You are on page 1of 8

Mahal kong mag-aaral,

Ang modyul/ Sanayang papel na ito ay para sa inyo. Ang Pangunahing layunin nito na
kayo ay matulungan.
Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ito at gawin ang mga
gawaing nakapaloob dito.
Basahin at unawain upang masundan mo ito.TARA !

Gusto mo bang malaman ang isang kuwentong mula sa Jakarta Indonesia na


pinamagatang “Takipsilim sa Dyakarta?

Pakinggan at Basahin mong Mabuti para maunawaan.Madali lang ito….

PAMAGAT – Takipsilim sa Dyarkarta


Mga Dapat Tandaan /Panuto

1.) Pakinggan at unawaing Mabuti ang aralin


2.) Sundin ang mga Panuto.
3.) Maging maingat sa pagsagot sa mga pagsasanay.
4.) Maging Matapat.
5.) Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong sagot.

A. FIST OF FIVE
Gawin natin ang Fist of Five. Ipapakita ang bilang ng mga daliri ayon sa katumbas nitong
antas ng pagkaunawa o pagkatuto – 5 daliri alam na alam na at kayang ipaliwanag sa iba; 4
daliri nagagawa nang ipaliwanag mag-isa; 3 daliri kailangan pa nang tulong sa
pagpapaliwanag; 2 daliri kailangan pang magpraktis; at 1 daliri nagsisimula pa lamang
matuto. Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na ito ay muli itong balikan.

Panuto: Ang iyong pulso sa :

Naipapaliwanag ko ang katuturan ng maikling kuwento.


Napag – iiba – iba ko ang iba’t ibang uri ng kuwento.
Naiisa – isa ko ang mga element ng maikling kuwento.
Napagsusunod – sunod ko ang mga pangyayari sa isang kuwento.
Nasusuri ko ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan.
Nakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
Nabibigyang – kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa maikling kuwento.
Napaghahambing ko ang mga piling pangyayari sa napanood na dula o telenobela sa
kasalukuyang lipunan at sa kuwentong tinalakay.

B. KARANASAN KO ISASAAD KO…

Nasubukan mo na bang magutom o malipasan ng gutom? Ano ang ginawa mo upang agad
mapawi ang iyong gutom?
Ano kaya ang mararamdaman ng tao kung tatlong araw na siyang di kumakain?

Paano kung gusto man niyang kumain ay wala naman siyang pagkain o pambili ng pagkain?
___________________________________________________________________________

Nangyayari ba ang ganitong matinding pagkagutom sa ilan nating kababayan? Ipaliwanag.


__________________________________________________________________________

Ano ang posibleng mga sanhi ng gutom at labis na kahirapang nararamdaman ng


Mamamayan ng isang bansa?
__________________________________________________________________________

I.LAYUNIN:

 Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa


denotatibo o konotatibong kahulugan
 Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:
- Paksa
- Mga tauhan
- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- estilo sa pagsulat ng awtor
- iba pa
 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda

PANIMULA:
Sa araling ito ay aalamin natin ang isang kuwentong nagmula sa Jakarta, Indonesia na
puno ng aral.

ALAM MO BA?
Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan natin ang isang kuwentong
Magtutuhan natin ang isang mahalagang aral na kailangan natin sa pang –
araw – araw na pakikibahagi natin sa ating kapwa. Halina at tunghayan ito…..

Basahin at unawain.

Ugnay-Panitikan Takipsilim sa Dyakarta

Sa harap ng restawran, maraming nakaparadang

kotse sa bangketa. Nang dapithapong iyon, punong-

puno ang restawran.


Dumating ang isang Cadillac na pulang-pula ang kulay, naghahanap ng
mapaparadahan ngunit okupado ang mga paradahan sa bangketa, kaya sa waksa,
pumarada ito na ang dalawang gulong sa kaliwa ay nakasampa sa aspaltong gilid ng
kalsada.

