You are on page 1of 5

🏡

Ang aking aba at hamak na


tahanan

2.8 Pagsusuri sa Tula


Bakit kaya iniwan ng binata sa tula ang kanilang tahanan? Bakit nawalan na
siya ng gana sa mga bagay na kanyang kinamulatan?

Iniwan ng binata ang kanyang tahanan dahil sa kanyang mithiin at kagustuhan


na pagsilbihan ang kanyang bayan at maging isang sundalo. Nawalan na siya
ng gana sa mga bagay na kanyang kinamulatan dahil gusto na niyang abutin
ang kanyang mga pangarap. Gusto na niyang sumubok sa mga bagong landas
at tuparin ang kanyang pangarap kahit na ang mga sitwasyong kanyang
haharapin ay hindi niya kinalakihan, nasa kanyang puso at hangarin naman na
gusto niya itong makamit at matamasa.

Bakit sinasabing hudyat ng digmaan ang kanyang ligaya? Anong bagay


kaugnay ng digmaan ang nais niyang gawin?
Ibig sabihin ng “hudyat ng digmaan” ay hangad niya ang pagtatawag ng
digmaan sa kanya. Alam niyang ang pagiging sundalo ay tungkol sa

Ang aking aba at hamak na tahanan 1


pakikpaglabanan at pagtatanggol. Nasa isip niya na ang pakikidigma ang
magbibigay sa kanya ng kasiyahan o ligaya dahil ito ang trabaho ng isang
sundalo. Gusto niyang makamit ang kaluwalhatian at gusto niyang maging
isang bayani sa mata ng mga taong kanyang pinoprotektahan

Nakabubuti ba ang mithiing ito ng binata? Sa iyong palagay, mga anong edad
kaya siya nang lumayo siya sa kanyang tahanan at gawin ang kanyang
minimithi? Bakit ang edad na ito ang naisip mo?
Pawang mabuti ang kanyang gusto na magsilbi para sa bayan, ngunit ang
kanyang hangarin, ang maging bantog at makamit ang kaluwalhatian ay hindi
pangmatagalan na mga dahilan upang lumaban. Kung gusto man niyang
maging sundalo, dapat gawin niya ito para sa mga tao, dahil dapat ang
pagtatanggol ay walang hinihiling na kapalit. Hindi ka magsusundalo para
maging isang bayani, ikaw ay isang bayani kapag isa kang sundalong kayang
ibigay ang lahat para sa bayan.
Sa aking palagay mga edad 18 pataas siya nang sumabak sa pagiging
sundalo. Ito ang naisip ko dahil ito naman talaga ang legal na edad na pwede
kang makapagtrabaho at sa pagpapahiwatig nang manunulat, binata pa
naman siya nang siya ay sumali. Kaya dahil rin sa lakas ng kanyang
kagustuhan, alam kong agad-agad na niyang ginawa ang kanyang mithiin at
linisan ang kanyang tahanan para makamit ang kanyang pangarap ng mas
maaga.

Ano ang nangyari sa binata? Natupad ba ang kanyang minimithi? Anong


bahagi ng tula ang nagpapatunay nito?

Oo, natupad ang kanyang mithiin. Siya ay naging isang sundalo at


pinapatunayan ito ng ikaapat at ikalimang talata kung saan inilalarawan ng
manunulat ang nakikita ng binata.

Inilalarawan niya ang dagundong ng digmaan o ang ingay at tunog ng


pagmartsa at pagtakbo ng mga sundalo sa kanyang mga saitang: sa gasong
tenga ko, pagyapak saanman.

At dahil ang mga digmaan ay halos nangyayari sa mga damuhan o mga


trintsera ay malalaman natin na sa oras na ito ay nakikipaglaban na siya: Kita
ko ang berde, luntiang damuhan.

Ang aking aba at hamak na tahanan 2


Sa ikalimang talata naman ay inilalahad ang dugo at pagkasawi ng kanyang
mga kalaban at nang sabihin niyang nakamit na niya ang kataas-taasan ng
kanyang mithiin: narating kong rurok na mithiin, doon natin mapapatunayan
mismo na natupad na nga niya ang kanyang mithiin.

