You are on page 1of 11

ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN

Pagsusuring Pampanitikan
Inaasahang Pagganap (Term II)

I. BUOD

Linisan niya ang kanyang pamilya at tahanan para magawa ang gusto niya,
ang makipagdigmaan para sa kapayapaan ng kanyang bansa. Nung siya ay
naglalakbay patungo sa lugar kung saan mayroong gera nakita niya lahat ang mga
bayaning nakalibing dahil sa digmaan na naganap. Dumating na siya sa digmaan kung
saan marami na ang namatay para ipaglaban ang kapayapaan ng kanilang bansa at
nakita niya kung paano namatay ang kanyang mga kakampi at naririnig niya ang putok
ng mga baril at mga kanyon. Natapos niya ang digmaan ngunit ang kapalit neto ay
kalungkutan lamang dahil hindi nila nakamit ang tagumpay na gusto nilang makamit.

II. UGNAYAN SA ISYUNG PANLIPUNAN

Ang pagkakaugnay ng akda sa ating bansa ay ang isyu tungkol sa extra


judicial killings dahil wala tayong kalyaan ipagtangol ang ating sarili at ang mga pulis
lang ang may kalayaan magsalita ngunit kahit ganon man bumabangon pa din tayo
katulad ng nasa akda, pinipilit nilang bumangon sa kanilang buhay kahit sila ay nabigo
sa gera.

III. SIMBOLISMO

A. TAUHAN:

 Sumisimbolo ang sundalo sa mga taong nanghihingi ng kalayaan


katulad ng isyu patungkol sa martial law sa
Marawi. Nanghihingi sila ng kalataan sa ating Presidente
dahil alam naman nila na hindi sila ang dahilan kung
bakit nagkakaroon ng gera sa lugar nila.

B. TAGPUAN:

 Sumisimbolo ang tahanan sa kalayaan at ang lugar naman ng gera ay


sumisimbolo sa gobyerno, dahil ang gobyerno din naman ang
gumagawa ng dahilan kung bakit ang ibang tao ay hindi namumuhay
ng malaya.
C. PANGYAYARI:
 Sumisimbolo naman ito sa isyu patungkol pa din sa Marawi. Katulad ng
nasa akda sinalalay ng sundalo ang buhay niya para makamit ang
kapayapaan ngunit marami ang nasawi sa pangyayari.

IV. PAHAYAG NG PAGSANGAYON

Naniniwala ako na tama lang ang ginaaa ng sundalo ang pagkamit ng


kalayaan ng bansa nila kahit sila ay nabigo dahil ipinapakita naman nila na kahit anong
mangyare sa kanilang bansa ay gagawin pa rin nila ang lahat para sa kanilang bansa.

V. PANANAW AT PAANO NAGPAPAKITA

Ang akdang ito ay ipinapakita ang teoryang realismo dahil isinulat niya kung paano
nakipag digmaan ang mga sundalo para sa kalayaan ng kanilang bansa at
ipinaliwanag din niya kung paano nangyare ang gera.

ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN


(Isang aralin sa Ikalawang Markahan ng Ikasampung Baitang na matatagpuan sa PLUMA
10 ng Phoenix Publishing House)
Iniwan ko’ng aba’t hamak na tahanan,
Malayo sa bukid ni Ama’t naglakbay.
Payapa kong katre’y wala nang halina,
Hudyat ng Digmaan ang aking ligaya.
Tungo sa larangan ako’y sumagsag,
Ang natatanaw ko’y imortal na sinag.
Puntod ng bayani na masisikatan,
Bunying alaala ng mga pumanaw.
Sa mithii’y kita’ng malayong bituin,
Dulot na liwanag di maabot mandin;
At turo ang landas tungo sa digmaan
Ng naghihingalo’t ng mga namatay.
Nagpilit din ako’t paa’y nananabik,
Lagim na dagundong ng Digma’y sumaltik
Sa gasong tenga ko. Pagyapak saanman,
Kita ko ang berde, luntiang damuhan.
Pumula sa dugo ng kalabang puksa,
Naglambong sa usok, Bangis ay umamba;
Narating ko’ng rurok na mithiin; hayun,
Kinasabikan ko’ng tanging bahay, doon---
Buhay sa maghapo’y lumilipad lamang
Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan.
Huli na, batid kong rurok ng Tagumpay,
Hindi magdudulot ng masayang araw.
PAGSUSURI SA ORIHINAL AT SA SALIN
Ni: Filipinoy!
Dahil isang tula ang aking piniling suriin, mas mainam kung uumpisahan ko itong talakayin
sa pamamagitan ng mga pangunahing elemento ng tula. Una, ang orihinal na teksto ay
naglalaman ng 24 na linya o taludtod ngunit dire-diretso ang paglalahad kung kaya’t
nagtataglay lamang ito ng isang saknong. Samantala, ang salin sa Tagalog ay naglalaman
din ng 24 na linya subalit ang mga taludtod na ito ay hinati sa anim na saknong kung kaya’t
ang bawat saknong ay may tig-aapat na linya. Dito pa lamang ay maitatanong na: may
karapatan ba ang Tagasalin na ibahin ang estilo ng pagkakasulat ng orihinal na tula? At
maisasagot natin: mayroon. Unang dahilan, kung estilo lamang ang pag-uusapan ay may
kanya-kanyang paraan ang mga manunulat. Ang Tagasalin, bagama’t tagasalin lamang,
ay may kakayahan pa rin siyang ibahin ang paraan ng pagkakasulat lalo na kung sa
kanyang palagay ay higit na maganda ang kanyang pagkakasalin. Ikalawang dahilan, sa
mundo ng mga makata ay may tinatawag na poetic license. Ibig sabihin, may karapatan
ang bawat makata sa kung anumang estilo at sa kung anumang salita ang kanyang nais
na gamitin. Ibig sabihin din nito, isang tanong lamang sa ibang makata lalo na sa mga
mambabasa ang estilo ng pagkakasulat ng tula at iyon ay nanatiling tanong lamang na
hindi kailangang sagutin ng sumulat ng tula, mas lalong hindi maaari ang panghuhusga sa
tula o sa makata. At huling dahilan, ang salin sa Tagalog ng tulang My Low and Humble
Home ay naisulat pa noong kasagsagan ng mga tradisyonal na tula na kinahuhumalingan
ng mga makata. Sila ay nahihirati sa mga tulang binubuo ng mga saknong at ang bawat
saknong ay may tig-aapat na taludtod. Iba ang kalikasan ng mga makatang Pilipino.
Minsan, para sa iba, ang tinatawag na tradisyonal na tula o yaong magagandang tula ay
mga tulang may sukat at tugma, at quatrain ang saknong dahil nabibigyan nila ng aliw-iw
habang binibigkas.
Pangalawa, nagkakaiba rin ang dalawang tula sa sukat ng bawat taludtod. Ang karamihan
sa mga taludtod ng orihinal ay binubuo ng wawaluhing sukat. Ngunit, kung bibilangin ang
lahat ng ito, mababatid na ang mga taludtod bilang 8, 9, 14, 17, at 18 ay nagtataglay ng
ibang bilang ng pantig, siyam ang sukat, na kung tutuusin ay wala sa mga uri ng sukat
bilang pangunahing elemento ng tradisyonal na tula. Ibig sabihin, isang malaking tanong
