You are on page 1of 3

Whischelle Ama Sept.

23, 2020

Grade 10 – Resilience

1. Bakit kaya “Ang Kuwento ng Isang oras” ang naging pamagat ng kuwento? Angkop ba
ito? Sa anong paraan?

- Sa palagay ko kaya “Ang Kuwento ng Isang oras” ay ang pamagat ng aking nabasa dahil
nung nalaman ni Ginang Mallard na namatay ang kaniyang asawa dahil sa aksidente, siya
ay naka ramdam ng kalayaan at kasiyahan sa isang oras. Ang pamagat ng kuwento ay
angkop sa istorya dahil ito ay nangyari sa kuwento, ipinakita sa atin na si Ginang Mallard
ay humihiling ng mas mahabang buhay dahil kala niya wala na ang kaniyang asawa.

2. Anong sakit ang taglay ni Ginang Mallard? Bakit kaya kinailangang sabihin ito sa
unang bahagi pa lang ng pagsasasalaysay? Paano ito nagamit ng may-akda sa kabuuan
ng kwento?

- Ang sakit na taglay ni Ginang Mallard ay sakit sa puso. Ito ay sinabi sa unang bahagi ng
kuwento dahil ito ay magiging paktor at kasama sa mahahalagang bahagi ng kuwento.

3. Anong uri ng samahan kaya nag namamagitan sa mag-asawang Mallard? Bakit sinabi
sa kuwentong “nagkulong siya sa kanyang silid” sa halip na “nagkulong siya sa
kanilang silid”? May kaugnayan kaya ito sa kawalan nila ng anak? Patunayan.

- Sa tingin ko, ang samahan ng mag-asawang Mallard ay hindi kagaya sa ibang mag-
asawa. Sila ay may sariling kwarto at hindi sila magkasama ito siguro ay paktor din sa
pagkawalan nila ng anak siguro sila ay Fix marriage o napilitan lamang. Ito ay base sa
aking pagkaintindi sa kuwento, kasi si Ginang Millard ay masaya na wala ang kaniyang
asawa at nagpapakita ito ng hindi na magandang relasyon sa mag-asawa.

4. Sa iyong palagay, anong uri ng asawa si Brently kay Louise Mallard? Bakit
ibinubulong ng kanyang mga labi ang mga salitang Malaya, Malaya, Malaya
samantalang iniisip din niya “ang mukhang tanging titg lang ng pag-ibig ang iniuukol
lang sakanya”?

- Sa aking palagay, si Brently Millard ay hindi nagbibigay ng kalayaan at Karapatan sa


kaniyang asawa. Siya ay masama sa kaniyang asawa at hindi niya pinapagawa ang gusto
ni Ginang Millard. Sinasabi na Malaya siya dahil kala niya na wala na ang kaniyang
asawa. Ang paningin niya sa kasal ay pagsasama ng 2 tao at magbibigay ng Karapatan sa
isa’t isa. Mahal niya ang kaniyang asawa ngunit, minsan niya lang ito nararamdaman.

5. Nalathala ang kuwento noong 1894. May kinalaman kaya ang kultura at kaugaliang
kaugnay ng samahan ng mga mag-asawa sa panahong iyon sa naging kalagayan ni
Louise Mallard? Patunayan.

- Ang taong 1894 ay pwedeng iugnay sa kuwento. Noong 1894, ang mga babae ay walang
karapatang mag trabaho at siguro si Ginang Mallard ay hindi nagta-trabaho at nasa bahay
lamang. Mahirap din mag divorce ang mg babae kaya wala silang kakayahan
makipaghiwalay sa kanilang mga asawa. Kaya sa aking palagay, si Louise Mallard ay
nahihirapan na sa kaniyang buhay kasama si Brently Mallard.

6. Ano ang sinimbolo ng pagsasara ni Louise sa pintuan upang hindi makapasok ang
sinuman samantalang nakabukas naman ang bintanang para sa kanya ay
pinagmumulan ng buhay?

- Ang simbolo ng pagsara ni Louise ng pintuan ay ang pag sara ng buhay niya noong may
asawa pa siya. Ito ay nagpapakita ng pag kalimot sa kaniyang buhay noon. Ang bintana
ay nagpapakita ng pagbukas ng buhay niya. Ito rin ay nagpapakita ng kalayaan ng
kaniyang bagong buhay.

7. Sa binasa mong tala kaugnay ng buhay ng manunulat na si Kate Chopin, maiuugnay


mo ba ang mga pangyayari sa sinulat niyang kuwento sa naging karanasan niya sa
buhay? Sa paanong paraan?

- Sa aking palagay ipinahayag niya lang ang kaniyang opinyon sa kasal. Ang kaniyang
pananaw sa kasal ay ang pagbigay respeto din sa mga babae lalo na sa pagdedesisyon.
Ngunit, ang panahon ng kuwento ng kaniyang isinulat ay base sa panahon nila.
Ipinapakita niya ang kalagayan ng mga kababaihan sa panahon nila. Kagaya sa kuwento
na si Louise ay hindi masaya sa kaniyang asawa dahil hindi siya Malaya.

8. Bakit kaya sinasabing ang akdang ito ay kakikitaan ng kaisipang feminismo?

- Sinasabi na may feminismo ang kuwento dahil ipinipakita ang hindi patas na pag trato sa
mga babae noong panahon nila. Ito rin ay nagpapakita ng “patriarchal” sa pamumuhay
nila. Nilalahad ng kuwento ang hindi masasaya na mga pagsasama at ang mga karapatan
ng babae at inequality.

9. Ano kaya ang tunay na naging sanhi ng pagkamatay ni Louise Mallard, labis na
kaligayahan nga ba tulad ng sinabi ng doktor o labis na pagkadismaya? Patunayan.

- Sa aking palagay, si Louise Mallard ay namatay dahil sa pagkagulat na buhay pa ang


kaniyang asawa. Siya ay nadismaya dahil marami na siyang naiisip na gawin dahil
malaya siya at pwede niya na gawin ang gusto niya dahil wala na si Brently Mallard. Sa
sobrang saya na naramdaman niya ang kalayaan, biglang nagpakita si Brently sakaniya at
siya ay sobrang nagulat. Siya ay may sakit sa puso at dahil sa sakit, gulat at dismaya na
kaniyang naramdaman siya ay namatay.

You might also like