You are on page 1of 10

Aralin Pagbibigay Kahulugan at

2 Mga Katangian ng Korido

Balikan
Panuto: Magbigay ng sariling pananaw at saloobin sa mga larawang nasa ibaba
na mula sa mga pangyayaring naganap sa koridong Ibong Adarna. Gawing gabay
ang rubriks na nasa susunod na pahina.

Kinuha mula sa https://shorturl.at/lozZ0

________________________________
Para sa akin

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

4
RUBRIKS
Pamantayan Laang Aking
Puntos Marka
Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling 5
pananaw/opinyon/argumento.
Malinaw na naipapahayag ang sariling 5
pananaw/opinyon/argumento hinggil sa napiling
napapanahong isyu.
Maayos na naisulat sariling pananaw/opinyon/ 5
argumento ayon sa mga bahagi nito.
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan 5
sa pagsusulat ng sariling pananaw/opinyon/
argumento.
Kabuoang Puntos 20
5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay
3 – Katamtaman

Tuklasin

A. Basahin ang sipi mula sa tulang romansa na Ibong Adarna at isulat sa


sagutang papel ang iyong sagot sa mga tanong sa ibaba.

Kinuha mula sa https://shorturl.at/myKLX

Yao na nga si Don Juan


sa Tabor na kabundukan
at kaniyang aabangan
ang ibong pinaglalakbay

Nang siya’y dumating na


sa puno ng kahoy baga
doon na hinihintay niya
yaon ngang Ibong Adarna

5
Nang sa prinsipeng marinig
yaong matinig na boses
ay doon sa pagkatindig
tila siya’y maiidlip

Kinuha na kapagdaka
ang dala niyang labaha
at kaniyang hiniwa na
ang kaliwang kamay niya

Batay sa tulang nasa itaas, ibigay ang bilang sa mga sumusunod:

a) Saknong: ____________

b) Taludtod bawat saknong: ____________

c) Pantigan bawat taludtod: ____________

B. Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung nagamit ang pahayag sa tulang binasa at
lagyan ng ekis (×) kung hindi ito nagamit.

1. Ang tauhan ay may kakayahang magsagawa ng mga


kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao.

2. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural.

3. Ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong


maganap sa tunay na buhay.

4. Higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang


mga pangyayari.

5. May labindalawang pantig sa bawat taludtod.

Suriin
PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang teksto at sagutin ang hinihinging
impormasyon sa ibaba.

Tulang Romansa

Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran


at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga
mahal na tao.

Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at
maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit

6
noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng
pagkakilala sa impremta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.

Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila


sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano, at ang mga tulang romansa ay
lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang
romansa na mapalaganap ng diwang Kristiyano. Karaniwan, kung gayon, ang
pagtawag sa Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig.
Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa
Birhen o sa isang santo.

Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang


(1) anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at
sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga
pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa
Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng
anyong pampanitikang ito.

Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain.


Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa
pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong,
sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga
pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal sa
magulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.

Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa


katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at
prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at
pagpapahalagang katutubo.

Dalawang Anyo ng Tulang Romansa

Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang


dalawang ito ayon sa sukat, himig, at pagkamakatotohanan.

Korido
1) May walong pantig sa bawat taludtod.
2) Sadyang para basahin, hindi awitin.
3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga
taludtod, wawaluhing pantig lamang.
4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang
magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao,
tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
5) Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong
maganap sa tunay na buhay.
6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna.

Awit
1) May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
2) Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
3) Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.

7
4) Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit
higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari.
Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
5) Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
6) Halimbawa nito ang Florante at Laura.

Mahusay! Naintindihan mo na kung paano umusbong ang tulang romansa


lalong-lalo na ang isa sa mga anyo nito na tinatawag nating korido.

Ngayon ay gumawa ka ng iyong sariling kahulugan ng korido batay sa iyong


naintindihan sa teksto mula sa itaas.

Ang korido ay
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Pagyamanin
Gawain 1: Venn Diagram
Panuto: Paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng awit at korido batay sa
nabasang teksto. Gamitin ang Venn diagram para dito.

8
Gawain 2: Hula Ko, Sagot Ko!
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tulang romansa ang mga sumusunod na
saknong bawat aytem. Lagyan ng K kung ito ay korido at A kung ito ay awit sa
ulap na nasa gilid ng saknong.

