Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan ng Balita
Ayon kay Turner Catledge, ang tagapangasiwang editor ng The New York Times,’’ Ano
mang bagay na hindi mo alam ng nagdaang araw ay isang balita.
Si Dr. Rufino Alejandro ay nagsabing ‘Ang balita ay isang ulat na hindi pa nailathala
tungkol sa ginagawa ng mga tao.
Ang isa pang katuturan ng balitang ibinigay ni Dean M. Lyle Spencer, isang dekano ng
paaralan ng pamahayagan sa Syracuse University na laging sinisipi sa mga batayang- aklat ay
ganito: “ang balita ay anumang pangyayari, ideya o opinyon na napapanahon, nakawiwili o
nakaaapekto sa maraming tao sa isang pamayanan at maaaring maunawaan nila”
1
Batayan sa Pagsulat ng Isang Balita
1. Pangyayari
2. Impormasyon
3. Mambabasa
Kapag nawala ang isa sa tatlong batayang ito, walang masasabing isang balita. Kung
walang pangyayari, walang impormasyon, walang balita ang mambabasa.
Katangian ng Balita
1. Ganap na kawastuhan
2. Timbang- kaukulang diin sa bawat katotohanan
3. Walang kinikilingan
4. Kaiklian
5. Kalinawan
6. Kasariwaan
1. Lokal o Nasyonal
2. Balitang dayuhan
3. Balitang may petsa at pinanggalingan
Hal. Lalawigan ng Hilagang Cotabato, Oktubre 29, 2019-Malakas na lindol
ang yumanig at puminsala ng maraming ari-arian.
2
Balita ayon sa Anyo (Accdg to structure)
1. pampulitika 7. pang-agrikultura
2. panlipunan 8. pang-edukasyon
3. panrelihiyon 9. pangkabuhayan
4. pansining 10. pangkabutihang-asal
5. pantransportasyon 11. pangnegosyo
6. pang-agham at teknolohiya 12. Pangwika
3
SANGGUNIAN