You are on page 1of 1

10 Mga halimbawa ng salita na may literal at metaporikal na kahulugan

1) Giyera (literal) digmaan

(metoporikal) away, halimbawa: Gera na naman yang mag asawa mamaya.

2) Pagong (literal) isang uri ng hayop na kabilang sa pamilya ng Reptile. Ito ay mayroong matigas
na talukap o “shell”. (turtle)

(metoporika) taong mabagal gumalaw.

3) Anay (literal) uri ng insekto na kumakain ng kahoy at sumisira ng bahay.

(metoporikal) ito ang tawag sa taong sumisira ng samahan gaya ng pamilya at organisasyon.

Halimbawa: Simula noong naging kaibigan ng tatay yang taong yan, nagkagulo-gulo na tayo,
nasira na ang samahan nating magpapamilya.

4) Linta (literal) isang uri ng uod na kumakapit sa katawan at sumisilsil ng dugo ng tao o hayop
(parasitic leech)

(metoporikal) Isang tao o organisasyon na nabubuhay sa pamamagitan ng pananamantala sa


ibang nagpapakaahirap.

Halimbawa: Maghanapbuhay ka naman, nandito ka lang kumakain, para kang linta!

5) Apog (literal) ay ang tinatawag na “Agricultural lime” na gamit sa bukid.

(metoporikal) isang taong hindi marunong mahiya.

Halimbawa: makapal talaga ang apog niyan, handi na nagbabayad matapang pa.

6) Demonyo (literal) “the fallen angel” kalaban ng Diyos.

(metoporikal) isang salbaheng tao, o masama ang ugali.

7) Buwaya (literal) uri ng “reptile” na mabangis at may kakayahang kumain ng tao.

(metoporikal) taong sakim at ninanais mapasakanya ang lahat.

8) Anghel (literal) kasama ng Diyos sa langit.

(metoporikal) taong mabait at maganda ang pag-uugali.

9) Labanos (literal) isang uri ng gulay na ugat na kulay puti.

(metoporikal) babaeng maputi ang balat.

10) Daga (literal) isang uri ng mammal na kabilang sa “rodent family”. (mouse and rats)

(metoporikal) ang mag-asawang madami ang anak o kayay sunod sunod ang panganganak.

Ahas : taksil o traydor


bagyo:problema
makapal ang bulsa:mayaman o maraming pera
makati ang dila:tsismosa o madaldal
langit:payapa o kaginhawaan
impiyerno:hirap o pasakit

You might also like