You are on page 1of 4

Isang Punong Kahoy ni Jose Corazon de Jesus

I.
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
V.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
VIII.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
I. Paksa
A. Pamagat: Isang Punongkahoy
B. Tungkol sa may akda
 Si Jose Corazon de Jesus, kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang
makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang
ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong
panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946).
Tinawag ring "Pepito" noong kanyang kapanahunan.
II. Kayarian
A. Uri
 Ang tulang ito ay nabibilang sa tulang Liriko o tulang Pandamdamin dahil
ito ay nagpapakita ng matinding emosyon ng tao. Katulad ng pag-ibig,
kabiguan,tagumpay, kalungkutan, kaligayahan. Ito ay isang uri ng tula na
payak at maikli lamang. Sa kasalukuyan ito ay karaniwang makikita sa
mga kanta.
B. Ritmo/Indayog
 Sukat
Ang sukat nito ay lalabindalawahin ang bawat taludtod na may
walong saknong
 Tugma
Ang tugma nito ay Tugmaang ganap dahil ang mga taludtod ay
nagtatapos sa patinig o impit na tunog at sa gayon ay mayroong ganap
na pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga taludtod ng tula.
III. Anyo
A. Tono
 Ang tono ng tula na ito sa una ay pagkalumbay dahil mapapansin sa tula
na ang tagapagsalita ay gumugunita siya kanya sarili noong siya ay
buhay pa na siya ay nagsasamba sa panginoong diyos. Makikita ito sa
unang saknong na nagsasabi na:

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Pagdating naman sa gitnang bahagi ng tula, ang tono naman ng tula ay


naging pagkakuntento dahil sa natanggap na niya ang kaniyang
patutunguhan dahil kaniyang nakita na maraming nagmamahal sa
kanya. Mapapatunayan ito sa ikaapat na saknong na nagsasabing:

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.

B. Tayutay
Pagtutulad
 (Unang saknong)(Ikalawang taludtod)
Ako’y tila isang nakadipang krus
 (Ikaapat na saknong)(Ikatlong taludtod)
At tsaka buwang tila nagdarasal
Pagwawangis
 (Ikawalong saknong)(Ikalawa, ikatlo at pang apat na taludtod)
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

C. Talasalitaan
 Nakadipa – unat
 Tanod – guard
 Batis – isang anyo ng tubig na may patuloy na agos sa pinanggagalingan
nito.
 Nagtutumangis – nag iiyak, nag dadalamhati o humahagulgol
 Nunukal – lalabas, lulutang, lilitaw, o aagos
 Malamlam – Malungkot, Malabo o Madilim
 Orasyon – ang dasal parasa mga espiritu
 Lambong – takip
 Malabay – malago, malusog, masagana, sagana, nayabong
IV. Pagsusuri
A. Paksa
 Ang paksa sa tulang ito ay ang tungkol sa kung ano ang nakikita ng
tagapagsalita sa kaniyang kamatayan. Sinasalita niya kung ano ang
kaniyang nakikita habang siya ay nililibing.
B. Diwa
 Ang pangyayari na naganap sa tula ay tungkol sa tagapagsalita at kung
ano ang kanyang namamasdan sa kanyang magiging burol.

C. Simbolismo
 Ang simbolismo na makikita sa tulang ito ay ang pamagat mismo na ang
punongkahoy dahil para sa awtor ng tulang ito na si Jose Corazon de
Jesus, pag siya ay namatay, inihahambing niya ang kaniyang sarili bilang
isang punongkahoy na ang sanga niya ay ang krus sa kanyang libingan
at ang dahon naman ay ang mga bulaklak na inalay sa kanya. Isa pang
simbolo na nakalagay sa akdang ito ay ang batis na kumakatawan bilang
luha ng mga tao sa kaniyang libingan.
D. Himig
 Ang pangyaring nakapaloob sa akda ay kung ano ang nadarama ng
tagapagsalita tungkol sa kaniyang pagkapatay at kung paano niya ito
natanggap ang kaniyang kapalaran habang minamasdan niya ang sarili
niyang walang buhay na katawang binuburol.
V. Implikasyon
 Ang mensahe na nakapaloob sa akda ay lahat ng tao ay balang araw ay
mawawala rin sa mundo. Ito ang masakit na katotohanan dahil kahit
gaano ka pa kalusog, kung oras mo na oras mo na at kung darating itong
panahon na ito, wala na lamang tayong magawa kundi tumingin sa ating
walang buhay na katawan na nasa kabaong at magmasid sa mga taong
umiiyak sa iyong libingan. Ito ang nais na iparamdam ng may akda na si
Jose Corazon de Jesus na inihambing pa niya ang kanyang walang
buhay na katawan bilang isang punongkahoy.

You might also like