You are on page 1of 12

GE 110 - Produksyong Pampanitikan

Aralin 4 – TULA : Tradisyunal at Malayang Taludturan

Introduksyon
Batid natin na ang TULA ang itinuturing na pinakamaikli sa lahat ng sangay ng
panitikan. Subalit sa kabila ng pagiging maikli, kalakip nito ang mahabang panahon ng
pagbibigay–kahulugan at pag–unawa sa mensahe ng isang partikular na tula. Mauuri
ding malaya ang pagpapakahulugan sa sangay na ito ng panitikan sapagkat walang
iisang tiyak na kahulugan ang alinmang tula. Nagkakaroon ito ng iba’t ibang kahulugan
batay sa naging pagbibigay–interpretasyon ng mga mambabasa.

Nabatid natin sa sinundang aralin ang mga pinag–ugatan ng tula. Dahil dito,
nagkaroon tayo ng kabatiran sa naging pag–unlad ng tula sa paglipas ng panahon
hanggang sa tuluyang madalisay ang paglikha nito. Masasabi natin na mas naging
mapanghamon ang paglikha ng tula dahil sa mga tagubilin na dapat isaalang–alang
gaya na lamang ng paggamit ng iba’t ibang sukat, tugma, haraya, simbolo at iba pa.
Magkagayunman, batid din natin na mayroong mga tula na hindi nangangailangan ng
nabanggit na sangkap subalit hindi ito nangangahulugan na may kahinaan ang mga
ganitong halimbawa ng tula.

Layuning Pagkatuto
1. Nakikilala ang katangian at kahingian sa paglikha ng iba’t ibang uri ng tula
2. Nabibigyang pansin ang mahahalagang tagubilin sa paglikha ng tula
3. Nakapagbabahagi ng sariling halimbawa at taglay na mensahe ng nasabing tula
4. Nakalilikha ng mga sariling halimbawa ng tula

Nilalaman
Sa pangkalahatang talakay, inuuri sa dalawa ang mga tula na ating naririnig at
nababasa – TRADISYUNAL AT MALAYANG TALUDTURAN.

Tinatawag na tradisyunal o makaluma ang mga karaniwang halimbawa ng tula


na kalimitan nating nababasa sa iba’t ibang sanggunian. Ito ang mga tula na may sukat
at tugma. Binibigkas ng may aliw–iw at indayog sa dulo. Katunayan, mas marami sa
mga tula na nalikha sa ating kasaysayan ang nabibilang sa uring ito. Marami ding
makata ang higit na napatanyag sa ganitong paraan ng paglalahad. Isa na rito si
Francisco Baltazar na mas kilala sa taguri na Balagtas at minsan pa’y kinilala bilang
HARI NG PANULAANG TAGALOG. Mapupuna sa lahat ng akdang patula na nilikha
niya ang pagiging tradisyunal. Tulad na lamang ng mga saknong na bumubuo sa
akdang Florante at Laura at sa iba pa niyang akda. Ganito rin ang naging istilo at
pamamaraan ng mga makata na sina Jose Corazon de Jesus o Huseng Sisiw, Amado
V. Hernandez, Dr. Jose Rizal, Florentino Collantes at marami pang iba. Subalit maliban
sa kanila, higit na nakilala ang pangalang TEODORO AGONCILLO at hindi naglaon,
napatanyag nga bilang AMA NG PANULAANG TAGALOG dahil sa kanyang tula na
may pamagata na Republikang Basahan. Higit pang lumaganap ang ganitong mga tula
sa mahabang panahon.

Kaugnay nito, marami rin ang sumubok at nagtagumpay lumikha ng mga tula
mula sa naging impluwensya ng mga dayuhan. Ilan na nga rito ang HAIKU at TANAGA
na ipinakilala ng mga Hapones. Mauuri din itong tradisyunal sapagkat taglay ng bawat
taludturan ang sukat at hindi man ganap ang tugmaan, sa indayog ng pagbigkas
maririnig ang ritmo ng himig sa dulo.

May sukat na
5-7-5
HAIKU
Karaniwang
pumapaksa sa
kalikasan
TULANG
HAPONES
May sukat na
7-7-7-7

TANAGA Kadalasang
pumapaksa sa
kagandahang
asal
Pansinin ang sumusunod na halimbawa ng haiku at tanaga lalo’t higit ang paraan
ng pagkakalikha sa bawat uri ng tula.
Dulot ng mga pagbabago sa iba’t ibang aspeto, nagkaroon din ng modipikasyon
sa paglikha at pagsulat ng panitikan lalo’t higit ang tula. Sa pangunguna ni
ALEJANDRO G. ABADILLA o AGA (sagisag panulat), nagkaroon ng panibagong
mukha ang panulaan sa bansa. Mula sa pagiging tradisyunal, naipakilala ang mga
tulang malayang taludturan; ito ang mga tula na walang sukat at tugma. Katulad ng
inaasahan, mas naging maunlad ang sangay na ito ng panitikan sapagkat mas marami
ang mga manlilikha at makata na lumikha ng iba’t ibang halimbawa ng tula. Naging
palasak nga lalo na sa mga milenyal ang pagbabato ng mga linyang patula sa
makabagong paraan tulad ng mga PICK UP LINE, HUGOT LINE at SPOKEN POETRY
na kadalasang iniuugnay sa usaping pampag–ibig.