Si Raden Kaslan ang nagmamaneho, kasama ang asawa, si Fatma. Kung


pagmamasdan ang Cadillac, ang magarang damit ni Fatma, ang kanyang kulay-
gintong step-in, ang buhok na kaaayos ang sa parlor, makikita ang yaman at luho
ng dalawa. Pati na rin ang pagkakangiti ni Fatma kay Raden Kaslan.

Sa maaliwalas na dapithapong iyon, si Raden Kaslan at Fatma na kakikitaan


ng yaman at rangya ay bumaba sa kanilang magarang kotse na kumikinang sa sikat
ng papalubog na araw at nakaparada na bahagyang nakaharang sa lansangan.

Naupo sila sa Hardin sa harap ng restawran, sa isang mesang nakahiwalay sa


karamihan, at nang makaupo ay nag-usap tungkol sa mga mamahalin at maluluhong
bagay.

Mula sa loud speaker sa likod ng bar ng restawran, may maririnig na


masiglang musika sa mga mesa, kumakain ang mga tao, umiiinom, nag-uusap, at
naghahalakhakan.

Umorder ng pagkain si Raden Kalsan at ni hindi muna tumingin sa presyong


nakalista sa menu sa tapat ng pangalan ng mga pagkain at inumin; pagkaraan,
binalikan nito ang usapan tungkol sa mamahalin at maluhong ideya, na tinugon ni
Fatma ng maluhong ngiti.

Kaaya-aya ang dapithapong iyon, maaliwalas ang kapaligiran, matatanaw ang


dumidilim nang asul na langit at malalanghap ang sariwang hangin.

Isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang
dumaan sa harap ng restawran, sakay ang natutulog na kutsero, sa Pak Idjo.
Maramimg taon nang nasanay ang kabayo sa paghila ng kalesa sa malaking syudad,
kahit tulog ang kutsero, na madalas mangyari kung mainit ang sikat ng araw at sa
araw na ito, wala pang pasahero si Pak Idjo buong maghapon, hanggang sa
makatulog na siya sa gutom patuloy na hinihila ng kabayo ang kalesa kahit tulog ang
kutsero, at kusang humihinto ito kapag may pumaparang pasahero, at magigising
ang kutsero, sa biglang paghinto. O kaya kapag pinapatigil ng pulis-trapiko ang mga
sasakyan, titigil din ang matandang kabayo, na nakadikit halos ang busal sa gilid ng
katabing kotse o trak.

Sa ganitong paraan hinila ng kabayo ang kalesang namamasyal sa lansangan


sa maaliwalas na dapithapong iyon. Mula sa bakod ng bahay sa kabilang kalye na
malapit sa restawran, isang malaking asong nanghahabol ng pusa ang biglang tumalon
habang malakas na tumatahol. Nagulat ang kabayo, umalma sa aso’t pusa, at
biglang nadapa. Tumama sa pulang Cadillac ang kaliwang poste ng kalesa at ang dulo
ng poste na gawa sa pinaitim na tanso ay sumira sa chromium at pintura,
samantalang ang nakausling bakal sa bubungan ng kalesa ay tumama sa bintana kaya
nabasag ang salamin.

Naalimpungatan ang natutulog na si Pak Idjo. Bumaba siya at tinulugang


tumayo ang matandang kabayo, at pagkaraa’y tumayo na lamang doon, nakatanga
habang hinihimas ang tuhod at ulo ng kabayo.

Nagulat sa ingay ng banggaan ang mga kumakain at nag-iinuman at


nagtatawanan sa restawran. Biglang tumayo si Raden Kaslan at sumugod sa kalye.
Galit na galit siya nang makita ang nasirang chromium at pintura ng kanyang kotse
at ang nabasag na salamin.

“Hoy, Tanga! Wala ka bang mata? Tingnan mo, winasak mo’ng kotse ko,
aaminin mo o hindi? Bayaran mo ito!” sigaw ni Raden Kaslan na galit na galit.

Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses, si Pak


Idjo ay walang iniwan sa isang taong inaatake ng malaria. Ang totoo’y may sakit
nga siyang talaga. Parang nakasabit na lamang ang tagpi-tagpi at maruming damit
sa napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang
kanyang namumula at nagluluhang mata.

Magsasalita sana siya, pero hindi lumabas sa kanyang nangangatog na mga


labi ang boses niyang nangingig sa takot at sa pagdurusa. Patuloy lamang ang mga
kamay niya sa paghimas sa ulo ng kabayo.

Galit na galit na pinagmasdan siya ni Raden Kalsan bago ito nagbaling ng


tingin kay Fatma, na mamahalin at marangya ang ayos, saka tumingin uli sa nawasak
na kotse, at lalo pang tumindi ang kanyang galit.

“Ipapupulis kita! Idedemanda kita! Babayaran mong lahat ang nawasak na ito.
Tingnan mo!” at padarag na itinuro ang chromium sa pinto ng kotse “at ito” sabay
turo sa bahaging nabakbak ang pintura “at ito pa” at sinipa ang isang pisarong
basag na salamin. “Babayaran mong lahat ng ito, di kukulangin sa isa, dalawang
libong rupiah,” inangilan ni Raden Kaslan si Pak Idjo, na halos himatayin nang
marinig ang isa-dalawang libong rupiah, pero saglit lamang at nagkaboses din ito.
Paiyak itong nagsabi ng: “Alam ko pong ako ang me kasalanan, Tuan, pero patayin
n’yo man ako, ala akong ibabayad. Pobre po ako. Mabuti pa ngang patayin n’yo
nalang ako!” patuloy ang kamay sa paghimas sa ulo ng kanyang matandang kabayo.

Dinilaan ng kabayo ang kamay ni Pak Idjo, parang humihingi ng tawad sa


kanyang pagkakasala. Nang marinig ang sinabi ni Pak Idjo, lalong nagalit si Raden
Kalsan. Tumalikod itong walang kibo saka bumalik sa restawran at doon tumelepono
sa pulis-trapiko.

Maraming nag-uusyuso sa kalye; patuloy si Pak Idjo sa paghihimas sa ulo ng


kabayo, at nang bumalik si Raden Kaslan at sinabing “Huwag kang tatakas.
Tumawag ako ng pulis,” siya, kasama ng kabayo, ay libong beses na namatay at
humarap na sa lahat ng apoy sa impiyerno, hanggang dumating ang mga pulis sakay
ng kanilang umaangil na motorsiklo, tulad ng tunog ng mga baril na pumapatay.

MAGTULUNGAN TAYO!
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay
naging malinaw na sa iyo ang tungkol sa pagkabuo ng nobelang Noli Me Tangere.
Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong
pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain.

Hatulan Mo….

A.Sagutin ang mga sumusunod na tanong kaugnay sa nabasang Kaligirang


Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Isulat sa sagutang papel.
1. Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang nobela?
2. Sino – sino ang tumulong kay Rizal habang at pagkatapos maisulat ang nobela?
3. Ano – ano ang mga pangunahing layunin ni Rizal sa pagsusulat niya ng nobelang
Ito? Masasabi mo bang nagtagumpay siya sa mga layuning ito batay sa kalagayan
ng bansa at mga Pilipino sa ngayon?
4. Ano – anong mga pagtitiis at paghihirap ang naranasan ni Rizal habang isinusulat
niya ang Noli Me Tangere?
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na magsulat ng isang nobela, kagaya rin ba ng
nobela ni Rizal ang iyong isusulat? Oo o Hindi, pangatwiranan ang iyong sagot.

MAGAGAWA MO!
Oh ,siya ,ngayon tingnan natin kung ano na ang nalaman mo tungkol sa
ating aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba?”

