You are on page 1of 11

PAGHAHAMBING

 Isang paraan ng paglalahad. Ito ay


nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa
isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na
pinaghahambing.
HAMBINGAN NG PANG-URI
Ito ay paglalarawan ng tao, bagay,
lugar, pook, o pangyayaring nakatuon sa
dalawa o higit pa. May dalawang uri ng
paghahambing:
PAHAMBING NA MAGKATULAD
 Sa magkatulad na katangian ay
ginagamit ang mga panlaping gaya ng
magka-, sing-, sim-, magsing-, magsim-,
magsin-, ga-, pareho, kapwa.
PAHAMBING NA DI-MAKATULAD

a.) PALAMANG- Nakahihigit sa katangian


ang isa sa dalawang pinaghahambing.
Ginagamit ang higit, lalo, mas, di-hamak.
b.) PASAHOL- Kulang sa katangian ang isa
sa dalawang pinaghahambingin.
Ginagamit ang di-gaano, di-gasino, di-
masyado.
Ano ang kahalagahan ng
paggamit ng paghahambing sa
mga halimbawa ng
karunungang-bayan?
Paano mo ito maiuugnay sa
mga karanasan o sa
kasalukuyang panahon?
Ano ang maaaring maging
positibo at negatibong epekto
ng paggamit ng
paghahambing?
Paano mo ito maisasabuhay ng
hindi nagiging masama ang
epekto nito sa ibang tao?
Sa kabuuan, ano ang
kagandahang maidudulot ng
paggamit ng paghahambing sa
mga halimbawa ng
karunungang-bayan?

You might also like