kung ang tulang ito ni Nathaniel Hawthorne ay kabilang sa tradisyonal na tula. Kung
titignan naman ang saling tula, mapapansin din na dumami na ang bilang ng mga pantig sa
bawat linya. Ito ay natural nang nangyayari sa pagsasalin ng dayuhang tula patungo sa
wikang Tagalog o Filipino sa katotohanang ang isang salitang Ingles, halimbawa, na may
isang pantig lamang ay tinutumbasan ng salitang Tagalog na may tatlo o apat na pantig.
Kung kaya’t ang sukat ng salin na ito ay tinatawag na lalabindalawahin o nagtataglay ng 12
bilang ng pantig. Gayunpaman, ang tanging nakasisira sa salin na ito ay ang unang
taludtod ng ikalawang saknong dahil tanging ito lamang ang nagtataglay ng 11 bilang ng
pantig. Kung susundin ang tuntunin sa tradisyonal na tula, hindi maaaring magkaroon ng
ibang bilang ng pantig ang tula gaya ng nabanggit na. Ibig sabihin, hindi rin matatawag na
tradisyonal na tula ang salin na ito kahit sa isang maliit na pagkakamali lamang.
Paano kung mabigyan natin ito ng solusyon?
Bilang tagasuri, may karapatan din ako na ayusin ang tula lalo na kung maliit lamang ang
problema nito. Hindi ko hinuhusgahan ang makata na nagsalin nito, kung bakit hindi pa
nabigyan ng hustisya ang pagkakasulat gayong isang taludtod lang ang matatawag na
taksil para tuluyang maituring na tradisyonal na tula ang kanyang salin. Kung gayon,
upang masolusyonan ito ay kinakailangan lamang na dagdagan ng isang pantig ang
unang taludtod sa ikalawang saknong. Maaari ba ang ganito: Patungo sa larangan ako’y
sumagsag? Kung bibilangin, ito ay nagtataglay na ng 12 bilang ng pantig. Gayunpaman,
kung ipipilit ko ang ganitong pagkakasulat ng nasabing taludtod ay walang duda na baka
pagtawanan lamang ako ng maraming makata. Baka nga ang nagsalin ng tula ay
bumangon pa sa hukay (kung patay na) o kung buhay pa ay ipahanap ako at ipagbabaril.
Hindi kasi madaling sumulat ng tula, lalo na ng mga tradisyonal na tula na hinahaluan pa
ng pag-compute ng mga pantig. Kaya masusubukan dito ang talasalitaan ng makata sa
pagpili ng mga salita na aakma sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Kahit kasi 12 na
ang bilang ng mga pantig sa linyang, Patungo sa larangan ako’y sumagsag, ay hindi pa rin
maaaring tanggapin ito sa tuntunin ng tradisyonal na tula. Bakit? Dahil wala itong sesura.
Ang sesura ay pantay na hati sa gitna ng bawat taludtod. Dahil sa lalabindalawahin ang
sukat ng salin, ibig sabihin ay matatagpuan sa ikaanim na pantig ang sesura (o ayon
naman sa iba ay matapos ang ikaanim na pantig). Ang sesura, samakatuwid, ay
nakadepende sa bilang ng mga pantig: ang sesura ng aanimin ay nasa ikatlong pantig; ang
sesura ng wawaluhin ay nasa ikaapat na pantig; ang sasampuin ay nasa ikalimang pantig;
ang lalabing-apatin ay nasa ikapito; ang lalabing-animin ay nasa ikawalo; at ang
lalabing-waluhin na siyang huling uri ng sukat sa tradisyonal na tula ay hindi matatagpuan
ang sesura sa ikasiyam na pantig. Ito ang natatanging katangian ng sukat na
lalabing-waluhin dahil hindi lamang isa kundi dalawa ang mga sesura nito. Ibig sabihin,
hahatiin ang 18 pantig sa dalawa kung kaya’t ang unang sesura ay nasa ikaanim na pantig
habang ang huling sesura ay nasa ikalabindalawang pantig.
Kung bibilangin kasi ang linyang, Patungo sa larangan ako’y sumagsag, na may 12 pantig
ay mapapansin na ang ikaanim na pantig ay nasa loob ng salitang larangan. Ang sesura ay
hindi kailangang matagpuan sa loob ng salita. Ito ang dahilan kung bakit ang iba ay