Tinatawag na TUGMANG DE GULONG ang mga paalalang makikita sa mga


pampublikong sasakyan gaya ng dyip, traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito
ay karaniwang nakatutuwa, nanunudyo,o di kaya naman ay mayroon talagang
makabuluhang mensaheng nais iparating sa mga pasahero. Karaniwan ding inihahango
ang mga tugmang ito sa mga kasabihan o salawikaing Pilipino.
Hindi man isinulat ng mga lehitimong manunulat, kakikitaan pa rin ng
pagkamalikhain kung paano naisisulat ang mga tugmang de gulong. Dahil hango ito sa
mga salawikain, naroroon pa rin ang mga tugma at pinapalitan lamang ang mga salita
upang maging tugma sa buhay pagbiyahe ng mga Pilipino.

Katangian ng Tugmang De Gulong


Payak lamang ang katangian ng mga tugmang de gulong. Dahil hindi ito isang uri ng
pormal na tula o anumang akda, wala itong sinusunod na tugma, bilang ng pantig, o
maging bilang ng mga salitang gagamitin.
Karaniwang nakaayon lamang ito sa mga tanyag na kasabihan o salawikain. Kung
sariling akda naman, kinakailangan lamang ay nakatutuwa ito at mayroong kinalaman
sa buhay ng isang tsuper o pasahero. Maaari din itong maging panunudyo o pang-
aasar ngunit iniiwasan ang labis na paggamit ng salita upang hindi naman lubhang
makasakit ng damdamin. Maaari din namang seryoso ang tono sa pagbibigay ng
paalala o motibasyon sa mga pasahero at kapuwa komyuter.

Bakit Nabuo ang mga Tugmang De Gulong?

Ayon sa mga eksperto sa wika at lingguwistika, walang tiyak na dahilan sa pagkakabuo


ng mga tugmang de gulong. Ngunit mababakas umano ang pinagmulan nito sa naisin
ng mga may-ari ng pampasaherong sasakyan na mas pagandahin ang kanilang mga
ginagamit sa hanapbuhay. Upang maging kakaiba, imbes na larawan ng mga sikat na
personalidad, sinubukan nilang isulat ang mga paalala sa mas malikhaing paraan na
naging patok naman sa mga komyuter. Dahil doon, lumaganap ang paglalagay ng mga
paalala sa mga pampasaherong sasakyan at kalaunan ay nakilala bilang tugmang de
gulong.

Mga Halimbawa:
1. Upong nuwebe lamang nang lahat ay magkasya.
2. Wag dumi-kuwatro dahil dyip ko ay di mo kuwarto.
3. God knows Hudas not pay.
4. Barya lang po sa umaga, sa hapon pwede na.
5. Batak mo, hinto ko!
6. Bayad muna, bago baba.
7. Bayad muna, bago mag-cellphone.
8. Ang di magbayad, walang problema. Sa karma pa lamang ay bayad ka na.
9. Huwag kalimutang pumara nang makauwi sa pamilya.
10. Kapag mataba, doble ang bayad.
11. Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makararating sa
paroroonan.
2. Diyos ko, ilayo mo po ako sa mga barat na tao.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng nasabing makabagong uri ng tula. Punahin
ang naging paraan ng paglikha sa bawat halimbawa.
Pagtataya at Ebalwasyon
A. Pagsusulit
Makikita ito sa LMS.

B. Takdang Gawain
1. Lumikha ng tig–2 o higit pang sariling halimbawa ng:
haiku, tanaga, tugmang de gulong, pick - up at hugot lines.

2. Lumikha ng isang sariling halimbawa ng spoken poetry na hindi bababa sa 10


linya.
3. Gawing malikhain at maayos ang paglalahad ng awtput.
4. Ipasa ang nabuong awtput sa group monitor sa ika - 30 ng Marso taong
kasalukuyan.

Sanggunian
https://takdangaralin.ph/tugmang-de-gulong/
Checked:
Approved:
Prepared:
Dr. RANDY M. BAJA
Ms. GINA A. SIGLOS
Instructor Dean
Department Head

You might also like