You are on page 1of 3

Ang 

dagli o quick/flash fiction ay uri ng kwento na mas maiksi pa


sa maikling kwento. Kadalasan ay hindi ito lalampas sa 1,000 salita, ang
iba naman ay pinipilt pang paikliin ito sa loob ng 200 salita. Layunin
nitong magkwento nang hindi naisasakripisyo ang kabuuan ng mga
pangyayari sa pinakakaunting salita.

Bahagyang komplikado ang dagli dahil kung minsa’y para itong tula,


alamat, salaysay, at iba pang mga uri ng kwento. Depende sa
manunulat, maaari silang gumamit ng dagli sa kahit ano mang
plataporma gaya ng social media/Twitter na maaaring mag sumite ng
hanggang 140-280 letra.

Paano gumawa ng dagli?


Ang dagli ay ginagawa alinsunod sa nga palatuntunang ito:

1. Isaisip na mas maikli pa ito sa maikling kwento. Ito ang


depinisyon ng dagli at ang nagtatangi rito kung kaya’t dapat
itong isaisip sa lahat ng oras.
2. Bigyan ng mabibigat na patapos
na pangungusap, punchline, o twist ang dagli. Halimbawa
nito’y si inang pala ang dumukot ng pera  ko, pinatay niya
kanyang ang sarili upang mabuhay ako, o dugo ko ang
tumutulo sa sahig ng banyo.
3. Dapat ay nagtataglay ito ng limang elemento. Ang mga ito
ay ang tauhan, banghay, kaaway/kapanayam, dayalogo, at
pagsasalaysay at paglalarawan ng malabis na pangayayari. 
Katangian ng Dagli
Ang dagli ay may tatlong pangunahing katangian: 

1. Ang ikli nitong mas maikli pa sa maikling kwento;


2. Pwedeng hindi lumagpas sa isang pahina; at
3. Ang wakas ay hindi konkreto.
Katangian ng Dagli Noon
Ang dagli noon, ayon kay Aristotle Atienza na patungkol sa antolohiya
ng kanilang mga nakalap na daglit, ay nagpakikita ng mga kwentong:
1. may pananaw ng mga kalalakihan sa patriyarkal
na lipunan sa panahon ng Amerika, 
2. ang dedikasyon at pagiging makabayan sa Amerika, at
3. pagsusuyo’t panliligaw sa mga napupusuang babae.
Katangian ng Dagli Ngayon
Naging flash fiction o sudden fiction ang dagli sa kasalukuyan.
Nadagdag din ang pagsusulat na may temang slice of life o pang-araw
araw na karanasan, na kung saan ay laganap sa kasalukuyan.

Dagli ni Eros Atalia


Kilala si Eros Atalia bilang isang mahusay na manunulat ng librong dagli
na napangalanang “Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong
Pasaway, Paaway, at Pamatay)”. Ang libro ay kompilasyon ng mga
dagling kanyang isnulat na nagkaroroon ng mahiwaga at nakatatawang
tema kagaya ng: 

1. Kamatayan
2. Sa Dako Paroon
3. Mga Kwentong Mali
4. Bilog na de Kahon
5. Eh Kasi Bata
6. Senior Citizen
7. Okasyon
8. Trabaho Lang 
9. Commercial 
10. Mga Kwentong Di Pambata
Napakagandang basahin ng libro sapagkat nagdadala ito ng kagalakan
habang nagbibigay ito ng aral. Sa istruktura rin ng dagli ay madali itong
nababasa, kung kaya’t bagay ito sa mga taong walang oras sa
pagbabasa.

Ang dagli ay nag-ugat noong pang panahon na sakop ng Espanya ang


Pilipinas. Ito ay isang maikling prosa na hindi hihigit sa isandaang salita.
Karaniwan sa mga dagli ay may mga doblehang kahulugan o teknik upang
maakit ang mga mambabasa.Mas maikli ito kaysa sa kwento at walang
paligoy-ligoy.
Ang maikling kwento ay nagpapahayag ng buong damdamin na kung saan
ginamit upang mas maiintindihan ng mambabasa. Karaniwang nasa anyong
pasalaysay at hindi masyado gumagamit ng mga magkakatugmang salita.
Binubuo ng elemento ng kwento.

You might also like