You are on page 1of 14

SALMfiN NG KULTURA NG SINDAK SA KONTEMPORAR-

YONG MAIKLING KUWENTONG PILIPINO

Pedro L. Ricarte

Nasa salitang "kultura" ang kahulugan ng paglinang, ng


pagsasanay at pagkatuto, kasarna na ang konotasyon ng pagka-
pailalim sa mga artipisyal na kondisyon. May pahiwatig, samakat-
wid, sa praseng "kultura ng sindak" na ang takot ay hindi katutu-
bo ngunit nagbinhi at umunlad, maaaring sa nakasisindak na kara-
nasan o mapanlupig na pakikitungong tinanggap buhat sa ibang
higit na malakas at malupit. Ngunit gayon nga larnang kaya?
0 may iba pang uri ng sindak na sa simula'y kaakibat na ng buhay?
0 ang lahat ng anyo ng sindak ay may kinauugatang isang pangka-
lahatang parnulaan, isang primordial na uri ng takot na likas na
katarnbal ng buhay na itong kinagisnan nang sangkatauhan? Ku1J.8
totoo iyan, natural na ang larawan ng sindak ay tataglayin ng pani-
tikan buhat pa sa panahong ang tao ay matutong magpahayag ng
kanyang damdamin at karanasan.
Dahil diyan, kung dapat na hindi maging makitid ang pagsu-
suri sa paksa ng panayam na ito, kinakailangang ang pagtalakay
ay dumako sa pinakamalalim na maaabot at sumaklaw sa pinaka-
malawak na malalaganapan ng paningin. Nais kong pagmasdan ang
sindak, kung gayon, hindi sa isa lamang anggulo. Sa ganya'y mai-
iwasang angpaksaay pagkasyahin sa isangmakipot na kuwadro o pa-
nuntunin sa isang may kinikilingang tunguhin. Ang higit sa isang
anggulo ng pananaw, sa kaso ng panayarn na ito, ay maaaring
maging epektibong lunsaran ng isang liberal na panunuri. Tungkol
diyan, kaipala'y makasasapat na kung ang paksa ay mapagmamasdan
buhat sa mga anggulong arketipal, eksistensiyal, sikolohiko, at sos-
yo-pulitikal.

Arketipal na Pananaw

Magsimula tayo sa arketipal, hindi dahil sa ito ang pinakama-


halagang pananaw. Marapat lamang marahil na mag-umpisa sa tu-
nay na simula. Yamang naniniwala ako na may uri ng takot na
104 SALAMIN NG KULnJRA NG SINDAK
katutubo sa kalikasan ng tao, kailangang rnagsimula sa isang pani-
nging durnarako hanggang sa primordial na luklukan ng takot. Ka-
kailanganin dito ang liwanag na maidudulot ng rnga mitolohiko
at sikolohikong pag-aaral kung dapat na rnaunawaan ang paraan ng
rnanunulat sa simbolikong paghahayag ng natatagong takot at
malalalim na tunggaliang kinapapalautan ng kanyang rnga tauhan.
Huwag ipalagay na ang prirnitibong takot na inihahayag ng
katha sa ganitong paraan ay bunsod larnang ng rornantikong imahi-
:nasyon at walang realistikong saligan. Sapagkat sa primitibong ka-
lagayang yaon ng buhay, na bahagya na larnang rnaabot ng liwanag
ng kasaysayan, ay may rnga bagong pagkaunawa na inihahatid ang
antropolohiya at ang sikolohiyang Jungian.
Saglit nating sulyapan ang prirnitibong kalagayan ng tao at
ang takot na katutubo sa kanyang buhay. Likas na rnahlna sa katca-
yahang pangkatawan, ang tao ay surnilang na kaalinsabay ang ta-
kot sa isang di-ganap-na-rnaunawaan at antagonistikong daigdig.
Kinatakutan niya ang mababangis na hayop sa gubat, ang kidlat at
kulog, ang bulkang sumasabog, ang dilim ng gabing para sa kanya'y
nagtatago ng laksang hiwaga. Daan-daang libong taon na ang naka-
raan buhat sa panahong yaon ng taong-yungib, at sa panahong ito
ngayon ay rnakina at atorno, rnalakas pa ring nadararna ng tao ang
labi ng prirnitibong takot na yaon -- takot ng mahina sa harap
ng higit na malakas, at ang kontraparteng takot narnan ng rnalakas,
takot na nagbubunsod upang siya'y rnanlupig, rnangarnkarn at
mang-alipin.
Sinikap ng primitibong tao na unawain ang dahilan ng kan-
yang katutubong takot. Ang kanyang kasalatan sa karunungang
dulot ng siyensiya ay inihanap niya ng kornpensasyon sa kanya na-
rnapg kakayahang lurnikha ng rnito. Surnapit sa kanya ang pag-
kaunawa na ang takot ay bunga ng karnatayan, at ang karnatayan
ay ng kasalanan. Ngunit arig hindi niya alam noon, ang kanyang
mitolohikong paraan ng pag-unawa sa buhay ay bibigyan ng rnga
praktisyoner ngayon ng analitikong sikolohiya, pagkaraan pa ng
rnararning libong taon, ng rnga rnakatotohanang interpretasyon. At
rnalilikha ang rnga arketipo ng Naglahong Paraiso, ng Magna Mater,
at iba pa. At ang rnga arketipong yaon, na kinahahayagan sa rnata-
linghagang paraan ng rnga pangkaluluwang katotohanan ng lahi,
ay gagarnitin ng rnga rnakata at pintor at manunulat ng ating pana-
hon sa kanilang modernistang sining na sa paghahanap ng rnga ba-
gong kahulugan ay durnarako hanggang sa pinakaliblib na sulok ng
buhay sa isang rnadilim na nakaraang di na abot ng liwanag ng ka-
saysayan at nangungusap sa atin ngayon sa lengguwaheng rnito-
poetiko.
Pedro L. Ricarte 105
Sa ganyang paraan kinakikitaan ng pertinenteng katuturan
ang mito ng naglahong Eden. Ang tao'y nilikhang walang kamata-
yan, ayon sa mito. Ngunit siya'y nagkasala, at ang naging bunga'y
kamatayan. Pinalayas siya sa paraiso, at buhat noon, sa daigdig na
itong kanyang kinatapunan, ay naging bahagi nang kanyang bu-
hay ang takot.
Ang primitibong takot, na nasa pusod ng katauhan, ay maka-
kapa sa maikling kuwentong "Sa Bagong Paraiso" ni Efren R.
Abueg. Gumamit sa mito ng Eden bilang lunsaran ng nais ipada-
mang tema, ang kuwento ay tungkol sa pagkamulat ng isang kaba-
taang babae at isang kabataang lalaki -- katulad ng pagliliwayway
ng kamalayan sa unang babae at lalaki sa Halamanan ng Eden --
at pagkaraan niyon ay ang takot, na paralel ng takot ng dalawang
ansestor ng tao pagkaraang sila'y palayasin at mamuhay bilang es-
tranghero sa silanganan sa labas ng Eden. Sa pagkapalayas ng data-
wang tauhan ni Abueg sa lumang paraiso ng kawalang-malay, pag-
katapos ng kanilang mapaghimagsik na pagkain ng bawal na bunga,
nakadama sila ng kalayaan. "At sa pdlagay nila, sila ay nagtagum-
pay ," sabi sa kuwento. "Naalis ang hadlang. Ngunit sa kanilang
utak, nagsusumiksik at nanunumbat ang alingawngaw ng pagbaba-
wal .... "Naito ang paghihimagsik ng pangkabataang kamalayan
laban sa kumbensiyon ng katandaan. Ngunit kaakibat ng kalayaang
bunga ng pagkamulat ang takot, ang primitibong takot na may mi-
tikong padron sa naglahong Eden. Takot na empatikong inilalara-
wan sa huling bahagi ng kuwento:
Ang dalaga ay dumungaw sa bintana -- masama ang
kanyang pakrramdam. May kung-anong nakakatakot na
b;tgay ~a lcanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig
myang ttapon.

