You are on page 1of 2

GAWAIN 3.

Paglinang ng Talasalitaan
1.Ano ang kahulugan ng "Sa edad ng dalawampu't isa, isinugo ang buhay."?
Sagot-Ang pangungusap na, "sa edad ng dalawampu't isa, isinugo ang buhay," ay literal na tumutukoy sa
pagkamatay ng isang indibidwal na may edad na dalawampu’t isa (21 years old). Sa pangungusap na
nabanggit ang pinakamahalagang kataga ay ang salitang “isinugo” na mayroong literal na kahulugang,
isinuko o inialay.
2.Ano ang kahulugan ng sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga?
Sagot-Marahil ang ipinapahiwatig ng mga usok sa umaga ay ang kalabuan at mga suliraning nakaharang
agad sa isipan pagkagising pa lamang sa umaga.Kasalungat ito ng isang maaliwalas at maliwanag na
umaga na siyang sumasalaminsa isang umagang maganda. Ang pangungusap na “gitna ng nagaganap na
usok sa umaga” ay makikita sa akdang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya.” Ang elehiya ay isang likhang
poesya na umaalala, o nagluluksa sa pagkamatay ng isang tao. Karaniwan itong malungkot o kaya naman
isinulat upang purihin ang namaalam.
3.Ano ang kahulugan ng walang katapusang pagdarasal?
Sagot-Ang walang katapusang pagdarasal ay maaaring nangangahulugan ng mataimtim na pagdasal. Ang
pagkakaroon ng labis na kagustuhan ang kadalasang nagtulak sa tao upang magdasal ng walang patid o
walang humpay. Pinaniniwalaan ng karamihan na ang pagdasal ng taimtim ay magbubunga ng
positibong resulta.
4.Ano ang kahulugan ng mga matay nawalan ng luha?
Sagot-Ang ibig sabihin ay lumipas na ang kalungkutan at natangap ang katotohanan.
5.Ano ang kahulugan ng malungkot na lumisan ang araw?
Sagot-Ang kahulugan nito ay may isang mahal sa buhay na malungkot na lumisan.
GAWAIN 4. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
1.Ano ang tema na binasa?
Sagot- Ang tema ng tulang elehiya sa Kamatayan ni Kuya ay pamamaalam at kalungkutan. Pamamaalam
ng isang ina sa anak at kalungkutan mula sa pagkawala ng minamahal na anak. Mababasa mo sa bawat
linya sa akda na labis ang pagkalugmok at panghihina ng isang ina dahil sa pgkamatay ng kanyang anak.
2.Paano ipinadama ng may akda ang labis niyang pagdadalamhati sa tula?
Sagot- Sa pamamagitan ng pagsalaysay ng padamdam ng may-akda tungkol sa buhay ng kanyang kuya,
ang trahedyang pangyayari, at ang pag-iwan ng ala-ala niya sa mundong ito
3.Ibigay ang nais ipahiwatig ng bawat saknong ng binasang akda?
Sagot- Ang nais ipahiwatig ng mga saknong sa Elehiya sa Kamatayan ni Kuya ay ang kanyang labis na
pagkalungkot sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na kapatid. Patuloy niyang naaalala ang mga
bagay na hindi niya matanggap na pumanaw na ang kanyang kapatid.
4.Bakit mahalaga sa sumulat ng tula ang mga alaalang iniwan ng kanyang kapatid?Ganito rin ba ang
pagtuturing mo sa mahal mo sa buhay?
Sagot-Oo mahalaga dahil dito niya maaalala ang kanyang kuya. At ang mga magagandang alaala nila
habang siyay nabubuhay pa.
5.Ano ang mga simbolo o sagisag ang ginamit sa akda?
Sagot- Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos sa gitna ng
nagaganap na usok ng umaga malungkot na lumisan ang tag-araw sa pamamagitan ng luha, naglandas
ang mga naikwadradong larawang guhit, poster at larawan.
6.Kung ikaw ang may akda paano mo ipadarama ang pagmamahal mo sa isang tao?
Sagot- Gagawa din ako ng isang tula o istorya tungkol sa kanya o kanta para maipadama ko ang
pagmamahal ko sa kanya.
7.Ano ang gagawin mo kung sakaling mawawalan ka ng mahal sa buhay?
Sagot- Sa una syempre malulungkot at magdadalamhati, ngunit sa kalaunan kailangang tanggapin na
wala na siya/sila, at kailangang magpatuloy na harapin ang buhay.
8.Paano mo magagamit sa yong buhay ang mga aral at mensaheng hated ng elehiya?
Sagot- Magagamit ko itong mga aral na ito bilang gabay sa pagmamahal ng mga mahal sa buhay at sa
mga namayapa na.
9. Paano naiiba ang ilehiya sa iba pang uri ng tula?
Sagot- Ang elehiya ay isang akda na naglalahad ng damdamin o paggunita sa isang may buhay na
namatay. Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan tungkol sa kamatayan ng isang may-buhay. Ito ay
naiiba sa ibang uri ng panitikan dahil sa akatangian nito-tula ng pagnanangis at sa himig nitong matimpi
at mapagbulay-bulay o mapagmuni-muni. Ang elehiya ay isang tulang di masintahin.
10.Anong uri ng teksto an gang binasang akda?Patunyan.
Sagot- Ang elehiya sa Kamatayan ni Kuya ay isang uri ng akdang tula na may kakaibang katangian. Ito ay
isang tulang may pagnanangis at pagdadalamhati. Kadalasan, ito ay ginagamit sa pagbibigay mensahe o
gunita sa isang taong sumasakabilang-buhay na.

You might also like