You are on page 1of 2

Panahon ng Espanyol

Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at paniniil ng mga Espanyol sa ating bansa ang sanhi ng unti-unting pagkakabuo at
paglaganap ng damdaming makabayan at mapaghimagsik na mga Pilipino. Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa pulitika at panitikan sa Pilipinas.
Ang dating diwang makarelihiyon ay naging makabayang humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. Ang naging paksa
ng panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan; pagbibigay payo sa mga Pilipino upang magising, magkaisa at maghanda upang
matamo ang minimithing kalayaan.

Ang Karagatan at Ang Duplo


Isa sa maituturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at duplo. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat
nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat idiniraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay.
Nagiging parangal din ito sa mga namatay.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba


ang kwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang isang larong paligsahan sa tula ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at
dalaga na nahulog sa gitna ng dagat duplera naman para sa mga babae
pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng ang laro ay ginaganap sa bakuran sila ay tinatawag na bilyaka at bilyako kapag
singsing ng isang bahay naglalaro na
sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid” sa dagat karaniwang isang matanda ang ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng
ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng magpapasimula ng laro hari sa pagpalo sa palad ng sinumang mahatulang
singsing parusahan
may dalawang papag sa magkabila ng isang mesang kapwa nagpaparangal ito sa mga ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng
may sari-saring pagkaing-nayon namatay. mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay
ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang
magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga loro ng hari o kaya naman ay magsusumbong ang
bilyako sapagkat hinamak ito ng isang bilyaka
maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang
unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga
maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa
matatapatan ng tabong may puting tandang
bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago
tuluyang sagutin ang talinghaga.

Matalinghagang Pahayag – mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong
ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

Panahon ng Hapones
Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa impluwensiya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito ang tula
sa Panahon ng mga Hapon. Sinasabing dahil sa kahirapan ng papel noong Panahong ng mga Hapon, lumabas ang mga maiiksing tulang tinatawag na
tanaga at haiku.
1. Haiku-ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod o (5, 7, 5). Ang unang taludtod ay binubuo
ng limang pantig; ang ikalawa’y amy pitong pantig at ang ikatlo’y may limang pantig tulad ng una. Mayroon itong malalim na kaisipan at
damdaming tumatalakay sa kalikasan o mga bagay sa paligid.
Puno ay sanga Hila mo’t tabak
Bisagra ay talahib Ang bulaklak nanginig
Kandado’y suso. Sa paglapit mo.
2. Senryu-ang tulang ito ay magkatulad na magkatulad din sa haiku pagdating sa bilang o maging sa pagkakaayos nito. Kung ang hailu ay
seryoso, ito ay may bahid ng pagpapatawa o kagaspangan tungkol sa kalikasan o katangian ng tao.
Ang magnanakaw Sa huling hininga
Na aking huhulihin May isang kahilingan
Anak ko pala. Walang iiyak.
3. Tanka-binubuo ng 31 pantig at may limang taludtod ang kabuuang tula nito. Ang karaniwang hati nito ay 7-5-7-5-7, 7-7-7-5-5 o maaaring
magkakapalit-palit. Ang paksa nito ay tungkol sa pagbabago, pag-ibig at pag-iisa. Ito ay nagpapahayag ng masidhing damdamin.
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
4. Tanaga-ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni
at marangal na kaisipan. May apat (4) na taludtod (linya ng bawat saknong sa tula), may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod),
binubuo ng pitong (7) pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang pantig) sa bawat taludturan o
nahahati ang kabuuang sukat sa (7,7,7,7), may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod) at puno ng
talinghaga.
Sipag Ikaw Lamang
Masaksiha’y nang mabuti Dasal ko sa Bathala
Sa araw man o gabi, Sana’y makapiling ka sa,
Hindi mamumulubi Luha ko at dusa
Magbubuhay na hari. Ikaw ang aking sigla.

You might also like