You are on page 1of 6

GE 110 - Produksyong Pampanitikan

Aralin 6 – Balita at mga Uri Nito

Introduksyon
Kadalasan, nalalaman natin ang isang bagay dahil sa pagtatanong, kwentuhan,
napakinggan at mga kaugnay nito. Subalit lingid din sa ating kaalaman na karamihan sa
mga ito, nalalaman natin dahil sa mga balita.

BALITA ang tawag sa mga ulat na pasulat at pasalita tungkol sa iba’t ibang
kaganapan sa loob at labas ng ating bansa. Dahil sa mga balita, nalalaman natin ang
mga bagay na hindi pa natin alam o wala tayong sapat kaalaman. Dahil sa mga balita,
lumalawak ang kaalaman natin tungkol sa mga bagay–bagay. Dahil sa mga balita,
nagkakaroon tayo ng kamalayan sa mga pangyayaring naganap, nagaganap at maging
mga pangyayari na maaaring maganap pa lamang. Tunay na napakalaking tulong sa
bawat isa sa atin ng mga bata.

Sa modyul na ito, bibigyang–pansin ang mas malawak na talakay tungkol sa


kaligiran ng balita at mga uri nito lalo’t higit ang wastong paraan sa pagsulat ng
makatuturang balita.

Layuning Pagkatuto
 Nabibigyang–katuturan ang iba’t ibang uri ng balita at mga uri nito
 Napagtutuunan ng pansin ang mga bagay na dapat isaalang–alang sa pagsulat
ng balita
 Nakasusulat ng isang maayos at makatotohanang balita batay sa mga
pangyayari sa lipunan
 Napahahalagahan ang mga balita sa pamamagitan ng pagbuo ng isang maikling
video ng pagbabalita.

Nilalaman
Katulad nang nabanggit na, tinatawag na balita ang napapanahon at
makatotohanang ulat ng mga pangyayari saanmang sulok ng mundo, mga ulat din itong
hindi pa naiilathala hinggil sa mga ginagawa ng mga tao na inaakalang pananabikan
mabatid at mapaglibangan ng mga mambabasa. Idagdag pa natin, balita rin ang mga
impormasyon hinggil sa pangyayari na hindi pa alam ng marami na may kaugnayan sa
iba’t ibang aspeto gaya ng kabuhayan, katahimikan, edukasyon, pulitika, isports maging
ispiritwal na kalagayan.
Katangian ng Balita

1. GANAP NA KAWASTUAN
Tiyakin ang katumpakan ng bawat pahayag, pangalan, tirahan, petsa, edad
at pangyayari

2. TIMBANG
Naglalaman ng mahahalagang detalye hinggil sa mga tunay na pangyayari

3. WALANG KINIKILINGAN
Hindi nagtataglay ng personal na opinyon ng mga manunulat at dapat na
isulat ang dalawang panig ng istorya

4. KAIKLIAN AT KALINAWAN
Dapat maikli at malinaw dahil magpabatid ang pangunahing tuon at layunin
nito

lokal
nasyunal

SAKLAW banyaga

internasyunal
URI NG BALITA

tuwirang
balita
ISTILO
pabalitang
lathalain

Katulad ng nakalahad sa itaas, mapapangkat sa dalawa ang uri ng mga balita.

AYON SA SAKLAW

1. LOKAL/NASYUNAL o ang mga ulat na sumasaklaw sa mga pangyayaring


umiiral sa pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng sumulat ng balita
a. pambarangay
b. pambayan
c. panlalawigan
d. panrehiyon
e. Pambansa

