You are on page 1of 1

ISANG DIPANG LANGIT

Ni: Amado V. Hernadez


Ang tulang Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernadez ay ginawa niya sa loob
ng kulungan. At ito ang kanyang karanasan.

Ang unang saknong sa tula ay


nagsasalaysay na ang persona ay giniit sa may kasalanan ng mga taong nakatataas sa
lipunan. Kahit wala naman siyang kasalanan ay siya’y napagbintangan sa kasalanang
hindi naman ginawa.

Sa ikalawang saknong, ay yaong panahong siya’y kinulong sa lugar na kung


saan ay may malupit na bantay. Dito napagtanto niya na ang kanyang buhay ay para ng
patay, dahil kahit humihinga pa siya ay wala ng silbi ang kanyang buhay.

Sa ikatlong saknong ay ang tanging ginawa niya ay dumungaw lamang sa maliit


na butas sa kulungan na tanaw na tanaw ang dipang langit. Sa pagmamasid sa langit ay
naluha siya at nalungkot. Nasasaktan siya dahil ang mismong bayan na kanyang pinagiingatan,
pinaglalaban at pinagsisilbihan ay yaon pa ang nagtaksil at nag-udyok sa kanya
sa kulungan.

Sa ikaapat na saknong, ay isinalaysay ng persona na wari’y galit na galit ang


mga tanod na nagbabantay sa kanilang kulungan habang may katabing isang nabilanggo
na sumisigaw ng malakas na parang hayop sa yungib.

Sa ikalimang saknong, ay nagpapahiwatig na maghapon at magdamag siyang


nagluksa. At sa kanyang pagluluksa ay napaisip siya na ang lungga ng bilangguan ay
parang kabaong. Ibig sabihin sa panahon nang nasa bilangguan siya ay para na siyang
patay na nilalamayan ng mga tanod at iba pang nakakulong.

Sa ikaanim na saknong ay naglalarawan na may nakita ang persona na may


dumaan sa kanyang harapan na kung saan ay may kadenang kumakalanding sa kanya,
isang may sala na ibinilad sa lakas ng init ng araw at hindi na nakayanan ang parusa
kaya’y namatay.

Sa ikapitong saknong ay inilalarawan ng persona na kung minsan sa isang


tahimik na gabi ay biglang nagulantang ang lahat sa ingay na naghuhudyat na may
takas. At minsan naman ay nasaksihan at nakita ng persona namay nag-aagaw buhay
hanggang namatay dahil sa parusang ibinitay.

Sa ikawalong saknong ay sinabi ng persona na ang bilangguan na ngayon ang


kanyang mundo, sa bilangguan na parang libingan ng buhay. Umabot din ang persona
ng dalawampung taon na pagkabilanggo at nagwika siya na baka sa bilangguan na siya
mamamatay.

Sa ikasiyam na saknong ay nangangahulugan na kahit siya’y matanda na sa


bilangguan ay hindi pa rin siya sumusuko na baka siya’y makalabas dito. Dahil buhay
pa siya, ay umaasa pa rin siya na may pag-asa kahit masakit sa puso, natatakot at
nahihirapan.

Sa ikasampung saknong ay sinabi ng persona na ang Bathala ay di-natutulog,


ibig sabihin, alam ng Diyos ang lahat ng mga pangyayari, ang totoo o hindi. Lahat ng
ginagawa ng lahat ng tao sa buong daigdig ay batid ng Bathala. Kaya, nagwika ang
persona na hindi lahat ng api ay api. Ibig sabihin ay may hangganan ang paghihirap na
dinadanas ng tao sa buhay. At sa panahon ng pagtutuos ay napawalang-sala siya.

Sa huling saknong, ay nakalaya na ang persona. Masaya siya dahil natatanaw na


niya ang dipang langit ng wala ng luha. Sisikat ang araw ng tagumpay ay
nangangahulugang may bagong pag-asa ang dadating sa kanyang buhay, pagdating ng
bukas.

Itong tulang Isang Dipang Langit ay sumasalamin sa pag-asa ng buhay ng tao.


There is hope when you have life. Huwag susukosa anumang pahihirap na madadanas
natin at higit sa lahat ay huwag susukosa mga problemang hinaharap o haharapin dahil
sa tuwing nabubuhay pa tayo ay nabubuhay din ang pag-asa na dadating sa huli at ito
ang tagumpay. #trustGod

You might also like