Ang mito ng Eden ay ginamit din ni Domingo G. l..andicho sa


kanyang "Himagsik ni Emmanuel Lazaro". Sa isang pamamaraang
higit kaysa karaniwang daloy ng kamalayan, maaaring tawaging
stream of the subconscious, ibinalik-salaysay ng gunita ang pang-
kaluluwang tunggaliang dinaranas ng protagonista:

Malimit pasukan siya niyon ng pulang mansanas, sa


kanyang silid na I?ribado, hanggang isang gabi, sa tindi
ng oar~ng at sila~bo, natagpuan na lamang niyang ngi-
p.uya mya.J1ang ngmuya ang mapulang mansanas n~ parang
t~an~ naglSlng ;tt nagugutom na Ac::lan, at nagstsi man
stya ¥ panandaltan laman&, pagkat ang mansanas ay nag-
papatdlip ng diwa, at siya y nahahapo, at makailan pang
sandali'y kakambal na sj,ya ni Morleo. Ito'y kasalanan,
sabi ng babae. Ngunit iniibig kita, sabi ng lalaki. A, ganito
pala ang kalayaan ~a pag-ibtg, ~aya sinuway ni Eba at ni
A.dan magmg ang Dtyos sa Paratso.
106 SALAMIN NG KULTURA NG SINDAK
Tulad ng kay Abueg, sa kuwento ni Landicho ay sinasagisag
din ng bawal na bunga ang seksuwal na pag-ibig. Kung ang pakiki-
tunggali ng pangunang tauhan sa "Sa Bagong Paraiso" ay laban sa
kumbensiyong pangmoralidad, ang pakikitunggali naman sa
"Himagsik ni Emmanuel Lazaro" ay laban sa kum bensiyong pan-
relihiyon. Sa dalawang kuwento, kapwa ipinakikitang ang morali-
dad at relihiyon ay maaaring magsilbing tagapanikil ng kalayaan,
at ang pagpapahinuhod sa paninikil na iyan ang nagbubunga ng
takot.
Takot din ang pinakahuling kaaway na dapat lupigin ng pa-
ngunang tauhan ni Ricardo Lee sa kanyang "Servando Magda-
mag". Ginamitan ng mga kumbensiyunal na simbolong nasa pam-
publikong teritoryo ng mitolohiya at relihiyon, tulad ng naunang
tinalakay na dalawang maikling kuwento, ang tunggalian ng katha
ni Lee ay dumarako hanggang sa tinatawag ng mga kritiko ng ma-
katang si Dylan Thomas na "madilim na gabi ng kaluluwa". Kaug-
nay ng ipinahihiwatig ng matalinghagang pamagat -- "Servando
Magdamag" -- ang tunggaliang yaon ay may kinalaman sa pang-
kaisipan at pandamdaming pagkaalipin ng pangunang tauhan na
ang pinagkukutaan ay ang madilim na magdamag ng kaluluwa,
yaong tinatawag na unconscious nasa pamamagitan ng mga simbo-
lo at mito matalinghagang nagpapahayag ng kanyang mga arketipal
na katotohanan.
Ang pangunang tauhan ng kuwento ni Ricardo Lee ay may
nangingilalim na hangaring makatakas sa madilim na nakaraan ng
kanyang angkan, na sinasagisag ng matandang mansiyon. Ang ma-
giging katulong niya at kasama sa pagtakas na iyon ay si Belinda,
isang alila roon na umiibig sa kanya. Ngunit hindi ganap na nauu-
nawaan ng pangunang tauhan -- sapagkat hindi nakalulutang sa
kanyang conscious mind -- kung gaano katibay ng kanyang pag-
kakatali sa madilim na nakaraan ng kolektibong unconscious ng
kanyang liping pinagmulan. lyan ang dahilan ng takot na nakapag-
hahari sa kanya at nigiging hadlang sa kanyang ganap na pagtakas.
At sumapit ang kuwento sa trahedyang wakas nang sa isang simbo-
likong aksiyon na nagpapagunita sa mito ng Sodom at Gomora ay
lumingon ang pangunang tauhan sa bangkay ng kanyang lolo na
nakaburol sa mansiyon. Nahulog siya sa hagdan at nabagok ang ulo
sa bato.
Sa likod ng mito, ang kuwento ni Lee ay maaaring bigyan ng
antas ng interpretasyong sosyo-pulitikal. Gayunman, kaiba sa kan-
yang mga huling kuwento, ang pangunang tauhan ng "Servando
Magdamag" ay isang gapi, hindi nakalaya sa sindak na pinayabong
ng isang nakaraang kolonyal na kalagayan.
Pedro L. Ricarte 107