sinasabing ang sesura ng linyang may 12 pantig ay matatagpuan matapos ang ikaanim na
pantig (kung lalabindalawahin ang sukat). Ibig sabihin, maliwanag na walang balakid sa
unang anim (6) na pantig mula sa orihinal na linyang Tungo sa larangan ako’y sumagsag,
ang problema ay matatagpuan sa sumunod na mga pantig. Kung gayon, napakadali
lamang sana na solusyonan ang kapiranggot na problemang ito sa pamamagitan ng
paghihiwalay ng kinudlitang salita na ako’y: ako ay sumagsag. Hindi ko lang lubos-maisip
ang dahilan ng Tagasalin kung bakit hindi niya napansin ang gayong kaliit na bagay, o
kung napansin man ay hindi binigyan ng atensiyon. Marahil, para sa kanya, palaging
idinidikit ang inklitik na 'ay' sa mga salitang nagtatapos sa patinig kapag nagsusulat ng tula
gaya sa kanyang salin. Kahit may poetic license, kailangan pa ring sumunod sa mga
pangunahing tuntunin sa pagsulat ng tradisyonal na tula.
Pangatlo, mahalagang pag-usapan din ang tugma kapag sumusuri ng tula. May dalawang
uri ng tugma o magkakatunog na pantig sa dulo ng bawat taludtod: ang ganap at di ganap.
Ganap ang tugma kung ang buong saknong ay nagtatapos sa patinig kung kaya’t
tinatawag din itong assonance. Kung apat ang taludtod sa bawat saknong, maaaring
mahati ito sa iba’t ibang pangkat: AAAA, AABB, ABAB, at ABBA. Di ganap o consonance
naman ang tawag sa mga pantig o tugma na nagtatapos sa mga katinig. Ito ay maaaring
mahati sa anim (6) na pangkat: (1) ab, ak, ad, ag, as, at; (2) ib, ik, id, eg, ig, es, is, it; (3) ob,
ok, od, og, os, ot; (4) an, al, am, aw, ay, ang; (5) in, il, im, iw, ing; at (6) on, un, ol, om, um,
oy, ong. Ngunit ang mga pangkat na ito ng tugmang ganap at di ganap ay ginagamit
lamang sa pagsusuri ng mga tulang Tagalog. Halimbawa, ang unang saknong ng salin ay
pinagsamang ganap at di ganap. Ang unang dalawang taludtod ay maibibilang sa ikaapat
na pangkat ng tugmang di ganap; samantala, ang huling dalawang taludtod ay hindi
masasabi kung ang una o ikalawang pangkat ng tugmang ganap ang ginamit dahil
dalawang linya lamang ito ng saknong na may apat (4) na taludtod. Nagkataon lamang na
dalawang magkaibang tugma ang ginamit ng Tagasalin. Ang tanong: possible ba na
magsama ang dalawang uri ng tugma sa isang saknong? At ang sagot: napakaposible, sa
muli ay depende lamang sa estilo ng makata. Ngayon, dahil dalawa lamang na taludtod
ang assonance sa unang saknong kaya hindi ito maibibilang sa nabanggit na na apat na
pangkat ng tugmang ganap. Kung kaya, dalawa rin ang pangkat na posibleng kabilangan
nito: ang (1) AA; at ang (2) AB alinsunod sa alituntunin ng couplet o saknong na may
dalawang (2) taludtod. Dahil ang huling dalawang taludtod ng unang saknong ay kapwa
nagtatapos sa titik na a, maliwanag na ito ay kabilang sa pangkat na AA. Ang tuntuning ito
ay maaari ding mailapat sa ikalimang saknong na binubuo rin ng mga tugmang ganap (AA)
at di ganap (ikaanim na pangkat).
Samantala, ang mga saknong bilang 2, 3, at 4 ay pawang nagtatapos sa mga tugmang di
ganap. Mapapansin din na sa mga nabanggit na saknong ay magkakaiba ang pangkat ng
tugma sa unang dalawa at sa huling dalawang taludtod. Sa pangalawang saknong,
halimbawa, ay binubuo ng mga pangkat una at ikaapat; sa pangatlong saknong ay
pangkat ikalima at ikaapat; at pangkat ikalawa at ikaapat naman para sa pang-apat na
saknong.
Kung susuriin naman ang huling saknong ng salin, mapapansin na sa lahat ng saknong ay
ito lamang ang nagtataglay ng isang uri ng tugma, ang di ganap; at isa rin ang pangkat,
