You are on page 1of 6

Saint Columban College

Pagadian City

FIL 240

Mala-Masusing Banghay Aralin 

Pangalan: CHERNALENE MAY R. DUMPIT BSED, 3rd Year

I.             Layunin

1. Nauunawaan ang kahulugan at menshaeng nais ihatid ng tula.

2. Napapahalagahan ang mga karanasan ng mga bilanggo sa kulungan.

3. Nakakasulat ng isang replektibong sanaysay tungkol sa nabasang tula.

II.            Paksang Aralin: Isang Dipang Langit

Sangunian: Internet

Kagamitan: Laptop at Cellphone

III.          Pamamaraan 

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin at Pagbati
2. Pagtala ng mga lumiban
3. Pagbibigay ng mga Alituntunin
4. Pamukaw sigla (drill)
5. Pagbabalik-aral

B.   Pagganyak/Motibasyon

“ILARAWAN MO” 
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan, mga bagay na may kinalaman sa magiging
panibagong paksa. Tatawag ang guro ng mga estudyante upang ibahagi kung ano ang masasabi o
paano nila ilalarawan ang pinakitang litrato sa harapan.

MGA LARAWAN:

C.   Paglalahad ng Bagong Aralin

        1. Pagbasa sa mga Layunin

        2. Talakayan

Kahulugan ng “Isang Dipang Langit”

Ang tulang ito ay isinulat ni Amado Hernandez at maaaring isalin sa Ingles na “A Piece
of Heaven”.

Isinulat ito ni Hernandez sa Muntinlupa noong Abril 22, 1952. Ang tulang ito ay
nagsasalaysay sa mga karanasan ng mga taong nakulang. Ito rin ay nagpapakita ng mga
pinagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw nilang buhay.

“ISANG DIPANG LANGIT”

Ako’y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:


bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang


sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –


bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

D.   Paglalapat/Aplikasyon

Pangkatang Gawain:

Hahatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat upang isagawa ang aktibidad na may kaugnayan
sa paksang tinalakay. Bawat pangkat ay kinakailangang mag “brainstorm” sa kanilang mga ideya
tungkol sa tula, at masagot ang tanong na;

“Anu-ano ang mga karanasan ng isang bilanggo sa loob ng kulungan?”

Bawat grupo ay pipili ng isang mag-aaral mula sa kanilang pangkat upang ibahagi ang kanilang
magigimg sagot sa tanong.

Krayterya:

Nilalaman – 35%

Pagka malikhain – 20%

Pagbigkas – 10%

Paraan ng pagkakalahad – 35%

Kabuuan -                  100 %

 E. Paglalahad/Ebalwasyon
Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay, ang guro ay magtatanong
nga mga bagay bagay tungkol sa paksa. Maaari nitong hingin ang mga opinyon ng bawat
estudyante tungkol sa “Isang Dipang Langit”, maaari ring magbahagi ang mga estudyante ng
kanilang mga iba’t-ibang mapait, malungkot at malupit na karanasan.

IV.          Pagtataya  

Panuto: Kumuha ng isang buong papel at sumulat ng isang replektibong sanaysay


tungkol sa “Isang Dipang Langit.” Gawing basehan ang mga gabay na tanong sa
pagsulat ng replektibong sanaysay.

1. Ano ang iyong unang impresyon sa pamagat ng tula?


2. Anu-ano ang mga damdaming iyong naramdaman habang binabasa ang tula?
3. Ano kaya ang mga dahilan ng pagka-piit ng isang bilanggo?
4. Kung ikaw ang nasa katayuan ng may akda, bilang isang bilanggo maghahangad
ka rin ba ng kalayaan? Bakit?

Pamantayan:

Kaisipan --------- 20

Gramatika------- 20

Organisasyon—10

Kabuuan -------------------- 50 pts

V.           Takdang Aralin

Isulat ang sagot sa ¼ na papel

1. Ilarawan ang buhay ng isang bilanggo, gamit ang isang pangungusap


lamang.

You might also like