Eksistensiyal

Ito ang pananaw na nakasalig sa isang pilosopikong kilusan na


nagsimulang maging popular sa Europa pagkaraan ng ikalawang
digmaang pandaigdig. Pangunahing tagapagsalita ng kilusang ito
sina Jean Paul Sartre at Albert Camus. Mahaba ang talaan ng mga
manunulat at pilosopong eksistensiyalista, na ang ilan pa sa pinaka-
matutunog na pangalan ay ang kina Heidegger, Kierkegaard,
Nietzsche, Jaspers ... at hindi maikakailang ang kanilang implu-
wensiya ay nakarating sa ating sariling panitikan, hagaman may
ilang tumatanggi na ang madidilim na aspekto ng kaisipang eksis-
tensiyalista ay may katuturan sa ating kultura. Ngunit mahirap
ikaila na ang kaisipang ito ay nagkabisa sa ilan sa ating mga moder-
nistang manunulat. Sa mga katha ng mga manunulat na ito, nada-
rama ang isang uri ng takot na eksistensiyal, takot na bunga ng
pagkatiwalag o alienation ng makabagong tao na nakadaramang
siya'y parang itinapon sa isang daigdig na walang katuturan.
Tingnan natin ang isang maikling kuwento ni Edgardo M.
Reyes. Ang kanyang " Emmanuel" ay kuwento ng isang lalaking
nagsosolo na sa buhay at nagmana ng labis-labis na kayamanan sa
yumaong mga magulang. Wala na siyang maaaring hangarin pa sa
mundong ito, ngunit hindi siya maligaya. Labat ng kanyang gina-
gawa ay nauuwi sa isang kahulugan -- pagtakas sa buhay. Ngunit
isang katotohanan na sa likod ng lahat ng uri ng pagtakas ay na-
roon ang takot, namamalayan o di man ng tumatakas. At ang
taong ito, si Emmanuel, na representatibo ng lahat ng iba pang
mga tao na katulad niyang wala nang dapat pang hangarin sa mun-
do, ay isang taong t~ot sa buhay. Ang kinahantungan ng kanyang
takot ay isang pangkatapusang pagtakas sa isang wala nang balikan
at kaipala'y huling paglalakbay. Isang pagtakas, na bunga ng ta-
kot, sa isang walang katuturang eksistensiya.
Isang awtentikong sagisag ng kawalang-katuturan ng eksisten-
siya ay si Sisyphus at ang kanyang batong isinusulong na paakyat
sa burol upang pagdating sa taluktok ay gumulong na paibaba kung
kaya kaiiangan na naman niyang paulit-ulit na isulong na paakyat.
Si Sisyphus, ayon sa mitolohiyang Griyego, ay isang hari ng Corin-
to na binigyan ng gayong gawain sa Hades bilang parusa. Ang mito
ni Sisyphus ay ginamit ni Albert Camus sa pagpapahayag ng isang
absurdong pilosopiya na ang buhay ay isang walang hanggan at
walang katuturang gawain na tulad ng iniatang sa kondenadong
hari.
Sa kanyang "Trahedya sa Ating Panahon", ipinakita ni Efreu
Abueg ang dalawang paraan ng pananaw sa buhay na sa malas ay
108 SALAMIN NG KULTURA NG SINDAK