ang ikaapat na pangkat. Ibig sabihin, ang salin sa Tagalog ng tulang My Low and Humble
Home ay nagtataglay ng mga pangkat ng dalawang tugma na pinagsama-sama. Sa muli,
ang tanong: possible ba na ang isang saling tula ay magtaglay ng dalawa o higit pang
pangkatan ng mga tugma? At maisasagot ko: kung tuntunin sa pagsulat ng tradisyonal na
tula ang pinag-uusapan ay hindi na katanggap-tanggap ito.
Ayon sa aking obserbasyon sa mga tradisyonal na tula, kung ano ang uri ng tugmaan o
pangkatan sa unang saknong ay dapat matapos ang buong tula sa gayong uri ng
pangkatan. Halimbawa, kung ang unang saknong ay binubuo ng assonance at
consonance, kailangang ganun din sa mga susunod na saknong. Kung ang isang saknong
naman ay binubuo lamang ng alinman (ibig sabihin, isa lang) sa mga pangkat ng tugmang
ganap, o di kaya’y binubuo lamang ng alinman sa mga pangkat ng tugmang di ganap,
kailangang ganun din sa iba pang mga saknong. Dito makikita kung gaano kahusay at
malikhain ang isang makata.
Ngayon, sa mga nabanggit na tuntunin sa tugmaan sa pagsulat ng tradisyonal na tulang
Tagalog, napakaposible naman sa mga tulang Ingles na magsama ang assonance at
consonance dahil mayroong mga salita sa wikang Ingles na nagtatapos sa patinig at
katinig pero magkakatunog sa dulo. Samakatuwid, tanging tuntunin sa pagpapangkat ng
mga taludtod lamang ang sinusunod sa pagsulat ng mga tulang Ingles. Halimbawa, sa
orihinal na tula ni Nathaniel Hawthorne, ang tugmaan ay maipapangkat gaya ng mga
sumusunod: AABBCCDDEEFFGGHHIIJJKLMM. Mula sa inilahad na pangkatan, tatlo (3)
ang mahahalatang kapansin-pansin. Una, masyadong mahaba ang uri ng taludturan,
umabot pa sa M, samantalang sa tulang Tagalog o kahit sa ibang mga dayuhang tula ay
hanggang walo lamang ang dami ng taludtod na tinatawag na octave. Ang kasagutan ay
nailahad na sa mga naunang pagtalakay, ito ay dahil dire-diretso ang pagkakalahad ng
tula. Pangalawa, kumpara sa salin, mas marami ang mapapansin na "bawat dalawang
taludtod na magkakatugma”. At pangatlo, gaya sa ilang taludtod na may ibang bilang ng
pantig o sukat, dalawa rin sa mga ito ang walang katunog at ito ay matatagpuan sa mga
taludtod K at L. Bagama’t kapwa nagtatapos sa malapatinig na y ang mga salitang by at
ecstacy, hindi pa rin magkatunog ang mga ito. Implikasyon lamang ito, na muling
nadagdagan ang mga bitak ng estruktura ng orihinal na tula.
Mula sa mga napansin na ito sa orihinal na tula, ihambing natin ang pagkakapangkat ng
mga taludtod sa saling tula. Gaya ng nasabi na, mas marami ang mapapansin na “bawat
dalawang taludtod na magkakatugma” sa orihinal liban sa mga taludtod na K at L. Para sa
akin, kung ano ang uri ng pangkatan ng mga tugma sa orihinal ay kailangang sundin ng
Tagasalin. Higit na mainam kung magagawa pa ng Tagasalin na gawing magkatugma ang
dalawang linya na hindi napagtagumpayan ni Hawthorne. Samakatuwid, maaaring maging
ganito ang estruktura o pangkat ng tugma ng kanyang salin: AABB para sa anim na
saknong.
Gayunpaman, hindi ako perpekto ni batikan sa pagsusuri o pagsusulat ng tula. Hindi lang
naman ang saknong o taludturan, sukat at tugma ang sangkap para makasulat ng tula.
Hindi naman tama kung ito lang ang papansin ko sa orihinal at sa saling tula. Kumbaga sa
pagtatayo ng isang gusali o tahanan, ang tatlong elementong ito ay mga bakal lamang na
nagsisilbing brace, mga bakal na maaaring kalawangin. Para hindi kalawangin kaagad o
