You are on page 1of 8

MGA

KAANTASAN
NG PANG-URI
LANTAY
- ang tuon ng paglalarawan ay sa
isang pangngalan o panghalip
lamang.

Halimbawa:
Ang Diyos ay mabuti.
PAHAMBING
- naghahambing sa magkatulad
at hindi magkatulad na
katangian.
A. PAHAMBING NA PATULAD
-paghahambing ng dalawang
magkatulad na katangian.
Naipapakita ito sa paggamit ng mga
panlaping gaya ng sing-, magsing-,
at mga salitang pareho, kapwa.
Halimbawa:
Parehong maalaga ang kanyang
dalawang anak.
B. PAHAMBING NA DI MAGKATULAD

Pasahol – kulang sa katangian ang


isa sa dalawang pinaghahambing.
Gumagamit ito ng di gaano, di
gasino, di masyado.
Halimbawa:
Di masyadong maalaga ang tatay
kaysa sa nanay.
B. PAHAMBING NA DI MAGKATULAD

Palamang – nakahigit sa katangian


ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Gumagamit ito
ng higit, lalo, mas, di hamak.
Halimbawa:
Higit na mapalad ang pamilya niya
ngayon kaysa noon.
PASUKDOL
-kapag ang paghahambing ay nakatuon
higit sa dalawang bagay, lugar,
pangyayari o tao. Gumagamit ng mga
katagang sobra, ubod, tunay, talaga,
saksakan, hari ng ____, o pag-uulit ng
pang-uri.
Halimbawa:
Ang pamilya ang pinakamahalagang
mayroon ang isang tao.

You might also like