nagkakasalungatan ngunit may iisa ring kinauuwian -- ang walang


katuturang gawain ni S\~yphus. Sa pangungusap ng isang tauhan ng
kuwento, si Abe, lumilitaw na ang kanyang mala-Sisyphus na pag-
gawa at paghahangad ng kaakibat na tagumpay ay bunga ng takot.
Ang takot na ito, na sa superpisyal na anyo ay isang mababaw na
damdamin ng takot sa pag-aasawa, ay may higit na malalim na ka-
hulugan. Maging ang kanyang patuloy na paggawa ay isang walang
katuturang paraan ng pagtakas sa malagim na realidad ng buhay.
Ani Abe: "Natatakot ako .... May kasabihang kapag nag-asawa
ang isang tao, he'll settle down. Natatakot ako na mapatigil. Ang
buong buhay ko'y pagkilos, paggalaw."
Sa kabilang dako naman, ang eksistensiyal na takot na sa
simula'y madilim sa pang-unawa ng pangunang tauhang tagapag-
salaysay ay unti-unti ang pag-ahon sa kanyang kamalayan.
Natakot ako nang sa aking pagkakahimbing ay mapa-
nag!nip ko ang higanteng computer, umaandar, patuloy sa
pagkam ng mga aetalye, patuloy sa pagbibigay-haJa_ga sa
ilkmg mga karanasan, lianggang sa dakong huli, bumllis ang
andar nakabibingi ang ugong, nakalilito ang mamatay-
mabuhaY. na iba't ibang K:ulay na mga ilaw, hanggang sa
pinakabtbig, bi~ang lumabas ang isang dila ng papel, may
nakasulat, mga titiK na waring nakadilat sa akin.
Nangingip.ig ang mga daliri, inabot ko iyon, binatak,
pinilas at sa buong pan~gilalas ko, natunghayan ko roon
ang nandidilat na mga titiK: Anoka?
Maging ang kamatayan, na hindi kayang maharap nila kapwa,
ay hindi makapagbigay ng wakas sa eksistensiyal na takot ng data-
wang tauhan. "Ayoko pang mamatay, Eddie. Ayoko !" sabi ni
Abe. At si Eddie naman, tinangka na rin niyang magpakamatay
ngunit hindi makaya ng kanyarig loob, hanggang sa dumating sa
kanya ang realisasyon kung gaano kamahal ni Abe ang buhay at
maunawaan niyang siya'y isa ring Sisyphus (di naiiba sa ayaw tu-
migil na si Abe), maging sa kanyang walang kawawaang di paggawa
at paglilimayon.
Ang "Sa Piling ng mga Bituin" ni Rogelio L. Ordonez ay ku-
wento ng paghahanap sa katuturan ng eksistensiya ng isang alagad
ng sining, isang pintor. May mga katanungang malalim sa kanyang
daloy ng karnalayan:
Saan nagmula ang buhay? At saan nagwawakas ang bu-
hay? . . . Ang buhay ba ay katulad ng Wbi na la_ging Jl!aY
umaga? Ng umaga na lagmg may gabt. ... Na warmg
simula at wakas?
Mga katanungang hindi niya maihanap ng tiyak na katugunan kung
kaya paulit-ulit siyang nabibigo na mailarawan iyon sa pintura.
Pedro L. Ricarte 109
Hanggang sa ang pagkabigo ay magpayabong sa takot.
l}t ngayon, natatakot ~iyang mabiz~mg m).lli, :qatatakot
styang hawakan ang pmsel nang hmdi mya tlyak ang
ipipinta, katulad nang hindi niya mabilang na gaoing nag-
daan na inubos niya lamang sa pag-iisip, sa pag-arok sa
hiwaga ng buhay, at pinaliQas ~iya lam<!ng sa pagtaY9 S<!
harap ng lona haoang hawak mya ang pmsel ngumt hmd1
niya magawang ihagids sa lona -- hanggang ang bawat
gabi ay lumamon sa kanyang katawan at sumira sa kan-
yang baga.
Sa bagay, sa kuwento ni Ordonez ay madarama ang waring
puwersadong paglikha ng tematikong epekto. Gayunman, isang ka-
totohanan na ang higit na nakadarama at nakauunawa sa alyenas-
yon at kaakibat niyong takot ay ang may pusong artista; at ang
pintor na pangunang tauhan ni Ordonez ay isang arti~ta.
Kung mayroon pa ring nag-aalinlangan sa pagiging makatoto-
hanan ng eksistensiyalistang takot sa kulturang Silanganin at sa
buhay ng Pilipinong nakapalaot sa kabalighuan ng daigdig sa maka-
bagong panahon, nais kong banggitin ang trahedya ng ating si
Stella Strada. Hindi iisa ang Stella Strada, at kung totoo sa
kanilang buhay ang eksistensiyal na takot, ginagampanan lamang
ng ating mga manunulat ang kanilang pagiging matapat na tagapag-
salita ng kanilang panahon.

Sikolohiko

Ang "Kapangyarihan" ni Buenaventura S. Medina, Jr. ay


isang sikolohikong pagtalakay sa pag-unlad sa katauhan ng damda-
ming nagnanais magpakilala ng kapangyarihan. Narito ang pagha-
harap ng nanlulupig at nilulupig, ng malakas at mahina. At sa ku-
wento ni Medina Jr., ng ama at ng anak. Sa likod ng tunggaliang
ito, naroon ang takot, tak.ot na pinagkahugis ng panunupil ng isang
awtoridad na ang paraan ng paghahawak ng kapangyariha'y sinasa-
gisag ng tangang pamalo. Hahalili sa ama ang kanyang anak, at pau-
lit-ulit na magaganap ang gayunding tunggalian sa mga susunod
pang salinlahi.
Sa "Banyaga" ni Liwayway A. Arceo, ang anyo ng takot ay
hindi lamang sa pagkasungyaw ng dating mangingibig ng pangu-
nang tauhan. Ang malakas na personalidad ng babaeng pangunang
tauhan ay waring isa lamang facade. Sa likod niyon, naroon ang
kanyang tunay na sarili -- takot kaya siya nagsikap na makara-
ting sa itaas na tinitingala ngayon ng kanyang mga kababayan. Sa
likod naman ng kanyang pagkadama ng pagiging banyaga sa sini-
langang pook, naroon ang pagkawala ng ugat; at ang katauhang
nawalan ng kinauugatan ay isang biktima, tangay ng mga puwer-
sa ng alyenasyong may kaakibat na eksistensyal na takot.
110 SALAMJN NG KULTIJRA NG SJNDAK.

