You are on page 1of 5

Modyul 5

Isang Punongkahoy
Jose Corazon de Jesus

Ang Panggigera
Lope K. Santos

Introduksyon
Layunin

 Nakikilala ang katauhan ng persona sa likod ng bawat tula


 Nabibigyang interpretasyon ang mga piling saknong ng tula
 Nailalahad ang mahahalagang mensahe ng tulang tinatalakay
 Nailalarawan ang katangian ng mga tula sa kabuuan ng paglalahad
 Naiuugnay sa katotohanan ng buhay ang kabatiran na nakapaloob
sa tula

Nilalaman

Jose Corazon de Jesus


Tulad ng isang punongkahoy,
ISANG taglay ng tao ang pagyabong sa
PUNONGKAHOY bawat yugto na magtuturo sa
kanya upang makapamuhay nang
naaayon sa inaasahan.

Lope K. Santos
ANG Panandaliang ligaya na dulot ng
sugal hindi mapanghahawakan
PANGGIGERA sapagkat ganti nitong pagdurusa
panghabambuhay kapagdaka.

Gabay na Tanong sa Pag–aanalisa ng Tula

1. Tungkol saan ang tula?


2. Paano inilahad ng makata ang kanyang likha?
3. Taglay ba ng tula ang mga sangkap na inaasahan sa paglikha?
4. Makatwiran ba ang naging paglalahad ng tula sa kabuuan nito?
Halina’’t basahin at unawain ang sumusunod na tula.

ISANG PUNONGKAHOY
Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan


Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...

Sa aking paanan ay may isang batis,


Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;


Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan niyo ang aking narating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

At iyong isipin nang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

ANG PANGGIGERA
Lope K. Santos

Sumangguni sa ibibigay na sipi ng naatasang tagapagbahagi ng


nasabing tula.

Pagtataya/Ebalwasyon
Takdang Aralin

A. Gawin nang may kawastuan at kaayusan ang ibinigay na gawain


sa tulong ng Flow Chart. Ipapasa ang awtput sa messenger.
1. Pamagat ng Akda
2. Makata
3. Uri ng Tula
4. Mensahe (2)
5. Tayutay
6. Pananalig Pampanitikan

Tatasahin ang awtput gamit ang nakalahad na pamantayan.

Nilalaman 20
Mekanismo 5
Presentasyon 5
B. Basahin at unawain ang sumusunod na tula.
1. Lumang Simbahan ni Florentino Collantes
2. Sa Kabataang Pilipino ni Dr. Jose Rizal

Sanggunian
Macaraig, Milagros B. (2005). Sulyap sa Panulaang Filipino. REX Bookstore.
Sampaloc, Maynila.

Prepared: Checked: Approved:

Mrs. MARY ANN R. ANDAL Dr. AIDA A. CASAS Dr. RANDY M. BAJA
Instructor Department Head Dean

You might also like