You are on page 1of 19

KARUNUNGAN

NG BUHAY
Karunungan ng Buhay

Sa buhay ng tao ay may karanasan


Na kailangang iwasan at dapat ayusin
tamang tandaan, at sa tuwina’y
pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng
kayamanan.
Iwasan nang hindi maging anak-dalita:
Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.
Ubos-ubos biyaya
Bukas nakatunganga.
Gawin upang tumanaw ng utang na
loob:
Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.
Pakaisipin upang maging malawak ang
isip:
Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin.
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.
Tandaan upang maging buo ang loob:
Kung hindi ukol
Hindi bubukol.
Kung ano ang bukambibig
Siyang laman ng dibdib.
Ingatan upang hindi maging pasang-
krus:
Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.
Ang kalusugan
Ay kayamanan.
Tularan nang maging matalas ang isip:
Daig ng maagap
ang masipag.
Lakas ng katawan
Daig ng paraan.
Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa
buhay
Na maaaring maging gabay sa aking
palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong
isabuhay.
Nang maging huwaran ng mahal sa buhay.
Pangkatang Gawain
■ Ang unang pangkat ay aatasang ipaliwanag
ang kahulugan ng unang saknong. (Iwasan)
■ Ang ikalawang pangkat ay aatasang
ipaliwanag ang kahulugan ng pangalawang
saknong. (Gawin)
■ Ang ikatlong pangkat ay aatasang ipaliwanag
ang mensahe ng pangatlong saknong.
(Pakaisipin)
■ Ang ikaapat na pangkat ay aatasang
ipaliwanag ang mensahe ng pang-apat na
saknong. (Tandaan)
■ Ang ikalimang pangkat ay aatasang ipaliwanag
ang nais iparating ng panlimang saknong.
(Ingatan)
■ Ang ikaanim na pangkat ay aatasang
ipaliwanag ang nais iparating ng pang-anim na
saknong. (Tularan)
KRAYTIRYA:

■Kalinawan at kaayusan ng
impormasyon inilahad
■Malikhaing pagtatanghal
■Kaisahan o kooperasyon ng mga
miyembro ng pangkat
ANTAS NG PAGGANAP
■10 Puntos- Kung lahat ng kraytirya ay
naitanghal.
■8 Puntos- Kung dalawa sa kraytirya
ang naitanghal.
■5 Puntos- Kung isa sa kraytirya ang
naitanghal.
■ Bilang isang kabataan,
sinusunod mo ba ang mga
payo o tagubilin ng iyong
mga magulang o ng mga
mas nakatatanda sa iyo?
Bakit?
■ Paano mo maihahanda
ang iyong sarili sa mga
hamon o pagsubok na iyong
kahaharapin sa iyong
landas?
■ Ano ang mga paraan na
magpapakita na ikaw ay
maaaring maging huwaran
sa mga mas nakababata sa
iyo?
■ Bakit mahalaga ang
pagsunod sa mga payo ng
mga nakatatanda?
■ Sa kabuuan ng talakayan,
ano ang mensaheng nais
iparating ng tinalakay na
akda?

You might also like