Ang "Sugat ng Digma" ni Pedro S. Dandan ay tungkol sa


pagkakahugis ng lupit sa puso ng tao. lpinahihiwatig na ang saligan
ng kapayapaan ng daigdig ay ang kapayapaan ng bawat indibidwal
na kaluluwa. !sang halimbawa ng indibidwal na walang kapayapaan
ay si Tonyo, isang katauhang winasak ng digma. Ang kanyang ka-
lupitang ipinamalas sa isang laro, na ang biktima'y isang pato na
walang kakayahang magtanggol sa sarili, ay ekspresyon ng kimkim
na poot. Ngunit ang kanyang poot ay isa lamang pag-iibang anyo
ng takot. Kung lalapatan ng sikolohikong pag-unawa, hindi maika-
kaila na matinding takot din ang nasa likod ng kawalan ng kapaya-
paan ng pangunang tauhan ng kuwento ni Dandan.
Sa "Talulot sa Pagas na Lupa" ni Domingo G. Landicho, ang
pangunang tauhang si Numer ay may kapilas ng buhay, Si Susana,
na may pag-iisip na hindi normal. Nakauunawa sa sikolohikong im-
plikasyon ng katotohanang iyon, si Numer ay nakadarama ng ta-
kot sa hinaharap. Sila'y may isang anak, at ang abnormalidad ay
nasa linya ng pamilya ni Susana. Gayunman, ang takot ni Numer
ay pinagwagihan ng pag-ibig at pag-unawa sa pagwawakas ng ku-
wento. Sa kabayanihang nais ipamalas ni Susana sa pagtatangkang
iligtas sa pagkasunog ang anak, sa luha at pawis sa mukha nito,
kaipala'y nakita ni Numer ang isang katauhang hindi dehumani-
sado sa kabila ng abnormalidad.
Nasa "Kuwento ni Mabuti" ni Genoveva Edroza Matute ang
sikolohikong takot ng isang babaeng may madilim na nakaraan.
Ngunit napagwagihan niya ang takot hindi sa pamamagitan ng pag-
takas o pagsisikap na itago ang kanyang kahihiyan, kundi sa pama-
magitan ng pagharap sa mapait na katotohanan, mapakumbabang
pagtanggap sa kanyang kasawian. Hindi siya nagkimkim ng poot.
Sa halip, matapat sa propesyon ng isang guro, sinikap niyang maki-
ta ang kagandahan ng buhay .at maiparte ang kagandahang iyon sa
pagtuturo ng panitikan sa kanyang mga eskuwela. Ang tema ng
kuwento ni Dra. Matute ay ang pagwawagi ng pag-ibig laban sa
takot.
Sosyo - Pulitikal