1.
Ako’y isang hamak lamang
Taong lupa ang katawan,
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw.

2.
Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay pahidwa

3.
Sa isang madilim na gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Febong silang
dumadalaw sa loob na lubhang masukal.

4.
Malalaking kahoy ang inihahandog
pawing dalamhati, kahapisa’t lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi’t nagsasayang loob.

5.
Labis yaring pangangamba
Na lumayag na mag-isa,
Baka kung mapalaot na
Ang mamangka’y di makaya

Isaisip
Tandaan, sa pagsulat ng tulang korido, kinakailangan ito ay may sukat na
walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Nararapat na ang
kuwento o kasaysayang napapaloob nito ay nakawiwili sa mga mambabasa.

9
Tayahin

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang
sagot upang mabuo ang nais ipahayag. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

1. Ito ay tulang pasalaysay ang tungkol sa pakikipagsapalaran at


kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at
mga mahal na tao?
A. Tulang Romansa C. Tulang Liriko
B. Tulang Awit D. Tulang Epiko

2. Saan naging palasak ang tulang romansa?


A. Asya C. Amerika
B. Europa D. Afrika

3. Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang


dalawang ito ayon sa mga sumusunod, MALIBAN SA;
A. sukat C. pantig bawat taludtod
B. himig D. pagkamakatotohanan

4. Ilang pantig bawat taludtod meron ang Korido?


A. 8 C. 11
B. 9 D. 12

5. Ang isang uri ng tulang romansa na kung saan ang mga tauhan ay may
kapangyarihang supernatural na hindi magagawa ng karaniwang tao ay
________.
A. awit C. liriko
B. korido D. pasalaysay

6. Ang layunin ng awit at korido ay ang _________________.


I. paglikha ng mga tauhan na may angking talento at
kapangyarihan
II. lumikha ng mga bayaning kakisig-kisig at kapita-
pitagan
III. paglikha ng mga tauhang may kahanga-hangang
kakayahan
IV. lumikha ng larawan ng isang bayaning maaaring
hangaan at pamarisan
A. I at II B. II at III C. I at IV D. III at

7. Paano naiiba ang awit sa korido?


A. Ang awit at korido ay may tigwawalong pantig
B. Ang korido ay inaawit gaya ng awit
C. Ang korido ay binabasa samantalang ang awit ay inaawit
D. Ang tauhan ng awit ay may taglay na kapangyarihan
samantalang sa korido ay wala.

10
8. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga katangian ng korido MALIBAN
SA?
A. May walong pantig sa bawat taludtod
B. Sadyang para basahin, hindi awitin.
C. Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro
D. Ang mga tauhan ay mga pangkaraniwang tao lamang.

9. Paano mo mailalarawan ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa


korido?
A. Nangyayari sa totoong buhay ng tao
B. Madalas na sumasang-ayon sa hinararap
C. Malayong maganap sa tunay na buhay
D. Bumubuo nga mga hindi kanais-nais na pangyayari

10. Alin sa mga sumusunod na saknong ang isa sa mga patunay na isang
korido ang Ibong Adarna?
A. Kapag ikay’y tinamaan
ng tae ng ibong hirang,
magiging bato kang tunay
doon ka mamamatay

B. Isinagot na naman
“Kahit aking ikamatay
ituro mo po ang lugar
at aking paroroonan.”

C. At sa tanang nariritong
Nalilimping maginoo
Kahilinga’y dinggin ninyo
Buhay na aawitin ko.

D. Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay pahidwa

11
Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang tula na naglalaman ng dalawang saknong at


nagtataglay ng mga katangian ng korido. Gamiting gabay ang rubriks sa
susunod na pahina.

________________________
Pamagat

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

_______________________________
_______________________________
_______________________________
______________________________

12
RUBRIKS PARA SA TULA

Pamantayan Laang Aking


Puntos Marka
Akma sa paksa ang pagpapahayag ng ideya sa tula 5

Maayos na naisulat ang tulang nabuo batay sa 5


katangian ng korido

Nakahihikayat at nakawiwili ang kabuoan sa 5


pagsusulat ng sariling tula.

Kabuoang Puntos 15
5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay
3 – Katamtaman

Binabati kita! Natapos mo nang sagutan ang modyul na ito. Maaari ka ng mag
patuloy sa susunod na modyul.

13

You might also like