You are on page 1of 35

ANG PANDIWA

INIHANDA NI:
DON DON P. ORGE
Ang pandiwa o berbo ay
bahagi ng pananalita na
nagsasaad ng kilos o galaw. Ito
ay tinatawag na verb sa
wikang Ingles.Halimbawa:
takbo, alis, uminom, kumain, umiyak,
 at binigyan.
PAGSASANAY

Suriin ang salitang kilos sa mga naibigay na halimbawa:


1. Nilakbay nina Haring Adan at Haring Perculo ang bundok
ng San Juan sa paghahanap sa nawawalang reyna.
2. Hindi man lang nagpaalam si Jerry kay Jona
noong umalis siya papuntang Macau.
3. Inutusan ng nanay si Andres na pumunta kay Aling Nena
at bumili ng yelo.
4. Sina Dominic at Nicolai ang kumain ng mga natirang
pagkain mula sa handaan sa nayon.
5. Walong taong hinintay ni Avery ang pagkakataon
na makitang muli ang nawawalang ama.
Ang pagbabangháy ay pagbibigáy sa
isáng pandiwà ng iba-ibáng anyô, ayon
sa kabagayán ng pagkaganáp o
pangyayari, sa panahóng
ikinagaganáp, at kung
minsa’y sa bilang ng tauhang
gumaganáp ng bagay o gáwaing
sinasabi ng salitángugát.
Tatlong uri ng
Pagbabanghay

Panagano
Pánahunan
Panauhan
Ang panagano ay isang katangian
ng pandiwa na nagbibigay ng
kahulugan sa mga ipinalalagay ng
tagapag-salita. Maaari itong maging
isang pahayag bílang isang
katotohanan, utos, posibilidad, at
iba pa.
Apat na uri ng
Panagano

Pawatás, Pautós,
Paturól at Pasakali
PAWATAS – Ang pawatas ay binubuo ng isang panlapi
ng pandiwa kasama ang isang salitang-ugat na walang
nakakabit o taong nakakabit.

• Mga halimbawa:
• Responsibilidad ng tao na sabihin
ang totoo.
• Isang pribilehiyo na maging isang
mang-aawit ng opera
PAUTOS – walang pagkakaiba sa pawatas. Ito rin ay
walang tiyak na panahon at ginagamit ito upang mag-
utos o magmakaawa

• Mga halimbawa:
• Magsumikap tayong lahat na mahalin ang
Diyos.
• Maging mapagbigay tayo sa mga
nangangailangan.
• Ang mga karapatan ng bawat isa ay dapat
igalang.
PATUROL – Naiiba sa iba dahil ang porma ng pandiwa ay
nagbabago sa mga aspeto na perpekto, hindi perpekto, at
nagmumuni-muni.

• Mga halimbawa:luhod + um = lumuhod >


lumuluhod > luluhod
• Dasal + mag = magdasal > nagdasal >
nagdarasal > magdarasal
• Dasal + in = Dinasal > Dinarasal > Darasalin
PASAKALI – Ito naman ay ginagamit ng mga pangatnig o
pang-abay para maisalarawan ang kalagayang pasubali.

• Mga halimbawa:
:Posible kaming tumuloy kapag may
sasakyan.
• Kung nabuhay siya, hindi yun magiging
masaya ngayon.
• Marahil ay nagagalit siya sa atin ngayon.
Panahunan

        May tatlong anyo ang panahunan: ang


pangnagdaan, pangkasalukuyan, at
panghinaharap. Sa ganiyang
pagkakasunud-sunod ay madaling
matatandaan ang mga panahunan ng mga
pandiwa.
Ang pandiwa ay nasa
anyong pangnagdaan kung ang sinasabi
ng pandiwa ay nagawa na, o nakalipas na.

Si Antonio ay umalis kahapon.
Siya ay nagsalita kangina.
Si Nena ay nagsimba.
Ang pandiwa ay nasa anyong pangkasalukuyan
kung ang sinasabi ng pandiwa ay ginagawa o
nangyayari pa lamang.

Si Gil ay tumutulong sa kaniyang ina.


Iginagalang nila ang matatanda.
Si Paula ay sumusunod sa kaniyang ama.
Ang pandiwa ay nasa
anyong panghinaharap kung ang sinasabi
ng pandiwa ay gagawin o mangyayari pa
lamang.

Si Gloria ay maglilinis ng kanilang bahay.