Ang "Kamatayan sa Gulod" ni Manuel J. Ocampo ay may


panloob na tunggaliang nakasalalay sa pampulitikang ideolohiya.
Dadalawa ang tauhang gumagalaw rito. Malinaw na nadarama ang
takot ni Pento sa kamatayan; bunga niya'y nakapag-aalinlangan
ang kanyang mga pagdadahilan tungkol sa kanyang pamilya na
umano'y ibig niyang mabalikan kung kaya nais niyang sumuko sa
mga kawal na kumukubkob sa kanila. Sa kabilang dako, mahihi-
nuhang si Tasyo man, sa kabila ng kanyang ipinamamalas na tigas
Pedro L Ricarte 111
ng loob, ay nakadarama rin ng takot. Gayunman, ang takot ay
napaglabanan niya. At sa isang pangwakas na aksiyong maaaring
ipalagay na kabayanihan o panatismo ng isang disidente (depende
sa titingin), naipakita ni Tasyo na maaari pa ring mapanatili ng tao
ang kanyang integridad sa harap ng isang walang luwalhating kama-
tayan.
Gumagalaw sa isang kapaligirang may ekonomikong kalaga-
yang semi-peudal, ang takot na malinaw na inihahayag sa maikling
kuwentong "Tata Selo" ni Rogelio R. Sikat ay higit na angkop na
pagmasdan buhat sa isang sosyo-pulitikong pananaw. Si Tata Selo,
tulad ng iba pang mga katulad niya, ay inilarawang gapi sa ku wen-
tong ito. Ang kanyang takot, at ang takot ng kanyang anak na si
Saling, ay pinalubha ng mapang-aliping sistema ng lipunang kani-
lang ginagalawan. Dito ay walang tinig ang katulad nilang dukha.
Ang nakapangyayari rito ay ang salapi ng mayayamang may-ari ng
lupa na tulad ni Kabesang Tano.
Maging ang moralismo ng isang kolonyal na panahon ay ma-
darama pa ring nakapangyayari sa pangunang tauhan ng kuwento.
Ang paghahangad na pagtakpan ang kapariwaraan ng purl ng anak
na dalaga, sukdang ikapahamak ng kanyang sariling buhay at kara-
ngalan at ikapanatili sa mataas na kalagayan ng reputasyon ng
taong siyang tunay na masama, ay matibay na pinagpapakamata-
yan ni Tata Selo, at sa ganya'y indirekto pa rin siyang tumutu-
long sa perpetwasyon ng paninikil at pagsasamantala.
Sa "Impeng Negro" ni Sikat din, an~ takot na madarama sa
pangunang tauhan at sa kanyang ina man ay kaugnay ng ostrasis-
mo na maging sa pook na pinamumuhayan ng pare-parehong duk-
ha ay nakapananaig pa rin. Ngunit sa kaso ni lmpen, ang nagpatin-
di ay ang problema sa kulay ng balat. Siya'y anak ng isang Negrong
G.L, at hindi mailingid ng kanyang kulay ang pagkakasala ng kan-
yang ina. Sa kapaligirang 'yaon ng mga dukha, ang kumakatawan sa
puwersa ng paninikil ay si Ogor, ang maton sa grupo ng mga bata.
Ngunit naipakita ni Impen na may hanggahan ang pagtitiis ng naa-
api, at magagawa rin ng isang maliit na tulad niya ang maghimag-
sik at magwagi laban sa mapanlupig na higit na malaki at malakas.
Sa "lmpeng Negro" ay naging positibo ang pananaw ni Sikat, kai-
ba sa kanyang "Tata Selo".
Ang pangunang tauhan ng "Bilanggo" ni Wilfreda P. Virtusio,
kahimat dukha at api, ay hindi napaalipin sa takot. Nabilanggo
siya sa isang kasalanang ibinintang lamang sa kanya. Ang tigas ng
kanyang paninindigan ay ipinakita niya sa pagnanais pang siya'y
mabilanggo kaysa ipagbili ang pinakamamahal na kapirasong lu-
pang sakahan at "ipansuhol" sa mga kamag-anakan ng pinaslang na
humihingi ng areglo. Ngunit sa bilangguan ay pinagpumilitan ni
112 SALAMIN NG KULTIJRA NG SINDAK
Sarhento Damaso na takutin si Mang Selo upang mapapirma sa
isang kasunduang kunwari'y nagbibili sa kanya ng lupa ng matan-
da. Ginulpi ng sarhento si Mang Selo nang patuloy na tumanggi.
At nang gabing yaon, ang takot na kimkim sa dibdib ng mga
bilanggo ay binigyang-laya ng mga pangungusap ni Lucio, isa sa
mga bilanggong kasamahan sa selda ng matanda: "Sabi ko nang
ibigay n'yo na'ng hinihingi. Gobyerno sila, Tata, at wala kayong
laban sa kanila."
Sa "Maria, ang lyong Anak", isa pang maikling kuwento ni
Virtusio, higit na malinaw na naipakita ang yugtu-yugtong pag-
unlad ng takot sa puso ng isang ina, bunga ng isang masamang sis-
tema. Ang kanyang asawa'y isang matapang at may prinsipyong
lider ng mga welgista sa isang pabrika. Lahat ng paraa'y ginawa ng
Intsik na may-ari ng pabrika -- buhat sa pag-aalok ng suhol hang-
gang sa paggamit ng karahasan -- ngunit naging matigas ang asa-
wa ni Maria. At isang araw, natagpuan ang bangkay nitong lulu-
tang-lutang sa estero. Nakapanaig ang takot kay Maria, takotna sa
kaligtasan naman ng anak napaukol.
"Hindi, anak ... hindi !" tanggi ni Maria nang magsabi ang
anak na gusto nitong maparis sa ama na isang bayani.
Ngll;nit ang sasabihi'y hindi na niya naituloy; gahamang
lingkis na ng kilabot ang buo niyang katawan. Ang basag
na bung_o, ang bugbog at pasa-pasang katawan, ang bang-
kay na-balot ng sari-sating layak at lulutang-lutang sa mat-
tim na estero -'-- ang lahat ng itq'y walang-awa, mabangis
na nagbalik sa kanyang diwa. Hindihhindi sasapitin ni
Jesus and kapalarang sinapit ng ama. nindi niya mapapa-
yagang magkagayon ang anak.
Naging sanhi ang takot na ito upang tuluyang lumusong si Maria sa
hamak na kalagayan ng tagakolekta ng tong ng mga pulis. Nais
niyang maipaghanda ng ligtas na kinabukasan ang anak. Ngunit na-
gawa rin niyang makapagbangon pagkaraang ang kanyang anak ay
mapatay sa isang demonstrasyon ng mga estudyante.
Ang eksistensyal na takot, kaugnay ng pagkatiwalag ai ng
pagkadama sa kawalang-katuturan ng buhay -- iyan ang tinata-
wag na angst na nahahayag sa mga modernistang katha ng mga ma-
nunulat na naimpluwensiyahan ng makabagong kalakarang pampa-
nitikan buhat sa Kanluran. Ganyan ang kalagayan sa pagkamanu-
nulat ng pangunang tauhan at ng kanyang mga kaibigan sa isa pang
maikling kuwento ni Ricardo Lee: "Si Tatang, si Freddie, si Tan-
dang Senyong at lba pang mga Tauhan ng Aking Kuwento". Ngu-
nit sila'y nabubuhay sa isang panahon ng pagbabagong-pananaw sa
panitikan. Sa panahong ito ay nagiging anakronismo ang indibid-
walismo at kawalan ng pakikisangkot. Hindi mapagpipiniran ng
Pedro L. Ricarte 113
paningin ang kawawang kalagayan ng mga dukha at api. Ang higit
na kailangan ay isang paraan ng pagsusulat na hindi tumatakas,
manapa'y matapang na humaharap, sa mga panlipunan at pampuli-
tikang realidad ng bansa. Ibinabadha ng huling bahagi ng kuwento
ang pagwawakas, para sa mahahalagang tauhan ng kuwento ni Lee,
ng isang dekadenteng buhay at pagsusulat, pamamaalam sa mga
coffee shop na magdamag na higpuan ng mga dekadenteng manu-
nulat, pagtalikod sa angst at mga kauring takot na pinupukaw at
binubuhay ng dekadenteng lipunan, at pagharap sa isang nagsimu-
la nang paglaya.
Ang paglayang ito -- na maaaring sabihing paglaya sa takot
-- ay nagkaroon ng malinaw na simula sa ating mga maikling kat-
ha sa mga huling hating dekadang '60. Ang "Kamatayan ni Tiyo
Samuel" ni Efren Abueg ay alegorikong kamatayan ng banyagang
imperyalismo at isang pagbabangon buhat sa sindak na dulot ng
panlulupig na yaon. Ngunit sa kanyang "Daluyong sa Ilaya", na
higit na matapang ang pagdadala ng paksa, ang awtor ay hindi na
gumamit ng alegorya. Ang ginawa ng pangunang tauhan na pagli-
san sa unibersidad, na nagwakas sa pagtakas sa lungsod at pagtungo
sa bundok ng Tala, na ang pagkapanot ay tanda ng higit na mala-
wakang sawing hantungan ng kmyang bayan sa kamay ng mga.
mapanggagang naghaharing-uri, ay isang realistikong hakbang
tungo sa paglaya sa sindak na pinayayabong at ginagamit sa panu-
nupil ng isang mapanikil na lipunan.