masayang ang mga bakal na ito, kailangan takpan o lagyan ng pinaghalu-halong buhangin,
bato at semento upang higit na maging matibay. Sa pagtatayo ng tula, ang
pinaghalu-halong buhangin, bato at semento na ito ay tinatawag na “diwa”.
Ang tulang My Low and Humble Home ni Nathaniel Hawthorne na isinalin sa Tagalog at
binigyan ng pamagat na Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan ay tungkol sa isang binata
na walang ibang hangad kundi maging isang bayani ng digmaan. Ang binatang ito ay mura
pa ang isipan sapagkat hindi niya batid kung anuman ang naghihintay sa kanya sa
pagpasok niya sa pagiging sundalo, hindi lang siya makapaghintay na maging bahagi nito.
Masidhi ang kanyang pagnanais at gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang
maging pinakamagaling na sundalo.
Ang tula ay naglalarawan sa isang maganda, madamong kaparangan na naging madugo
at magulong larangan o arena para sa mga sundalo. Inilarawan din mismo ng persona ng
tula, na walang iba kundi ang binatang naging sundalo, ang mga ingay at mga aksiyon ng
digmaan na labis na gumimbal sa kanya noong una, nagpabilis ng pagtibok ng kanyang
puso, at nagpalakas nang sampung beses sa kanyang mga pakiramdam.
Hinahanap-hanap niya ang digmaan, at masaya siyang maging bahagi nito. Hindi nagtagal,
tumaas ang kanyang ranggo; gayunpaman, nang mga oras na iyon ay naalala na niya ang
kanyang tahanan at ang kanyang dating buhay. Napagtanto niya na lubos na niyang
napupû-ngaw[1] ang kanyang lumang tahanan, at hangad niyang makabalik dito. Huli na
nang mapag-isip-isip niya na anumang tagumpay na nakuha niya sa pagiging sundalo ay
walang nagawa sa kanyang buhay, na hindi niya kailanman mararanasan dito ang tunay
na kaligayahan.
Bakit Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan? Ang 'aba' ay nangangahulugang “kawawa”,
habang “maliit” naman ang ibig sabihin ng 'hamak'. Maitatanong natin: naging kawawa ba
ang kanyang tahanan mula nang umalis siya? Maliit ba ang kanyang tahanan? Isa-isahin
nating talakayin ang mga inilahad na katanungan.
Kung susuriing mabuti ang tula, literal na masasabing kaawa-awa nga ang tahanan dahil
wala nang naninirahan dito mula nang iwan ito ng persona para maging sundalo. Maaaring
patay na ang kanyang mga magulang. Nag-iisa na lamang siya sa buhay. Ito ang dahilan
kung bakit sa unang saknong ng tula ay nabanggit niya na Payapa kong katre’y wala nang
halina; ibig sabihin, kahit na lagi siyang nakapagpapahinga sa kanyang kama o
nakararamdam ng kapayapaan sa kanyang tahanan ay hindi na rin siya nagiging panatag
sa pag-iisa o sa tahimik na buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit nawika niyang "Hudyat ng
Digmaan ang aking ligaya." Alam natin na mga sundalo lamang, o mga taong sanay sa
pakikipag-away, o mga taong laging naghahanap ng gulo ang may ganoong uri ng
pag-iisip. Marahil, naapektuhan ng sobrang katahimikan ang kanyang pananaw sa buhay
dahilan para hanapin niya ang magulong bahagi nito.
“Maliit” nga ba ang kanyang bahay? Gaano man kaliit ang bahay ng isang tao, kung naging
masaya naman ang kanyang karanasan dito, lalo na kung marami silang magkakasama,
ay hindi ito alintana sa kanya. Hindi rin ito ang basehan para hamakin o maliitin niya ang
kanyang tahanan. Hindi kaya may kinalaman ito sa kanyang pag-iisa sa buhay? Ngunit,
kung ang isang tao ay sadyang nag-iisa na lamang sa kanyang tahanan, hindi ba dapat
lumaki pang lalo ang pagtingin niya sa kanyang paligid sa halip na lumiit?