Bakit kaya muli niyang kinasabikan ang kanyang tanging bahay? Alin kaya sa
mga karanasan niya sa buhay ang nagdulot ng pagkasabik niyang muling
bumalik sa kanyang kinalumatan?

Kinasabikan niya ang kanyang tanging bahay dahil napagtanto niya na hindi
na siya makakabalik sa payapang buhay na iyon dahil sa kanyang
pagkasundalo. Dahil sa digmaan—ang ingay, dugo at pagod ng
pakikipaglaban—naramdaman niya ang matinding pagkakaiba nito sa
kanyang buhay noon. Dahil dito, gusto na niyang umuwi, ngunit hindi na niya
kaya pang talikuran ang responsibilidad nang kanyang pinasok. Ang tanging
kaya niyang magagawa na lamang ay ang maging sabik sa alaala ng
kahapong payapa pa ang kanyang buhay.

May pinagsishan ba ang binata sa kanyang buhay? Kung mayroon man, ano
ito? Ipaliwanag.

Sa palagay ko, hindi naman nagsisi ang binata ngunit nanghihinayang lang na
hindi niya minahal at napahalagahan ang buhay matiwasay niya noong una.
Ang palaging iniisip lang niya sa panahong iyon ay kung paano siya
makakalayo sa kanyang tahanan at sa kanyang pangarap na maging sundalo,
hindi man lang niya naisip na kahit gaano man kalaki ang iyong karangyaan at
kaluwalhatian, balang araw babalik ka rin sa iyong tahanan. Hindi man ikaw
ang bayani sa tahanan na iyon, hindi man ikaw ang pinakabantog; ngunit dahil
sa tahanang ito, nakamit mo ang lahat ng bagay na mayroon ka ngayon.
Tahanang aba at hamak, ngunit naghahawak sa lahat ng dahilan sa iyong
karangyaan.
Alam rin niyang hindi na siya makakabalik pa ng permanente sa tahanang ito
dahil sa kanyang mga responsibilidad bilang isang sundalo, kaya parang
natatakpan ng pagsisisi ang kanyang emosyong panghihinayang.

2.9 Nathaniel Hawthorne


Ano ang bunga ng mga giyera?

Ang aking aba at hamak na tahanan 3


Wasak na imprastraktura at maraming nasawi.

Tungkol saan ang tula?

Digmaan

Ano ang maaring maihalintulad sa digmaan?


Armas, dugo, buhay

Bakit mahalagang iwasan ang digmaan?

Para magkaroon ng kapayapaan

Bakit ibinago niya ang kanyang pangalan?

Why did Nathaniel Hawthorne change his name?

He changed his last name in part to hide his family's dark past. The


novelist's great-great-grandfather, John Hathorne, was a leading judge of the
Salem witch trials, andHawthorne was haunted by his ancestor's shameful
past.

Kailan siya naipanganak?

Hulyo 4, 1804

Ano ang mga akdang kanyang natapos?

Young Good Man Brown at The Scarlet Letter

Ano ang artikulong inspirasyon sa tulang ito?

Chiefly About War Matters - Digmaan sa Amerika

Ano ang nobelang hindi niya natapos?

The Dolliver Romance

Kailan siya namatay?

Mayo 19, 1864

KASINGKAHULUGAN
Payapa kong katre

Ang aking aba at hamak na tahanan 4


Ano ang KASINGKAHULUGAN nito?

Payapang buhay

Pumula sa dugo

Ano ang KASINGKAHULUGAN nito?

Maraming namatay

Rurok sa mithiin

Ano ang KASINGKAHULUGAN nito?

Pagkamit ng isang pangarap

Sa palpak ng tuwa

Ano ang KASINGKAHULUGAN nito?

Mga bagay na nagdudulot ng saya sa kabataan

Malayong bituin

Isang matayog na pangarap

Ang aking aba at hamak na tahanan 5

You might also like