Pagbuo ng Sintesis: Tungo sa Tunay na Paglaya sa Sindak:

Iilang taon lamang bago dumating at makaraan ang tinatawag


na Unang Sigwa sa kasaysayan ng pampulitika at panlipunang paki-
kisangkot ng mga kabataang· Pilipino, sa mga katha ng mga aktibis-
tang manunulat ay kapansin-pansin ang pagkakaroon ng diwa ng
pagbabangon buhat sa takot. Malinaw iyang ipinakikita ng mga
sosyo-pulitikong tema at ng mga tauhang gumagalaw sa isang ma-
panlupig na tagpuan ngunit hindi. nagagapi niyon, mga tauhang
may sapat na lakas ng loob na maghangad at magsikap na bumago
sa kanilang kapaligiran.
Nagpapagunita iyan sa paralel na kalagayang pampanitikan sa
panahon ng Himagsikang Pilipino. Buhat sa isang 'kompormistang
panitikang pinayabong ng pananakop ng mga Kastila, biglang-bigla
ang pagiging rebolusyunaryo ng tema at paksa sa mga nobela ni
Rizal, sanaysay ni Jacinto, at tula ni Bonifacio. Kung paanong ang
poot at karahasan ay nakapanig lalo na sa pangunang tauhan ng
ikalawang nobela ni Rizal at sa persona ng tuia ni Bonifacio, sa
mahahalagang tauhan ng mga kuwento ng mga kabataang manunu-
114 SALAMIN NG KUL'IURA NG SINDAK
lat ng dekadang '70 ay madarama rin ang pananaig ng gayong mga
damdamin laban sa dating takot at pagkagapi.
lpinakikita niyan ang natural na takbo ng panitikan: isang
pagbibigay-larawan sa diyalektikong proseso ng kasaysayan. Paulit-
ulit na tunggalian sa paghaharap ng mga tesis at antitesis ng buhay.
Paghahali-halili ng pagkatakot at pagbabalikwas, ng pagkasupil at
paghihimagsik, ng pagkaalipin at paglaya. Saan patungo ang pag-
huhugos sa gapos ng sindak na: nasasalamin sa ilang kathang repre-
sentatibo ng ating kasalukuyan? Tunay kayang nawawala ang
takot at hindi nag-iibang anyo lamang sa larawan ng poot at
karahasan? Ano ang tunay na nakapagpapalaya sa tao?
Balikan natin ang ilang kuwentong nasuri na. Sa "Kapangya-
rihan" ni Medina Jr., ang pangunang tauhan ay sumapit sa realisas-
yon na kailangan nang maputol ang punla ng paghihimagsik, na
ang malalim na pamulaan ay ang takot, sa relasyon ng ama at anak
sa kanyang angkan. Ngunit hindi siya magkakaroon ng gayong
pang-unawa kung wala siyang pag-ibig sa anak na nakita niyang
nagiging replika ng di-kasiya-siyang larawan ng kanyang sariling
kamusmusan. Ang pangunang tauhang guro sa kuwento ni Gng.
Matute ay nakalaya sa takot buhat sa isang madilim na pinagdaa-
nan sa pamamagitan ng kanyang pagkatuto ng pag-ibig sa kapaligi-
rang kanyang ginagalawan -- kapaligirang sa kabila ng kalupitan
ay kindaramhan din niya, at napag-uukulan niya, ng kompasyon.
Sa kuwento naman ni Landicho, ang tuluyang nagpalaya sa pangu-
nang tauhan sa takot ay ang pagwawagi ng kanyang pag-ibig sa
kanyang pamilya. Sa likod ng mabalasik na pakikitungo ni Tasyo
sa kasamang si Pento, naroon ang pilit na ikinukubling pag-ibig.
Magugunitang hindi nagawang patayin ni Tasyo si Pento, sa kabila
ng kanyang pagbabala at pagtututok ng baril noong ipasiya nitong
sumuko sa mga kawal. Maging ang kanyang pasiya na magpakama-
tay na lumalaban ay mauumiwaang bunsod ng pag-ibig hindi sa
sarili kundi sa isang prinsipyo. Takot ang nagbulid kay Maria, pa-
ngunang tauhan ng isang kuwento ni Virtusio, sa pagpapakasama;
ngunit pag-ibig ang nagligtas sa kanya at nagpalaya -- pag-ibig sa
alaala ng asawang bayani at sa anak na nagbuwis ng buhay dahil sa
isang pananalig, pag-ibig sa kabutihang saglit na tinalikuran ngunit
sa dakong huli'y pinagbalikang-loob. Sa mga dekadenteng manunu-
lat na mga tauhan ng isang kuwento ni Lee, ang nagpalaya sa eksis-
tensiyal na sindak ay ang natutuhang pag-ibig sa kapwa tao. Ang
pag-ibig na iyan ang nasa likod ng pagbabalik-loob at paikakaligtas
ng persona ng kuwento sa tuluyang pagkahulog sa isang walang-
silbing uri ng sining at buhay:
Sa pagkakaupo ko sa harap ng makinilya ay muling
sisibasibm ako ng pagnanasang sana'y makita kong muli
Pedro L. Ricarte 115

