You are on page 1of 2

Group Members

Suring Basa
The Tell-Tale Heart
Suring Basa
The Tell-Tale Heart

Ang The Tell-Tale Heart ay isang maikling kwento na nagmula sa bansang Amerika. Isinulat ito ni Edgar
Allan Poe, isang manunulat ng American Gothic Literature. Siya ay nagsusulat ng mga akdang ang mga tema
ay tungkol sa mga iniisip ng tao na hindi madalas pinag-uusapan. Ang naging inspirasyon niya sa pagsulat niya
ng “The Tell-Tale Heart” ay ang isang krimen na naganap sa Salem, Massachusetts. Isinulat niya ang kwento
dahil sa kagustuhan niya na alamin ang hangganan ng panitikan. Sa pamamagitan din nito ay
nakapaggsaliksik siya tungkol sa ‘dark sides of the human mind, heart and conscience’. Layunin nito ang
tuklasin ang lalim at lawak ng kabaliwan ng karakter. Kung anong nagaganap sa isipan, at ano ang kayang
gawin nito sa isang tao.

May dalawang tema ang akdang “The Tell-Tale Heart”, ito ay ang konsensiya at kabaliwan. Ang mga
tauhan ay ang tagapagsalaysay na walang pangalan, ang matandang lalaki, at ang pulis. Sila ay nagtipon-tipon
sa bahay ng matanda kung saan nangyari ang lahat ng interaksyon ng tagapagsalaysay at ng matanda na
kanyang pinatay, at sa kulungan kung saan ikinuwento ng tagapagsalaysay ang mga nangyari sa akda. Ito ay
maaaring naganap bandang 1830 hanggang taong 1840 sa bansang Amerika.
Masasabing hindi gasgas ang mga pangyayaring inilahad sa akda dahil kaunti lamang ang mga
manununulat na nagsusulat gamit ang ganitong tema dahil hindi ito masyadong nabibigyang pansin ng
nakararami. Kakaiba ito at bago sa paningin ng lahat. Kung iisipin, lumang tema na ang pagtanggi na may
‘sakit sa isip’ ang tao, ngunit ngayon lamang ito napansin at itinalakay. Ibinalangkas ang akda sa paraang,
inuna ang paghahayag ng nagsasalaysay sa kanyang katinuan. Sumunod ang paglalahad niya sa lahat ng mga
pangyayari na nag-udyok sa kaniya na patayin ang matanda, at ang kaniyang pagkalito kung bakit hindi
tumitigil ang pagtibok ng puso ng matanda kahit na ang katawan nito ay ibinaon na sa lupa ng
nagsasalaysay.Makikita ang kaisahan ng akda sa paraan ng pagkakalahad ng mga nagawa ng nagsasalaysay,
mula sa pagsasabi niya ng kaniyang katinuan sa simula ng kuwento, hanggang sa kaniyang pagkabaliw sa
bandang dulo, iisa ang estilo ng pagkakasulat at maikokonekta ang mga pangyayari nang maayos. Ang
mensahe ng akda ay tumatalakay sa mga masasamang kaisipan na pilit na itinatago ng mga tao, at ang
diskriminasyon sa pagtrato sa mga taong ‘iba ang pag-iisip’. Ang aming natutuhan sa binasang akda ay kung
paano gumawa at makaintindi ng makatindig balahibo na istorya. Isa pa ay ang huwag matakot na sumulat
ukol sa bihirang pag-usapan na mga tema. Ngunit para sa amin, ang pinakamahalagang aral ay
Ipinapakita nito ang nakakakilabot na pagtrato ng mga tao sa mga may sakit sa pag-iisip sa panahong
ito. Oo, naimpluwensiyahan nito ang mga tao. Nagkaroon ang mga tao ng pananaw kung ano ang nangyayari
sa loob ng utak ng isang mamamatay-tao na may sakit sa kanyang pag-iisip.

May dalawang pangunahing kaisipan ang akda. Una ay ang konsensiya ng isang tao, katulad na nangyari
sa kwento na nakapatay siya ng tao kung saan nabagabag siya dahil sa kanyang ginawa kahit may sakit siya sa
kanyang pag-iisip na naging dahilan ng kanyang pag-amin sa kanyang ginawang pagpatay. Pangalawa ay
kung ano ba ang kayang gawin ng isang tao na nababaliw na katulad na lamang sa karakter sa kwento kung
saan pinatay niya ang matanda dahil sa “evil eye”. Ayaw din ng tao na matawag silang baliw dahil sa hindi
magandang treatment sa panahon at dahil hindi ito normal kaya pinipilit ni ng narrator na hindi siya baliw.

You might also like