You are on page 1of 6

Ikatlong Sesyon – Paglinang

I. A. Kompetensi:
F9PT-IIIg-h-54
Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong pinaggamitan.
B. Layunin
a. nabibigyang kahulugan ang mga piling salita sa kuwento;
b. nakapagbibigay ng mga gintong aral na napulot sa kuwento; at
c. nakagagawa ng larawang buhay ng pinakanagustuhang pangyayari sa
kuwento.
II. Nilalaman
A. Paksa:
Rama at Sita ni Rene O. Villanueva
B. Sanggunian:
Panitikang Asyano 9
C. Kagamitan:
tisa at pisara, makukulay na papel, Powerpoint presentation
D. Istratehiya:
Pagtatanong, Pagpapanood, Larawang Buhay,

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral Rekomendasyon


Pagdarasal
Pagtatala ng mga lumiban
Kaayusan ng klasrum

A. Paghahanda
Bago tayo mag-umpisa
sa ating talakayan
ngayong araw na ito,
magbalik-tanaw muna
tayo sa kung ano tinalakay
o ginawa natin kahapon.
Ano ulit ang tinalakay Ma’am, ang tungkol po sa
natin kahapon? mga kultura at tradisyon
ng bansang India.
Tama! Ito ay tungkol sa Ma’am, ang kanilang
kultura at mga tradisyon relihiyon po.
ng bansang India.
Magbigay ng isang
halimbawa, klas.
Mahusay! Ngayon naman,
atin nang ituloy ang
talakayan. Ngunit bago
iyon, nais ko munang
pumikit kayo.
Isipin ninyo ang mga
taong mahal ninyo sa
buhay. Pagkatapos ay
mag-isip kayo ng
maaaring dahilan na sila
ay mawawala sa inyong
piling.
Ngayon, magbahagi sa (Pagbabahagi)
klase.
Ang inyong ginawa ay Rama at Sita po, Ma’am.
may kaugnayan sa ating
paksa sa araw na ito. Ano
ang paksa natin, klas?
B. Paghahabi ng
Layunin
Ngunit bago iyan, klas,
narito muna ang mga
layunin na dapat nating
makamit sa araw na ito.
Sabay-sabay nating
basahin.
a. nabibigyang kahulugan
ang mga piling salita sa
kuwento;
b. nakapagbibigay ng mga
gintong aral na napulot sa
kuwento; at
c. nakagagawa ng
larawang buhay ng
pinakanagustuhang
pangyayari sa kuwento.
C. Pagtalakay
Bago natin tunghayan ang
kuwento nina Rama at
Sita, atin munang alamin
ang kahulugan ng mga
piling salita sa kuwento
upang mas mapadali ang
pag-unawa natin dito.
Hulaan ninyo ang mga IKULONG
kahulugan ng salita sa
mga pangungusap na
aking babasahin.
1. Bihagin mo si Sita
NAGKUNWARI
upang maging
asawa mo.
2. Nagpanggap si KINUHA
Ravana bilang isang
paring Brahman.
3. Hinablot ni Ravana NAPAPAYAG
ang mahabang
buhok ni Sita.
4. Nakumbinsi ni
Maritsa si Ravana BITAG
kaya umisip sila ng
ibang paraan.
5. Gumawa sila ng
patibong upang
mabihag si Sita.
Ngayong alam na ninyo
ang mga kahulugan ng Malinaw po, Ma’am.
talasalitaan, atin nang
talakayin ang kuwento.
Upang mas mapadali ang
inyong pag-intindi sa
kuwento, mayroon tayong
papanooring video. At
habang nanonood,
mayroong mga gabay na
tanong kayong sasagutin
upang mas mapadali ang
ating talakayan. Malinaw
ba, klas?
Mga Gabay na Tanong:
1. Paano nagkakaiba ang
mga katangian ng bawat
tauhan?
2. Paano pinatunayan nina
Sita at Rama ang kanilang
pagmamahalan?
3. Makatotohanan ba ang
kanilang ginawa upang
patunayan ang kanilang
pagmamahalan?
4. Bakit ayaw labanan ni
Maritsa ang magkapatid
na Rama? Ang paglaban
ba ay hindi naaayon sa
pilosopiya ng India?
5. Isa-isahin ang mga
pangyayaring nagpakita
ng kababalaghan.
6. Isa-isahin ang mga
pangyayaring nagpakita
ng kabayanihan ng
tauhan.
7. Ipaliwanag at bigyang
patotoo ang pilosopiya ng
India na pinagpapala ng
Diyos ang maganda,
matalino at kumikilos
nang naaayon sa lipunan.
8. Ano ang mga kulturang
Asyano ang makikita sa
binasa?
9. Ihambing ito sa kultura
ng bansang Pilipinas.
10. Ang ang gintong aral (Panonood ng video)
na mapupulot sa
kuwento?

(Panonood ng video)
Ma’am, may masasama po
Ngayon, atin nang sagutin
at mabubuting tauhan.
ang mga gabay na
tanong:
Hindi po nila pinabayaan
1. Paano nagkakaiba ang
ang isa’t isa.
mga katangian ng bawat
tauhan?
Opo, Ma’am. Dahil hindi
po nang-iwan ang kahit isa
2. Paano pinatunayan nina sa kanila.
Sita at Rama ang kanilang
pagmamahalan?
3. Makatotohanan ba ang Dahil alam niyang
kanilang ginawa upang matatalo siya.
patunayan ang kanilang
pagmamahalan? Bakit?

4. Bakit ayaw labanan ni


Maritsa ang magkapatid Ma’am, ang pagkukunwari
na Rama? Ang paglaban nina Ravana at Surpanaka.
ba ay hindi naaayon sa
pilosopiya ng India?
Iniligtas po niya si Sita sa
5. Isa-isahin ang mga kamay ng kalaban.
pangyayaring nagpakita
ng kababalaghan.
(Pagpapaliwanag)
6. Isa-isahin ang mga
pangyayaring nagpakita
ng kabayanihan ng
tauhan.

7. Ipaliwanag at bigyang
patotoo ang pilosopiya ng Ma’am, ang pagiging tapat
India na pinagpapala ng sa kapatid at kasintahan.
Diyos ang maganda,
matalino at kumikilos
nang naaayon sa lipunan. (Paghahambing)

8. Ano ang mga kulturang


Asyano ang makikita sa Huwag na huwag
binasa? pababayaan ang
minamahal upang hindi ito
9. Ihambing ito sa kultura mawala.
ng bansang Pilipinas.
Opo, Ma’am.
10. Ano ang gintong aral
na mapupulot sa
kuwento?

Naiintindihan na ba ninyo
ang kuwento ng Rama at
Sita, klas?
D. Paglinang ng
Kabisaan
Ngayon, upang makita
kung talagang
naintindihan na nga ninyo
ang kuwento, nais kong
pumunta kayo sa inyong
mga grupo.
(Pagsasagawa ng
Narito ang panuto: aktibidad)

Pumili ng isang
pangyayari na lubos
ninyong nagustuhan.
Gawan ito ng larawang
buhay o tableau.
(Pagsasagawa ng
aktibidad)

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

AYA JESSA MAE C. ZACARIAS Petsa: Nobyembre 9, 2017


Gurong Nagsasanay

GNG. RHODA C. CHAN DR. MAGDALENA R. JAPSON


Gurong Tagapagsanay Gurong Tagapagmasid

You might also like