si Tandang Senyong, sana'y maakbayan ko siyang muli


para maipaunawa.ko sa kanyang nagsisisi na ak.o sa gina-
wa kong paggamtt 2 at pagsasamantalak sa kanya noon,
para matpaunawa rm sa kanyang alam o na ngayong hi-
git na mah~laga kaysa materyal ng kuwento't sa pinunit
na manusknto ay ang tao, ang tao.
Sa isang kuwentong ang tagapagsalaysay at pangunang tauhan ay
isang estudyanteng aktibista, ang "Kumpisal" ni Norma 0. Mira-
f}or, madarama ang pag-ibig sa likod ng walang sindak na pagka-
lulong ng aktibista sa mga rali at demonstrasyon. Malinaw ang
pag-ibig niya sa mga magulang na hindi nakauunawa sa kanyang
ginagawa at sa mga tao sa kanilang dukhang pook na inihahantong
sa pagkakasala ng labis na pagdarahop. Pag-ibig sa mga kawawang
kanayon at nakakatulad ng mga ito ang nagtaboy sa bundok at
nagpalaya sa sindak sa pangunang tauhan ng "Daluyong sa Ilaya".
At pag-ibig din ang prinsipyong gumagalaw sa likod ng walang ta-
kotna pakikibaka ng mga welgista sa "Dugo ang Langit sa Balon"
ni Landicho -- pag-ibig sa kalayaan at sa lipunang dapat bigyan
ng ayos, pag-ibig na mababasa sa pagitan ng inaiinapoy na linya sa
pangungusap ng kanilang lider:
Tayo'y magpapatuloy . . . . Tayo'y hindi tutugot hang-
gang hindt nakakamit ang Qagkakapantay-pantay sa
lipunan upang ito'y maging tahanan ng isang sambaya-
nang walang ismisilang na ahpin.
May iba pang mababanggit na mga pamagat at awtor, ngunit
nararapat nang tapusin ang panayam na ito. Nais ko ngayong lagu-
min ang lahat sa isang pangwakas na pangungusap na hindi lamang
kabuuan ng mga nakita at nahiwatigan ko sa mga sinuring katha
kundi kinahayagan din ng aking sariling paniwala. Hindi poot,
kundi karahasan at pagwawasak, ang tunay na nagpapalaya buhat sa
takot, manapa'y pag-ibig. ·
Lahat ng inanalisang kuwento ay nagpapahiwatig ng katoto-
hanan na walang taong nag-iisang pulo. Kaugnay, magugunita ang
paniwala ni Sartre tungkol sa kalayaan sa kanyang eksistensiyalis-
tang humanismo:
Sa paghahangad ng kalayaan, natutuklasan nating ito'y
ganap na naoabatay sa .Kalayaan ng iba, at ang kanilang
kalayaan ay nananangan sa ating kalayaan .... Hindi ko
mahahangad ang aking sariling kalayaan kung hindi ko
hahangann din ang pagiaya ng iba.
Anupa't ang tao ay responsable sa kanyang kapwa. Maliwanag na
ang pagkatao ng tao ay nagkakaroon ng kaganapan sa piling la-
mang ng kanyang kapwa, sa pamumuhay sa isang komunidad na
nagbibigay sa kanya at napag-uukulan niya, ng pag-ibig. At ang
116 SALAMIN NG KUL1URA NG SINDAK
pag-ibig na iyan, kaakibat ang pagkatuklas ng tao sa tunay na
papel niya sa kanyang lipunan, ang maghahatid sa kanya tungo sa
paglaya sa sindak -- sindak na kaipala'y may primordial na pamu-
laan ngunit pinayayabong sa iba-ibang kaanyuan ng mga uri ng pa-
ninikil at panlulupig na bahagi ng karanasan sa daigdig na ito.

You might also like