You are on page 1of 5

Department of Education

Region X
Division of Misamis Occidental
Sapandalaga District
BITIBUT INTEGRATED SCHOOL
S.Y. 2022-2023
IKATLONG MARKAHAN

Banghay Aralin sa Filipino 7 – Modyul 3


March 6-10, 2023
I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Luzon.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita
(news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar.
C. Kasanayang Pampagkatuto at Code: Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,
alamat, kuwentongbayan, maikling kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay
sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan, at mga aspetong pangkultura (Hal: Heograpiya, uri
ng pamumuhay, at iba pa) (F7PB-IIId-e-15/ F7PB-IIId-e-16)
D. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay mahahasa sa mga
sumusunod na kakayahan:
a. Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, kuwentongbayan, maikling
kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan,
kaisipan, at mga aspetong pangkultura (Hal: Heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa)
(F7PB-IIId-e-15/ F7PB-IIId-e-16)
b. Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng
isang akda. (F7WG-IIId-e-14)
c. Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan.
9F7PB-IIIf-g-15
II. Paksang Aralin: Katangian At Elemento Ng Mito, Alamat, Kuwentongbayan, Maikling
Kuwento Mula Sa Mindanao, Kabisayaan At Luzon
A. Aklat: Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino/Deped TV
B. Kagamitan: Laptop, PowerPoint, Mga Larawan at Elektronikong Kagamitan
I. Pamamaraan: Expositroy
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.Paghahanda
a-1 Panalangin
• Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.
a-2 Pagbati Magandang hapon po, Bb. Arlyn.
• Magandang hapon sa lahat.
• Maaari na kayong umupo. Wala po.
a-3 Pagtsek ng atendans
• May lumiban ba sa klase ngayon? (Ginawa ng mga mag-aaral.)
• Mahusay kung gonoon.
a-4 Balik-aral Ang tinalakay po natin ay ang
• Ano ba ang tinalakay natin noong Kasingkahulugan at Kasalungat.
nakaraang tagpo?
Wala po ma’am.
a-5 Nagpapahayag ng Layunin
May mga takdang-aralin ba kayong
ipapasa?

B.Pagganyak
Pagpapakita ng video

Ang lahat ay nakilahok at nakinig.


1. Ano ang pamagat ng bidyung inyong
napanood?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa bidyu?
3. Tungkol saan ba ang bidyu?

Alam ba ninyo kung ano ang tawag sa


kuwentong ito?

C. Pagtatalakay sa bagong konsepto

Paraan ng pagsusuri sa elemento at


katangian ng mga akdang
pampanitikang pasalaysay Ang mga
sumusunod na hakbang ay nararapat na Ang lahat ay nakilahok at nakinig.
isaalang-alang sa pagsusuri ng mga akdang
pampanitikang tuluyan.
1. Pagsusuri sa tauhan – suriing mabuti
ang gawi, kaugalian, kagandahang asal,
anyo at paraan ng pagsasalita ng mga
tauhan upang magkaroon ng kaisipan
hinggil sa kanilang kultura, paniniwala at
pinagmulan.

2. Uri ng Panitikang kinabibilangan ng


akda – mahalagang matukoy ang
panitikang kinabibilangan ng isang akda
upang masuring mabuti ang elemento at
katangian nito. Madalas itong matutukoy sa
paksang itinatampok at sa panimula, gitna at
wakas ng babasahing akda.
3. Pagtukoy sa mahahalagang
pangyayari sa akda – kinakailangang
suriin ang mga nilalaman ng pangyayari sa
isang akda dahil mula sa tauhan hanggang
sa wakas o kinahinatnan ay nagpapahayag
ito ng mga mahahalagang kaisipang
sumasaklaw sa pinagmulan ng akdang
binabasa.

Pagkakatulad ng mito, alamat, maikling


kuwento at kuwentong-bayan
Halos pareho lamang ng mga paksang
tinatalakay ang apat na uri ng panitikang ito
na karaniwang tumatalakay sa kalikasan,
pamahiin, relihiyon, paniniwala, kultura
maging ang heograpiya, uri ng hanapbuhay
at katangian ng mga mamamayan sa isang
partikular na lugar o pangkat na pinagmulan
ng mga ito. Karaniwang ikinukuwento ang
mga ito upang makapagbigay ng gintong
aral na magagamit sa tunay na buhay.

D. Pagtatalakay sa Pagbuo ng Konsepto Ang lahat ay nakilahok at nakinig.

Pagkakaiba ng mito, alamat, maikling


kuwento at kuwentong-bayan
Mito – karaniwang tumatalakay sa mga Diyos,
Diyosa, Bathala, Diwata at mgakakaibang
nilalang na may kapangyarihan.
Alamat – isang kuwentong nagsasaad kung
saan nanggaling o nagmula ang mga bagay-
bagay. Kuwentong-Bayan – isang maikling
kuwento tungkol sa isang tauhang naninirahan o
paniniwalang litaw na litaw sa isang partikular
na lugar o pangkat. Maikling Kuwento- isang
akdang pampanitikang likha ng guniguni at
bungang-isip na hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.

Elemento ng Maikling Kuwento

1. Tauhan Likha ng mga manunulat ang


kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan
kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at
mga pantulong na tauhan.
2. Tagpuan/Panahon Dinadala ng may-
akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa
iba't ibang panahon kung saan at kailan
nagaganap ang mga pangyayari. 3. Saglit Na
Kasiglahan Inihahanda sa bahaging ito
ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga
pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan
4. Suliranin O Tunggalian Tumutukoy ito
sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay
maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa
sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
5. Kasukdulan Ito ang pinakamataas na uri
ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa pangunahing
tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay
sa paglutas ng suliranin. 6. Kakalasan Ito
ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito
agad sa kasukdulan.
7. Wakas Tinatawag na trahedya ang wakas
kapag ang tunggalian ay humantong sa
pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng
pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama
kapag may malungkot na sangkap subalit
nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa
mabubuting tauhan.

D. Paglalahat

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


Alamat, Mito at Maikling Kuwento?

Ano ang kaibahan ng konotasyon at


denotasyon?

E. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-


araw na buhay.

1. Ano ba ang naidudulot ng iba’t ibang


pananaw sa buhay?
2. Ano ang gagawin mo sulosyon dito
bilang isang mamayan?
3. Bakit mahalaga na galangin natin ang
iba‘t ibang pananaw sa buhay ng ating
kapwa?

F. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang
mga impormasyon mula sa akdang
binasa na sumasalamin sa katangiang
taglay ng alamat, mito, kuwentong-bayan
at maikling kuwento.
I. Takdang-Aralin
Pag-aralan ang .
Prepared by: Checked: APPROVED:

ARLYN C. LUMASAG JULFA P. AGSABAY GINA


H. TUMAGNA ESP III
Teacher I Secondary Head Teacher School Head

You might also like