You are on page 1of 4

Name: UNTALAN, KING BRIAN P.

Section: PS3A

Nakauwi na : Ang Bandang Shirley

I. Panimula

Ang mga Pilipino ay lumaki na may pagmamahal sa musika. Palagi natin itong

naririnig saan man tayo pumunta. Sa dyip man, kotse, kalye, bahay, at kahit sa

mismong paaralan natin ay makakarinig tayo nito. Siguro ito ay dahil sa ating mga

ninuno, na gumamit din ng musika sa pamamaraan ng pamumuhay. Ito ay naging

kultura na natin. Mayroon ito sa bawat mga kaganapan, mapa birthday man o simpleng

tipontipon ng mga pamilya. Ito ay nagbibigay din ng buhay sa mga puso natin.

Tinutulungan din tayo ng pag awit na ilahad ang ating mga nararamdaman. Sa paraan

na tanging musika lamang ang makakagawa. Marami rin ang mga pinoy na magagaling

kumanta at naging tanyag sa buong mundo. Isa na rito si Charice Pempengco, KZ

Tandingan, Rico Puno, at marami pang iba.

Isa ngayon sa mga sumikat na bandang indie ay “Ang Bandang Shirley”. Ito ay

nagsimula noong 2003, ni Owel Alvero at Emmanuel Aguila bilang mga pangunahing

miyembro. Dumagdag na lamang ang iba tulad nila Joe Fontanilla, Zig Rabara, Jing

Gaddi, Selena Salang, Heidi Pascual, Kathy Gener, Enzo Zulueta, at Debb Acebu.
II. Pagsusuri

Nakauwi na : Ang Bandang Shirley

Bakit kailangang malungkot at umiyak?

Bumabagal ang 'yong mundo't bumibigat

Nakatitig sa wala, malayo ang tingin

Tuyo na ang luha sa lamig ng hangin

Pwede ka bang puntahan diyan at tabihan?

Kahit walang sinasabi't tahimik lang

Kahit sandali lang, basta't makasama ka

Kahit mamaya-maya lang ako'y uuwi na

Kahit walang katapusan, hindi ka iiwan

Basta't makasama ka ako'y nakauwi na

Nakauwi na

Nakatitig sa iyo, hindi panaginip

Pinagmamasdan ang 'yong pag-idlip

Pwede bang tumira sa 'yong kaharian?

Pagsisilbihan ka at aalagaan

Kahit sandali lang, basta't makasama ka

Kahit mamaya-maya lang ako'y uuwi na

Kahit walang katapusan, hindi ka iiwan

Basta't makasama ka ako'y nakauwi na


Nakauwi na

Nakauwi na

'Di na kailangan malungkot at umiyak

Bumibilis ang 'yong mundo't gumagaan

Kahit sandali lang, basta't makasama ka

Kahit mamaya-maya lang ako'y uuwi na

Kahit walang katapusan, hindi ka iiwan

Basta't makasama ka ako'y nakauwi na

Nakauwi na

Nakauwi na

Nakauwi na
III. Nilalaman

Mula sa aking pakikinig sa kantang “Nakauwi na”, naramdaman ko na ito ay patungkol

sa dalawang tao na magkasintahan. Sinasabi na kahit na maraming pinagdadaanan

ang isang tao, mababalewala lahat ng paghihirap at pighati niya kung makakasama

niya ang minamahal niya sa buhay. Tiinuturing niya ang kanyang minamahal bilang ang

kanyang tanging kailangan para patuloy na magkaroon ng motibasyon upang mabuhay

at kayanin ang lahat ng pagsubok na dadaanan niya. Itinutiring niya rin ito bilang isang

tahanan, kung saan ay maaaring magpahinga. Maaaring maramdaman na siya ay

protektado at ligtas sa lahat ng maaaring mangyari. Kaya rin ginamit ang mga salita na

“nakauwi na” dahil sinasabi na sila ay magkasama na at kakayanin ang lahat. Wala na

ang mga sakit na pinagdadaanan dahil lahat ng ito ay mabubura basta’t makapiling

lamang ang taong minamahal.

IV. Teoryang Pampanitikan

Para sa akin, maaaring gamitin ang teoryang imahismo. Inihahalintulad ang

isang bagay (tahanan) sa isang tao. Binibigyan ng bagong kahulugan ang pagiging

tahanan ng isang tao. Ipinapakita lamang na nakakaramdam ang tao ng ginhawa at

kaligtasan sa oras na kapiling niya ang taong kaniyang “tahanan”; na siya ay nakauwi

na sa taong iyon.

You might also like