A.Lungsod ng Zamboanga, Abril 16, 2016 – isang malakas na lindol ang pumatay ng
maraming mamamayan at puminsala ng ari-arian dito.
B.Nagtayo ng community pantries ang pamunuan ng Bauan sa pangunguna ni Mayor
Dolor simula noong ikalawang linggo ng Abril bilang pagbibigay-tulong sa mga
Bauangeno.
C. Nag-order online ng masustansyang pagkain na inilarawan na “500 yen lamang ang
una at may garantiya na pwedeng ikansela sa loob ng 10 araw”. Dahil hindi naman
naramdaman ang epekto, nagpasya na ikansela ito sa loob ng 10 araw. Ngunit, noong
mag-aplay ng kanselasyon, sinabi ng kumpanya na “kapag kinansela mo, kinakailangan
mong magbayad ng katumbas sa 5 buwan na panustustos ng produkto” at noong
binanggit ko na nasa loob pa ng panahon ng garantiya ng kanselasyon, sinabi nila na
“ang kundisyon para makansela ay bayaran ang katumbas na 5 buwan na regular na
halaga ng produkto”. Nang ikumpirma ko sa kasunduan, napakaraming nakasulat na
kundisyon na hindi ko napansin noong inorder ko ang produkto.
D. Noong Agosto, patuloy ang paglaganap ng kaso ng pagnanakaw ng pera at ATM
kard kung saan ang mga kriminal ay nagpapanggap bilang pulis sa Tokyo at karatig
lugar at pagkatapos kumpirmahin sa telepono na may pera ang biktima ay
nagpapanggap naman bilang taga-inspeksyon ng kumpanya ng gas o kuryente at
pumupunta sa bahay ng mga matandang nasa 60 hanggang 90 taong gulang, tinatali
ang biktima at tatangayin ang pera o ATM kard. (Maliban dito, nagpapanggap din sila
bilang taga inspeksyon ng pampatay sunog na gamit at magsasagawa ng pagnanakaw.
2. INTERNASYUNAL o ulat ng mga pangyayari na nagaganap sa iba’t ibang
bansa at panig ng daigdig

AYON SA ISTILO

1. TUWIRANG BALITA
Diretsahan ang pagkakahanay ng mga datos at ginagamitan ng
kumbensyunal na pamatnubay (5 W’s and H).
Ayon sa tala na inilahad ng PAG-ASA, 20 katao na ang natukoy na namatay at walo
pa ang nawawala dahil sa landslide na naganap sa Koronadal City, Cotabato bunsod
ng Bagyong Lorenzo.
Nilampaso ng Philadelphia ang Orlando sa iskor na 78-70 sa naganap na championship
noong Sabado sa sariling homecourt ng Orlando Magic.
2. PABALITANG LATHALAIN
Hindi diretsahan ang paglalahad ng mga datos at kadalasang ginagamitan
ng makabagong pamatnubay.

Sinimulan ang pagdiriwang sa parada ng mga parol na nilahukan ng mga mag-aaral,


guro, magulang at mga kasapi ng barangay.
Masikip, marumi at hindi matitirahan. Iyan ang komento ng marami sa mga nasalanta
ng Bagyong Agaton kaugnay sa mga Bunk Houses na ibinigay ng gobyerno.
MGA DAPAT ISAALANG–ALANG SA PAGSULAT NG BALITA

1. Huwag maging maligoy.


2. Huwag gumamit ng matatalinhagang salita.
3. Huwag na huwag maglalahad ng sariling opinyon.
4. Ilahad ang mga totoong nangyari o pawing katotohanan lamang.
5. Tiyakin na walang kinikilingan ang ginawang paglalahad ng balita.

Kaugnay ng nabanggit na alituntunin sa itaas, makatutulong din sa kabisaan ng


ilalahad na balita ang pagsasaalang–alang sa balangkas na ito.
Pinakamahalagang Datos

Pansuportang Detalye
Karag
dagan
g
Impor
masyo
n
Pagtataya at Ebalwasyon
1.Takdang Aralin

Pumili ng isa sa mga saklaw ng balita sa ibaba at gumawa ng isang video ng


pagbabalita. Ang kabuuang balita ay dapat lamang na tumagal ng 1 - 3 minuto. Gawing
malikhain ang pagbabalita. Isumite ito sa group monitor hanggang sa ika - 24 ng Abril.

A. Lokal/
B. Nasyunal
C. Internasyunal

2.May pagsusulit sa LMS.

Sanggunian
https://www.coursehero.com

Cruz, Ceciliano J. (2003). Pamahayagang Pangkampus Sa Bagong Milenyo. REX


Bookstore.

Checked: Approved:
Prepared:
Dr. AIDA A. CASAS Dr. RANDY M. BAJA
Ms. GINA A. SIGLOS
Instructor Department Head Dean

You might also like