Aalagaan niya ang sanggol.
Ako ay tutulong sa kanya.
Ang panauhan ay may tatlóng bilang na
kináuukulan: panauhang una,
na siyáng simunò o nagsásalitâ;
panauhang ikalawá, na siyáng
kasálitaan o
kinákausap; at panauhang ikatló, na
siyáng pinag-úusapan.
PAGBABANGHAY

Salitang-ugat ibig tulog basa


Panlapi:. um- ma- -hin

PAWATAS………………… umibig matulog basahin


PAUTOS………………….. umibig matulog basahin

PATUROL

Pagnagdaan umibig natulog binasa

Pangkasalukuyan umiibig natutulog binabasa

Panghinaharap ibig matutulog babasahin


Panauhan Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap
una: Akó ay umibig umiibig ibig

Ika-2: Ikáw ay natulog natutulog matutulog


Ika 3: Siyá ay nagsabi nagsasabi magsasabi
nanggaling nanggagaling manggagaling
Mga Pandiwang Walang-banghay
na ay

Ang pandiwang walang banghay ay


hindi nagbabago kahit saan mang
aspeto.
Ay
Ito ay tagatulong ng pandiwa at nagdurugtong sa simuno at panaguri.
Halimbawa:
Ang aso ay natutulog sa bakuran.
May
Ito ay sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pang-abay, pandiwa,
panghalip panao at pantukoy na mga.
Halimbawa:May mga bagong tauhan si Ian Patrick.
Mayroon
Ito ay sinusundan ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang
palagyo.
Halimbawa:Mayroon kaming luma at sira-sirang tindang damit.
Ang HALA, HALI, HAYO, TABI
HALA.—Nagsasaád ng pag-uudyók, pagsuyò o pagbabalà. Halimbawà:

hala na kayó, kailangang matapos iyáng maaga

hala na, sabík na sabík kamíng makáriníg ng awit mo

ayaw ba kayóng magsitulog? Hala, pag hindî ko kayó pinagpapalô

HALI.—Nagsasaád ito ng pagtawag at pagpapalapit sa tumatawag.

Madalás na siyá ring nágagamit sa halíp ng hala, nguni’t di-dapat pagkáhiratihan

ang ganitóng pagpapalít. Hindî nakapag-iisáng gaya ng hala, kayâ ang panghalíp

ay ugalì nang ihulapì sa kanyá. Halimbawà:

halika rito—(katumbás ng pumarito o parito ka)

halina kayóng kumain—(parini na kayóng . . . )


HAYO.—Nangángahulugán ng pagpapaalís, pagtatabóy o pagbubuyó.
Halimbawà:
hayo ka, at tanghalì na—(lumakad ka na )
hayo, magsilayas kayó!
hayo na, pagtiyagaán ninyó ang pakikilaban at kayó’y magwawagí
Dilì ang hindí’y nagbabangháy rin sa um at magpa ang katagáng itó, humayo,
magpahayo, nguni’t hindî itó gaanong gamitín.

TABÌ.—Ibá lamang ang bigkás nitó sa tabí, itó’y mabilís at siyá’y malumì;
nguni’t di-máitatanggíng dito hangò ang salitâ at dî nálalayô ang katuturán.
Nagsasaád ng pagpapatabí, pagpapailag o pagpapalayô ng isáng dumaraán samásasagasaan.
Karaniwang dî na sinásamahan ng panghalíp. Halimbawà:

tabì!— (tabí!, ilag!, layô!)

tabì kayó—(tumabí kayó)

Gaya rin ng hayo, na naaaring banghayin sa um at magpa ang katagáng itó,

tumabì, magpatabì; bagamán itó’y di-gaanong gamitín sa mga biglaan pagpapaalís

sa dáraanán.
Ang TAYO, KATA, AMIN, AKIN, IYO, KANYA, atbp.

Ang tayo at katá, na pangmarami at pandalawá, kapwà nasa-kaukuláng


palagyô, ay ginagamit na karaniwan sa kahulugáng pag-alís o paglakad.
Halimbawà:
tayo na sa Antipulo
katá nang maligò
Sa mábilisang pagsasalitâ ay nasasabi lamang:
tayna o tena sa Antipulo
ta-nang maligò
Ang akin at amin, na pang-isá at pangmarami, kapwà nasa-kaukuláng
paarî, ay ginagamit sa katuturáng paghingî o pagkuha. Halimbawà:
akin na ang aklat ko
amin na ang ibinigáy namin sa iyó
Kung minsan, ang amin ay nagagamit na rin nang kahit iisá ang humihingî.
Halimbawà:
amin na ang singsíng ko
Ang iyó at inyó, kanyá at kanilá, mga pang-isá at
pangmarami rin at
nangasa-kaukulán ding paarî, ay nangángahulugán
namán ng pag-aabót opagbibigáy. Halimbawà:

