

Halimbawa rito
“Nais mo bang Lumigaya?’’ ni Regina Tabian.
Tatlong bahagi o tatlong elemento ng Sanaysay:
1.Panimula – sa pagsulat ng bahaging ito,
kinakailangang nakatatawag ng pansin o
nakapupukaw ng damdamin ng mambabasa.
2. Katawan – samantala, sa bahaging ito ay ang
pagkanilalaman ng akda na kinakailangang maging
mayaman sa kaisipan at marapat na nagtataglay ng
kaisahan sa detalye nito.
3. Wakas – sa bahaging ito naman ng sanaysay,
karaniwang nababasa ang pangkalahatang impresyon
ng may-akda. Maaaring ilahad sa bahaging ito ang
buod o kongklusiyon ng sumulat.

Pagsusuri ng Sanaysay: Ang lahat ay nakilahok at nakinig.


Tema – madalas na may iisang tema ang sanaysay.
Ang tema ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang
paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng
temang ito.
Anyo at Istruktura – ang anyo at estruktura ng
sanaysay ay mahalaga sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa ng isang
sanaysay.
Kaisipan – ito ang mga ideyang nababanggit na may
kaugnayan o nagpapalinaw sa tema.
Wika at Estilo – ang uri at antas ng wika maging
estilo ng pagkakagamit ay nakaaapekto rin sa pag-
unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng
simple, natural, at matapat na mga pahayag.
Larawan ng Buhay – nailalarawan ang buhay sa
isang makatotohanang salaysay, masining na
paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-
akda.
Damdamin – naipapahayag ng isang magaling na
may-akda ang kanyang damdamin nang may
kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan
at kaganapan.
Himig - nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng
damdamin. Maaaring masaya,
malungkot, mapanudyo at iba pa.

D. Pagtatalakay sa Pagbuo ng Konsepto

Ang Ningning at Liwanag


ni Emilio Jacinto
Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa
paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata,
upang mapagwari ang buong katunayan ng mga
bagaybagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat ng
araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay
ng nagaganyak na dumampot. Ang lahat ay nakilahok at nakinig.
Ang ningning ay maraya.
Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani
sa ningning. Ang lahat ay nakilahok at nakinig.
Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang
isang karuaheng maningning na hinihila ng kabayong
matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay
mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman
ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim ng
kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas
na tinataglay ay natatago ang isang sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa
pinapasan. Tayo’y napapangiti, at isasaloob.
Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating
nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng
kaniyang kawatawan na siya’y nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay.

Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang


pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga
ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng
kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na
lumitaw na ningning, lalong-lalong na nga ang mga
pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng
kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang
mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at
ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng
kapangyarihan.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating
pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo n gating mga
ugat at magbalat-kayong maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na
puspos na galang ay ang maliwanag, ang magandang
asal at matapat na loob, walang magpapaningning
pagka’t di natin pahahalagahan. At ang mga isip at Ang lahat ay nakilahok at nakinig.
akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa
maliwanang na banal na landas ng katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng
ningning upang hindi mapagmalas ng mga matang
tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang
kagallingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa
ningning, mahinhin, at maliwanag na mapapatanaw sa
paningin.
Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na
nagpapatunay ng katotohanan nito. Mapalad ang araw
ng liwanag!

E. Pagtatalakay sa bagong konsepto


Dulang Pantelebisyon/Pampelikula -ay binubuo ng
gumagalaw na larawan at tunog na lumilikha ng
kapaligiran at mga karanasang malapit sa
katotohanan.

Mga Sangkap ng Dulang


Pantelebisyon/Pampelikula

1. Nilalaman/Kuwento
• Dito nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng palabas
• Makatotohanang paglalahad ng kalagayan ng mga
tauhan at mga pangyayari sa kanilang buhay.
Ang lahat ay nakilahok at nakinig.
2. Diyalogo
• Sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap.
• Linyang binibitawan ng bawat karakter

3. Mga Tauhan
• Ang mga nagsisiganap sa palabas
• Sila ang nagbibigkas ng diyalogo
• Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin

4. Disenyong Pamproduksyon
• Tumutukoy sa pook o tagpuan, make-up, kasuotan,
at iba pang kagamitan sa dulang pantelebisyon.

5. Tunog/Musika
• Ang nagpapalitaw ng kahulugan sa bawat
mahahalagang tagpo o damdamin
• Pinatitingkad nito ang atmospera at damdamin

6. Sinematograpiya
• Tumutukoy sa pag- iilaw,komposisyon,galaw at iba
pang teknik na may kaugnayan sa kamera
• Ito ang masining na pagpoposisyon ng anggulo at
mga puwesto ng larawan na mapapanood sa isang
pelikula
Ang lahat ay nakilahok at nakinig.
7. Direksiyon
• Dito pinapakita kung paano pinagsasanib ng director
ang lahat ng sangkap ng dulang pampelikula

F. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na


buhay. Ang diskriminasyon ay pagmamaliit sa isang
tao.
Ano ang diskriminasyon?
Ang naidudulot ng diskriminasyon sa ating
Ano ang naidudulot ng diskriminasyon sa ating buhay ay mawawalan tayo ng tiwala sa sarili
buhay? at maaaring mawawalan g gana sa buhay.

Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo


upang maiwasan ang pagkakaroon ng diskriminasyon Bilang isang mag-aaral ay makakatulong
sa ating bansa o paarala? ako sa pamamagitan ng pagiging ihimplo sa
mga kabataan.
G. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin at unawain ang tekso. Salungguhitan
ang pangunahing kaisapan
at bilugan ang mga pantulong na kaisipan sa loob ng
kahon.
Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para
makapagsalita at utak para makapagisip.Iyan ang
paulit-ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing
nalalaman niyang hindi na naman ako nagsalita
upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi
yaong tipo ng taong hindi nagsasabi ng tunay na
nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong
may punto naman siya doon. Tama naman talaga
siya. Ginagamit natin ang ating mga bibig para
maisalita kung ano ang ating mga saloobin
kaagapay ang utak upang iproseso ang mga
napapansin at kapansin-pansing mga bagay-bagay
na nangyari sa ating paligid. Sipi mula sa akdang

H. Takdang-Aralin
Panuto: Isulat sa loob ng mga hugis ang iyong sagot
batay sa mga tanong na
nakatapat sa mga ito.

I. Pagninilay
Ppagpapatuloy sa tinalakay na Pagsusuri sa Elemento
at Sosyo-Historikal ng Sanaysay at Dulang
Pantelebisyon

Prepared by: Checked: APPROVED:

ARLYN C. LUMASAG JULFA P. AGSABAY GINA


H. TUMAGNA ESP III
Teacher I Secondary Head Teacher School Head

You might also like