You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga del Sur
San Jose National High School
Grade 7 -FILIPINO
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan:__________________________________________________Baitang at Pangkat:______________________
Modyul: 2 Pagbibigay Kahulugan at mga Katangian ng Korido Iskor: WW_______PW________

Tulang Romansa
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na
karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito sa
Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa
kasabay ng pagkakilala sa impremta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng
relihiyong Kristiyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan.
Layunin ng tulang romansa na mapalaganap ng diwang Kristiyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa
Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito
sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong pampanitikan
na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at
prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa
Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1) wikang
ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig,
tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga
pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal sa magulang, pagtulong sa
nangangailangan at iba pa.
Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa katutubong panlasa.
Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay
nagpapahayag ng mga kaisipan at pagpapahalagang katutubo.
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang dalawang ito ayon sa sukat, himig,
at pagkamakatotohanan.
Korido
1) May walong pantig sa bawat taludtod.
2) Sadyang para basahin, hindi awitin.
3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod, wawaluhing pantig
lamang.
4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na
hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
5) Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay.
6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna.
Awit
1) May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
2) Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
3) Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
4) Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na makatotohanan o hango sa
tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
5) Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
6) Halimbawa nito ang Florante at Laura.

Gawain 1. Hula Ko, Sagot Ko!


Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tulang romansa ang mga sumusunod na saknong bawat aytem.
Lagyan ng K kung ito ay korido at A kung ito ay awit. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

__________ 1. Ako’y isang hamak lamang ___________2. Malimit na makagawa


Taong lupa ang katawan, Ng hakbang na pasaliwa
Mahina ang kaisipan Ang tumpak kong ninanasa
At maulap ang pananaw. Kung mayari ay pahidwa.
________3. Sa isang madilim na gubat na mapanglaw, _________4. Malalaking kahoy ang inihahandog
dawag na matinik ay walang pagitan, pawing dalamhati, kahapisa’t lungkot;
halos naghihirap ang kay Febong silang huni pa ng ibon ay nakalulunos
dumadalaw sa loob na lubhang masukal. sa lalong matimpi’t nagsasayang loob.

_________5. Labis yaring pangangamba


Na lumayag na mag-isa,
Baka kung mapalaot na
Ang mamangka’y di makaya
.

Gawain 2
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang nais
ipahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
________1. Ito ay tulang pasalaysay ang tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang
ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao?
A. Tulang Romansa B. Tulang Awit C. Tulang Liriko D . Tulang Epiko
________2. Saan naging palasak ang tulang romansa?
A. Asya B. Europa C. Amerika D. Afrika
________3. Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang dalawang ito ayon sa
mga sumusunod, MALIBAN SA;
A. sukat B. himig C. pantig bawat taludtod D. pagkamakatotohanan
________4. Ilang pantig bawat taludtod meron ang Korido?
A. 8 B. 9 C. 11 D. 12
________5. Ang isang uri ng tulang romansa na kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang
supernatural na hindi magagawa ng karaniwang tao ay ________.
A. awit B. korido C. liriko D. pasalaysay
________6. Ang layunin ng awit at korido ay ang _________________.
I. paglikha ng mga tauhan na may angking talento at kapangyarihan
II. lumikha ng mga bayaning kakisig-kisig at kapitapitagan
III. paglikha ng mga tauhang may kahanga-hangang kakayahan
IV. lumikha ng larawan ng isang bayaning maaaring hangaan at pamarisan
A. I at II B. II at III C. I at IV D. III at
________7. Paano naiiba ang awit sa korido?
A. Ang awit at korido ay may tigwawalong pantig
B. Ang korido ay inaawit gaya ng awit
C. Ang korido ay binabasa samantalang ang awit ay inaawit
D. Ang tauhan ng awit ay may taglay na kapangyarihan samantalang sa korido ay wala.
________8. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga katangian ng korido MALIBAN SA?
A. May walong pantig sa bawat taludtod C. Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro
B. Sadyang para basahin, hindi awitin. D. Ang mga tauhan ay mga pangkaraniwang tao lamang.
________9. Paano mo mailalarawan ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa korido?
A. Nangyayari sa totoong buhay ng tao
B. Madalas na sumasang-ayon sa hinararap
C. Malayong maganap sa tunay na buhay
D. Bumubuo nga mga hindi kanais-nais na pangyayari
________10. Alin sa mga sumusunod na saknong ang isa sa mga patunay na isang korido ang Ibong Adarna?

A. Kapag ikay’y tinamaan C. At sa tanang nariritong


ng tae ng ibong hirang, Nalilimping maginoo
magiging bato kang tunay Kahilinga’y dinggin ninyo
doon ka mamamatay Buhay na aawitin ko.

B. Isinagot na naman D. Malimit na makagawa


“Kahit aking ikamatay Ng hakbang na pasaliwa
ituro mo po ang lugar Ang tumpak kong ninanasa
at aking paroroonan.” Kung mayari ay pahidwa

You might also like