hayán, iyó nang lahát

Inyó na ang kayamanan ko

ang bahay ko’y kanyá nakanilá na ang lahát, kung ibig


nilá
Ang NASA
Binubuô ang malapandiwang itó ng dalawáng katagâ, na at sa. Ang una’y
nagbibigáy ng diwà ng pagkálagáy at ang ikalawá’y nagsasaád ng
kinároroonán.
Nasa-hilagà (o nasasa - ) ang bagyó

si Nanò yaóng nasa-dakong kaliwâ

ang mga hiláw ay nasa-ilalim, at mga hinóg ang nasasa-ibabaw

akó’y nasa-iyó, pag sa bagay na iyán

nasasa-kanilá ang ikátutulóy o hindî ng ating panukalà


Ang PASA
Mga katagâ namáng pa at sa ang bumubuô ng malapandiwang itó. Ang
uná’y nagbibigáy ng diwà ng pagyao o pagtungo, at ang ikalawá’y ng lunán o
layong patútunguhan. Náisusulat dín nang may gitlíng o hiwaláy.PAWATÁS –
maaarì na ba kamíng pasa-bayan?

PAUTÓS – pasa-bukid kayóng maaga

PATURÓL
p-nagdaán- napasaBulakán na silá

p-kasalukuyan– siyá’y napasasa-Maynilà araw-araw

p-hinaharáp– pasasailog akó mamayâ

PASAKALÌ – (siya rín ng sa Paturól)


MGA PANLAPING
MAKABANGHAY
Panlaping makabanghay
Ito ay kapwa nababanghay ang panlapi at
salitang-ugat na nilalapian.

Um Ma i, in, o hin Ka-an Ma-an

mag
[1]
Naka An o han mang Ma-in

Pa-an Pag-an Pag-in


Nyutral Naganap Nagaganap Magaganap

lumilipad lumipad lumilipad lilipad

tumatakbo tumakbo tumatakbo tatakbo


Mga Uri ng Pandiwa Ayon sa Kaukulan

1. Payak – ipinalalagay na ito ang simuno (subject).

Halimbawa:
Lubos na mahirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan.

2. Katawanin – Ito ay mga pandiwang nagpapahayag na ganap ang


kilos na ginagawa ng simuno. Hindi na ito nangangailangang ng
tuwirang layong.

Halimbawa:
Ang mag-anak ay kumakain ng sabay-sabay. Nagkukuwentuhan pa
sila pagkatapos.
3.Palipat - Ito ay mga pandiwang nangangailanangan pa ng
tuwirang layon (direct object). upang mabuo ang kaisipang nais
nitong ipahayag. Ang layong ito ay pinangungunahan ng mga
katagang ng, mga, kay at kina.

Halimbawa:
Nagpadala ng mga pagkain sa mga katipunero si Tandang Sora.
Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Dr. Jose
Rizal.
Nagsampay ng damit si Maria.
MGA PANDIWANG PALIKÁS

Walâ ngang simunò at layon o kagánapan ang mga pandiwang itó, at


kayâ tinatawag na palikás ay dahil sa máipalalagáy na kalikasán ang
gumagawâ
o pinagmumulán. Sukat na nangyayari sa sarili at nawawalâ sa sarili rin,
dapwa’t
náraramdamán at nákikita sa mga lunáng pinangyáyarihan o
pinagdáraanán.
Halimbawa:
Lumindól, kumukulóg, kikidlát
humangin, umuulán, babagyó
PANDIWANG KATAWANIN 
pandiwang katawanin ay ang kasalungat ng pandiwang
Ang
palipat. Sa Ingles, ito’y tinatawag na “transitive verb”.
Samantala ang pandiwang katawanin naman ay tinatawag
na “intransitive” verb.

Halimbawa:
Si Mang Peter ay nagtitinda tuwing umaga.
Si Eva ay gumuhit para sa proyekto niya sa sining.
Bumalik si Hector sa bahay dahil may kinuha ito.
Kumain kami kanina ni Pedro
MGA PANDIWANG PASARILI AT PAIBÁ

Ang gáwaing sinasabi ng pandiwà ay maaaring ukol sa sarili ng


gaganáp,
o ukol sa ibá:

(a)Ang ukol sa sarili ay ginágamitan ng mag. Halimbawà:


(b)Mag-ahit, maggupít, magsukláy
(c)maggamót, magbasâ, magdukót
(d)mag-aral, maglibáng, magpugay
(e)(b) Ang ukol sa ibá ay ginágamitan ng um. Halimbawà:
(f) umahit, gumupít, sumukláy
(g)gumamót, bumasâ, dumukot
(h)umaral, lumibáng, pumugay
MARAMING
SALAMAT AT
MABUHAY

You might also like