TAYAIN NATIN…..
A. Panuto: Tukuyin ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng kahon ang mga kontekstuwal na
pahiwatig.
naglakas-loob 1. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang mga maling
Sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa.
kasamaan 2. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol
ang nagtulak sa kanyang lumikha ng pagbabago para sa
bayan.
Isiniwalat 3. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro
Ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Paghihirap 4. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng paghihirap
at pang-aabuso ng mga dayuhan sa bansa.
mailantad 5. Sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere sa paglalayong
maisiwalat ang kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol
at gisingin ang natutulog na damdamin ng kanyang mga
kababayan.
B. Panuto: Tukuyin ang layuni o dahilan ng may-akda kung bakit niya isinulat
ang Noli Me Tangere batay sa pahayag na kanyang winika. Piliin ang iyong
sagot sa hanay B. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
A B
___1. Ang kanyang layunin kung a.Upang maipakilala ang karuwagan
bakit pinangahasan niyang gawin ng mga Pilipino
ang di napangahasang gawin ng
sinuman b.Upang sagutin ang mga
___ 2. Dahilan kung bakit itinambad paninirang loob na matagal nang
niya ang mga pagpapaimbabaw ng panahong ikinulapol sa mga Pilipino
balatkayong relihiyon
___ 3. Dahilan ng pag-aangat ng c.Upang maipakita kung ano ang
tabing na kumakanlong sa maling nasa likod ng mga madaya at
Sistema ng pamamalakad ng mga nakasisilaw na pangako ng
Espanyol pamahalaan
____ 4. Dahilan kung bakit nais
niyang ipainawa sa kanyang mga d.Upang ipabatid na relihiyon ang
kababayan ang kanilang kahinaan at nagpapahirap at nagmamalupit sa
kapintasan mga Pilipino
____ 5. Dahilan kung bakit
ipinakilala niya ang kaibahan ng e.Upang matigil ang paggamit ng
tunay at di-tunay na relihiyon Banal na Kasulatan bilang
instrument ng paghahasik ng
kasinungalingan upang malinlang
ang mga Pilipino

C. Panuto: Lagyan ng tsek () ang mga kahong naglalahad ng mga kondisyon noong
panahong isinulat ni Jose Rizal ang akdang Noli Me Tangere. Sa patlang ay sumulat
ng isang patunay na umiral o nangyari nga ang kondisyon o sitwasyong nilagyan mo
ng tsek () sa kasalukuyan.
1. Makapangyarihan ang balatkayong relihiyong nagpapahirap at nagmamalupit sa

Mga Pilipino.
Patunay:___________________________________________________________
2. Mahigpit ang sensura kaya’t hindi pinapayagang mailathala ang mga sulating
Tumutuligsa sa pamahalaang Espanyol.
Patunay:___________________________________________________________
3. Umunlad at bumuti ang kalagayan ng mga Pilipino dahil sa paraan ng
Pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Patunay:___________________________________________________________
4. Malayang nakapagpahayag ng damdamin ang mga Pilipino lalo na ng kanilang
mga hinaing laban sa mga Espanyol.
Patunay:___________________________________________________________
5. Nagsisimula nang mag-alsa at lumaban ang mga Pilipino dahil sa pagmamalupit
at pag-aabuso ng mga Espanyol.
Patunay:___________________________________________________________
D. Panuto: Magbigay ng paglalarawan sa kondisyong panlipunan bago at matapos
isinulat ang akda.Gumamit ng Diagram sa paglalahad.

Kondisyong panlipunan bago naisulat Kondisyong panlipunan pagkatapos


ang nobela maisulat ang nobela
RUBRIKS sa Pagwawasto

Bilang Punto
s
1. Angkop ang mga salitang ginamit sa 5
paglalarawan
2. May pag-uugnay sa kasalukugang pangyayari 10
3. Malinaw at nakapupukaw ng interes 5
kabuuan 20

You might also like