Upang masagot natin ito, muli tayong sumuri ng isang saknong mula sa saling tula: "Buhay
sa maghapo’y lumilipad lamang Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan. Huli na, batid kong
rurok ng Tagumpay, Hindi magdudulot ng masayang araw." Batay sa naging karanasan ng
persona ng tula, maliwanag na ang unang dalawang taludtod ng huling saknong ay
nagpapahiwatig ng pagsisisi---pagsisisi na sumali pa siya sa digmaan samantalang noong
una ay gustong-gusto niya ito. Bakit nga ba nagsisi ang persona? Maraming posibleng
dahilan: marami na siyang napatay na kung hindi siya papatay ay siya ang mamamatay;
walang katahimikan ang buhay ng isang sundalo; at walang tunay na kaligayahan dahil
hindi naman talaga masaya ang pagpatay na kahit hindi kayo napatay o kahit nanalo kayo
sa digmaan, walang pagdiriwang para sa mga pamilyang naiwan ng inyong mga pinatay.
Dito ay naisip ng persona na hindi para sa kanya ang pagiging sundalo, na kahit tumaas
man ang kanyang ranggo ay walang madaling daan para sa pagiging bayani. Ang tula ay
maikli lamang, 24 na linya lamang, ngunit naisalaysay na ng persona ang buo niyang
buhay: pumasok siya sa pagiging sundalo na binata pa lamang ngunit napagtanto niya na
huli na pala ang lahat nang matanda na siya. Samakatuwid, hindi naging masaya ang
kanyang kabataan. Maraming oras at maraming bagay ang nasayang na dapat sana ay
inilaan niya para sa kanyang buhay ngunit pilit niyang inaliw ang sarili sa pakikidigma.
Ang huling dalawang taludtod naman ay nagsilbing aral para sa kanyang sarili: "Huli na,
batid kong rurok ng Tagumpay, Hindi magdudulot ng masayang araw." Maraming tao ang
nagkakamali sa kanilang buhay at kadalasan pa nga ay sa paggawa ng tamang desisyon.
Paano nga ba nasasabi ng isang tao kung tama ang desisyon na kanyang ginawa?
Malamang, kapag ang isang tao ay nagtagumpay na sa buhay at naabot na ang kanyang
pangarap, doon lamang siya makapagsasabi na hindi siya nagkamali sa kanyang
desisyon. Paano naman kung hindi nagtagumpay ang isang tao o hindi natupad ang
kanyang pangarap o nasadlak siya sa pagdurusa o nakulong siya sa mga problema? Kung
gayon, mali ang desisyon na tinahak niya. Ibig sabihin lamang nito, ang desisyon ay
nahahatulan lamang kung tama o mali sa bandang huli.
Ayon sa tula, ang persona ay nagtagumpay. Ngunit, bakit nagsisi siya? Bakit nasabi
niyang ang tagumpay ay hindi magdudulot ng tunay na kaligayahan. Tahanan. Ipasok
natin ang simbolismo sa tula ng salitang tahanan. Ipinahihiwatig lamang dito na ang
tahanan ay nangangahulugang kasiyahan, mga damdaming nabuo, mga karanasang hindi
malilimutan, isang tahanan na kung saan ay komportable ang isang tao. Sa madaling salita,
kahit nakuha man ng sundalo ang kanyang gusto o kahit nagtagumpay siya sa bandang
huli, hindi pa rin siya masaya rito, hindi pa rin siya komportable rito, at hindi ito ang
matatawag niyang tahanan dahil gaya ng nabanggit na ay magiging aba at hamak lamang
ang tahanan kung nagkamali ka ng desisyon sa buhay.
Sa pagkakataong ito, muli kong sasabihin na buong buhay ng persona ang isinasalaysay
niya sa tulang ito. At ang tahanan niya ay kanyang hinahanap-hanap. Sa kasamaang
palad, malayo na siya sa tinatawag niyang tahanan. Naaawa siya sa kanyang sarili.
Minamaliit niya ang kanyang sarili. Ang kanyang tahanan ay ang buhay niya. Ngunit, Ang
Aking Aba at Hamak na Tahanan. Ano't anuman, sa hindi inaasahang pagkakataon, dahil
sa maling desisyon, Ang Aking Aba at Hamak na Buhay.

You might also like