You are on page 1of 2

Pangalan: UNTALAN, KING BRIAN P.

Seksyon:
PS3A

A. Paksa

Ang tula na “Isang Dipang Langit” ay ginawa ng manunulat dahil ito ay


pumapatungkol sa walang sawang pagbabakasakali at pag-asa ng tao na mararating
pa nito ang Kalayaan na kaniyang inaasam kahit na siya ay nasa loob ng kulungan.
Ginugusto niya na balang araw ay matitikman niya pa ang Kalayaan na kanyang
inaasam. Umaasa na makakapaglakad sa labas ng rehas.

B. Simbolong Gamit

Dungawan- bintanang rehas                          


Kuta- Kulungan
Tanikala- kadena                                            
Birang- itim na panakip sa ulo
Puno- Pagkakasala 

C. Diwa

-Karanasan ng mga kinukulong


-Karanasan sa loob ng bilangguan
-Pianagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw
-Matutong ipaglaban ang iyong karapatan

D. Himig

Ang himig sa tula na ito ay tungkol sa pagdurusa at pag-asa na siya ay makakalbas pa


sa kulungan. Nilalabas niya ang kaniyang mga pinagdadaanan at mga hinagpis upang
iparating na siya ay lumalaban dito.

E. Kahulugan

Pagpapalit ng mga salitang ginamit pero sinisiguradong hindi nawawala ang orihinal
na mensahe. Ito ay tinatawag rin na paraphrasing.
F. Istilo

Ang istilo na ginamit ng may akda ay may malaking pagkakaiba mula sa gawa ng
ibang mga manunulat. Ngunit kung ikukumpara ang istraktura ng parang
pagkakasulat, ang una at pang 3 linya sa bawat saknong ay nasa karaniwang ayos,
samanatalang ang pang2 at pang 4 ay nag bigay ito ng panglimang espasyo.

G. Mensahe

Ipinaparating ng tula na dapat tayong maging matatag sa mga pagsubok na ating


hinaharap. Atin itong labanan dahil walang mangyayari kung hindi natin susubukan,
lalo lang tayong matatalo. Kailangan rin natin ipagtanggol ang ating mga karapatan
laban sa mga taong umaabuso sa atin. Magtiwala tayo sa sarili nating kakayahan
dahil walang ibang tao ang gagawa nito ngunit ang sarili natin. Wag tayong mawalan
ng pag-asa sa Diyos. Laging mag dasal at agad niya itong tutugunin.

H. Imahe

Ipinapakita ng tulang ito ang kalungkutan na nadarama ng nagsasalita dahil sa


kanyang pagkabilanggo. Ipinaramdam ng tula ang hirap na dinanas ng isang bilanggo
at ang kanyang hangaring makalaya.

You might also like